Laking pasasalamat ko sa mga sumusunod
sa mga taong mahal ko at nagmamahal sa akin (mwah!) sa mga taong nakakaranas ng paminsan-minsang bugso ng aking moods ngunit patuloy sa pag-unawa sa mga taong kinukulit ko at ayaw kong tantanan (pasensiya na po…) sa mga taong mahal ko ngunit nakapagdulot ng lungkot sa aking buhay (maghintay kayo ng karma…) sa mga taong kinaiinisan ko dahil inis din sila sa akin (what you sow is what you reap!) sa mga taong minamaliit ang aking kakayahan (ako lang po ang maliit at di ang abilidad kong makagawa) sa mga taong naniniwala sa aking kayang gawin at makamtan (tnx talaga!) sa mga taong nangingialam sa buhay ng may buhay (in Filipino slang, mga pakialamera!) sa mga taong walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid (in short, deadma ang drama sa buhay) sa mga totoong tao, taong nagpapaka-tao at mga hayop na nagbibihis-tao sa mga taong patuloy na nagmamahal, nabubuhay at sumasamba sa Poong Maylikha.
Salamat din
sa mga pangyayari sa aking buhay – bangungot, saya man o lumbay sa mga bagay na aking nakikita – totoo man o halusinasyon lamang sa mga bagay na aking naririnig – nakakasama man o nakakabuti sa mga bagay na aking niyakap – mga paniniwala, prinsipyo’t paninindigan sa mga librong aking nabasa, at sa kanilang mga manunulat na iniidolo ko (patawad kung may mga linya kayong aking kinopya, hindi ko po ito inaari, pagpapatunay lamang po ito na ang inyong mga kaisipan ay kapaki-pakinabang…)
Karagdagang pasasalamat din
sa mga pagkaing nagbibigay lakas sa aking pisikal na katawan, sa mga pananalitang nagbibigay liwanag sa nag-aagam-agam kong kaisipan sa mga musikang nagpapagaan sa malulumbay kong araw (kahit paulit-ulit ko itong pinakikinggan) sa mga tawanang aking naririnig at nagdudulot ng saya sa aking puso sa mga magaganda at di-kaiga-igayang mga nilalang na aking nakikita (di ko po kayo kinukutsa, kayo ay living proof ng tinatawag na unity in diversity) sa mga problema ng lipunang pilit pinagtatakpan, ngunit parang basurang nakasusulasok kung sumingaw (literal man o tayutay) sa mga agiw ng bayan na patuloy sa pagnanakaw, pangongotong, pangungurakot at pagpatay sa kabuhayan ng kapwa Pilipino (mahiya naman po kayo sa mga sarili niyo) sa mga delubyong kung makabanat ay tila walang umagang sisilay sa bawat nilalang sa lupa, apoy, hangin, tubig – mga elementong patuloy sa pagbuhay sa bawat himaymay ng aking pagkatao, ng ating pagkatao, sa kabila ng pag-abuso ng ilan sa ating walang magandang inisip kundi ang sariling kapakanan…
Ang bawat letrang nakalimbag sa aklat na ito (i mean virtual book - still a book in the making)ay utang ko sa inyo – mga tao, bagay, hayop, kaganapan, kaisipa’t damdamin, kayo ang inspirasyon ko, ang nagbigay katuparan sa aking simpleng pangarap.
Higit sa lahat, pasasalamat na walang-hanggan ang iniaalay ko sa Inyo, aking Ama, ang aking Panginoon na Maylikha sa lahat ng ito – mga tao, bagay, hayop, kaganapan, kaisipa’t damdamin… ibinabalik ko ng sandaang maka-ulit ang Inyong pagpapala sa kagandahan ng misteryo ng buhay na Inyong hinabi para sa simple Ninyong taga-sunod… AKO.
|
At sa sumunod na pasukan, ako’y naging grade 3. Pagkalipas ng isa pang taon, grade 4, pagkatapos ay grade 5 at grade 6…
Taun-taon, iba’t ibang teacher pero pare-parehong mga mukha ng mga bata dahil ang sectioning sa school namin ay according to your average grade. Kaya’t kung matalino ka at nagtatali-talinuhan, nasa section 1 ka parati, gaya ko… alin sa dalawa?... sa pangalawa ako.
Pagkat kung ako ang tatanungin mo ng simpleng katanungang ito: “May natutunan ka ba?” Baka mapahiya ka lang. I mean, mapahiya lang ako. Dahil bukod sa addition, subtraction, multiplication at division, wala na akong maalala. Ni hindi ko namalayang nag-square rooting pala kami. Na ang pangngalan at panghalip pala ay noun at pronoun ang katumbas sa Ingles. At kung alam ko man gamitin ang mga parts of speech na nabanggit, iyon ay dahil nagmamarunong lang ako.
Ni hindi ko rin maalala na nanginginig ako tuwing Science namin dahil ang teacher laging may dalang flashcards (akala niyo sa Math lang useful ang flashcards, well, diyan kayo nagkakamali…). Ang nilalaman ng flashcards ay ito: cartilage, bone marrow, red corpuscles, white corpuscles, platelets, ligaments, tissues, organs, joint, etc… etc… at ang pinakahuling nilalaman ng flashcards – “ice candy 4 sale!”.
Hayun! It’s all coming back to me now… kaya wala akong maalala, inaabot pala sa akin ang huling flashcard kasama ng isang maliit na cooler para di lang dalhin sa canteen, kundi para bantayan sa canteen at maglako sa mga batang nagkakandarapa sa tubig na may iba’t ibang kulay (in short, walang lasa… just plain water... “Just lick it you fools!”, gusto kong isigaw noon pero wala pa sa bokabularyo ko ang mga nasabing English terms kaya in the end, enjoy lang ako sa pagtitinda…).
Minsan nga, di na umaabot sa canteen ang mga ice water, eh. Sa classroom pa lang, ubos na. Enjoy pa rin ako. Di ko alam, marami na palang nawawala sa aking kaalaman. And before I knew it, di ko na alam na ang “ligaments” ay white cord-like band of tough fibrous tissue that connects bones or cartilage at a joint.
“Eh bakit alam mo naman ngayon?”, ang maaaring sumunod mong itanong.
Simple lang ang kasagutan diyan. May naka-install na Encarta dictionary ngayon sa gamit kong computer kaya tiningnan ko na lang, copy and then paste. So easy, di ba?
Ano? Hihirit ka pa?
Ako, meron pa… heto ang matindi. “Class, bring animal manure tomorrow or else you’ll get zero in your class standing.”
Pag-uwi ko, sigaw to the max ang beauty ko, “Lolo, kunan niyo naman ako ng tae ng mga animals.” Kandarapa ang lolo niyo. May dala-dalang bakanteng sako ng bigas, pala at panali sa sako. Meryenda galore ako habang hinihintay ang pagbabalik ni lolo.
Bago mag-orasyon, heto na siya (remember, bawal ang ma-late sa pag-uwi! You should be home before the orasyon begins…). Hinihingal. Malayo raw kasi ang narating niya para mamulot ng echas ng hayop. “Huwag ka ng mag-alala”, dagdag pa niya, “nakalagay na sa sako sa harap ng bahay ang projek mo. Isasakay na lang sa tricycle bukas.”
Then orasyon follows, dinner, then listen to the dramas on the radio, konting kuwentuhan and off we go drifting through dreamland…
Kinaumagahan, of course agahan, ligo, bihis antay ang tricycle, then off we go to school with the sock of pupu. Pagdating sa school, kanda-kuba pa sa bigat ng mga echas ang driver ng aking service na tricycle habang pasan-pasan niya ito papunta sa likod ng aming classroom kung saan nakatambak na rin ang ilang sako ng nagbabanguhang echas malapit sa aming nursery.
To cut the story shorter than I wanted to (kasi nga di po ba, pinapahaba ko itong libro ko to be… pero for your sake para di kayo gaanong ma-bore, pinapa-ikli ko against my will…), pagdating ng hapon, TLE namin or Technology in Livelihood Education, pinapila kami ng aming titser sa may nursery. Isa-isa, pinapakita namin ang aming mga dalang projek habang si titser ay nakahawak sa kanyang class record.
“Maria, nasaan ang animal manure na dala mo?”
Medyo nagulat pa ako nang tawagin ang pangalan ko. Lapit ako sa aking sako na may malaking tatak ng pentelpen – MARIA. Binuksan ko ang sako at umalingasaw ang nakaririmarim na krimen na aking dala-dala…
“Maria! Animal manure. Hindi mo ba alam ang paggagamitan ng animal manure na pinapadala ko? Para sa mga halaman. Para maging pataba sa lupa. Upang mabuhay ang mga halamang itatanim natin. Hindi para patayin ang mga halaman!”, nanlilisik ang mga mata ng aking guro.
Uwian na pero di ko pa rin alam kung bakit ganon na lamang ang galit na ipinakita ng aking guro sa aking projek. Bakit, animal manure naman ang pupu ng baboy at manok, di ba?
“Di ba? Anong mali sa dala ko?”, maluha-luhang tanong ko sa aking clasmeyt na patuloy pa rin sa pagtawa.
“Eh Maria, tae ng kalabaw ang nararapat na dinala mo. Iyon ang magandang gamiting pampataba sa lupa. Ang baboy at manok manure ay mainit. Lalo mong papatayin ang mga halaman. Ang init na nga dito sa atin!”
Huwwwwaaaaaahhhhhh!!! Ongek-ongek-ongek!
Di lang ako napahiya. Zero pa ako sa class standing ko… si lolo kasi, eh!!!
Now, perhaps you’re getting the chill of it… kaya ako nasa section 1 dahil sa totoo lang… nagmamarunong talaga ako. Tsk! Tsk! Tsk! |