| Posted: Oct.01.2010 @ 9:45 am |
|
Labo yata ng titulo ng blog entry na to.
Gusto ko lang sabihin na ang simbahan o ang mga namumuno dito (katulad ng mga taga-CBCP) ay hindi dapat palaging nangingialam (lolz) sa politika. May malaking responsibilidad na ang simbahan para sa pagpapakalat ng nilalaman ng bible. Hindi pa ba sapat ito to keep them busy considering na subra subra na ang laki ng populasyon ng ating bansa? At wala pa rin silang balak tumulong sa pag-educate sa ating mga kababayan kung paano ang epektibong pag-control ng wala sa planong paglaki ng populasyon... na sa aking opinyon ay siyang ugat ng kahirapan sa Pilipinas... na maaaring mas malala pa sa corruption.
Common sense kasi... kung ang paglaki ng isang pamilya ay mas mabilis sa pagtaas ng sahod ng tatay at nanay, malamang makakaranas ng paghihirap ang pamilya. Hindi lang ang mga magulang na kumakayod kundi pati na rin ang mga anak na hindi mabigyan ng sapat na pangangailangan para maihanda sila sa kanilang hinaharap. Ganun din sa bansa. Kung ang dami ng mamamayan ay mas mabilis sa paglago ng ekonomiya, hindi lang ang mga nasa pwesto sa govierno ang mahihirapan mag manage ng resources para sa buong bayan kundi pati na rin ang mga mamamayan na mas marami ang tamad kesa sa nagsusumikap. Isa pa rin yan sa dahilan ng kahirapan bukod sa malaking populasyon at kawalan ng edukasyon. KATAMARAN! Pero ibang usapan na yan.
Kaya sana naman tigilan na ng mga taong nagtatago sa kapangyarihan ng simabahan ang pangingialam sa Reproductive Health Bill. |
|
| 17 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Apr.17.2010 @ 10:23 pm |
|
Magkulang na sa magulang, huwag lang sa iyong biyenan!
Para sa mga may balak magpakasal diyan, read this! Tanggapin na kasi natin na palaging package deal ang pagpapakasal sa isang Filipina bride. Palaging may excess baggage wika nga sa dilang talipandas. Tuwing mamamahagi ng grasya unahin sa listahan ang biyenan. Kalimitan naman sa sariling magulang natin ay maunawain at lubos na mahaba ang pisi. Sa mga kababayang nagta-trabaho abroad, tuwing magbubukas ng 'balikbayan box' kailangan isa sa pinaka-bongga ang kay mother-in-law. Dapat may marlboro o kaya ay dyani walker si father-in-law. Haixt!!! |
|
| 11 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Apr.17.2010 @ 9:19 pm |
|
Sarap din talaga ng lutong bahay kumpara sa fast food at canned foods. Depende rin naman sa kung paano niluto at kung masarap talaga ang pagkakaluto. Kanina ay nakipananghalian ako sa pamilya ng aking kasambahay na dumating kagabi dito sa Singapore. Malinamnam ang sabaw at ang isda ay pres na pres. Binili daw ni Kuya Nat sa Pres Pis Stall sa Yew Tee kaninang bukang liwayway.
Kumpleto ang pamilya ni Kuya Nat kaya masayang masaya sya. Sabi nga nya may tagaluto na bwahahaha. Sarap din naman talaga ng sinigang ng pula-pula. Di ko alam kung anong isda yun. Pati naman sila kaya nag-imbento na lang ng pangalan. Natinik nga lang ako sa pagmamadali dahil sa nasa kalagitnaan ako ng DOTA game. Certified adiK with a capital K na ako.
Ayan nami-miss ko tuloy ang sarili kong pamilya sa Pilipinas. Gusto ko na naman umuwi. Hindi na makapag hintay sa susunod na iskedyul ng paglipad. Less than a month na lang. Makakatikim na rin ako ng lutong bahay sa Muzon. Yummy! |
|
| 19 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Apr.11.2010 @ 11:10 pm |
|
Mabilis natapos ang dalawang linggong pahinga ko sa lupang hinirang at heto na na man ako at muling babalik sa Singapura para kumayod.
Limpak limpak na butil ng pawis ang lumabas sa aking katawan dahil sa init ng panahon at sa init ng ulo dahil sa sobrang alikabok at lalo na dahil sa kahit saan ako lumingon ay mukha ng mga pulitiko ang aking nakikita. Mga ungas sila! Dagdag kalat at basura lang ang karamihan sa mga campaign materials na sobrang kukulay at sobrang makabayan ang tema na talaga namang may background pa ng bandila ng Pilipinas habang nakasuot ng La Coste at nakasalamin ng Palin Midnight.
Isa pang nagpainit sa bayang magiliw ay ang usapan sa politika dahil nga sa malapit na ang pambansang eleksyon. Usapan sa kalye, usapan sa mall, usapan sa plaza, usapan sa palengke, usapan sa paradahan ng tricycle, usapan sa radyo, pahayagan, internet at sa telebisyon. Mga islogan ang gamit at kanta na iniba ang titik. Puros pambobola. Mas maganda siguro kung ang plataporma nila ang ipahayag gayun mas malalaman ng publiko ang kanilang balak ipatupad at gawin kung maupo sa pwesto. At malaman din ng tao ang dapat nilang bantayan at asahan sa kandidatong mananalo.
Pati dito sa NAIA ang init. Hindi kaya ng aircon ang alinsangan. At pati dito sa departure card mukha ng politiko ang nakikita ko. Bwiset! |
|
| 8 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Feb.20.2010 @ 6:26 pm |
Ang mga sumusunod ay ang mga nakaraang pangyayari sa aking masaya, malungkot, magulo, makulit at maligalig na buhay:
- Nag noche buena sa isang Japanese resto sa takashimaya
- Nagpumilit at nakipag away sa web site ng singapore airlines para maka redeem ng ticker pauwi
- Nakatsamba ng free ticket pauwi siyam na oras bago ang takdang lipad ng saakyang panghimpapawid (natutuhan ko sa PAL at cebu pacific ang tagalog na ito)
- Nagdiwang ng bagong taon sa Muzon kasama ang ma mahal sa buhay habang sige sa pagtagay ng fundador, ayaw nila ng uwi kong whisky at vodka
- Binisita ang SM Rosario, ang liit lang ang cute cute parang wala lang sya
- Tinatamad na bumalik sa Singapore at nalaman ko na lamang ng natuklasan ng admin ang ginawa kong pagtakas, merong hudas sa opisina namin leche sya labasan sana ng uod ang titi nya
- Dalawang araw na nagliwaliw sa Bintan Lagoon Resort sa Indonesia. Masakit din konti sa bulsa at sa vocal chords napalaban ako ng karaoke sa mga lasing na kasamahan
- Bakbakan sa opisina
- Nakakilala ng tatlong vietnamese na guro na turista dito sa singapore, sinamahan namin ni pare sa sentosa para kaming sosyal na tourist guide
- Matagal na naghintay sa pagdating ni maylab at ian
- Nainip sa kakahintay
- Sa wakas dumating ang Feb 11, sinundo si maylab at ian sa changi airport
- Gala, kain, gala, kain, gala, kain, gala, gala, gala, gala, gala pa
- Nakalimutan ang camera sa pagpunta sa Night Safari kaya nagtyaga sa souvenir photos na $30 ang presyo
- Malungkot na hinatid sa changi airpor si maylab at ian matapos ang limang araw na kanilang pagbisita sa akin, bitin
- Nagdalawa, tatlo,apat, lima at anim na isip kung ipagpapatuloy pa ang blog na ito
- Nag inom mag isa kagabi ng wine habang naglalaro ng DOTA
Sa wakas nakapag sulat din ng blog entry
Na walang tuldok
Hanggang sa muli
Ang mga nabanggit ay nangyari mula 24-Dec-2009 hanggang 20-Feb-2010.
|
|
| 6 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Dec.14.2009 @ 3:15 pm |
Madaling araw ng ika-14 ng Disyembre ay ninakawan ang aming computer shop. Ubos lahat ng computers pati ang server ko. Dinamay pa ang digital camera na gamit namin sa pagkuha ng ID pictures. Mabuti na lang at ang mga kinita ng nakaraang araw ay naiuwi na sa bahay.
Walang puso ang mga magnanakaw na nanamantala sa amin. Bago pa lang kami nagsisimula halos tatlong buwan pa lang nag bukas ang aming computer shop. Nakakapanlambot ang nangyari. Marangal ka na naghahanapbuhay, nanakawan ka lang ng kababayan mo. Bakit kaya sa amin pa nangyari ang ganito? Hindi naman kami maramot sa tao. Sa ngayon pakiramdam ko ay napakahirap na bago ako magbigay ng tiwala sa kahit na sino pa. :( I am so depressed and sad.
|
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Nov.08.2009 @ 3:21 am | Lasted edited: Nov.07.2009 @ 12:25 pm |
Kakapagod kanina ang gala ko sa Sentosa. Daming pwedeng gawin pala sa lugar na yun. Pinaka paborito ko ay ang The Luge!!!
Kakapagod nga lang maglakad ng maglakad. Sige na nga nagustuhan ko rin ang libreng boso sa mga naliligo at nagtatan sa may Siloso beach.
Sayang lang at di ko nadala ang aking camera at ng nakapag kodakan sabay sabing 'Say SEX'. Kasawa na kasi 'Say cheese'.
Yun lang muna at ako ay manood muna Will Ferrell videos sa youtube. Zzzz |
|
| 16 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Oct.31.2009 @ 12:17 am |
Grand Opening kanina ng Yew Tee Point. Hindi naman sa nagsara sila or
kakabukas lang talaga. Nagkaroon kasi ng renovations sa mini mall at
nagdagdag ng mga atraksyon na pambata. Kaya kanina matapos kumain sa HK
Resto (na nagiging paborito na yata namin nina Ivan at Mark tuwing
Viernes) ay nanood kami ng mini concierto. Mahusay ang mga batang
tumugtog gamit ang kanilang mga kakaibang instrumento. Matapos nito ay
may umawit, sumayaw at umawit ulit ng duet at isang Malay na makay ko
kung ano ang kinakanta nya. Napanood din namin ang isang kakaibang
sayaw na ang mga dancers ay palagi lang nakangiti. Ang cute daw nung
nasa gitna sabi ni Ivan natipuhan pa yata.
Ang finale ng
concierto ay ang local orchestra ng Choa Chu Kang. Marami silang
tinugtog at mas lalong mas maraming kakaibang instrumento kabilang na
ang isang wind instrument na para daw isang building na makikita sa New
York ayon kay Ivan. Meron ding instrumento na mukhang hi-tech.
Pinupukpok ito at kung ano anong tunog ang lumalabas. Subalit kung
papakinggan mabuti ay para lang itong tunog tao. Yung tunog ba na
nagmumula sa bibig pag pinitik sa loob ng pisngi.
Nung matapos
ang concierto ay lumipat kami sa gitna ng mall para manood ng mamang
naka pink at nagmamagic. Ang dami nyang gimik at talaga namang pambata
lang ang magic nya. Sabi nina sir Fred ay kitang kita naman daw ang mga
tricks na inayunan ni Ivan at Mark. Dahil sa mabagal ang mga mata ko ay
di ko naman napansin yun. Sa katunayan ay aliw na aliw ako at
nagsisisigaw sa galak kasabay ng mga batang Singaporean. Sabi ko na
lang dahil free show naman tanggapin na lang na okay ang performance ng
magicman. Ayun natapos din mag magic at umuwi na kami ng busog at
maligaya. Dami ko yata nakain sa HK resto. |
|
| 10 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Oct.20.2009 @ 2:31 pm |
Muli akong nagbalik dito sa Singapore noong Viernes. Habol ako sa trabaho na dahil sa emergency leave ko ay naiwan. Nakakapanibago pa naman ang napa-assign na gawain sa akin kaya nag struggle ako at palaging pagod pag uwi sa bahay.
Bukod kasi sa paghabol sa schedule ay panibagong adjustment na naman sa gawain dito sa office. Malayong malayo kasi sa gawain sa construction job site katulad ng apat na taon kong binuno sa Indonesia. Tiyaga lang ako at konting dagdag na pagsisikap makakasanayan ko rin ang takbo ng trabaho dito sa Singapore. Sana mabilis akong makapag adjust.
|
|
| 9 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Oct.20.2009 @ 2:27 pm |
Matapos ang sampung araw ng burol ay naihatid na rin si tatay sa kanyang huling hantungan. Malungkot pa rin ang lahat sa pamilya. Medyo mabigat pa rin sa damdamin na tanggapin na wala na si tatay.
Kami ng kuya ko ay nakabalik na rin sa aming trabaho matapos mag emergency leave. Naiwan tuloy si nanay sa bahay na malumbay subalit buo ang loob na ipagpatuloy ang buhay sa tulong na rin ni ate, ni maylab at lahat ng nagmamahal sa aming pamilya. Unti-unti ay nakakaraos din. Tuloy ang buhay.
|
|