BrownMan Blog
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search  
Topics
Brownman's ABC
Brownman's Hirit
Business Pinoy
Iskul Bukol
Kalusugan
Kapuso
Kasabihan, Islogan, Salawikain, Atbp
Komiks
Kwentong Barbero
Limericks
My Top 10
OFW
OPM
Philippine History
Pinilakang Tabing
Politico
Random
Rise from the dead
Sports
Traditions, Customs, Culture
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In


Isa ka ba sa amin?

Filipiniana * FOB * Good News Pilipinas * I Love Cavite * Kwentong Tambay * Market Manila

Naic Cavite Online * Nostalgia Manila * Pi Omicron * Super Pasyal * Yabang Pinoy

CNSHS Batch 98 * WikiPilipinas * Brownman Home

Blog - Latest Entries
<< < | 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 | > >>
Sports > Go Pacquiao!
3 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.15.2008 @ 7:51 am

Pacman Vs. Marquez

MARQUEZ, 130; PACQUIAO, 129!

Excited na ako, katulad ng mahigit sa 80 milyon na Filipino, para sa laban ni Pacman kay Marquez bukas. Gustong gusto ko na nga matapos ang Sabado dahil isa ito sa pinaka-boring na araw dito sa Tangguh (well lahat naman ng araw boring dito) at ng makapanood na ng laban ng ating pambansang kamao. Bukas ay busy kami sa opisina kahit na Sunday dahil malapit na naman ang cutoff ng singilan dito sa mga trabahong nagawa. Pero kahit na hilahin ako ng boss ko na pumasok sa opisina eh hindi ako mapipilit. Siguro magpakita lang ako ng 2-3 hours sa umaga at pagkatapos ay takas na. Bukas ay talaga namang isa sa pinaka matinding Sunday na nga ang magaganap dahil sa hindi lang laban ni Pacquiao kundi bukas din ang pinaka-aabangan kong Melbourne F1 Grand Prix (first GP of the year shet! Go Ferrari) at syempre ang first meeting para sa aming CNSHS Batch '98 reunion. Anyway nalayo na ako sa topic about Pacman.


Two weeks before the fight nagsimula na akong maghanap ng makaka-pustahan. Dahil sa nakilala na ng mga Indonesians si Pacman wala nang gustong mag bet against him. Aba at ang siste pa ay sila ang naghahamon ng pustahan na para sila kay Pacquiao at ako daw para sa kalaban. Mygalibaw! Meron naman iba na ang gustong pustahan ay kung anong round mana-knock out si Marquez na ang dating ay parang pa-ending sa PBA. Masyado na talagang sikat si Pacman at maging ang mga Indons na ang alam lamang ay sumipa ng bola at kumain ng pagke-anghang anghang na pagkain ay nawiwili na rin sa kwentuhan at tsismisan patungkol kay Pacman...at nakikipag pustahan pa na hindi naman ine-encourage ng kanilang relihiyon. Sino nga ba naman ang hindi magsusugal ng kanilang rupiah kay Pacquiao kung ang makakalaban nya ay ganito ang porma:

Naku mga Pinoy talaga in-edit pa ang mga pictures ni Marquez. Photoshop nga naman. Siguro para maiwasan ang mga kapustahan nila na umatras kaya medyo ginawang mukhang macho si Papa Marquez. Ang totoo kasi mas baklita pa diyan sa mga larawan sa taas ang pose nya sa mga photograpers sa weigh in nila. Narito ang isa sa original / unedited picture ni Marquez bago dumaan sa kamay ng mga pilyo.

Bakla daw si Marquez!

Wala na akong masabi... wala na rin ako time na mag-hanap pa ng Pacquiao scandals. Let's get ready to rumble sabi nga ni pareng Michael Buffer. Tanginangyan suntukan na!

Kung gusto nyo pang makahagilap ng mga letrato na katulad ng nasa taas ay bumisita lang sa PACLAND.

Brownman's ABC > Japayuki Bar Lingo
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.12.2008 @ 11:12 am

Sa mga kababayan ko na nagbabalak mag - Japayuki narito ang ilang bar lingo na dapat ninyong matutunan bago sumabak sa pag entertain sa mga supot na sakang.

  • Arbaito. Entertainers who are paid by the hour or day, mainly Filipinas married to Japanese or overstaying Filipinas (literally part-time work).
  • Chimama. Entertainer na sumunod sa mama-san according to rank. She manages the other entertainers.
  • Dohan. To go out with a customer for a dinner date or other unspecified activities outside working hours and outside the club; also means to walk into the club with customer/s in tow (literally, to accompany).
  • Donselya. Entertainer na first timer.
  • Fujiko. Pinkamagandang entertainer sa club.
  • Fuzoku. Police license for entertainment establishments (complete word is fuzoku kyoka).
  • La Fea. Pinaka-pangit na entertainer sa club.
  • Lapad. Tip / commission from the customer when service is good.
  • Majime. Does not date customers outside or engage in prostitution (literally serious).
  • Majimbu. Customer na either sumo wrestler or ka-size ng isang sumo wrestler.
  • Mama san. The queen of the club who greets customers and recommends entertainer. Beterana.
  • Mikuto. Tawag sa customers who are known to have crabs. Yuck.
  • Palaban. Pwede ilabas ng customer.
  • Paruparo. Playboy
  • Powder puff. Entertainer na sa baby powder lang pumuti.
  • Request-back. Commission paid to the entertainer when she is requested to sit on the table with customers
  • Sensei. Entertainer na nagtuturo ng bar lingo at ng DO's and DON'Ts sa mga donselya.
  • Shimei. Same as request-back (literally, to name a person).
  • Timer. A talent who has been to Japan more than once. Betarana.
  • Torte. A hot ass chick.
  • Tumer. Abbreviation for customer; the Japanese term okyakusan is also commonly used.
  • Uriage. Commission paid to entertainer based on the amount of food or drinks ordered by her customer (literally, sales).
  • Zutto. Literally, continuously or permanently; same as arbaito.
 

Iskul Bukol > CNSHS Batch '98 Love Teams
7 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.12.2008 @ 9:54 am | Lasted edited: Mar.11.2008 @ 8:43 pm

Dear Batchmate,

Nag-rewind na naman ang alaala ko kanina at napunta ako dun sa Love Team section ng mayamang database ng ating batch. Medyo kulang lang ako sa tulog kaya hindi ko makumpleto ang listahan na ito. Ang mga lantad na pag-iibigan lang ang aking mga natandaan. Here it goes:

1. Imhaem & Eryl. Ang dalawang loveydoo na ito ang pinaka-sweet sa lahat ng love teams natin. Halos langgamin na nga silang dalawa. Bagay na bagay talaga sila and I don't think meron kumontra. Si Imhan ba naman na siyang nanalo sa CNSHS Beauty and Popularity Contest (di ko na matandaan ang exact title ng pakontes) ay ipares mo kay tall, dark and handsome na si Eryl eh parang match made in heaven. Latest update: Break na sila after a long relationship. Sayang naman.

2. Marife & Carlson. Kung di lang sila nagkahiwalay ng section nung 4th year ay baka sila ang nasa top spot natin beating Imhan and Eryl. Like our number one couple, punong-pino sila ng sweetness sa isa't isa. Pag pasok mo pa lang sa classroom namin ay di maaaring di mo sila mapapansin. Minsan nga sa Advanced Biology class ni Mrs. Gila ay tinawag si Carlson para tanungin about the lesson at di niya nasagot kasi masyado siya focused kay Fe. Bagay na bagay talaga sila, isang magandang babae at isang math wizard na paru-paru. Latest update: Di ko sure kung sila pa pero I don't see anything sa friendster profiles nila na magpapatunay na sila pa nga.

3. Janice & Alvin. Itong double brod ko na si Alvin ay pilyo na complete opposite ni Janice na saksakan ng bait. IMHO (at least nung 1994-98), the only thing they have in common ay ang curly hairs nila. Pero dahil sa in the name of love (hahaha sablay na ako) sila pa rin ang isa sa more popular and interesting couples ng batch. Isa ako sa boto sa tambalan na ito. The Good (Janice), the bad (Brod Alvin, peace bro) and the ugly (ako yun, ang witness). Kelan kaya ang kasal? :-) Latest update: Relationship is getting stronger everyday.

4. Menx & Unyo. Since 1st year high school para na silang magnets na attracted to each other. Wala na ko masabi pang iba except sa I was surprised to see Unyo in Menx's 18th birthday celebration sa Maragondon. Latest update: Menx is happily married at meron na siyang cute angel while Unyo has turned into a hiphop tongue wag.

5. Sharie & Jason. Beauty and Brains all over. I can still remember na dun pa kami nagla-lunch sa resto ng dambuhalang babae na in a way ay connected yata kay Sharie just so Jocs can have updates about Sharie's activities after school, likes and dislikes, hobbies, etc. Syempre dahil kaibigan si Jocs eh join ako together with (minsan) Angelico, Jhesthee at Bryan. I can still remember yung ngiti ni Jocs na hanggang tainga nung acquaintance party nung 2nd year na kami when she saw Sharie that night wearing that black and silky skirt, black high-heeled boots and the (dark blue?) blouse. Latest update: Sharie is in the States, Jocs working hard to organize the batch reunion.

6. Avegail & Ner. Another perfect match. Handsome and cool guy and one of the prettiest face sa batch. I'm sure walang nag-disagree dito sa team up nila. Latest update: Ner in KSA, I have no news about Avegail.

7. Janice & Lestre. Castor and Zapanta team...parang di sila magtatagal. That was what I thought before. I was correct. Another double brod of mine si Brod Lestre na zany and funny. Palagi kami invite sa bahay nila sa Ternate to eat lunch. Isa sa pinaka-generous host na nakilala ko especially pag Fiesta. Pabling lang talaga sya kaya siguro di nagtagal ang samahan nila ni Janice. Latest update: Lestre in QC, I have no info about Janice.

8. Ferry & Angelico. Parang di pwede makasama ang couple na ito sa list kasi Batch '97 si Ferry but what the heck I witnessed how they showed love for each other (hindi ako namboso ha PDA lang sila LOL). Sa mga lakad ng tropang 4-N eh palaging kasama si Ferry syempre and it was fun kasi nakikita ko naman masaya silang dalawa. Hindi ko lang maintindihan bakit sa madalas na pagbisita nang tropa sa bahay ni Angelico ay never namin nakasama si Ferry dun or naabutan na nandoon...Hmmm. :D No info about neither of the two.

9. Sheila Marie & Ecar. Wala akong alam na tsismis or fact about the two former love birds. Naalala ko lang palaging hinahatid ni Ecar si Sheila pauwi nung 4th year na kami. Latest update: Mrs. Sheila Agapito is currently in Australia, kay Ecar walang balita.

10. Menx & Jeffsie. Ang sweet nila ha kahit na nung time na super busy ang lahat ng students sa 4-N about their Research thing eh andun sila sa isang sulok ng flower box at nagkakantahan while Jeffsie is strumming the guitar. Bread pa yata ang inaawit. When Richelle posed for a picture (kasi sobra yung film namin) sa tabi ng flower box ay lumipat ang love team na ito dun sa ibabaw ng lockers. Nakaabala yata kami ni Cheche. Nagselos ako dito hehehe. Latest update: Wala ako balita kay Jeffsie, for Menx tingin na lang sa number 4.

Next section naman ay true or false exam. Naging mag dyowa ba ang mga sumusunod na pares?

  1. Ria & Jason
  2. Janice & Brian
  3. Ruth Nicole & Vladimir Bethoven
  4. Barbara Ann & Vladimir Bethoven
  5. Teody & Vladimir Bethoven
  6. Ferry & Jhesthee
  7. Chessboard & Jhesthee
  8. Menx & Norman Monares
  9. Banx & Alvin
  10. Rio & Arnold
  11. Damath & Arnold
  12. Estephanie & Carlo David
  13. Richelle & Jason
  14. Faith & Fritz (bagay parehong matangakad)
  15. Ruth & Angelico
  16. Coleen & Williard
  17. Blesila & Robert
  18. Edelen & Angon
  19. Maricel & Dave
  20. Ruth & Jasper

Ikaw ba batchmate may idadagdag ka pa? Or may iko-correct? Sige sa hanggang sa muling pagsulat. Mabuhay ang Batch 1998 ng CNSHS.

Lubos na nagmamahal,
LateBloomer

 

Brownman's Hirit > Malaria Technician
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.11.2008 @ 7:18 am

Kahapon may nag send ng e-mail para sa lahat ng nasa opisina about Malaria. Dito ko nalaman na meron palang job title na Malaria Technician. Ano kayang job description nito? Malaki kaya ang sweldo? Meron din ilang grammatical errors na mapapansin kung babasahin mo ang kopya ng e-mail sa baba.


Dear All,

Please find the files attached regarding with malaria and the brief of TLNG integrated malaria control program (what you need to know).
For further information about malaria, please contact Mr. Tomy / Mr. Arif (Malaria Technician) at 2090.
Thank you.

Best regards,
Asduki D. Athari - Industrial Hygienist
KJP T###### LNG Project
T###### Operation Center (TOC) ##### Indonesia
Phone : + 62 - 21 - ###20## ext. 1121
Email : Asduki.Athari@####.###.##.jp

----- Forwarded by Asduki Athari/TJ0746/JOC/ID on 03/10/2008 01:22 PM -----
"T###### LNG Malaria" <TangguhLNGMalaria@###.##.com>
03/10/2008 11:55 AM   
    To
    <Asduki.Athari@####.###.##.jp>
    cc
    "T######, LNG HSE Coach" <tangguh.lnghsecoach@###.##.com>, "Tangguh Occupational Health Doctor" <tghocchealthdoctor@###.##.com>, <Patrick.Awang@####.###.##.jp>, "Rozendaal, Jan (Global)" <jan.rozendaal@###.##.com>, "T###### ISP, TCHU Coordinator" <T######ISP.TCHUCoordinator@###.##.com>, "Tchu, Laboratory" <tchu.laboratory@###.##.com>
    Subject
    Malaria Hand out

Dear Pak Asduki and Mba Erni,
Due to malaria hand out has made several month ago which contains information about malaria for workers at site so could you please help us to distribute it by email to KJP TOC (T###### Operation Centre) user and BP all user. We hope all workers that have email can receive and read it.
Attached is two malaria brochure in English and Bahasa.
<<TLNG malaria hand-out ENGLISH version.pdf>> <<TLNG malaria hand-out BAHASA INDONESIA.pdf>>
High appreciate for you assistance.
Best regards,

Ahmad Bustomi (on duty)/Mursalin Arif (off duty)

T###### LNG Malaria Control Onsite until  17 March 2007 

Telp : 021-5222021 ext. 2090

 

OFW > Walang Pamagat
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.08.2008 @ 3:14 pm

Anak ng pekwa naman! Inaatake na naman ako ng sakit ng OFW. Homesex na homesex na naman ako. Ito na yata ang pinaka-malalang atake ng sakit na ito sa akin. Hindi makatulog, hindi mapakali, paikot-ikot, makulit, mainit ang ulo, bad trip sa indiano, bad trip sa may anghit, bad trip sa trabaho, masakit ang katawan, masakit ang mata, gutom na gutom pero walang gana kumain, giniginaw pero pinagpapawisan ng malamig at palaging nae-ebs.

Ibang level na yata ito ng pagka-homesick. Delikado ito. Kinakabahan nga ako at baka mabuwang na ako bukas. Nakakapraning talaga. Ngayon nga parang may sirang plaka na tumutugtog sa isip ko... shot to the heart and you're to blame...oh giliw ko miss na miss kita sana'y lagi kitang kasama... you give love a bad name... remix version ng You Give Love a Bad Name ni Blake Lewis at Miss na Miss Kita ng Father And Sons. Brain damage na yata ito kakajakol.

Hay buhay galibaw may gulay. Patawarin po ako. Hindi ako nagko-complain. Nagmamaktol la-ang.

Amen.

 

Brownman's Hirit > Presenting: Ramiele Malubay
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.06.2008 @ 7:55 am

"There is not a more unhappy being than a superannuated idol."

Ramiele Malubay scandal? Can we really classify the pictures below as scandalous? You be the judge.


Ramiele shown in this photo grabbing the left booby of her co-worker in the sushi bar she was working for before Idol.

This time her friends are the ones grabbing her teeny weeny bumpers.

 

Brownman's ABC > Birthday Pinoy
5 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.05.2008 @ 3:41 pm | Lasted edited: Mar.05.2008 @ 1:36 am

Happy birthday to you, you belong to the zoo with the monkey and the donkey and the elephant too!

Paano ba mag-diwang ng kaarawan ang mga Pinoy? Di ko sigurado kung applicable sa lahat ng mga lahing kayumanggi ang naisulat ko sa baba pero ito ang mga nakalakihan at nasaksihan kong mga ginagawa sa bertdeyang Pinoy...

Isang taong gulang.
Baby party ito. Karamihan sa bisita ay mga bagong mommies at daddies din. Ang birthday celebrant/celebrator ay malimit na umiiyak dahil naririndi sa malakas na tunog ng stereo ni bayaw. Kung minsan ay nakakalimutan na rin pakainin at patulugin si baby dahil palaging bitbit ni inay at ipinakikilala sa mga bisita na parang naiintindihan na ng bata ang nangyayari sa kanyang paligid. Hindi pa masyado ng patok ang games sa ganitong birthday party kasi malamang di pa nga nakakalakad si baby ng tuwid at walang alalay. Ang tatay na lasenggo andun sa isang sulok kasama mga kumpare nya sa sabungan at bilyaran at nag-iinuman. Kapag oras na para umawit ng Happy Birthday pipilitin na si baby na i-blow the job ang kandila. Engot na nanay ito ang alam pa lang ng baby mo ay higop ng gatas. Ikaw na humihip at baka abutin tayo ng siyam-siyam. Pagkatapos ng party ay uwian na ang mga bisita bitbit sa kaliwang kamay ang lobo at sa kanan ang plastic bag na punong puno ng pagkain na di naman kayang ubusin ng mga bata sa handaan.

Karaniwang regalo: Lego, Barbie doll, rattle, pillow hotdog (o hotdog pillow?) damit pang baby, sapola, isang pakete ng pampers, sobreng puti na may lamang singkwenta pesos.

Pitong taong gulang.
Si Junior birthday boy ay naka-costume na. Usually eh Batman, Spiderman o Superman ang costume nya (bakit kaya wala mag-costume ng local super hero like Captain Barbel, Panday, Lastikman, Zaido, Allan K, etc). Kung ang costume nya ay yung kay Pooh siya na siguro ang isa sa pinakabatang miyembro ng Federathyon. Marami ng parlor games sa birthday party na ito. Pabitin, stop dance, trip to jerusalem, pukpok palayok at pabilisan umubos ng isang boteng san miguel beer light. Sa nakahain na pagkain eh siguradong hindi mawawala ang spaghetti (pinoy style syempre), pancit, puto, ang cake syempre at walang kamatayang menudo (bwahaha). Nung bata pa ako naalala ko rin na ang usong juice na ginagamit sa mga handaan ay ang Sunny Orange. Mura na masustansya pa. Sa dalawang gilid naman ng cake ay makikita mo ang pinutol na katawan ng punong saging na binalutan ng foil, para presentable, at may mga nakatayong barbecue stick/tooth pick na may mga nakatusok na hotdog, marshmallow at aratiles. Ito ang paborito ng mga pilyong bata na pagkatapos kainin ay itutusok ang stick sa mata ng kanyang katabing bata na nang-agaw ng kulay pulang lobo na may nakasulat na Happy 7th Birthday Junior, From: Ninong Kaloy (Katas ng Saudi).

Karaniwang regalo: Baril-barilan, kotse-kotsehan, balun-balunan, make-up kit na japeyk, robot / action figures, yoyo, Barbie doll (ulit), isang box ng lastiko, sobreng puti na may lamang sandaang piso.

Labing walong taong gulang.
Wow debut na ng anak mong dalaga. Ang invitation ay mas matagal pang pinag-isipan ang disenyo kesa sa . Kung may budget eh karaniwang ginaganap ito sa function hall, hotel, sa kongreso, restaurant or sa disco club. Kung kapos naman eh pwede na rin ito mairaos sa bakuran o sa basketball court ng barangay. Kailangan lang ng konting sipag at tyaga ng mga kamag-anak, kaibigan at manliligaw. Gagawa ng bakod gamit ang pinagtagpi-tagping palapa ng niyog at crepe paper na naka-dekorasyon sa buong paligid ng dance floor. Sa gabi ng debut eh syempre mega-entrance muna ang star of the night na nakasuot ng kanyang paboritong gown. Susunod agad ang cotillion pagkatapos ng mga pagpapakilala at iba't ibang tsetseburetse. Pagmasdan mabuti ang mga sumasayaw at siguradong may magkakamali o makaka-apak ng paa ng ka-partner. Narito pa ang mga pangkaraniwang pakulo sa debut:

  • 18 Roses - Isa sa main dish ng program. Ang first at last dance ay pwedeng mapunta kay Papa, Lolo, bestfriend o boyfriend. Karaniwang kasali rin dito ay ang mga kaibigan, classmate, ex-bf na girlalu na ngayon, pinsan at member ng family.
  • 18 Balloons - First time ko nakakita nito sa aming kapitbahay na nagdalaga. Ang mga kasali dito ay mga batang babae na nagbigay ng labing walong condoms lobo sa debutante. Nakakatuwa ito para sa mga green-minded na katulad ko kasi parang sinasabi ng seremonyas na ito na pagamitin mo hija ng condom ang syota mo. At mga bata pa ang nagbigay.
  • 18 Candles - Eto yata yung part ng program na ang bida ay ang mga gurami. Sina Papa at Mama, Tito at Tita, Lolo at Lola, Titser, yung albularyo at yung komadrona nung ini-ire ka ng ina mo sa mundong ito. Mga payo na talaga namang pagsisimulan ng iyakan na magiging dahilan kung bakit masisira ang make-up ng mga mababaw ang luha.
  • 18 Wines - Eto naman para sa mga amigo at amiga na lasenggero. Kung minsan kasali rin dito ang mga may mga masasamang balak sa ating bida na gustong gustong lasingin para makita kung paano ba kumilos at magsalita ang dalaga natin. Isa ito sa importanteng seremonya kasi dito (raw) unang makakakatikim ng alak ang hitad.

Matapos ang gabi ng debut ay ganap ng babae ang ating dalaga. The baby is now a lady ika nga ng mga konyo. Fast forward 3 months after the very memorable night sa buhay ng ating bida... Buntis na sya!

Karaniwang regalo: Spaghetti strap, bikining itim, goldilocks cake na pahaba, bra na tatlo isandaan, glutathione, tsingtsangtsu, maxi peel,  isang paketeng modess, comments sa friendster (galing sa mga walang kwarta), 300 pesos load, sobreng puti na may lamang dalawandaang piso o mahigit pa.


Brownman's ABC > Suggesstion sa Fire Prevention Month
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.05.2008 @ 3:04 pm

Boy Balasubas: Para po sa mga kababaihan at kabadingan, wag po ninyong kakalimutan na i-unplug ang charger ng inyong vibrator / dildo. Nakakahiya po kung matapos imbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog na tumupok sa isang compound ng kabahayan ay lalabas na dahil sa nakalimutan nyong i-unplug ang charger ng inyong mahiwagang fake-sandata.

Yun lang po at mabuhay po kayo!

 

Brownman's ABC > Fire Prevention Month
7 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.03.2008 @ 2:27 pm | Lasted edited: Mar.03.2008 @ 12:49 am

March na pala! My early congratumalation (felicitation daw sabi ni Boy Henyo sa office) sa mga magtatapos sa eskwela. Lalo na dun sa mga high school graduates, finally pwede na kayo magpahaba ng buhok at makakapili na kay ng schedule syedyul na trip nyo.

Aside from being known as graduation month, March is also recognized in the Philippines as Fire Prevention month. Maybe because March is the prelude of summer in the land of coconut and dried mangoes. Di ko yata na-gets? Mainit kasi? Or is it because March has the highest average of fire-related incident recorded by BFP since it's inception in the government system?

Kahit ano pang reason kung bakit tinawag na FPM ang buwan ng Marso eh kailangan nating mag-ingat (pwede bang i-apply ang  paboritong slogan ng mga nagimbento ng vitamins at supplements na: Prevention is better than cure dito?). Hindi yata biro ang masunugan ng property. Manakawan na ng puri wag lang masunugan. Yan ang palaging sinasabi ng mga matatanda. Kaya make sure that your electrician (certified dapat wag yung poging mama na nakita mo lang sa tindahan ni Aling Pekla) checks all electrical wirings and connections sa inyong bahay. Money well spent ang ibabayad mo sa electrician.

Dun naman sa mga mahilig magluto diyan ng turon, banana-q, bisaya, yema, adobong tahong, ice candy, fish ball, indiano, at laing eh make sure na patayin sa sindak si Barbara ang apoy o i-switch off/unplug ang gamit sa pagluluto. Ipaalaala kay misis o kay Inday ang tamang pag-iimis ng plantsa matapos gamitin. Sa mga smokers naman tigilan na ang paninigarilyo. Isang stick ng yosi kadiri ay katumbas ng minus three minutes sa iyong buhay. Kung adik at hindi talaga mapigilan ay siguraduhing wala ng ningas ang dulo ng yosi bago ito i-dispose. Mas mabuti kung lunukin mo na lang ang cigarette butt mo. Huwag mag-yosi kung ikaw ay inaantok, bahala ka na mag isip ng maaaring mangyari kapag nabitawan ang lit cigarette.


Bumbera. These girls can start and stop a fire.


 

My Top 10 > Tanong ng Aking Malikot na Isip ++
3 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.28.2008 @ 2:50 pm

Habang naghihintay ako sa aking sekretarya na tapusin nya ang aking pinagagawa eh umandar na naman ang aking malikot at nabuburyong na utak. Naalala ko na naman ang mga tanong na matagal ko nang hinahanapan ng matinong kasagutan. Sana may makatulong. Eto na:

  1. Ano ang function ng pubic hair sa buhay ng tao? May silbi ba talaga ito?
  2. Bakit pag tumatanda nagkakabuhok sa tainga?
  3. Bakit nakataas ang isang paa pag umiihi ang aso?
  4. Kung ipinaglihi ka ng nanay mo sa aso nakataas din kaya ang isang paa mo kapag iihi ka?
  5. Totoo bang kayang mag push up ng mga tomboys gamit ang dila?
  6. Ano ba talaga ang nauna, itlog o manok? Hindi kaya sisiw?
  7. Sino ang nag-imbento ng internet (bwhahaha)?
  8. Kung buhay si Diosdado Macapagal proud kaya sya kay Gloria ngayon?
  9. Bakit nagbubungguan ng ulo ang mga langgam pag nagkakasalubong?
  10. Bakit ang letters sa keyboard hindi arranged alphabetically? Bakit ang numbers sa keyboard arranged in a correct ordinal sequence?

May mga extra pa ako na katanungan.. sumobra sa Top Ten...

  1. Nananaginip kaya ang isang taong bulag? Ano kaya nakikita nya?
  2. Meron kayang alarm clock para sa mga bingi?
  3. Bakit sa labas ng pants nya mag brief si Superman?
  4. English din ba ang salita ng mga hayop sa America? (Aw! Aw! = Arf! Arf!; miyaw = meow; tiktilaok! = cock-a-doodle-doo!; siyap-siyap = chirp, chirp)
  5. Gano ba kamahal ang panty sa Amerika at hindi makabili ng isa si Britney Spears?
 

<< < | 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 | > >>
Entries 121 to 130 of 320

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org