Naku naman.. umagang umaga bigla akong nagkaroon ng craving for ice candy! Parang gutom ako pero di sa kahit anong pagkain sa ice candy lang... Bigla tuloy nag flashback na naman ang utak ko.. Naalala ko ang mga panahon nung palagi pa akong ipinaggagawa ni Nanay at ni Ate. Ang freezer palaging puno ng yelo at ice candies. Paborito ko yung simpleng milo/ovaltine flavor! Minsan eh ginagawa ni Ate yung avocado flavor pag nakapitas kami ng bunga mula sa aming puno. Kung minsan mango flavor pag sinipag sumungkit ng mangga si Kuya at bineblender pa nila. Kung minsan naman eh melon pag naka-uwi ng palengke si Nanay. Meron din kung minsan yung mongo and/or buko flavor, pwede yan paghaluin or magkahiwalay. Pag walang wala talaga eh Sunny Orange na lang ang flavor hahaha. Pag minamalas malas pa eh naubusan ng Sunny Orange sa tindahan ni Ate Annie, Sunny Grapes na lang pagtyatyagaan!
Pwede rin pagkakitaan ang ice candy kasi ipinagbibili rin nina Nanay at Ate. Gawa ng signboard si Kuya at ipinapaskil sa bark ng niyog sa harap ng bahay namin. Piso isa! Kasing halaga ng yelo. Naalala ko rin sa eskuwela eh may mga naglalako pa nga niyan tuwing alas-tress ng hapon sabay sa meryenda ng mga estudyante. Nalalayo ako ng konti...
Sana naman may pinoyo na magdala ng plactic ng ice candy para makagawa kami dito... Ito pa naman ang isa sa mga imbensyon ng Pinoy! Hehehehe papatikimin ko ang mga Indonesians dito. Mapapasuntok sila sa hangin at baka sabihin pang masarap pa sa feeling ng nag orgasm!
"Bakit ba pati ako, binibigyan nyo ng malisya?Ano ba ang kasalanan ko?!" - Talong
"Hindi lahat ng malakas, super hero!" - Putok
"Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?" - Lego
"Halika, bigyan mo pa ako ng init. Kailangan kong pumutok para ako'y iyong matikman at ika'y masarapan. Ayan na! Puputok na! Humanda ka!" - Popcorn
"Kahit papaano, gusto ko din ng exposure!" - Singit
"Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako'y sa iyo. Ayoko lang naman na sa harap ng maraming tao, ganun mo na lang ako itanggi!" - Utot
"Hindi lahat ng hinog ay matamis!" - Pigsa
"Kapag ang katawan mo'y nag-iinit, lagi na lang ako ang hinahanap mo. Maya't maya mo akong ginagamit at pinapagod. Hindi ka na naawa!" - Aircon
"Pagod na akong humawak ng balls mo! Pagod narin ako sa pagbihis-hubad mo sa akin. Malapit na naman ulit! Ayoko na!!!" - Christmas Tree.
"I ikspik that it will be a long payt, a good payt, But you know, I didn't ikspik. Tinks por da God, you know, and tinks por ol da pelepeno pipol!" - Manny Pacquiao.
"You never even thank me for making you happy, then you throw me away just like that. I hate you for using me, for making my life full of shit!" - Tissue
"Hindi llahat ng kulot, salot!" - Golddilocks
"Hindi lahat ng bubuyog, kulay itim!" - Jollibee
"Alam kong sa tingin mo, masaya ako! Pero bakit kayo ganyan?! Sa tuwing wala na kayong masabi, ako na lang ang ginagamit nyo! Pagod na pagod ako sa pagngiti!" - Smiley
"You can cry all you want, you could always blame me. You said, it wasn't fair that you just want life to be better. But remember, it's all your fault! You stabbed me with a knife!" - Sibuyas
"Isubo mo ang kahabaan ko. Dilaan. Sipsipin. Paglaruan sa bibig mo. Para lumabas ang katas ko na kinasabikan mo. Nag mamahal," - Ice Candy
"Bakit ayaw nyo pa rin sa akin kahit sosyal at maganda ako? Dahil ba mas sweet ang iba?". - Fruitcake
"Panakip butas mo lang pala ako!". - Panty
"Pinapaikot mo lang ako! Nagsasawa na ako. Mabuti pang patayin mo na lang ako". - Electric fan
"Hindi lahat na walang salawal ay bastos!" - winnie d' pooh
"Alam mo ba wala akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa iyo. Pero patuloy ang pag-iwas mo". - ipis
"Hala! sige magpakasasa ka! Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo." -hipon
"Ayoko na! Pag nagmamahal ako, lagi na lang maraming tao ang nagagalit! Wala ba akong karapatang magmahal?!" -Gasolina
"Sawang-sawa na ako, palagi na lang akong pinagpapasa-pasahan, pagod na pagod na ako." - Bola
"Ginawa ko naman lahat para sumaya ka, mahirap ka ba talagang makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka? - TV
"Hindi lahat ng maasim may vitamin C" -kili kili
"Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako! -Libag
"Anung kasalanan ko sa iyo, iniwan mo na lang akong duguan..." -Sanitary Napkin
"Hwag mo na akong bilugin.." -kulangot
"Bwisit na buhay ito! Araw-araw na lang, itlog! Umaga, tanghali, gabi, itlog! Itlog! Itlog! Lagi na lang itlog!" -Brief
"Sige, kalimutan mo ako para malaman ng iba ang baho mo! -deodorant
"Ako lang ang makakapagpadugo ng ilong ni Manny Pacquiao!" - English
"Hindi totoong anak ko si Bakekang! At lalong hindi ko kapatid si Mike Enriquez! Kaya pwede ba, tigilan na ang tsismis na yan!" - Shrek
Nagsibalikan na ang mga kababayan na Pinoy dito sa Tangguh matapos ang kanilang bakasyon nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon. Siyempre hindi mawawala ang mga pasalubong! Eto nga at simula noong nakaraang Sabado eh panay ang 'lamon' namin dito ng adobong baboy, relyenong bangus, longganisa, atsara, sisig at marami pang adobong baboy. Mga pampa-high blood at mga pampa-taba. Eh packing sheet ang sarap naman kasi talaga ng totoong pagkaing Pinoy!
Eto nga at ang tiyan ko feeling ko lumalaki na naman. Dapat mabawi sa ehersisyo ang mga nadagdag na bilbil dahil sa super adobo.
Nagpadala nga pala ako kay katotong Joseph ng Slender Shaper na binili ni misis para sa akin. So far eh okay naman ang resulta ng bawat session ko dito dahil nakakarelax talaga ng muscles at parang nag-ehersisyo na rin ako kahit na nanood lang ako ng telebisyon habang suot ko ito sa loob ng sampung minuto. Pangontra na ito sa sobrang pagkain na di ko dapat nilalamon (harharhar!).
Kontes pa nga kami ni mama ko dahil bibili rin sya para sa sariling gamit nya at sa pag uwi ko ulit makikita ang magandang resulta!
Nabusog yata ako sa first dinner ko sa taong 2008! 1 Pack ng Corn kernel at 1 can ng Bintang Malt. Dahil sa puyat ko nung New Year's eve eh nakatulog ako maghapon at nung sinipag na ko gumising gabi na pala. Kaya heto nagtyaga sa pagkaing walang sustansya. Nung New Year's eve naman ang kinain ko para salubungin ang year 2008 ay same brand din (Deli's Bar) pero red beans naman with Mexican chili sauce. Anong trend ba ang nangyayari? Parang packed foods agad ang naumpisahan ko pagkakainin. Bago pa yun ay kumain naman ako ng Nissin Cup Noodles! Hmmm ano kaya ibig sabihin nito? I need the help of Madam Auring.
Ang Pasko ay sumapit Tayo ay mangagsi-awit Ng magagandang himig Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig Nang si Kristo ay isilang May tatlong haring nagsidalaw At ang bawat isa Ay nagsipaghandog ng tanging alay
Bagong taon ay magbagong-buhay Nang lumigaya ang ating bayan Tayo'y magsikap upang makamtan Natin ang kasaganaan
Tayo'y mangagsi-awit Habang ang mundo'y tahimik Ang araw ay sumapit Ng Sanggol na dulot ng langit Tayo ay magmahalan Ating sundin ang gintong aral At magbuhat ngayon Kahit hindi Pasko ay magbigayan
NOCHE BUENA - Levi Celerio
Kay sigla ng gabi Ang lahat ay kay saya Nagluto ang Ate ng manok na tinola Sa bahay ng Kuya ay mayro'ng litsonan pa Ang bawat tahanan may handang iba't iba
Tayo na giliw Magsalo na tayo Mayro'n na tayong Tinapay at keso Di ba Noche Buena Sa gabing ito At bukas ay araw ng Pasko
PASKO NA SINTA KO - Aureo Estanislao
Pasko na sinta ko Hanap-hanap kita Bakit ka nagtampo Iniwan ako
Kung mawawala ka Sa piling ko sinta Paano ang Pasko Inulila mo
Refrain:
Sayang sinta ang sinumpaan At pagtitinginang tunay Nais mo bang kalimutang ganap Ang ating suyuan at galak
Kung mawawala ka Sa piling ko sinta Paao ang Paskong Alay ko sa iyo.
MISS KITA KUNG CHRISTMAS - Fe M. Ayala
Ang Disyembre ko ay malungkot Pagkat miss kita Ano man ang pilit kong magsaya Miss kita kung Christmas Kahit nasaan ako Papaling-paling ng tingin Walang tulad mo Ang nakapagtataka'y maraming Nakahihigit sa 'yo
Hinahanap-hanap pa rin kita Ewan ko kung bakit ba Ako'y iniwan mong nag-iisa Miss kita, O giliw Pasko'y sasapit 'di ko mapigil Ang mangulila Hirap niyan mayro'n ka ng iba.
PASKO NA NAMAN
Pasko na naman O kay tulin ng araw Paskong nagdaan Tila ba kung kailan lang Ngayon ay Pasko Dapat pasalamatan Ngayon ay Pasko Tayo ay mag-awitan
Refrain:
Pasko! Pasko! Pasko na namang muli! Pasko! Pasko! Pasko na namang muli! Ang pag-ibig naghahari!
Wala akong maisip isulat about Pasko kasi lahat yata naisulat na sa subject na ito. Kaya ililista ko na lang ang mga bagay na sumasagi sa aking isipan tuwing maririnig ko ang salitang Paskong Pinoy...
Parol, bibingka, puto bumbong, tsaa, simbang gabi, carolling, aguinaldo, regalo, ninang, ninong, simbang tabi, christmas parties, exchange gifts, wall clock - picture frame - alarm clock - photo album (kasi itong mga ito palagi kong natatanggap sa exchange gifts eh), Jesus Christ, bagong sapatos, bagong damit, bagong ligo, bagong pantalon, bagong ahit, bagong sipilyo, japorms, 50% sale sa SM, hihigitan naman ng Robinsons ng buy pne take one (harharhar), querubin, 13th month pay, bonus, christmas songs, christmas album ni andrew e., christmas album ni joey de leon, metro manila film festival, take it take it, viveka, vavajee, kumukutitap na lanterns na for sale sa tabing daan, outreach programs, home alone, styro snow, noche buena, keso de bola, mano po nanay, mano po tatay, mano mano, malamig na simoy ng hangin, mahabang gabi, end of the year awards night, endless forwarded e-mails na pampasko, mga kamag-anak na nagiging close ulit, balikbayan, chocolates, tatlong hari, sabsaban, rudolph the red nose reindeer, Santa Claus, butas na medyas na nakasabit sa bintana, Give love on Christmas day, bazaar, Christmas lights, Christmas tree.
O, ang tao kapag walang pera ay napapraning
Hindi alam ang gagawin
Tatawag sa Diyos
Samba dito, samba doon, oh, Diyos ko
Tulungan Mo po ako
Tulungan Mo po ako
Pero kapag nand'yan na ang maraming pera
Wala na'ng Diyos
Paano, nalunod na
Sa diyos-diyosang pera
Pera na'ng sinasamba
Pera na, pera na, 'di ba
CHORUS 1
Oh, bakit ang pera may mukha
Bakit ang mukha walang pera
O, ang pera nga naman
O, ang pera nga naman
O, ang tao nga nama'y mukhang pera
Mukhang pera
Mukhang pera, ha ha
Mukhang pera, hoy wah
INSTRUMENTAL
O, ang tao kapag walang pera ay napapraning
Hindi alam ang gagawin
Tatawag sa Diyos
Samba dito, samba doon, oh, Diyos ko
Tulungan N'yo po ako
Tulungan Mo po ako
[Repeat CHORUS 1]
Sige, magpakasawa ka na!
AD LIB
CHORUS 2
Oh, bakit ang pera may mukha
Bakit ang mukha walang pera
O, ang pera nga naman
Puro ka na lang pera, pera
O, ang tao nga naman mukhang pera
Mukhang pera
Mukhang pera, ha ha
Mukhang pera (ayan sa 'yo na)
Nalalapit na naman ang taunang bakbakan (naks!) ng mga Pelikulang Filipino sa Metro Manila Film Festival 2007. Anim na pelikula ang ipapalabas sa mga sinehan sa ika-dalawamput lima ng Disyembre taong kasalukuyan. Ang mga hindi pumasok sa Dec 25 playdate ay ipapalabas sa unang araw ng taong 2008. Mamamalas na naman ng publiko ang galing ng mga artista at film-maker na Pinoy. Sayang naman at hindi ko mapapanood ang Enteng Kabisote Part 4 at ang iba pang kasali sa MMFF 2007.
Narito sa baba ang anim na official entries sa MMFF 2007:
Enteng Kabisote Part 4 - Vic Sotto
Shake, Rattle and Roll 9 - Katrina Halili
Bahay Kubo - Maricel Soriano, Eric Quizon, Marian Rivera, Yasmien Kurdi, Shaina Magdayao, Mark Herras, Rayver Cruz, Jiro Manio, Bearwin Meily, and Eugene Domingo
Sakal, Sakali, Saklolo - Judy Ann Santos
Katas ng Saudi - Jinggoy Estrada, Lorna T, Shaina Magdayao, Arron Villaflor
Resiklo - Sen. Bong Revilla
Napansin ko lang na ang nangyayari sa MMFF ay sequel na lang ng sequel ang napipiling kasali. Kulang na lang ay Mano Po at Indiana Jones (bwahahaha). Hanggang kelan kaya yang Shake, Rattle and Roll at Enteng Kabisote na yan? Yung kay Juday sequel din yan nung movie nya na kasali sa MMFF 2006. Sana next year naman ay may mga bagong istorya ng pelikula at mas i-prioritize ng mga producers ang pagpapalabas ng pelikulang may substance kesa naman ang target lang nila kumita...di po ba? (-: