|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.21.2007 @ 7:45 am |
Ito ay para sa mga lalaking mahilig uminom ng beer! Beware beware...
Last month, National University of Lesotho scientists released
the results of a recent analysis that revealed the presence of
female hormones in beer. Men should take a concerned look at
their beer consumption. The theory is that beer contains female
hormones (hops contain phytoestrogens) and that by drinking enough
beer, men develop female characteristics.
To test the theory,
100 men drank 8 pints of beer each within a 1 hour period. It was then
observed that 100% of the test subjects: 1) Argued over nothing.
2) Refused to apologize when obviously wrong.
3) Gained weight.
4) Talked excessively without making sense.
5) Became overly emotional.
6) Couldn't drive.
7) Failed to think rationally
8) Had to sit down while urinating. No further testing was considered necessary!!! !!!. |
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.20.2007 @ 5:26 pm | Lasted edited: Sep.20.2007 @ 5:54 pm |
Fitness!!! Mabisa daw na panlaban sa homesick ang pag eehersisyo kaya naman kinakarir ko na ang pag-ji-gym. Hindi naman ako nagbubuhat ng weights (well paminsan minsan). Sa threadmill at sa stationary bike lang ako muna. May tsismis kasi na may side effect ang pag bubuhat ng weights... Nakakaliit daw ito ng...yun na yun. Kaya ayun more on cardio ako and weight loss routine (except sa pagkain). Mabuti na rin at naisipan ko i-exercise ang aking katawan...kasi lately finger tips at mata ko lang ang palaging pagod kaka computer.
Mamayang gabi try ko lampasan ang 14.5 kilometers personal record ko sa bike in 40 minutes... Kayanin ko kaya? Sana. Kailangan ko na magbawas ng timbang talaga... 1 month na lang at uuwi na ako at ayaw ko naman na hindi ako makilala ng family ko dahil sa taba (at haba ng buhok). Bukas naman naku mapapalaban na naman sa basketball. Tuloy tuloy ko lang ang pag eehersisyo at makakabawas din ako kahit 3 kilo (sana) in a month... Sigh!
|
|
| 10 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.19.2007 @ 7:41 am |
Mama ko...
Oh gawd! My galibaw! First thang I did when I got to d' office was to blow mucus off from my clogged nose. Tsk, it's difficult to breathe when the nose is congested. Sabayan pa ng ubo ubo ubo ubo... at sore throat. Hayan ang epekto ng stress at sobrang lamig na tubig. How I wish magkasama tayo ngayon para ma feel ko na naman na binubunso mo ako. Sarap pa naman kasi paulan ulan ang panahon. Sarap ng ...alam mo na.... matulog. At kumain ng champorado while watching DVD.
Naku pasensya ka na at agang aga negative agad ang news ko sa yo at yung tipong lalong nakakapagpa-miss. Alam mo naman ikaw ay miss na miss ko lang. Mamaya start na ng sportsfest nina Ian... pati pala kayo ay lalaro din. Galingan nyo dalawa. Mag ingat din syempre. Magba-volleyball ka rin ba? Tagal mo na walang practice nyan! I'm sure hindi pa naman nawawala ang skills mo. Wag ka masyado magpapagod ha. Nga pala sa room ka na ni Ian matulog kasi amoy pintura ang room natin. Baka masinghot mo pa yung pintura at magaya ka sa akin. Yun nga lang iba kulay ng sipon mo (gross ba?)... sa akin kulay off white lang... baka sa yo maging kulay talaba hehehe. Nagbibiro lang po. Sige ingat always. Misyu...Labyu...
Papa mo. |
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.15.2007 @ 11:11 am | Lasted edited: Sep.14.2007 @ 9:57 pm |
TAYO'Y MGA PINOYBanyuhayIntro: Bm-D-G-F# pause
Bm D G F# Tayo'y mga pinoy, tayo'y hindi Kano Bm D G F# Bm-G, F#, Bm-G-F#- Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango.
Bm Em Bm Dito sa Silangan ako isinilang A7 Bm G F# Kung saan nagmumula ang sikat ng araw Bm Em Bm Ako ay may sariling kulay-kayumanggi A7 Bm G F# Bm-G-F#- Ngunit di ko maipakita, tunay na sarili.
Bm Em Bm Kung ating hahanapin ay matatagpuan A7 Bm G F# Tayo ay may kakanyahang dapat na hangaan Bm Em Bm Subalit nasaan ang sikat ng araw A7 Bm G F# Bm Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran?
Chorus 1 Bm D G F# Bakit kaya tayo ay ganito? Bm D G F# Bakit nanggagaya, mayron naman tayo Bm D G F# Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano Bm D G F# Bm-G-Bm-G-F#7- Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango.
Bm Em Bm Dito sa Silangan, tayo'y isinilang A7 Bm G F# Kung saan nagmumula ang sikat ng araw Bm Em Bm Subalit nasaan ang sikat ng araw A7 Bm G F# Bm Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran?
Repeat Chorus 1
Chorus 2 Bm D G F# Mayrong isang aso, daig pa ang ulol Bm D G F# Siya'y ngumingiyaw, hindi tumatahol Bm D G F# Katulad ng iba, painglis-inglis pa Bm D G F# Na kung pakikinggan, mali-mali naman Bm-G-Bm-G-F#7- Wag na lang.
Ad lib: (do Chorus chords)
Repeat Chorus 2 except last line
Bm G Wag na, oy oy F# Bm Oy, ika'y Pinoy G F# Bm Oy oy, ika'y Pinoy. |
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.13.2007 @ 4:30 pm |
It's time to prepare travel request once again and I am excited to be doing it again after nearly four months of being away from civilization. Kaya nga lang this time I have to extend my stay here for three weeks! No complains though as I will celebrate my burstday in my house with my family. Counting down from today...let me see...fourty one days more...wow! More than a month's stay still in this unchartered side of Earth.
I am thinking of what I should do to make those days pass quickly. Ha!, maybe use that Japanese guy's technique in Heroes? Drink a lot of alcohol (Green Cross Isopropyl 70% solution?) so I can sleep earlier than usual. Maybe watch FTV! Terrible idea, it'll just make me want to go home sooner. Maybe I'll just sweat it out in the gym. I'll get tired and sleep early. That's what I should do perhaps.
Sighhh... Define homesick... Homesick is me. I am homesick big time! My brain actually stopped working in full swing a week ago because of this home sickness that's been pre-occupying my mind... Tsk hirap talaga malayo sa mahal sa buhay. Hirap kumita ng salapi! Pero smile pa rin dahil may trabaho at may kita. Weather weather lang naman ang pag ginhawa sa buhay.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.11.2007 @ 7:13 am |
TAGAYTAY GHOST STORY
This story happened a few months ago along the Tagaytay Road. There was a guy who got left behind by a pack of mountain bikers. The group was large and he didn't bring a cellphone. He crashed his bike somewhere between Picnic Grove and DBP. To make things worse, a storm came in. So he walked.
This guy was on the side of the road hitch hiking on a very dark night in the middle of a storm. The night passed slowly and no cars went by. The storm was so strong he could hardly see a few meters ahead of him. Suddenly, just before the junction going to Manila, he saw a car slowly looming, ghostlike, out of the gloom. It slowly crept toward him and stopped. It was raining hard, wind blowing all around you, what would you do? Like you would, he got into the car and closed the door, then realized that there was nobody inside the car.... even in the drivers seat.
The car slowly started moving again. The guy was terrified, too scared to think of jumping out and running. The guy saw that the car was slowly approaching a sharp curve. The guy started to pray, begging for his life; he was sure the ghost car would go off the road and he would plunge to his death, when just before the curve, a hand appeared through the window and turned the steering wheel, guiding the car safely around the bend.
Terrified, the guy watched the hand reappear every time they reached a curve. Finally, the guy gathered his wits and leaped from the car and ran to the nearest place where there were houses. Wet and in shock, he went into a store and voice quavering, ordered two bottles of beer, and told the people about his horrible, supernatural experience. A silence enveloped everybody when they realized the guy was apparently sane and not drunk.
About half an hour later two guys walked into the same store.
One said to the other..........
"Yan! Yan yung tarantadong sumakay habang nagtutulak tayo! |
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.10.2007 @ 8:32 am |
Ang pampublikong transportasyon (panlupa) sa Pilipinas ay maituturing na isa sa pinaka-natatanging simbulo ng bansa. Mapa pedicab, tricycle, jeepney, bus o tren pa 'yan, siguradong bago ka makauwi ng bahay ay may bagong kwento o joke kang mapupulot. Kumbaga, punung-puno ng katatawanan, katotohanan, drama, aksyon at sakit sa ulo ang dulot sa mga commuters. Kaya naman tuwing makaka-uwi ako sa Pilipinas ay sabik akong sumakay ng jeep, bus at LRT/MRT. Gusto ko kasing ma-experience ulit ang pagpawisan ka sa init sa loob ng jeep, yung ma-trapik ka habang nakasakay ng bus pero okay lang kasi yung pilyong kundoktor nag play ng ST movie sa kanilang "TV onboard" at siyempre ang makipag-unahan sa pagpasok sa tren.
- Pedicab/Padyak. Limitado lang ito sa loob ng mga small subdivisions at maliliit na eskinita sa mga 2nd, 3rd at 4th class municipalities. High tech ang brake nito na gawa sa pinutol na lumang istepin (tsinelas). Kahit na anong liit eh may salamin din naman para ang mga pasahero pwedeng makita kung nagulo na ang buhok. May trapal pa pangontra pagkabasa sa ulan at tilamsik ng putik sa gilid. Mainam din ito sasakyan sa pagsingit sa mga ma-trapik na eskinita dahil sa dami ng tambay na ginawang basketball court ang daan. Naalala ko minsang sumakay ako sa pedicab kasabay ko pa si mylab galing kami deyt eh parang kinakapos ang mamang driver. Hirap na hirap magpadyak dahil siguro sa bigat naming nakasakay. Puhunan talaga ang lakas ng katawan ng mga kababayan nating pedicab driver.
- Tricycle. Mas malaki ng konti at mas mabilis sa padyak. Sa probinsiya patok sa mga pasahero ang may malakas na stereo na traysikol. Punong puno din ng dekorasyon. May ilan na meron pa nga icon ng mga santo at santa at meron din mini electric fan. Karaniwang sakit ng ulo ng ibang motorista ang mga walang pakundangang tricycle drivers na singit dito, singit doon sa trapiko. Minsan nakakatakot din sumakay sa tricycle na ang driver ay dating nagmamaneho yata ng Ferrari sa F1 racing...kaskasero na parang hinahabol ng sandamukal na bading. Sa aming bayan ng Naic, Cavite ay tricycle ang major means of transport to go around sa bayan at sa mga barangay.
- Jeepney. Ang hari ng kalsada! Sarap sumakay ng jeepney na biyaheng Maragondon to EPZA. Express baga. Sa umaga at wala pang trapik eh almost 30 minutes lang kinukuha ang biyahe. Pabonggahan pa nga sa ngayon ng light display at wall design ang mga jeep sa Cavite. May malakas na stereo na palaging naka tune sa Love Radio o Star FM. Kung sa mga mata-trapik na lugar naman ng Metro Manila eh hindi ka rin mababagot dahil sa ang paborito mong mamang tsuper kung hindi story teller eh pilosopong komedyante naman. Nariyang sasabihin ng tsuper sa nagrereklamong pasahero dahil masikip na 'Luluwag din ho iyan! Araw-araw ginagamit eh!'. Minsan meron pang ganitong hirit: 'Yung mga hindi pa ho nag babayad diyan mag abot na at malapit na tayo sa Kanto Tinio!", Sa loob at labas ng jeep ay may mga stickers at mini sign boards kang makikita na may nakasulat na...'Basta driver sweet lover', 'Full string to stop', 'god knows hudas not pay', 'katas ng saudi!', 'katas ng japan', at syempre pangalan ng mga anak na usually ay pare-parehas ang simulang letter, pangalan ng santo at santa, etc.
- Bus. Ito ang paborito ng mga vandals sa lahat ng pampasaherong sasakyan. Makikita mo sa likod ng upuan ang mga cellphone numbers ng mga desperado sa textmate, ang mga pangalang ng fraternities ng mga tambay, ang mga dedication ng mga torpe't pangit para sa kanilang iniirog at marami pang iba. Paborito rin ito panglimusan ng mga 'volunteers' daw ng bahay na walang bubungan..este..hagdanan. Mayroon din na bigla na lang sasakay at mananalangin sa gitna ng corridor, 'gad blisyu bradir! ipikit ang mga mata, ilabas ang pera, ipamahagi ang grasya nang hindi madisgrasya! emen!'. Yung gimik naman ng iba yung naaayon sa panahon. Pag may piket o rally ang panghihingi nila ng kwarta para sa mga nag-i-strike. Pag malapit na ang Pasko, nangangaroling naman sa loob ng bus. Hindi ka rin magugutom sa bus kahit gano kalayo ang biyahe mo. Bawat major kanto at kalye may sasakay na vendor na may bitbit na isang bilaong kwek-kwek, bananakyu, itlog ng pugo, mais, krakers, mani, kasoy, shing-a-ling, tsitsaron, mineral water, softdrinks, C2 green tea, buko pie, empaynada, at marami pang iba. Sa mga mahilig sa balitang politika, shobis, isports at awayan...aba hindi pahuhuli ang ating mga kabapatid na tabloid vendor! Kung gusto mo naman libre ang entertainment...manood na lang ng palabas sa onboard tv...o kaya sumilip ka sa bintana ng bus at makita mo ang MMDA at ang mga muslim sa Baclaran nagbabarilan, naghahabulan at nagmumurahan! Ang hindi ko lang gusto sa mga bus na bumibiyahe in and out of Metro Manila patungo sa mga probinsiya ay ang hindi pagpapatupad ng limitasyon sa pasaherong pwedeng isakay. Hanggat kakasya pa ay papasakayin pa ang mga pasaherong willing magbayad ng buo kahit nakatayo sa mahigit kalahati ng duration ng biyahe.
- LRT/MRT. Wow express trip ito! Walang trapik, hindi inaabala ng pulis na gutom at hindi nagpapa-gasolina. Siguradong makakarating ka sa susunod na terminal within the expected time. Nga lamang...kulang na kulang pa rin ang mga tren para sa dami ng pasahero. Kaya nga malimit pag sumakay ka sa LRT/MRT expect mo nang dumikit ang mukamo either sa kilikili ng bumbay o sa salamin ng tren at magmukha kang napitsit na majimbu. Sardinas sa sikip!
- Taxi. Huli na lang itong taxi dahil mahal ang singil. Kaya nga pumatok ang 'FX taxi' kasi mas kumbinyete sa jeep at hindi kasing mahal ng taxi. Hindi maganda ang experience ko tuwing sasakay ako ng taxi around Metro Manila. Malimit palpak ang seatbelt ng mga kotse at pumapasok ang amoy ng exhaust sa loob na parang nasa jeepney ka na rin. Yung mga lumang taxi dapat hindi na ni-rerenew ang prangkisa!
Iba pa: Trolley - Gamit sa mga riles ng tren. Delikado at illegal! Kalesa - Mayroon pa rin makikitang pangilan-ngilan nito sa Manila. Motorsiklo - Malimit sa mga liblib at unpaved na lugar sa mga probinsiya na hindi kayang pasukin ng 3 o 4 wheeled vehicle.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.08.2007 @ 12:15 pm |
Picture speaks a thousand words.  












Courtesy of my friend Efren. |
|
| 15 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.05.2007 @ 9:24 am |
Narito ang mga paborito kong kontra-bida sa pelikulang Filipino...ang mga less heralded characters bigyan naman natin ng konting spot to shine...Here they are:
Max Alvarado. Si Lizardo na kalaban ni Flavio sa Panday series of movies. Born to Gonzalo Teodosio and Maria Maximo in Feb 19, 1929, Gavino Maximo Teodosio entered Filipino cinema when it was reaching its so-called "Golden Age." Using the screen name "Max Alvarado" for dramatic appeal, he played his first bit role in Halik sa Banila (1948) and his first starring role in Alias Chain Gang (1967). Continue reading Max's mini biography...http://www.imdb.com/name/nm0023173/bio
Some of Max's Films:
- Hindi pa tapos ang laban (1999)
- Bagsik ng kamao (1997)
- Makuha ka sa tingin (kung puede lang) (1993)
- Dugo ng panday (1993)
- Alabang Girls (1992)
- Alyas pogi 2 (1992)
- Dito sa pitong gatang (1992)
- Manong Gang (1991)
- Sgt. Clarin: Bala para sa ulo mo (1990)
- Bala... dapat kay Cris Cuenca, public enemy no. 1 (1989)
- Da Best in da West (1989)
- Agila ng Maynila (1989)
- Jacky Tyan (1988)
- Buy One, Take One (1988)
- Menudo't pandesal (1987)
- Ninja Kids (1986)
- Isang kumot, tatlong unan (1985)
- Sigaw ng katarungan (1984)
- Panday, ikaapat na aklat (1984) .... Lizardo
- Panday, Ikatlong yugto, Ang (1982) .... Lizardo
- Daniel Bartolo ng Sapang Bato (1982)
- Pagbabalik ng panday, Ang (1982) .... Lizardo
- For Y'ur Height Only (1981) (uncredited) .... Columbus
- Dolphy's Angels (1980) .... Bertong Maize
- Deadly Fighters (1980)
- Darna at Ding (1980) .... Giant
- Bugoy (1979)
- Blind Rage (1978)
- Panday, Ang (1978) .... Lizardo
more...
Paquito Diaz. Known to his friends as Francisco Bustillos Diaz. Siya ang paboritong pompyangin ni FPJ (ganun din ang kanyang kapatid). Malimit din siyang gumanap bilang iskalawag na pulis. He was both an actor and director (Dir. Bayadra Brothers - 1999) who starred in countless films in five decades either as the primary villain or his lighter side as a comedian. His wife Nena Gutierrez, a former flight attendant, is the younger sister of actor Bob Soler.
Some of Paquito's films:
- Pakners (2003)
- Sabayan sa laban (2002)
- Batang lansangan... ngayon, Mga (2002)
- Mahal kita, kahit sino ka pa (2001)
- Ayos na ang kasunod (2000)
- Pera o bayong (Not da TV)! (2000)
- Dalubhasa, Ang (2000)
- Kahit demonyo itutumba ko (2000)
- Isusumbong kita sa tatay ko (1999)
- Bayadra Brothers (1999)
- Hindi pa tapos ang laban (1999)
- Leon ng Maynila, Lt. Col. Romeo Maganto (1999)
- Squala (1998)
- Pagbabalik ng probinsiyano (1998)
- Enteng & Mokong: Kaming mga mababaw ang kaligayahan (1997) .... Frankie
- Kapag nasukol ang asong ulol (1997) .... Gaton
- Kokey (1997)
- Kung marunong kang magdasal, umpisahan mo na (1997) .... Amador
- Lihim ni Madonna (1997)
- Pag-ibig ko sa iyo'y totoo (1997)
- Hangga't may hininga (1996)
- Ikaw ang mahal ko (1996)
- Misis kong hoodlum, Ang (1996)
- Pinakamagandang hayop sa balat ng lupa, Ang (1996) .... Bobo
- Sa iyo ang langit, akin ang lupa (1996)
- Kahit harangan ng bala (1995)
- Hataw tatay hataw (1994) .... Roland
- Cobra (1994)
- Cuadro de Jack (1994)
- Marami ka pang kakaining bigas (1994)
- Manila Boy (1993)
- Doring Borobo (1993)
- Enteng manok: Tari ng Quiapo (1993)
- Hulihin: probinsiyanong mandurukot (1993) .... Maing
- Daddy Goon (1992) .... Sgt. Santisima
- Dito sa pitong gatang (1992)
- Estribo Gang: The Jinggoy Sese Story (1992)
- Shotgun Banjo (1992)
- Takas sa impiyerno (1991)
- Mabuting kaibigan... masamang kaaway (1991)
- Manong Gang (1991)
- Pido Dida 2: Kasal na (1991)
more...
Romy Diaz. The younger brother of Paquito Diaz who, like his Paquito, suffered lots of pompyang and machine gun sapok from FPJ. He was know for his evil laughter bwahahahahahaha! I particularly like his acting when it's time for the bida and him to exchange verbal blows just before the ultimate battle towards the end of a film. Romy died of Tongue cancer.
Some of Romy's Films:
- Fantastic Man (2003)
- Bertud ng putik (2003) .... Damian Buenavista
- Pakners (2003) .... Olivares
- Alamat ng lawin, Ang (2002)
- Panabla (2001)
- Hindi sisiw ang kalaban mo (2001)
- Makamandag na bala (2000)
- Tumbador (2000)
- Dalubhasa, Ang (2000)
- Kahit demonyo itutumba ko (2000)
- Ako ang lalagot sa hininga mo (1999)
- Suspek (1999) .... Emong
- Pakawalang puso (1998)
- Alamid: Ang alamat (1998)
- Ayos lang, pare ko (1997) .... Dante
- Bagsik ng kamao (1997)
- Jacob (1997)
- Lab en kisses (1997) .... Aga
- Mananayaw (1997)
- Alfredo Lim: Batas ng Maynila (1995)
- Gising na... ang higanteng natutulog (1995)
- Cobra (1994)
- Cuadro de Jack (1994) .... Wanted Man
- Tunay na magkaibigan, walang iwanan... peksman (1994)
- Manila Boy (1993)
- Angelfist (1993) .... Mexican Drug Dealer
- Live by the Fist (1993) .... Alvarez
- Patapon (1993) .... Rico
- Bad Boy 2 (1992)
- Tukso layuan mo ako (1991)
- Ali in Wonderland (1991)
- Espadang patpat (1990)
- Tangga and Chos: Beauty Secret Agents (1990)
- Karapatan ko ang pumatay... Kapitan Guti (1990)
- Hindi ka na sisikatan ng araw (Kapag puno na ang salop part III) (1990)
- Sgt. Clarin: Bala para sa ulo mo (1990)
- Durugin ng bala si Peter Torres (1990)
- Target... Police General: Major General Alfredo Lim Story (1990)
- Anak ni Baby Ama (1990)
- Bawat patak dugong Pilipino (1989)
- Ipaglalaban ko (1989)
- Sgt. Melgar (1989)
- Get Commander Jack Moro: Bangsa Moro Army (1989)
- Da Best in da West (1989)
- Bagwis (1989)
more...
Bomber Moran. Arturo "Bomber" Moran was a huge, literally speaking, villain who was always cast with those action-comedy flicks. His brand of acting was really best suited to portray kontrabidang palpak. He died of cancer on August 14, 2004, two months before his 60th birthday.
Some of Bomber's films:
- Makamandag na bala (2000)
- Basta't ikaw nanginginig pa (1999)
- Leon ng Maynila, Lt. Col. Romeo Maganto (1999)
- Rubberman (1996)
- Mistah (1994)
- Makuha ka sa tingin (kung puede lang) (1993)
- Ano ba 'yan 2 (1993)
- Bad Boy 2 (1992)
- Goosebuster (1991)
- Karapatan ko ang pumatay... Kapitan Guti (1990)
- Walang awa kung pumatay (1990)
- Barumbado (1990)
- My Darling Domestic (The Greytest Iskeyp) (1989)
- SuperMouse and the Roborats (1989)
- Moises Platon (1989)
- Long Ranger & Tonton: Shooting Stars of the West (1989) .... Viva Zapanta
- Si Malakas at si Maganda (1989) .... Richard
more...
Efren Reyes Jr. Sigang Maton! That is the perfect pair of adjective-noun for this fellow who's always known for his angas and brutality in the movies. He was thrice nominated for the Best Supporting Actor award in the FAMAS awards, though he has yet to win one. He is not only an excellent villain character but also a very good dramatic actor. Unknown to many, Efren is the son of actor-writer-producer-director Efren Reyes and Great Grandson of Severino Reyes (a.k.a. Lola Basyang).
Some of Efren's films and television series:
- Maging akin muli (2005) (TV) .... Ben Martires
- "Spirits" (2004) TV Series .... Chief Jaylo
- Mano po 2: My home (2003) .... Investigator
- "Bituin" (2002) TV Series .... Arnel
- Basagan ng mukha (2001)
- Carta alas: Huwag ka nang humirit (2001) (as Efren Reyes) .... Daks Imperial
- "Sa puso ko, iingatan ka" (2001) TV Series .... Mr. Tordesillas
- "Tabing ilog" (2000) TV Series .... (2000)
- Testigo (2000)
- Pasasabugin ko ang mundo mo (2000)
- Tunay na tunay: Gets mo? Gets ko! (2000) .... Don Julio
- Tumbador (2000)
- Palaban (2000)
- Alyas pogi: Ang pagbabalik (1999) (as Efren Reyes) .... Hepe
- Isprikitik, walastik kung pumitik (1999) (as Efren Reyes)
- Mula sa Puso: The Movie (1999) .... Ysmael Matias
- Tatapatan ko ang lakas mo (1999)
- Alyas Lakay (1999)
- Babae sa bintana, Ang (1998)
- Sambahin ang ngalan mo (1998) .... Samuel Mascardo
- Bilibid or Nut (1998)
- Jesus Salonga, alyas Boy Indian (1998)
- Bitag (1998)
- Daniel Eskultor (1997)
- Kapag nasukol ang asong ulol (1997) .... Banong
- "Mula sa puso" (1997) TV Series .... Ysmael Matias
- The Onyok Velasco Story (1997)
more...
Johnny Delgado. Juan Marasigan Feleo in real life. Known not only for his mob boss role in the movies, Johnny is also a comedian who starred with Bobot Mortiz, Jay Ilagan and Christopher De Leon in the defunct tv show Goin' Bananas. Johnny is a very versatile and dependable actor who can switch roles with ease as a sindikato leader, a comedian, a bad father, a desperate politician and more. His acting is highly regarded in the Philippines film industry. He had won four acting awards and most recent one was when he bagged the Best Actor award for his role in the year 2000 film Tanging Yaman. He is the husband of director Laurice Guillen.
Some of Johnny's films and television series:
- You Got Me (2007)
- Ligalig (2006) .... Damian Garote
- First Day High (2006)
- Huling araw ng linggo, Ang (2006)
- Kaleldo (2006) .... Mang Rudy
- "Calla Lily" (2006) TV Series .... Mang Edong
- Visa loca, La (2005) .... Sancho
- "Anghel na walang langit, Mga" (2005) TV Series .... Domingo Redondo
- Santa Santita (2004) .... Fr. Tony
- "Te amo, maging sino ka man" (2004) TV Series .... Arnaldo Camacho
- Crying Ladies (2003) .... Priest
- "Kay tagal kang hinintay" (2002) TV Series .... Dimitri Mijares (2002-2003)
- Kailangan kita (2002) .... Papay
- Hari ng Selda - Anak ni Baby Ama 2 (2002)
- Bakit 'di totohanin (2001) .... Andres
- Tanging yaman (2000) .... Danny
- "Arriba! Arriba!" (2000) TV Series .... Yani Makalupa (unknown episodes)
- Hindi pa tapos ang laban (1999)
- The Elsa Castillo story... Ang katotohanan (1994)
- Kung kailangan mo ako (1993)
- Hanggang may buhay (1992) .... Col. Dimayuga
- Paminsan-minsan (1992)
- Eddie Tagalog: Pulis Makati (1992)
- Lumayo ka man sa akin (1992)
- Alyas Boy Kano (1992) .... Alvarez
- Amang Capulong - Anak ng Tondo II (1992)
- Kahit buhay ko (1992)
- Akin ang pangarap mo (1992)
- Aliwan Paradise (1992)
more...
Ang mga bago nating character actors at kontra bida ay hindi ko pa kilala.
|
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.02.2007 @ 8:49 am |
|
|
|
Aries (Mar.
21 - April 20) Salubungin ang bawat araw ng may saya't sigla. Makakahanap ka na rin ng Papa/Mama wag lang kakalimutang mag-tinga. Iwasan ang pagkain ng talaba-flavored donut, mas praktikal at masarap ang choconut. Tangkilikin ang sariling atin, wag ang made in China baka mabitin. Lucky numbers 1, 2, 6, 9, 21, 69. Lucky color Pink.
|
|
Taurus (Apr.
21 - May 21) Maging tapat sa mga kaibigan para makaiwas mabigwasan. Ipunin ang lakas dahil midweek kakailanganin mo ito sa isang matinding sabong na siguradong pipikiin ka sa paglalakad. Maging
mapagmatyag, may mga naiinggit sa iyong suwerte. Lucky numbers 10, 26, 30, 37, 52, 99-1/2. Lucky color Green.
|
|
Gemini (May
22 - June 21) Wag kalimutan maligo. Nabubuwisit na ang mga kasamahan mo sa trabaho sa amoy mong maasim pa sa Datu Puti. Kung patuloy kang uunlad iwasan ang mag-mariang palad. Huwag ituloy ang planong out of town ngayong linggo, magbantay sa bahay ikaw ay may mabibisto. Lucky numbers 0, 4, 13, 21, 22, 100, Lucky color Yellow.
|
|
Cancer (June
22 - July 22) Sa darating na Lunes ay mahuhuli ka ng MMDA na lumabag sa odd-even scheme. Sa sobrang hang over mo kasi akala mo Sabado na. Itutok ang pansin sa pagnenegosyo. Tigilan ang masamang bisyo. Matulog ng maaga, masyado na malaki ang eyebags. Lucky numbers 0.33, 3, 33, 333, 3333, 3 x 103. Lucky
color Red.
|
|
Leo (July
23 - Aug. 22) Subukang mag-absent sa M-W-F session ng mah jong. Malalaman mo na mas masayang makipaglaro kay bunso. Mas mabuti pang tulungan siyang gumawa ng assignment. Miss ka na ng pamilya mo, tigilan ang pagsusugal. Masusundan pa si bunso. Lucky numbers 17, 19, 21, 25, 34, 35. Lucky
color Black.
|
|
Virgo (Aug.
23 - Sept. 23) Maganda ang pasok ng linggo mo ngayon kasi tatama ka sa jueteng. Huwag ng gayahin ang napanood sa komerysal ng Ginebra na nagsasabing "Magpapainom ako!". Mas mabuting bayaran ang humahabang listahan ng utang sa tindahan ni Mang Apeng.
Lucky numbers 14, 37. Lucky color Violet.
|
|
Libra (Sept.
24 - Oct. 23) Huwag lumabas ng bahay pagkatapos ng mahabang ulan. Siguradong baha sa kalye at may naghihintay sa iyong open man hole. Ugaliing mag-sipilyo matapos kumain upang mapabagal ang patuloy na pagkasira ng iyong mga ngipin. Mahal magpa-pustiso. Lucky numbers 8, 18, 26, 91, 172, 305. Lucky color White.
|
|
Scorpio (Oct.
24 - Nov. 22) Huwag maniwala sa feng shui maliban na lang kung nagmula ka sa imperyong intsik. Iwasan ang pagsasabong sa araw ng Sabado, araw ito ng dehado. Mag-ehersisyo ka, lumalaki na ang love handles mo. Lucky numbers -1, ¼, 3, 28, 42, 69. Lucky color Blue.
|
|
Sagittarius (Nov.
23 - Dec. 21) Magsimula ng bumili ng pan-regalo sa mga inaanak para sa Pasko. Kumain ng masustansyang pagkain at magpahinga ng sapat. Kailangan mo yan sa pag-oovertime para may pang-aguinaldo ka sa isang dosenang inaanak mo. Lucky numbers 25,000.
Lucky color...wala lahat malas.
|
|
Capricorn (Dec.
22 - Jan. 20) Kung OFW ka at pauwi na lakasan ang loob. Huwag kang magpasundo at gawing surpresa ang pag-uwi. Kumatok sa main door ng bahay at sabihing 'dito na ko darling!' sabay punta sa pinto sa kusina sigurado doon magdaraan si kumpare na kalaguyo ni misis. Lucky numbers 90210. Lucky color Gray.
|
|
Aquarius (Jan.
21 - Feb. 19) Kikita ka sa bago mong raket. Umiwas lang sa pulis at kay Edu at baka ikaw ay matiklo. Sundan ang yapak ni Bill Gates at manipolyohin ang market ng pirated DVD. Kalusugan: Masigla at healthy always. Tandaan, ang masasamang damo matagal ang buhay. Lucky numbers 36-24-36. Lucky color Rainbow.
|
|
Pisces (Feb.
20 - Mar. 20) Uminom ng gatas sa umaga at bago matulog. Kumain ng star rice 3 times a week. Matulog sa tanghali upang tumangkad ng sapat. Malaki ang potential mo para maging susunod na Alvin Patrimonio. Iwasan si Kris Aquino. Lucky numbers 6'5...huwag baligtarin, baka mapagkamalan kang bumbay! Lucky
color Orange.
|
| Images sourced from: http://www.journal.com.ph |
|
|
| Entries 171 to 180 of 319 |
|
|