BrownMan Blog
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search  
Topics
Brownman's ABC
Brownman's Hirit
Business Pinoy
Iskul Bukol
Kalusugan
Kapuso
Kasabihan, Islogan, Salawikain, Atbp
Komiks
Kwentong Barbero
Limericks
My Top 10
OFW
OPM
Philippine History
Pinilakang Tabing
Politico
Random
Rise from the dead
Sports
Traditions, Customs, Culture
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In


Isa ka ba sa amin?

Filipiniana * FOB * Good News Pilipinas * I Love Cavite * Kwentong Tambay * Market Manila

Naic Cavite Online * Nostalgia Manila * Pi Omicron * Super Pasyal * Yabang Pinoy

CNSHS Batch 98 * WikiPilipinas * Brownman Home

Blog - Latest Entries
<< < | 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 | > >>
Brownman's ABC > Your Horoscope For The Coming Week
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Sep.02.2007 @ 8:49 am

Zodiac ni Juan Dela Cruz


Aries (Mar. 21 - April 20) Salubungin ang bawat araw ng may saya't sigla. Makakahanap ka na rin ng Papa/Mama wag lang kakalimutang mag-tinga. Iwasan ang pagkain ng talaba-flavored donut, mas praktikal at masarap ang choconut. Tangkilikin ang sariling atin, wag ang made in China baka mabitin. Lucky numbers 1, 2, 6, 9, 21, 69. Lucky color Pink.

Taurus (Apr. 21 - May 21) Maging tapat sa mga kaibigan para makaiwas mabigwasan. Ipunin ang lakas dahil midweek kakailanganin mo ito sa isang matinding sabong na siguradong pipikiin ka sa paglalakad. Maging mapagmatyag, may mga  naiinggit sa iyong suwerte. Lucky numbers 10, 26, 30, 37, 52, 99-1/2. Lucky color Green.

Gemini (May 22 - June 21) Wag kalimutan maligo. Nabubuwisit na ang mga kasamahan mo sa trabaho sa amoy mong maasim pa sa Datu Puti. Kung patuloy kang uunlad iwasan ang mag-mariang palad. Huwag ituloy ang planong out of town ngayong linggo, magbantay sa bahay ikaw ay may mabibisto. Lucky numbers 0, 4, 13, 21, 22, 100, Lucky color Yellow.

Cancer (June 22 - July 22) Sa darating na Lunes ay mahuhuli ka ng MMDA na lumabag sa odd-even scheme. Sa sobrang hang over mo kasi akala mo Sabado na. Itutok ang pansin sa pagnenegosyo. Tigilan ang masamang bisyo. Matulog ng maaga, masyado na malaki ang eyebags. Lucky numbers 0.33, 3, 33, 333, 3333, 3 x 103. Lucky color Red.

Leo (July 23 - Aug. 22) Subukang mag-absent sa M-W-F session ng mah jong. Malalaman mo na mas masayang makipaglaro kay bunso. Mas mabuti pang tulungan siyang gumawa ng assignment. Miss ka na ng pamilya mo, tigilan ang pagsusugal. Masusundan pa si bunso. Lucky numbers 17, 19, 21, 25, 34, 35. Lucky color Black.

Virgo (Aug. 23 - Sept. 23) Maganda ang pasok ng linggo mo ngayon kasi tatama ka sa jueteng. Huwag ng gayahin ang napanood sa komerysal ng Ginebra na nagsasabing "Magpapainom ako!". Mas mabuting bayaran ang humahabang listahan ng utang sa tindahan ni Mang Apeng. Lucky numbers 14, 37. Lucky color Violet.

Libra (Sept. 24 - Oct. 23) Huwag lumabas ng bahay pagkatapos ng mahabang ulan. Siguradong baha sa kalye at may naghihintay sa iyong open man hole. Ugaliing mag-sipilyo matapos kumain upang mapabagal ang patuloy na pagkasira ng iyong mga ngipin. Mahal magpa-pustiso. Lucky numbers 8, 18, 26, 91, 172, 305. Lucky color White.

Scorpio (Oct. 24 - Nov. 22) Huwag maniwala sa feng shui maliban na lang kung nagmula ka sa imperyong intsik. Iwasan ang pagsasabong sa araw ng Sabado, araw ito ng dehado. Mag-ehersisyo ka, lumalaki na ang love handles mo. Lucky numbers -1, ¼, 3, 28, 42, 69. Lucky color Blue.

Sagittarius (Nov. 23 - Dec. 21) Magsimula ng bumili ng pan-regalo sa mga inaanak para sa Pasko. Kumain ng masustansyang pagkain at magpahinga ng sapat. Kailangan mo yan sa pag-oovertime para may pang-aguinaldo ka sa isang dosenang inaanak mo. Lucky numbers 25,000. Lucky color...wala lahat malas.

Capricorn (Dec. 22 - Jan. 20) Kung OFW ka at pauwi na lakasan ang loob. Huwag kang magpasundo at gawing surpresa ang pag-uwi. Kumatok sa main door ng bahay at sabihing 'dito na ko darling!' sabay punta sa  pinto sa kusina sigurado doon magdaraan si kumpare na kalaguyo ni misis. Lucky numbers 90210. Lucky color Gray.

Aquarius (Jan. 21 - Feb. 19) Kikita ka sa bago mong raket. Umiwas lang sa pulis at kay Edu at baka ikaw ay matiklo. Sundan ang yapak ni Bill Gates at manipolyohin ang market ng pirated DVD. Kalusugan: Masigla at healthy always. Tandaan, ang masasamang damo matagal ang buhay. Lucky numbers 36-24-36. Lucky color Rainbow.

Pisces (Feb. 20 - Mar. 20) Uminom ng gatas sa umaga at bago matulog. Kumain ng star rice 3 times a week. Matulog sa tanghali upang tumangkad ng sapat. Malaki ang potential mo para maging susunod na Alvin Patrimonio. Iwasan si Kris Aquino. Lucky numbers 6'5...huwag baligtarin, baka mapagkamalan kang bumbay! Lucky color Orange.
Images sourced from: http://www.journal.com.ph
 

My Top 10 > Bakit Kailangan Alagaan ang Buhok
4 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.31.2007 @ 7:38 am | Lasted edited: Aug.30.2007 @ 6:34 pm

"Anong paki mo sa long hair ko! Inggit ka lang kasi ikaw nakakalbo!"

Bakit kailangan alagaan ang buhok? Kasi kasama sa overall image ng isang tao ang buhok! Meron pa nga tayong mga katoto d'yan na nagsasabing 'galawin mo na ang asawa ko, wag lang ang buhok ko'. Sa tingin ko narito ang mga dahilan kung bakit natin kailangan na bigyan ng mabuting pagkalinga ang ating hokbu:

1. Dahil sa ito ang nasa kataasang lugar ng parte ng katawan na tao, ito palagi ang unang mapapansin. Hindi ka ba nagtataka na kahit super japorms ka, pagpasok mo sa opisina batiin ka ng tanong ni opismeyt na 'mahangin ba sa labas?'. Classic example na hair comes first. 

2. Kahit wala kang pinag-aralan at tambay ka sa kanto Tinio puwede ka pa rin kumita sa pagmomodel gamit ang iyong long, black shiny hair! Maaari kang makuha sa mga komersiyal ng Rejoice, Sunsilk, Cream Silk, Head and Shoulders, Pantene at Vaseline. 

3. Kung mahirap ang buhay at hindi na kayang maka-afford ng cologne eh mabisang pang-akit na rin ang mabangong amoy ng buhok. Hindi naman kamahalan ang mga naka-sachet na shampoo and conditioner. Marami pa rin maaakit sa iyo kung mabango at maganda ang mahaba mong buhok kahit na kulang ka sa rikit at ganda. 

4. Walang tatabi sa 'yo sa jeepney kung ang buhok mo ay nanlilimahid, nanlalagkit at mukhang may tumutulong gata ng niyog! 

5. Sa init ng panahon sa Pilipinas kailangan ng mga Pinoy ang healthy na buhok kung hindi ay magbi-biyak biyak ang dulo nito at magmumukha kang isang tao na sinakluban ng walis tambo sa ulo. 

6. Hindi ka pasasakayin sa eroplano papuntang isteyts kung marami kang lisa macuja at kutomb riders diyan sa buhok mo unless i-declare mo na you are travelling with your pets. Ikukulong nga lang sila (pets mo) sa isang hawla...at malamang kasama ka. Nasira pa ang iyong pangarap na makapamasyal sa lupain ni ankol sam at makapag-asawa ng supot na kano. 

7. Mas madaling matanggap sa trabahong pang opisina at pampubliko ang mga taong may maayos at presentable na hairstyle. Totoo na nag-eexist ang bias sa hitsura ng isang tao kahit saang lupalop at saang industriya. 

8. Pag-edad mo ng lampas tatlumpu ay magsisimula nang tamarin ang scalp mo na patuloy magpasibol ng buhok. Lalo pa kung smoker ka. Kaya para maiwasan ang pagka-turn off ng nililigawan mong teen ager (cradle snatcher!) nararapat lang na alamin ang mga paraan para makaiwas sa maagang pagka-kalbo. Sabagay may paraan naman para ma-counter ang speedy top gone syndrome na yan...subukan ang shampoo ng kabayo, ahitin na lahat ng buhok sa itaas pagkatapos humarap sa salamin at sabihin sa scalp na 'haha naunahan kita!', mag-peluka tulad ng ginagawa ni Eddie Gil o kaya naman ay magpa-tattoo ka sa tuktok mo para mukha ka pang gangsta! 

9. Prone ka sa away kung nakalbo ka na kasi tuwing dadaan ka sa tindahan ni aling Sepa eh tutuksuhin ka at pagtatawanan ng tropang long hair na oblak! oblak! oblak! 

10. Kung malaki ang ulo mo at nakalbo ka na eh baka mapagkamalan ka walking bombilya...worse...baka walking etit lalo na kung may balbas ka at malaki ang tyan mo.
 

Brownman's ABC > Today in Philippine History
18 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.30.2007 @ 8:11 am | Lasted edited: Aug.29.2007 @ 7:13 pm

Today in Philippine history ulit...
30 August

 

1896 — Battle of Pinaglabanan. Bonifacio and his best friend, Emilio Jacinto, fought the first battle of the Philippine Revolution. Leading an army of eight hundred men, they attacked a gunpowder storehouse in San Juan del Monte (now San Juan, Metro Manila). Today the place is called Pinaglabanan, meaning battlefield. The storehouse was an important military post for the Spanish army, but it was defended by only a hundred men. Outnumbered, the Spaniards retreated to El Deposito, the place where the Spaniards stored the water supply for the city of Intramuros. Continue reading...



1896 — The first official change in the Katipunan banner is made. The Magdalo leaders of Cavite replace three white K's with a white sun with rays and inside the sun is the K in ancient Tagalog script. The K stands for "Katipunan" and the eight rays represent the first eight provinces to rise in arms against Spain, namely, Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Pampanga, Nueva Ecija, and Tarlac. See the evolution of the Philippine flag here...

1896 — Gen. Ramon Blanco proclaims a state of war in Manila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Cavite, and Batangas.

1898 — Pres. Emilio Aguinaldo sends an expedition to Capiz under Gen. Ananias Diokno, with authority to establish military and civil organizations.

1907 — A franchise is granted to the Lepanto Mining Company to construct the highway from Lepanto-Bontoc to the China Sea.

1944 — Japanese authorities execute Juan M. Elizalde, Cirilo B. Perez, Nestor Reynoso, Rafael Roces, Jose Ozamis, Enrico Pirovano, and others for their guerrilla activities.

1951 — The Mutual Defense Pact is signed by the representatives of the Philippines and United States in Washington. The Treaty is one of the instruments of American imperialism and intervention.

1962 — Pres. Diosdado Macapagal signs an executive order creating the National Food Production Campaign Committee. The Committee is part of the administration's program on food security.


Source: http://filipiniana.net/, http://www.bakbakan.com

 

Iskul Bukol > Extra-curricular Activities sa Mababang Paaralan ng Muzon
3 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.29.2007 @ 8:02 am

  Sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas ay hindi mawawala ang "extra" Extra-curricular activities. Mga gawaing hindi naman talaga direktang naka-ugnay sa akademya. Ito ay hindi maiiwasan dahil na rin sa impluwensya ng lokal na gobyerno, simbahan, DECS (DepEd na ngayon) at mga guro. Narito ang ilan sa aking mga na-experience na "extra" Extra-curricular activities.

  1. Mag-damo. Hindi yung Cannabis sativa na gustong gusto ng mga adik ha. Ito yung damo na paborito ng kabayo. Tuwing umaga bago magsimula ang klase at sa hapon bago umuwi ay pinagbubunot kami ng damo sa loob ng iskul. Yung ibang nakagawa ng improvised na pantabas (yung talim ng panggapas o karet inilagas sa dulo ng bamboo stick at tinalian ng goma ng pamaltik) ay maswerte at hindi na gagamitin ang sariling kamay direktang pagbunot ng damo. Sistematiko din ang aming gawain na ito at may iskedyul. May overtime kami hanggang alas-singko kung malapit nang bumisita ang super-intendent ng iskwela. Kaming mga estudyante ang inaalila ng mga guro sa paglilinis ng paaralan.
  2. Mag-ehersisyo. Tuwing umaga pagkatapos awitin ang National Anthem eh maghanda na para mag-ehersisyo. Sa saliw ng tambol ni Boni  iiikot namin ang aming tuhod, igigiling ang balakang, itataas-ibaba ang mga kamay at mag ja-jumping jack habang sumisigaw si Mam Lita ng 1-2, 1-2-3, 1-2-3-4, bopol!
  3. Umawit na parang nagre-rehearse para sa isang konsiyerto. Naku ang aming klase sa English nung Grade 1 ay palaging naka-cut short dahil sa dami ng aming inaawit sa umaga. Frustrated singer siguro si Mam Perla...or talagang dinadaan nya sa awit ang pagsasanay sa amin mag-ingles. Sit, down, sit, down, you're rocking the boat. Sit, down, sit, down, you're rocking the boat. My toes, my knees, my shoulder, my head. My nose, you kissed, you holler in my bed. Fly, fly, fly the butterfly in the garden is flying high. In the meadow is flying low. Fly, fly the flutterby!
  4. Marindi sa sigaw ni Mam Perla. Bakit? Hindi maka-sagot sa kanyang easy question. Bakit? Hindi dahil sa bobo ang estudyante... Naubusan lang ng boses. Namalat na see number 3.
  5. Tumanggap ng pingot sa tenga at palo ng stick ng titser sa puwit at sa kamay. Noon eh kasama talaga sa GMRC ang pagkurot, pagpingot, pamamalo at paninigaw ni Mam sa kanyang mga estudyante. Mas malala pa nga kesa kung nasa bahay ka. Mas istrikto kesa sa mga magulang. Well at least noon eh pagdidisiplina lang at walang acts of lasciviousness na nangyayari...unless si sir eh kinurot sa singit si nene.
  6. Gardening. Mag-bungkal ng lupa, magtanim ng pechay (ginamit pa nga ng isang talunang senatoriable, itanim daw sa senado! ), mustasa at labanos at syempre hindi mabubuhay ang mga tanim kung hindi namin didiligan ng tubig mula sa sangha ng NIA.
  7. Adidas Cooking Lesson. May time na pinapatulong kami sa pagluluto ng lugaw na may sahog na Adidas, yung paa ng manok. Syempre kapag nakatulong ka kay Mam Bautista eh libre na ang isang cup mo ng lugaw sa recess. Masarap naman at mura lang. Kaya nga lang kung isipin mo ay parang napaka-gross makita ang pangkahig ng manok sa ibabaw ng cup ng lugaw...may kuko pa!
  8. Maging philatelists. Sa buong school year makaka-kolekta ang isang estudyante ng mahigit kulang-kulang na dalawang dosenang selyo. Kumpleto yan mula national animal, national leaf, national tree, national fruit, pati mga bayani katulad ni Mabini, Rizal , Aguinaldo atbp. Pati nga si Ninoy kasama din. Wala naman ibang choice kasi hindi raw makakapasa kung hindi kukuha ng stamp. Kaya tuloy imbes na ibili ng choco-bot ang baon ayun napupunta sa useless na selyo. Sino kaya ang may pakana nito noon? DECS? Guro? nangyayari pa kaya ito ngayon?
  9. Pagtaya sa Jueteng! Yes, si Mam Grade Two (hindi ko na papangalanan) inuutusan ang estudyante nya na lumabas ng eskwela, tumawid ng mapanganib na hi-way at maglakad patungo sa bahay ng matandang huklubang kubrador ng jueteng para lamang tayaan ang kanyang paboritong numero. Susmaryahosep!
  10. Maglinis ng sariling desk. Twice a year eh nililinis namin ang aming desk gamit ang isis at tubig mula sa, again, sangha ng NIA. Dahil nakakapagod lumusong ng sangha at umigib ng tubig pabalik-balik, dinadala na lamang namin ang desk sa sangha mismo. Inilulublob doon at tsaka kami pandalas ng isis para maalis ang bakas ng vandalism...lalo na yung stick drawing ni Bong bong na gumagawa ng baby. Kainis kasi malimit may mga lumulutang lutang pa sa sangha ng tubig na jerbaks ng mga bastos na nakatira sa tabing patubig.
  11. Pag-aaral ng relihiyong Katoliko. Sa akin ay ayos lang. Pero paano naman kaya sa mga Iglesia ni Mormon? Eh dun sa mga Saksi ni Brod Pete at sa mga born ulet? Isa na namang requirement daw...para lang makapasa. Malinaw na wala sa curriculum kasi hindi naman catholic school ang Mababang Paaralan ng Muzon.
  12. Itinda ang mga natirang kendi, karyoka at nutri bun sa bawat classroom pagdating ng alas-tres ng hapon. Second recess daw ito. Kung makarami ka ng benta eh siguradong may free white rabbit ka o kaya stork. Kung maubus naman eh syempre isang Nutri bun na may alambre sa loob ang premyo mo mula sa canteen!

Rise from the dead > Lumang Litrato: Bataan
4 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.28.2007 @ 12:01 pm

Old pictures of Bataan during WWII below.


Bataan


Passing thru dry rice fields.

Death March Pictures


American and Filipino forces surrender to Japs

Japs looting captured Yankee soldiers.

Three Yankee POWs with their arms tied.

POWs at treading Zigzag pass

Slain Filipino soldiers. Pugot ulo pa nung nasa kanan.

Beheading Party! Japs pinupugutan Pinoy and Yankee POWs tsk tsk.

Filipino POW burial parade


Japanese soldiers in Bataan

Japanese soldiers crossing a wooden bridge.

Japanese soldiers playing music during lighter times.

"Kanyonin mo baby!"

 

 

Brownman's ABC > BER -ry Xmas?
3 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.28.2007 @ 9:22 am

Sa Sabado ay September na!!! "Ano naman?", singit ng isang bopol. Wapaks! BER month na hindi mo ba alam! Ibig sabihin malapit na Pasko... Malapit na birthday ko! Malapit na rin bakasyon ko! Palapit na rin ng palapit ang katapusan ng 2007. Bonus na!

Pero kahit malapit na tayo sa last quarter ng 2007 eh marami pa ring mga holidays at kasiyahan na dapat abangan. Eto ang ilan:



August 29: Birthday ni nanay. Happy birthday Nanay! Mahal na mahal kita!!! Miss na kita!!!

August 31: National Heroes' Day. Eto yata yung inilipat sa Monday (Aug 27)?

Sep 11 Barangay Day. Masaya na naman ang mga barangay tagay at barangay tañod! Sikat na naman sila.

Sep 16 100 Days before Christmas. Sa Pilipinas lahat ng radio station, tv station, pati dyaryo ay nagbibilang ng 100 days bago mag Pasko. Simula na rin patugtugin sa AM radio ang mga kantang pamasko. Buhay na buhay na naman ang kanta ni Jose Mari Chan, Gary V at Joey De Leon (marami pang iba) tungkol sa Pasko. Unti-unti na rin lalamig ang panahon at talaga namang maamoy mo na ang selebrasyon ng kapanganakan ni Kristo! Hindi ito national holiday isinigit ko lang.

Sep 21 National Thanksgiving Day. Hindi ko matandaan kung sine-celabrate talaga ito sa Pilipinas.

Oct 26 Birthday ko. Hindi naman ito National Holiday sa Pilipinas... Personal holiday ko. Tatanda na naman ako ng isang taon... This will be my 6th 21st birthday!

November 1: All Saints' Day. Dami na naman tao sa sementeryo. Oh wag na magdala ng Tanguay at Ginebra sa sementeryo ha pinagbabawal na yan... Wag na rin mag-tong its sa ibabaw ng nitso! Ipanalangin na lamang ang mga kamag-anak at kaibigang pumanaw at hilingin sa kanila na sana mapatawad ka na sa iyong mga atraso sa kanila at wag sanang hilahin ang inyong paa habang natutulog.

November 2: All Soul's Day. Hindi kasing dami ng tao sa sementeryo kung Nov. 1. Kasi siguro ang mga tao pilit nilang ginagawang santo ang mga patay nila.

November 30: Bonifacio Day. A-tapang a-tao hindi a-takbo. A-putol a-utin, a-takbo a-tulin. Mabuhay si Ka Andres!

December 24 (evening) and 25: Christmas. Ang paborito kong holiday! Nakakatuwa pag nakabihis na ang mga bata at nagmamano sa mga tatay, nanay, lolo, lola, ninong, ninang, tiyong, tiyang at sa lahat ng makitang may edad na mukhang may pera pang-aguinaldo. Ito ang Fiesta ng mga bata! Ang mga inaasahang mamimigay naman ng regalo at kwarta sa mga inaanak ay kalimitang nagkukubli kung talagang gipit.

December 30: Rizal Day. Pambansang Bayani day. Somewhat overshadowed ng katatapos na Pasko at ng New Year's eve celebration. Wag sanang kalimutan ng kabataan ang mga nagawa ni Pepe para sa ating bayan.

December 31: New Year's eve. My second favorite holiday! Dito nailalabas ko ang aking galit sa mundo sa pamamagitan ng pagpapaputok bwahahaha. Joke lang po. Sa mga mahilig magpasalba ng kwitis, 5-star, watusi, bawang, super lolo, pla-pla, dilis, daing, sinturon ni hudas at iba pang mga pampabasag eardrum, mag ingat po sana. Hindi naman maganda na salubungin ang susunod na taon na kulang ng isang daliri. Mahihirapan na kayo mangulangot!
 

OPM > Jeproks!
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.26.2007 @ 2:39 pm

Laki sa Layaw Jeproks!

Mike Hanopol with Wally Gonzales


OPM > No Touch
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.26.2007 @ 12:44 pm

No Touch - Juan Dela Cruz Band


Intro A A D A


A
e -------------------------------------------------[
b -------------------------------------------------[
g---------------2-2--------------------------------[
D --------2-4-2---4-2-2-4-2------------------------[
A ----2-4------------------------------------------[
E --5----------------------------------------------[


D
e -----------------------------------------------[
b--------------33--------------------------------[
g--------2-4-2---4-2-2-4-2-----------------------[
d----2-4-----------------------------------------[
a--5---------------------------------------------[
e------------------------------------------------[




verse
A
Dead na dead talaga ako
A
sa mga pakembot-kembot mO
D
kapag ikaw ay ngumingiti
A
ako'y medyo nakikiliti

[refrain]

D Bm
Kailangan ko ang iyong labi
D Bm
kailangan ko ang iyong pisngi
D E
kailan kaya kita maiuuwi


DO INTRO A
sige na sige na

sige na sige na

GUITAR 2 DO INTRO
A
Noon pa man ikaw na talaga
A
pangarap ko sa tuwi-tuwina
D
kailan kaya kita maiiskor
A
kailan kaya kita maaarbor

[chorus]
D Bm
Kailangan ko ang iyong labi
D Bm
kailangan ko ang iyong pisngi
D E
kailan kaya kita maiuuwi

DO INTRO A
sige na sige na
sige na sige na

[chorus 2]
F#m A
Pahipo naman (No touch)
F#m A
pahawak naman (No touch)
F#m E
di na kita matsansingan

ADLIB...
(oh kay tagal ko nang hinihintay, patay na patay tulo laway na inaasam na makamit ang
mong uhm! Kainis laging mintis di ma-kiss wag lang sanang mapagkamalang
E D E
manyakis!)

A
Paglumakad ka ika'y nakakatukso
A
nakakabaliw ang bewang mO
D
ako'y nadyadyaheng lumapit sa 'yo
A
masyadong class ang mga porma mo

[chorus 1]
D Bm
Kailangan ko ang iyong labi
D Bm
kailangan ko ang iyong pisngi
D E
kailan kaya kita maiuuwi
DO INRO
sige na sige na
sige na sige na

[chorus 2]
[chorus 1]
F#m A
Pahipo naman (No touch)
F#m A
pahawak naman (No touch)
F#m E
di na kita matsansingan
D Bm
Kailangan ko ang iyong labi
D Bm
kailangan ko ang iyong pisngi
D E
kailan kaya kita maiuuwi

DO INTRO A
sige na sige na
sige na sige na

[chorus 1]
D Bm
Kailangan ko ang iyong labi
D Bm
kailangan ko ang iyong pisngi
D E
kailan kaya kita maitatabii

DO INTRO
sige na sige na
sige na sige na sige na sige na
sige na sige na
yeah! A...

 

Pinilakang Tabing > Cine Filipino
5 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.25.2007 @ 8:01 am

Matagal na akong hindi nakakapanood ng pelikulang Pinoy. Paano ba naman kasi nitong mga nagdaang taon ay tuwing Disyembre lamang ipinapalabas ang mga may kwentang sine. Yan tuwing Metro Manila Film Festival (MMFF) lamang . Kung hindi ST (pito-pito movies) ay love story lang ang mapagpipilian, aside sa mangilan-ngilan na horror flicks.

Meron din namang ilan na sineng mahusay ang pagkakagawa at ang takbo ng istorya ay maipagmamalaki...mga Indie films. Nga lamang mga low budgeted na pelikula ito at ni hindi naipapalabas sa ating mga sinehan. Kulang sa publicity ika nga. Mas nauuna pang napapansin ng mga banyagang kritiko at mga international film award giving bodies.

Kapag ganitong weekend nami-miss ko tuloy yung mga action films ni FPJ, Rudy, Bong at Robin. Yung mga pelikulang hindi namamatay ang bida kasi nakakailag sya sa bala...kung saan kaya nyang pataubin ang limang tambay na mama sa tindahan sa kanto na nag-iinuman. Yung mga agimat movies ni Ramon Revilla...wala na bang magpapatuloy ng ganitong konsepto sa pelikula?

Isa pang nawawala ay ang mga komedyang sine. Ang mga bagong komedyante natin ay kalimitang mapapanood mo lamang sa telebisyon, sa mga comedy bars ni Allan K o kaya naman ay nasa mga piyestahan sa probinsiya kasamang nagpapasaya ng mga singers at majikero!

Mabuti na lamang at ang mga sineng katatakutan at suspense ay napapanood pa rin paminsan minsan ng isang ordinaryong Juan. Parang ito na lang ang patuloy na nagsusurvive sa industriya ng pelikulang Filipino. Ang mga dramang sine ngayon temang kanluranin na rin...sa titulo na  lamang ingles na... Hay, hay, hay... asan na ang mga trademark Cine Filipino?


Trademark ng mga Pelikulang Filipino:

  1. Kontrabida, maong jacket, leather jacket. Yung mga goons, private armies, sindikato at kriminal kahit anong init sa Pilipinas naka leather/maong jacket pa rin sa pelikula at hindi man lang pinapawisan at parang cool na cool pa sa pagsalo ng mga suntok at sipa ng ating bida. Taga-salo rin sila ng mga balang nailagan ng leading man. Dalawa lang ang ending para sa mga bad guys ng sineng Pinoy... bugbog sarado at kalaboso (see number 8) o patay.
  2. Pompyang. Hindi kumpleto ang isang fight scene sa sine kung walang mapopompyang! Wapaksss!!!
  3. Leading ladies. Swerte ng mga bida natin palaging may leading ladies na ubod g seseksi at gaganda. Sila ang kalimitang ginagamit na best selling point ng sine kung ang istorya ay predictable. Magkakaroon ng tsismis sa pagitan ni leading man at leading lady.
  4. Kabit. Dahil mas exciting kung ang bida natin ay may pagka-pabling kaya may gumaganap ng number two. Swerte talaga ng bida!
  5. Love scene. Eto ang paborito ng mga kuwimao movie goers. Ang makita ang bitin na love scene ni Nanette Medved at FPJ o Jessa Zaragosa at Joko Diaz. Pag malapit ng makarating dun sa hindi daw dapat makita ng mga bata ay palaging magpopokus ang kamera sa buwan, sa langit na madilim, sa kurtina sa bintana o kaya naman ay sa isang bungkos ng bulaklak.
  6. Kantahan sa pelikula. Kalimitan itong nangyayari sa isang parke o plaza kung saan maraming tao...at syempre pa lahat ng tao sa paligid bigla na lamang makikisayaw at makiki-awit sa ating mga artista na para bagang tatlong linggo na nila napraktis ang koryograpiya.
  7. Pasabog epeks. Kung wala raw mga pasasabugin at susunugin eh hindi mabenta sa takilya ang isang pelikula. Kaya naman sa ending ng mga pelikulang aksyon, mapa-aksyon-drama o aksyon-comedy ang climax ng sine ay sa katapusang labanan. Kalimitan ginagawa sa isang lumang warehouse, sa junk yard o lay down area ng mga imburnal o malalaking pipe. Mura lang kasi kung ang susunugin at wawasakin ay yung mga luma nang gamit. Marami pa ditong pwedeng pasabugin na kaha ng kotse. Maganda rin itong lokasyon kasi maraming pwedeng pagtaguan ang kontrabida para makapag-sigawan pa sila ni Mr. Bida ng mga maaanghang na salita bago mag duwelo.
  8. Pulis Patola. Ito ang mga kahanga-hangang pulis natin na palaging huli na kung dumating. Kung kailan naubos na ng bida ang mga sindikato tsaka pa lamang sila magsisidatingan. Hindi pa naka-uniform at may tali lang ng puting good morning towel sa ulo para masabing pulis sila....eh hindi naman sila nagbabalalkayo par mag espiya...kasi galing naman sila straight from their police station!
  9. Side kick. Hindi kumpleto ang humor sa sine pag wala ang palaging maaasahan na side kick. Sagot nya ang mga punch line, ang pingot ng bida, ang supply ng mga armas at bala. Pati ang galit ng kontrabida sinasalo nya kaya malimit nabubugbog at nagiging dahilan para magkaroon ng huling duwelo.
  10. Baril at magazine. Kapag wala ng laman na bala ang magazine ng baril, itinatapon laman ito sa pelikula as if disposable ito. Pati na rin mismo baril itinatapon lang sa tabi pag wala ng spare magazine. Kung talagang naubusan naman ng bala ang ating bida palaging may available na armas na mapupulot nya lang sa tabi tabi para magamit at maipagpatuloy ang labanan.
 

Brownman's ABC > Lamay
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.22.2007 @ 9:10 am

Hindi pa ako nakapaglamay sa ibang lugar sa Pilipinas. Iniisip ko, ano kayang makikita at ma-eexperience ko sa isang pulaw sa ibang parte ng Pilipinas? Minsan kasi nagkwento ang dati kong kasamahan sa trabaho na na-shock daw sya minsang nakipaglamay sya sa isang bayan ng Cavite. Parang masaya pa daw ang mga tao... Siguro dahil sa mga sumusunod...

Sakla. Hindi kumpleto ang pulaw kung walang sakla o ripa. Dito tumataya ang mga sugarol sa kumbinasyon ng dalawang baraha. Parang ganito yata ang mga ngalan ng mga baraha: Oros, Kopas, Bastos, Pogi, Espada, etc

Tong-its, mah jong, pusoy, pusoy dos, black jack, 41, abp. Sugal pa rin ito. Ang lakas ng hatak ng sugal sa isang pulaw. Walang pinipiling oras ito. Kumikita ang patay sa pamamagitan ng tong.

Langit, lupa, impiyerno, isda-gulay-hayop, shagidi-shapopo, pitik bulag, atbp. Eto ang pangkaraniwang nilalaro ng mga kabataang walang perang pansugal. Kadalasan ang grupo ng naglalaro nito ang pinaka-maingay sa pulaw.

Ligawan. May mga magsiyota na ginagamit ang excuse ng pagpunta sa lamay para makipagligawan sa kanikanilang irog. Sila ang kalimitang makikita mo sa mga pinaka-madidilim na sulok. Kung meron nagkukuringgian sa sulok siyempre marami rin bosero.

Karaoke/Videoke. Hulog ka lang ng limam-piso at makakanta mo na ang paborito mong Basil Valdez song. Dito lubos na nashock ang aking dating kasamahan sa trabaho. Bakit daw parang may pakontes pa ng pag-awit?

Libreng biskwit, butong pakwan, butong kalabasa, sandwich, noodles, pansit, kape, tsaa at juice. Isa pang dahilan bakit palaging patok ang mga pulaw ay dahil sa libreng pagkain at inumin na ma-eenjoy mo dito. Kung malimit ka makipag-lamay makikilala mo na ang mga tamad na patay gutom sa inyong barangay. Mga bantay salakay. Buong pamilya nasa pulaw tuwing oras ng pagkain.

Banda kumbatsero. Sa last night ng lamay ay kalimitang may mga kombatsero band na inuupahan ang may pa-pulaw para gisingin ang mga inaantok sa puyat na mga bisita. Parang mini-concert ang nangyayari.

<< < | 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 | > >>
Entries 181 to 190 of 320

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org