|
| 3 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Aug.22.2007 @ 8:10 am | Lasted edited: Aug.21.2007 @ 8:03 pm |
Noon at Ngayon
Sharing ng ulam sa tanghalian. Ang mga magkakapitbahay ay magkakaibigan din. Kung may nailuto kang sinigang, magsi-share ka sa kapitbahay mo ng kahit konting sabaw. Ganun din naman sila kapag nagluto ng ginisang bagoong sigurado may kaparte ka. Ngayon? Magtyaga ka na lang sa amoy ng niluluto nila...
Sabay sabay na panood ng TV. Nung late 80s hanggang early 90s eh patok na patok ang Ginebra team (naging Añejo at Tondeña pa nga sila). Kapag may laban ang team ni Jawo eh blockbuster sa bahay namin kahit black and white lang ang aming tv. Masaya ang buong pamilya na nanonood ng TV. Kadalasan kasama pa ang kapitbahay kasi hindi lahat ng bahay noon ay may telebisyon. Sikat din ang Ula, Ang Batang Gubat (Judy Ann Santos' first tv show), Agila, Ipaglalaban Ko, atbp. Ang Eat Bulaga wala pa sa Siyete. Teka ibang topic na ito. Ngayon? Pabonggahan na ng tv ang magkakapitbahay. Kapag bumili si kapitbahay 1 ng 21" na JVC, dapat mas malaki at mas bagong model yung kay kapitbahay 2.
Paglabas mo ng bahay nyo makikita mo ang crush mo hinihingutuhan ng nanay nya. Isa sa mga pampalipas oras (at hygiene?) ang pag-aalis ng kuto sa buhok ng mga babae noon. Hindi pa kasi widely available ang Anti-dandruff shampoo sa Pilipinas noon. Wala pa rin ang 3-in-1 sachet mo na may shampoo, conditioner at sabong panlaba. Kumpleto di ba! Ngayon yung may mga pera pa-spa spa na lang. Yung walang pera sachet na lang... affordable naman.
Ang Sangguniang Kabataan (SK) ang nangunguna sa paglilinis ng mga kanal sa baranggay. Responsable ang mga SK (dating KB) members noon. Hindi lang kalinisan ng barangay ang ginagawa nila. Nagpapa-party yan kapag piyestahan. Nagpapaliga ng basketball, softball, volleyball, fishball, football, at iaba pang sports kapag summer. Ngayon may bagong meaning na ang SK.. Sangguniang Kalokohan (sabi nga ni Mar). Ang projects nila ay mag post ng mga slogan sa bawat kanto na hindi mo malaman kung pagpapatawa ba or pag-papaalala.
Kumpleto ang barkada noon. Dati rati talagang solido ang samahang barkada. Naglalaro sa kalye. Kumakain ng bahaw sa gabi. Sama-samang nanonood ng porno sa Beta max. Isang grupo na nagmimiryenda sa ihaw-ihaw. Isang team sa basketball. Nagtutulungan sa panliligaw. Simple lang ang mga activities ng barkada at hindi magastos ngunit talagang mahigpit ang bonding. Ngayon...disconnected na dahil sa technology. Text-text na lang. Chat na lang sa YM. Kung magkakasama man kanya kanya pa rin ng kalikot sa cellphone at kanya kanya ring pakinig sa iPod.
Noon sumusulat ka sa yellow paper kay Tatay na nasa abroad para mangumusta. Dino-drawingan mo pa nga ng barko o eroplano para matuwa naman si tatay at natuto ka na rin gumuhit. Sasabihin mo na miss mo na sya. Mag ingat sya at palaging kumain ng sapat. Ngayon... nag-eemail ka kay Tatay o kaya naman ay nagchichikka text. Makabago na...ayos lang sana..kaso ang mensahe nagbago na. Papa bili mo ko iPOD. Papa kailangan ko ng laptop. Papa yung XBox ko asan na. Papa yung playstation natin hindi na uso kailangan ko ng Playstation 3. Papa bili mo ko ng Lebron James shoes.
Noon ang elementary students eh nakaka-isang pumasok sa iskul. Safe naman at malapit lang. Ngayon kailangan ihahatid pa ng magulang kasi palaging may kidnapping. May rape at pabata ng pabata ang mga biktima. Palayo na rin ng palayo ang iskwela sa tahanan kasi ang mga tao nakatira na sa subdivision na dating sakahan na malayo sa iskul.
Ang katorse anyos noon nasa bahay at nag-aaral o nanonood ng tv sa gabi. Ngayon, nakatambay sa labas ng bahay. Kausap ang boyfriend na hindi pa nga natutuli at ang tanging alam ay ang mag counter strike at mga trivia sa paboritong Naruto.
Noon maraming rebelde sa gobyerno. Ngayon naubos na ang rebelde... Naging terorista na silang lahat!
Noon nagkakasakit sa bato ang tao dahil sa sobrang patis o asin. Ngayon nasobrahan naman sa pagkain ng Lucky me pancit canton at ibat ibang instant noodles. Yun na lang kasi ang nakakayanan ng ilan sa mga Pinoy. Or tinatamad na magluto? Pa-instant instant na lang.
Noon uso ang salitang binabaliktad. Tagalog in reverse. Nosi ba lasi? Lasma ang bekata..sa wakali? At least tagalog pa rin...Ngayon? Wow mga tao kahit parehong Pinoy pa-ingles ingles pa. At kung pakikinggan mali-mali naman. Wag na lang.. Kanta yata iyon? |
|
| 3 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Aug.19.2007 @ 11:01 am | Lasted edited: Aug.18.2007 @ 10:16 pm |

Ano ang makikita mo sa isang pangkaraniwang bahay ng pamilyang Filipino noon? Tara ng pumasyal sa lumang bahay ni Juan De La Cruz at makita ang sampung bagay na hindi makakatakas sa iyong paningin...
- Diploma ng mga anak. Isama na rin ang certificate sa CAT. Isa sa mga pinakamahalagang pamana sa mga anak ang edukasyon kaya naman ang mga nanay at tatay ay proud na proud na i-display ang iyong diploma ng pagtatapos sa Mababang Paaralan ng Muzon.
- Photo album ng pamilya na pinagmamalaki sa mga bisita. Makikita ng mga bisita nyo ang mga bungi bungi mong ngipin nung nag 7th birthday ka at kung paano ka sumayaw ng Twist and Shout nung Grade 1 ka pa lang. Sasabihin ng bisita: "dyusmiyo si bunso mo pagkipayat-payat pala nung bata! anong ginawa mo at lumobo yan!".
- Laruan ni Bunso na naka display. Kawawang bunso. Ibinili ng laruan na hindi naman magamit sa paglalaro kasi andun sa taas ng istante naka-display lang at hindi pwede galawin baka raw kasi masira sa paglalaro.
- Maliliit na bote ng Johnie Walker, Chivas, J&B atbp alak na iniuwi ni tatay mula sa abroad. Souvenir items daw ito mula sa eroplano or mula sa hotel kung saan nag stop over si tatay. Kung may bisita at kinapos ang Ginebra eh pwede na rin ito buksan panghusto.
- Mga casette tapes na patong-patong. Iginawa pa talaga ni kuya ng cabin ang bawat tapes mo ng Asin, Freddie Aguilar, Queen, Nazareth, Survivor, Francis M, Vanilla Ice, MC Hammer, Eagles, Michael Jackson, Madonna, Beatles, Bee Gees, etc. Syempre ang mga pinaka paborito at pinakasikat ay within arm's reach lang at ang mga luma at tapes ng mga hindi naman kilalang banda eh andun sa sulok.
- The Last Supper reproduction protrait sa silid kainan. Para madagdagan daw ng sustansiya ang ulam na tuyong dilis kahit papaano.
- Wakasan, Funny, True Horoscope Stories, Seksing Tapusan (ST) atbp. Mga Pinoy komiks na talaga namang nakaka-miss na. Anong sinabi ng Japanese Manga at mga American comics diyan. Isama mo pa ang Liwayway magazine, ang Bomba komiks at ang iba't ibang tabloid katulad ng Abante, Taliba at Remate. Sigurado palaging meron mababasa sa ilalim ng center table sa bahay ni Juan.
- Songhits. Kung meron komiks at tabloid syempre hindi mawawala ang songhits. Likas na hilig ni Juan ang musika. Kung hindi gagamitin sa paggi-gitara, kodigo naman sa karaoke kung ang nabili mong multiplex ay walang lyric sheet.
- Walis Tambo na gawang Baguio. Hindi mawawala sa bawat tahanang Pinoy ang walis tambo (a.k.a. Lasa Broom) na gawang Baguio. Pagkatapos mag linis ng bahay ni nanay (minsan lang ako tumulong sa gawaing bahay, solo lahat ni Nanay) eh gustong gusto ko gagawing laruan ang walis tambo namin. Pamaypay ba katulad ng napapanood ko sa mga lumang pelikula na pinapaypayan ang hari ng isang malaking pamaypay na parang walis tambo.
- Gagambang bahay, butiki, lamok. Hayan... ang mga bahay lamang na wala ng mga kulisap na yan ay yung mga airconditioned at situated sa polluted na lugar sa Maynila, yung mga pang-mayaman na makaka-aafford kumuha ng serbisyo ng dalawa o mahigit pang tsimay at tsimoy.
|
|
| 10 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Aug.18.2007 @ 9:43 am |
Narito sa baba ang ilang litrato ng mga bayani ng ating lahi...Ang mga Katipunan, Philippine Scouts at Guerilla na nakipaglaban sa mga dayuhang mananakop nung late 1800s hanggang 1940s.
Ang mga matatapang na miyembro ng Katipunan
Philippine Scouts
Philippine Scouts at St. Louis Exposition, 1904. 
4th Battalion Drill at Legaspi Albay with Mayon Volcano at the background. Complete with brass band.
Filipino soldiers with their bolos.
A Guerilla shaking hand with a Yankee. Guerillas in action.
Sugatan sa laban.
Mga bayani ng lahi.
|
|
| 8 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Aug.16.2007 @ 4:53 pm |
 

|
Pagbabalik Inawit ng ASIN
INTRO: A--B7--E----
E A B7 E sa gitna ng dilim ako ay nakatanaw C#m F#m B7 ng ilaw na kay panglaw, halos di ko E makita E A B7 E tulungan mo ako, ituro ang daan C#m F#m B7 sapagkat ako'y sabik sa aking E pinagmulan
CHORUS: A B7 E bayan ko, nahan ka, ako ngayo'y C#m nag-iisa F#m B7 E nais kong magbalik sa iyo, bayan E7 ko A B7 E patawarin mo ako kung ako'y C#m nagkamali F#m B7 E sa landas na aking tinahak
(REPEAT INTRO)
E A B7 sa pagsibol ng araw hanggang dapit- E hapon C#m F#m B7 malamig na hangin ang aking E kayakap E A huwag sanang hadlangan ang B7 E aking nilalandas C#m F#m sapagkat ako'y sabik B7 E sa aking sinilagan
(REPEAT CHORUS)
AD LIB: A--B7--E- -C#m-- F#m--B7--E--E7--
CODA: A B7 E patawarin mo ako kung ako'y C#m nagkamali F#m B7 E-(intro) sa landas na aking tinahak
Konting impormasyon naman sa banda na umawit ng awitin sa itaas... Members Asin (sometimes spelled ASIN, in all capital letters) is a Pinoy rock and folk rock band from the Philippines. They were formed during the 1970s and originally known as Salt of the Earth from the song of Joan Baez, but later Filipinized their name into "Asin", which means salt in Filipino language. After fronting rock and roll
bands during her teens, Lolita Carbon met Cesar "Saro" Bañares, Mike
Pillora, and Pendong Aban in Kola House, a folk rock club, and then
decided to form their own musical group, naming it Salt of the Earth. They had signed a major record label and renamed their band to Asin after a record producer was searching for a "female" Freddie Aguilar,
taking advantage of the Filipino folk rock boom during the late 1970s.
Their eponymous 1978 debut album includes a cover of Freddie Aguilar's
"Anak" and the rest are all original works. Some of their popular songs include the environmental song "Masdan Mo Ang Kapaligiran" (See the Environment), "Ang Bayan Kong Sinilangan" (The Land Where I Was Born), "Pagbabalik" (Comeback) and "Balita" (News). According to Pendong Aban who grew up in Agusan del Norte, most of their songs were based on the experiences in Mindanao. Because of too much illegal logging
and violence in their homeland, they wrote lyrics that hoped for peace
and a better environment in Mindanao. They sometimes use kulintang and other traditional instruments of the southern Philippines to give their music a more indigenous spirit. In 1993, Saro Bañares was murdered in a bar brawl in Cotabato,
causing the group's members to part ways. Aban had his band Ang Grupong
Pendong, while Carbon went solo. Later in 2000,
they decided to reunite but Pillora backed out later, although Pillora
gave his blessings to the new album that Carbon and Aban would release.
The record album Pag-ibig, Pagbabago, Pagpapatuloy, the first Asin album after 12 years, features unreleased materials of the late Bañares. Source: Wikipedia
|
 
 |
|
| 10 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Aug.15.2007 @ 8:07 am |
 CORON FESTIVALTiwi, Albay 15-17 August 2007 or every third week of August
Known not only because of the
Geothermal Power, Tiwi is famous originally because of the "Coron" or
pottery products that are shaped in different forms and sizes either in
round or hexagonal shapes.
This traditional industry can
be traced back in the early part of the seventeenth century when the
sticky clay dug at the hilly place near the sea named bolo was discovered
to have a useful way when the early settlers formed them in different
shapes which they used for cooking, eating or drinking.
Not ceasing to this discovery,
it soon became a big and productive livelihood for the people in the years
to come, spreading them commercially to other towns and regions. General Information
Description:
"Coron" is a Bicol dialect meaning claypot or pottery which the town of
Tiwi is known for. Thus, the festival's main feature is the pottery
industry which is passed from parents to children and perfected through
long years of practice without the benefit of formal training.
A
showcase of events highlighted by a street presentation participated in
by the town’s different public/private schools and sectors gives a week
of fun and merriment to visitors and locals. The religious package of
devotion and prayer in honor of Albay’s patroness, Nuestra Señora de
Salvacion (Our Lady of Salvation), is the peak event of the festival,
colorfully drawing thousands of devotees and religious groups through a
long maritime procession of different local sea vessels on the sea
spray of the serene Pacific ocean going to the quiet barangay of
Joroan, the home of the miraculous image. Source: www.wowpinoy.net |
|
| 26 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Aug.12.2007 @ 2:34 pm |
Kita lang sa isang site... Heto ang world's famous Philippine Jeepney!!!
  
Originally made from US military jeeps left over from World War II and
eminent for their gaudy beautification, Jeepneys have become an icon of
Philippine culture. Now, up for auction at eBay
is a Manila-style Jeepney, which is a rare original 1942 Willys based
jeepney fabricated by renowned Jeepney builder Sarao. It was bought by
Tombstone Pizza in 1985 who installed a ‘82 Buick V6, 12 volt ignition
system, and automatic transmission to the roadster. 
You will find the original Tombstone Pizza logo on the back door of the
jeepney. The street legal jeepney is said to be in good running
condition. Starting bid is US $15,000 and will end in about 17 hours. So, hurry up, if you want to own a true one of a kind vehicle.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Aug.12.2007 @ 11:34 am |
Coyote Ugly
A situation encountered after a night of consuming alcohol whereby a person wakes the next morning in a strange bed with a sexual partner from the previous evening who is completely physically undesirable (see ugly, nasty, two bagger) and sleeping on his/her arm. The hapless person would rather gnaw off his/her own arm than wake the partner and have to face the ills of his/her intoxicated choices the previous evening. Originating from a phenomena whereby a coyote captured in a jaw trap will chew off its own leg to escape certain death. |
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Aug.12.2007 @ 10:25 am |
Linggo ng Wika...yan ang dating tawag sa pagdiriwang ng ating Pambansang Wika. Sa ngayon ay Buwan ng Wika na ang ginagamit. Hindi lang isang linggo ang selebrasyon kundi isang buwan na! Ngayong Agosto ang Buwan ng Wika. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang pagdiriwang ay alinsunod sa Proklamasyon bilang 1041, s.1997 na nagtatadhana sa Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa. Wikang Filipino Simbolo ng Kultura at Lahing Filipino : Ito ang tema ng Buwan ng Wikang Pambansa 2007. Bawat linggo ay may kanya-kanyang paksang pagtutuunan ng pansin. Ang paksa sa unang linggo ng Agosto ay “Wikang Filipino: Kasangkapan sa Preserbasyon ng Kultura. Sa linggong ito idinaraos ang palatuntunan na nagpapakita ng mga tampok na kultura ng buong bansa gaya ng awit, sayaw tula at mga iba pa. Nagsasagawa rin ng eksibit na nagpapakita ng katutubong kasuotan ng iba’t ibang rehiyon na may deskripsyon na nakasulat sa orihinal na wika ng rehiyon at may salin sa Filipino. Sa ikalawang linggo ng Agosto, ang paksa ay Wikang Filipino: Instrumento ng Pagkakaisa at Pagkakaunawaan na tatampukan ng pangangalap at pagtatalakay ng mga kaugalian ng Pilipino. Kalakip din ang paghahanda at paggawa ng sulatin na tumatalakay sa tema sa linggong ito. Ang huling linggo ng buwan ay magbibigay diin sa temang “Wikang Filipino: Simbolo ng Pambansang Pagkakakilanlan. Sa panahong ito ginaganap ang talakayan hinggil sa paksa ng Buwan ng Wika. Tatampukan din ng pagdaraos ng debate sa isyu ng “Pagkakaroon ng National ID” ng mga Filipino. Sa baba ang ilan sa mga Filipino quotes:
Ang buhay tulad ng isang awit lamang,
mayroong simula at may katapusan;
Ang araw at gabi'y
lumulungkot hirang
sa mga suliraning pinaglalabanan.
Ang ating pagkukunwari
sa buhay,
pagbabalat-kayo sa katotohanan;
Ano man ang ating maging
kapalaran,
tanging Diyos lamang
ang nakakaalam. May ibong kakanta-kanta
sa sanga ng punong mangga,
ang awit
kay tamis-tamis,
ang tunog
kay saya-saya,
sa himig
na kabit-kabit
ang diwa
ay mahalaga:
ang buhay mo raw
giginhawa rin
kung masipag ka!
Langit ang buhay
sa tuwing ika'y mamasdan.
Anong ligaya
sa tuwingika'y hahagkan.
Sa piling mo
ang gabi'ytila araw.
Ikaw ang pangarap,
ikaw lamang! |
|
| 3 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Aug.12.2007 @ 9:45 am | Lasted edited: Aug.11.2007 @ 8:20 pm |

Maikukumpara ang mga tao dito sa Tangguh sa mga paniki! Sa umaga tulog lang. Well, siyempre kumikilos kasi nagtatrabaho. Physical consciousness lang. Ang diwa lumulutang sa himpapawid. Ang puso nagbibilang pababa ng panahon na ilalagi pa dito bago muling makapiling ang kani-kaniyang pamilya na naghihintay at nasasabik sa Pilipinas. Maghapon yan. Pagdating ng alas-sais (para sa mga walang OT) nagsisimula ng magmulat...mabuhay muli. Ito na ang time para mag-dinner, makatawag at maka-text sa pamilya, makapag-billiards, maki-halubilo sa mga kaibigan, magkuwentuhan, mag sound trip, atbp. Sa gabi lang may tsansa para gawin ang mga bagay na sa Pilipinas ay routine lang sa buhay. Iyon nga lang limitado pa rin. Para kasing bilangguan ang lugar na ito sabi nga ng karamihan dito. Walang mapuntahan. Paikot ikot ka lang dito. Disconnected from the outside world. Internet at telepono lang ang kontak sa mga taga sibilisasyon. Kung andito ka eh siguradong bababa ang standard mo to most of the things in life. Ang pagkain kahit na lasang sili, asin at sebo lang na pionaghalo halo sasarap na rin. Kasi kailangan kumain para mag survive. Ang babae kahit na kamukha ng pinaka-swangit na klasmeyt mo nung hayskul eh nagiging kamukha na rin ng mga pinagpapantasyahan mong FHM models. Ang tubig kahit lintik sa mahal eh bibilihin mo kasi wala naman tindang beer kaya sa tubig ka papakalasing. Makukuntento ka na rin sa kwarto na ibibigay sa yo kahit na maliit lang at telebisyon lang ang gamit sa loob. Ang locker mo kahit na isang ruler lang yata ang lapad eh pagtyatyagaan mo na. Wala na kasing ibang paglalagyan pa ng gamit. Sa commissary, mess hall, library, gym at bilyaran eh papasok kang nakayapak kahit sa bahay mo sa Pinas palagi kang may sapin sa paa kahit san ka gumawi. Ito ang rule kaya kailangan sumunod. Parang paniki talaga. Walang mata. Kung saan hindi ka mababangga dun ka lang pupunta. Parang paniki! Ang hitsura mo papangit. Kung pangit ka na bago ka dumating dito eh lalo pang sasagwa ang hitsura mo. Sunog sa init. Ang buhok mo hahaba lang. Kung pagupit ka naman baka magkasala ka pa at murahin mo ang manggugupit pagkatapos. Hahaba ang buhok mo sa ilong kung isa ka sa mga nag-o-overtime hanggang 10 PM sa site. Hindi ka na makakapag gupit/bunot ng tatsing. Mas lalong bibilis ang pagkalagas ng buhok mo kakasuot ng helmet (buti na lang sa office lang ako). Parang paniki. Papayat ka (ako na lang yata ang hindi pumapayat!). Sakit ng ulo sa mga tamad na local workers mo at sa pasaway na mga subcontractors. Tiyagaan lang talaga. You want money, you have to work ika nga. Kaya heto kami kahit na batman na kami dito eh ayos lang, kayod pa rin. Malapit na naman ang fourth month ko dito at babalik ang buhay ko sa normal in just three very short weeks.
|
|
| 6 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Aug.10.2007 @ 10:41 am |
Trip down memory lane na naman ako kagabi... Bagot na bagot lang siguro ako at sawang sawa na kaka-panood ng mga paulit ulit na tv shows/movies sa cable namin dito.
Naalala ko tuloy nung teenager pa lang ako. Nahihiya akong magkaroon ng bisita sa bahay namin. Unang una eh kasi luma na ang aming haybol. Mas matanda pa nga sa utol ko ito. Ganun din ang mga gamit sa loob ng bahay namin. Kumbaga eh outdated, obsolete, no longer fashionable. At ang aming tangin libangan bukod sa pakikinig kay Ernie Baron ay ang aming Black and White Television! Isang gabi nga na galing kami ng mga HS classmates ko sa isang pulaw sa katabing bahay namin eh dun muna daw sa min manonood ng laban ng Alaska at Ginebra. Hindi naman ako makatanggi siyempre dapat i-accommodate sila sa aming bahay. Ayun na nga pag pasok nila sa aming bahay gusto ko sanang sabihin na "Welcome to our humble abode!", kaso hiya ako eh. Ayun okay naman sa kanila. Wala naman violent reactions hehe. Natuloy din panonood sa Black and White tv namin. Napagtiyagaan na kahit malabo at maya't maya ay ayos ako ng ayos ng contrast at brightness. Hindi na rin natapos ang ballgame na pinapanood. Tingin ko kasi sumakit ang mata nila. Talagang hiya ako that time sa classmates ko hehe.
Kahit na hindi colored tv ang aming boob tube eh malaki naman ang pakinabang. Dito ko natapos ang Super Mario Brothers na game sa Family Computer. Dito ko minaster ang Up, Up, Down, Down, Left-Right, Left-Right, B, A, Select, Start sabay. Dito ko rin napapanood ang paborito kong show pag sabado na Battle of the Brains sa channel 9...oo nung nerd pa ako. Feeling contestant at nakikisagot sa mga tanong at naglilista ng sariling iskor. Ibang saya din naibigay nito nung nag-champion ang Ginebra nung panahon pa ni Coach Jaworski, Dudut, Bal David, Noli Locsin, Marlou Aquino at Vince Hizon. Kung ilang ulit sumakit ang tiyan ko kakatawa sa jokes ng Tropang Trumpo pero masaya pa rin kasi sigurado tuwing commercial break mapapa-utot :-) Pag Fiesta nga eh nagagamit pang table ang black and white tv namin. Patungan din ng jurassic electric fan namin na pitong kilo ang bigat at kailangan pa isaksak sa transformer kasi 110 V. Dito rin nakapatong ang pictures ng pamilya. Hindi family photo na magkakasama kami, bakit nga kaya wala kaming family portrait? Solo pictures. Isa isa. Nagagamit pa itong tungtungan pag may kukunin o ilalagay na pang display sa ibabaw ng divider namin. Indispensable ang aming black and white tv noon... Kahit nga ngayon na ito ay sira na at nasa tambayan na lang sa likod bahay namin hindi pa rin pinapatapon ni nanay. May sentimental value kasi. Kung hindi nga lang napabayaan ito sa labas ng bahay sana na preserve pa ito at nagawang antique collection. Kahit na kasi lumang modelo siya eh napakaraming memories itong naibigay sa aming buong pamilya.
|
|
| Entries 191 to 200 of 320 |
|
|