BrownMan Blog
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search  
Topics
Brownman's ABC
Brownman's Hirit
Business Pinoy
Iskul Bukol
Kalusugan
Kapuso
Kasabihan, Islogan, Salawikain, Atbp
Komiks
Kwentong Barbero
Limericks
My Top 10
OFW
OPM
Philippine History
Pinilakang Tabing
Politico
Random
Rise from the dead
Sports
Traditions, Customs, Culture
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In


Isa ka ba sa amin?

Filipiniana * FOB * Good News Pilipinas * I Love Cavite * Kwentong Tambay * Market Manila

Naic Cavite Online * Nostalgia Manila * Pi Omicron * Super Pasyal * Yabang Pinoy

CNSHS Batch 98 * WikiPilipinas * Brownman Home

Blog - Latest Entries
<< < | 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 | > >>
OFW > Mga Hayop sa Tangguh
6 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.10.2007 @ 7:59 am

Malaking parte ng buhay dito sa Tangguh ang kalikasan. Maraming puno, maraming ulan, maraming lamok na nakaka-malaria, malawak na bay, maingay na palaka sa likod ng Kenari Cafe, maalikabok na daan at maraming maraming hayop! Kung nature tripper ka hindi ka maboboring dito. Kailangan lamang ng permit mula sa Admin at pwede ka na maglamiyerda sa kakahuyan, sa tabing dagat, sa Kokas o sa Tanah Merah. Puwede ka rin mag sound trip at pakinggan ang tunog ng kalikasan katulad ng huni ng kulisap, kokak ng palaka, ugak ng ibon, maingay na tunog ng generator at sigawan ng mga Indonesian na nanonood ng badminton tournament.

Hindi ako interesado sa mga nabanggit sa taas. Mas gusto ko ang prospect of sightings sa mga exotic na hayop na maaring makita dito sa Tangguh. Isa ang Papua sa iilang lugar sa mundo na hindi pa nasisira ng tao. Hindi pa nai-invade kumbaga. Therefore (paboritong word ng Science teacher ko sa hayskul), maraming undomesticated animal dito na malamang sa mga zoo lang makikita. Heto ang ilan:

Wild Boar getting out of the woods to rummage food from garbage disposal area.

Ayan may ka-tropa pa siya.

Namamaga ang beak ng ibon na ito kakatuka.

Ibong marikit.

Golden Ibon

Don't touch my birdie!

Blue Ibon

Ayan nag-landing na ang ibon na parang model ng Camp Big Falcon sa labas ng aming office.

Papuan Askals!

Nung unang dating ko sa Tangguh itim lahat ng aso na nakita ko dito...Eto puti, maamo pa!

Papuan Kasuari. Masyadong mailap ito sarap sana iluto hehehe.

Tree Snake

Ayan nakasabit pa sa bakal.


Ahas!

Scrub Python

Snake being released back into the jungle.

Big Lizard

 


 

or.....Small Komodo???

Paru-parong ningning.

Ganda ng pakpak nya.

 

Brownman's ABC > Oplan Balik Bayong
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.08.2007 @ 10:56 am

"Thank God men cannot fly, and lay waste the sky as well as the earth."  ~Henry David Thoreau


May bago daw pino-promote na programa ang mga environmental groups sa Pilipinas. Ito ay ang tinatawag nilang Balik-Bayong Campaign! Magandang balita. Mababawasan na rin ang plastic kahit sa Lupang Hinirang man lamang. Isa kasi ang plastic sa pinaka-malupit na kalaban ng kalikasan. Hindi ito basta basta natutunaw even over a long period of time. Sa Tanza, Cavite nga kapag napapadaan ako diyan going to Manila kitang kita ang mga plastic na hindi na dispose ng maayos. Nakakalat sa tabing kalsada. Yung iba natabunan na at ang sagwa ng hitsura. Ito rin ang primary cause ng pag-clog ng mga estero sa ating mga siyudad (aside from the fact na hindi pa talaga maayos ang sewer system sa Pinas...sa ngayon). Sa mga ilog natin hindi mawawala ang mga plastic na lulutang lutang.

Part na rin ng problemang plastic ang kakulangan ng disiplina at kaalaman ng publiko. Mabuti ngayon at narito ang mga environmental activists para i-promote ang Balik-Bayong kasama na rin ng mga naunang kampanya na pagtitipid sa enerhiya. Sa ngayon ay unti-unti ng  namumulat si Juan De La Cruz sa mga negatibong epekto ng patuloy na pagkasira ng kalikasan. Sana ay patuloy lang ang pamamahagi ng kaalaman ng mga grupong maka-kalikasan at sana ay suportahan ito ng ating gobyerno.

Spread the word! Disperse the knowledge! Improve national information dissemination about Do's and Don'ts in environmental protection!

 

Random > Mona Lisa
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.08.2007 @ 10:17 am

Kung mahilig ka mag-drawing pero wala ka naman pera pambili ng canvas, pintura at paintbrush eh gamitin mo na lang ang computer mo. Kung wala ka naman hi tech na software, pwede na pagtyagaan ang MS Paint.

Here is an example ng recreation of arguably the most famous painting sa daigdig:


 

Random > Tayong Manalangin
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.08.2007 @ 10:00 am


Kung gusto nyo mas mapabilis ang pagdinig sa iyong mga hinaing sa buhay, pasasalamat, paghingi ng kapatawaran atbp ay makakabuting gamitin na ang e-mail or internet sa inyong pananalangin. Sounds crazy? Try to visit PrayerDepot.com at subukan na ang pagpopost ng iyong mga panalangin.

Heto sa baba ang isang sample ng prayer mula sa PrayerDepot:


Dear lord, 

please help me not to loose my mind. I'm talking to imaginary people. I have a pervasive belief that these people exist.


Lakas Tama!

 

Kapuso > Dear Anak
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.08.2007 @ 9:32 am | Lasted edited: Aug.07.2007 @ 7:56 pm

Dear Ian,

Kumusta ka na? Nae-enjoy mo ba ang eskwela? Sabi ni Mama naka-97 ka daw sa lahat ng subjects except sa Reading. Natutuwa ako at pinagpapatuloy mo ang tradisyon ng pamilya natin sa pag-excel sa eskwela (naks!). Pagsikapan mo pa maigi sa subject mo na Reading. Ang grado na 89 ay hindi na masama pero meron pa room for improvement okay. Dun sa ibang subjects mo continue lang and strive for more.

Huwag ka mag-alala hindi ko pa nakakalimutan ang pangako ko sa yo na eroplanong di-remote control. Pag uwi ko sa October yun ang una nating bibilihin. Sa field trip nyo nga pala eh sasama ako. Sinabi ko na kay Mama. Birthday ko yang araw ng field trip nyo so dapat magkakasama tayong tatlo.

Ang mga classmates mo ba friends mo na rin? Nice ba sila? Sabi ni Mama kasi inglesero ka na daw kaya hinahaluan ko na ng ingles ang letter ko sa yo. Tama yan anak. Bata pa lang ay simulan mo ng sanayin ang dila mo sa pag-iingles. Huwag mo nga lang kakalimutan ang sarili nating wika.

Naboboring ka na ba sa mga computer games diyan sa PC mo? Pag uwi ko installan natin yan ng mga bagong laro. Hinay hinay lang sa pagcocomputer ha at nang hindi mapagod masyado ang mga mata. Si Papa heto at malabo na ang mata kakatitig sa monitor. Pag ingatan mo ang mga mata mo.

Nga pala sabi rin ni Mama na may dance number daw kayo bukas kasi Foundation ng ICS... Sayang at wala ako diyan para mapanood ka habang sumasayaw. Daig mo ako kasi mahiyain ako at parehong kaliwa ang paa. May partner ka ba? Sigurado ako kung may partner ka ang pinili mo yung pinaka-cute na classmate mo na babae hehehe.

Pinag-uusapan din namin ni Mama ang magiging theme ng room mo kasi papipinturahan natin yan. Ang suggestion ko ay Spiderman! Di ba si Spiderman ang paborito mong superhero? Sabihin mo rin kay Mama kung okay sa yo yang suggestion ko. Siyempre room mo yan ikaw pa rin ang masusunod sa gusto mo.

Oh sige hindi na kita aabalahin pa masyado. Ikumusta mo ako kay Mr. Bean ha at dun sa host ng Art Attack hehehe. Sabihin mo kay Daddy bawasan na ang pagyoyosi. Kiss mo ko kay Nanay at Daddy. Reserve mo yung sweetest kiss para kay Mama ha.

Tropa kayo ni Justin at ni Ate Bianca. Iwasan ang awayan.

See you in October anak. I love you!


Nagmamahal,

Papa

 

Sports > Consolation Prize for Team Pilipinas
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.05.2007 @ 10:39 am

Beating China NT anew was a nice consolation prize for our Team Pilipinas NT in the FIBA Asia 2007 Championships. At least we have the bragging rights as the only team able to beat the (ousted) defending champion twice in the same competition. We might not have achieved the top goal of qualifying in Beijing next year but we managed to take that one step forward. Huwag sana mawalan ng pag-asa at ipagpatuloy ang sports program para sa ating NT. I am positive that next time we compete in another Olympic qualifying (and other international championships) we will do better! Continue developing young athletes! Hiindi lang din sana sa basketball lang...

9th place in Asian basketball is not that bad. It's not the worst starting point.

Taiwan is actually playing for fifth place in the on-going FIBA event. And we know that we have a better team than our nearest Asian neighbor up north. Taiwan NT beat Japan, going with its American reinforced-NT, in its own turf! So the future is bright! We really hadn't had the best of luck in the preliminaries. Next time should be different though. Sulong Team Pilipinas!

Box score of China vs Team Pilipinas

 

OFW > Kabilugan ng Buwan
4 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.05.2007 @ 8:59 am

Nahilo ako kagabi. Sa dami siguro ng pinaggagawa ko (at nakainom din konti). Una syempre dinner. French cuisine ang tema sa mess hall. Syempre wonderful gastronomical experience ulit. Right after dinner and some chatter with friends here in Tangguh diretso na ko sa bilyaran. Maganda ang tumbok ko kagabi at sinamahan pa ng konting swerte kaya naka 10 games ako (8-2 win loss) with a seven game winning streak before matalo sa huli. Tsamba!

After billiards uwi na muna, ligo at nood muna ng X Games at F1 Qualifying sa Hungaroring. Shet 14th lang si Massa at na outpaced pa si Raikkonen ng isa sa mga BMW Sauber car. Bad trip tuloy... 

So labas naman ako para manood ng badminton games. Malapit na kasi ang Indonesian Independence Day kaya meron na naman palaro dito. Medyo comedy ang mga games sa Court A kung saan naglalaro ang mga more senior citizens ng Tangguh. Mga players from management ng KJP at mga subcontractors nito. Syempre dahil sa medyo maedad na sila slow motion ang laro. Kahit ganun pa man dito pinaka marami nanonood at nagtsi-cheer. Aside kasi sa (limited) competitiveness ng laro may kasama pang katatawanan. Hindi na rin ako nagtagal sa gym kasi nabalitaan ko na tapos na pala ang game ng kasamahan namin sa office na si Anesia. At nanalo sya! Batsi na ko.

Sumunod naman ang kwentuhan with tropa dito at konting inom (wow SMB!). Pulutan eh piattos at french fries na sinawsaw sa maanghang na hot sauce (hehehe parang redundant). Masaya ang kwentuhan at meron pa nga nakasali na usapan na bagong dating na Pinoy... bigala nga lang may umangas sa likod namin. As usual nagmayabang na naman ang isang matandang hukluban dito. Nagmura pa sa min. Anim yata kami. Mabuti na lang walang bayolente sa amin at hindi pa nakainom ng marami. Matanda naman sya kaya hindi na lang pinansin. Para tuloy nasira ang masayang mood. Maswerte pa rin yung lolo na yun kasi pare-parehas lang kami nasa banyagang lupain. Pare-parehas nangangailangan ng pera kaya nakikipagsapalaran dito bilang OFW. Nagkataon lang sa Pilipinas nya pinakita ang bastos na ugali nya malamang masisira ang aking pangako sa sarili na hindi papatol sa nakakatanda.

Anyway... napatunayan ko na naman na kailangan talaga ng mahabang pisi sa mundong ito. Sa dami ng mga ogag na naglipana dapat mapag-tiis at mapagpasensiya talaga. Kahit dito sa isa sa pinaka remote na lugar sa daigdig eh meron pa rin talagang kupal!

Balik nga ako sa mga aktibidad kagabi...so after that display of aweless profanity uwian na kami. Nood pa konti TV. Titig sa FHM models hanggang sumakit ang mata at antukin. Ayun parang na-cut short ang gabi ko. Plano ko pa naman pumunta sa Kenari Cafe at makinig sa local combo kutsero dito. Mabuti na rin at nakapagpahinga before midnight!

 

OPM > Da Coconut Nut
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.05.2007 @ 8:45 am

 

Da Coconut Nut - Smokey Mountain

The coconut nut is a giant nut
If you eat too much, you'll get very fat
Now, the coconut nut is a big, big nut
But its delicious nut is not a nut

It's the coco fruit (it's the coco fruit)
Of the coco tree (of the coco tree)
From the coco palm family

There are so many uses of the coconut tree
You can build a big house for the family
All you need is to find a coconut man
If he catch the tree, he gets the fruit free

The coconut bark for the kitchen floor
If you save some of it, you can build the door
Now, the coconut trunk, do not throw this junk
If you save some of it, you'll have a second floor

The coconut wood is very good
It can stand 20 years if you create (?) wood
Now, the coconut fruit, to tell you the truth
You can probe it or use it as firewood

The coconut leaves could shade it gives
For the roof, for the walls up against the eaves
Now, the coconut fruit, say my relatives
Make good cannonballs up against the eaves

 

Brownman's Hirit > Kulang na Kulang... Kulang sa pansin!
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.04.2007 @ 7:21 am

KSP

May bago ng meaning ang KSP. Kung dati-rati ay Kulangot sa Pader Kulang Sa Pansin... ngayon pwede na rin na Kapit Sa Patalim! Marami nito sa paligid. Maglakad ka lang sa kalye at siguradong makakakita ka ng KSP. Sa telebisyon, sa politika, sa relihiyon? Talamak! Marahil dala na rin ng kahirapan ng buhay. Puwede rin dahil sa kakulangan ng edukasyon at pag-galang sa sarili.. Kapag nakakakita ako ng taong KSP naaawa ako. Para bagang konting bitaw lang nito sa punyal ay agad na guguho ang mundo sa kanya. Walang tapang na harapin ang mga katotohanan sa buhay. Takot sa kung anong nasa ibaba. Ayaw mahulog. Mahulog para matuto. Kuntento sa kasalukuyan.

Kung patuloy lang ang tao sa pagkapit sa patalim, hindi magtatagal magsusugat ang mga kamay. Ang mga kamay na gamit sa araw - araw na pakikibaka. Kapag lumalim na ang sugat at hindi na kayang dalahin ang bigat ng katawan ay mahuhulog na lamang ang isang KSP. Nahulog ng may sugat. Sugat na mas masakit ang dulot sa damdamin. Kung bakit siya nabigo? Iyan ang pinili niya. Mayroon din namang ilan na nagtatagumpay mula sa pagiging KSP. Subalit masasabing iilan lamang. Nais mo bang isugal ang kinabukasan mo?

Habang maaga pa kilalanin ang sarili. Kung papaano ay ikaw na ang magsaliksik. Baguhin ang mga kaugaliang sa tingin mo ay pumipigil sa iyong pag-unlad bilang isang responsableng mamamayan. Sumulong ka na kaibigan.

OFW > Take it or leave it
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.03.2007 @ 7:12 am

"There are people in the world so hungry that God cannot appear to them except in the form of bread."

Nag-iimprove na ang pagkain dito sa Tangguh. Dati dalawang choices lang sa pagkain: take it or leave it. Ngayon hinati na sa 3 menu. Western, Japanese at Indonesian food menu. Hindi lang ang lasa ang nagkaroon ng pagbabago pati na rin sa presentation (medyo) at sistema. Mas marami ng gulay at salad para hindi ka naman mauyam sa lasa na araw-araw ay nagbabago lang sa kung gaano karaming asin at sili ang napasangkap sa pagluluto. Breakfast naman is ganun pa rin... mas marami nga lang klase ng keso. Lunch is the same. No improvement. Packed lunch. Palaging sisigaw ang pagkain sa llob ng lunch box ng "Surprise!" kapag binuksan mo na. Lintik pa rin sa dami ng olives at onions ang sandwich! Ang prutas hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kin kung bayabas, peras or mansanas...

Overall eh may improvement talaga. Siguro dala na rin ng pagha-hire ng Pinoy cook ng aming catering subcon dito.

Kaya lang ganun pa rin... hindi pa rin pwede ipasok ang sapatos sa loob ng mess hall. Natatamad siguro silang linisin ang sahig kaya ang aming mga medyas ang ginagamit na mop. Tip lang: Wag uupo malapit sa mga local na basa ang buhok or pantalon.. Sigurado kaka-salah pa lang nun (dasal ng muslim). Sigurado basa din ang paa at mabaho. Naku nakakawalang gana.

 

<< < | 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 | > >>
Entries 201 to 210 of 320

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org