BrownMan Blog
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search  
Topics
Brownman's ABC
Brownman's Hirit
Business Pinoy
Iskul Bukol
Kalusugan
Kapuso
Kasabihan, Islogan, Salawikain, Atbp
Komiks
Kwentong Barbero
Limericks
My Top 10
OFW
OPM
Philippine History
Pinilakang Tabing
Politico
Random
Rise from the dead
Sports
Traditions, Customs, Culture
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In


Isa ka ba sa amin?

Filipiniana * FOB * Good News Pilipinas * I Love Cavite * Kwentong Tambay * Market Manila

Naic Cavite Online * Nostalgia Manila * Pi Omicron * Super Pasyal * Yabang Pinoy

CNSHS Batch 98 * WikiPilipinas * Brownman Home

Blog - Latest Entries
<< < | 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 | > >>
Brownman's Hirit > Sino Matapang?
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.22.2008 @ 7:13 am

Matapos ang tatlong linggong pagpapalaki ng tiyan bakasyon sa Pilipinas ay nakabalik na naman ako dito sa gubat ng Tangguh. Ang una kong balita na nabasa sa internet at napanood sa telebisyon ay ang walang kakwenta kwentang karahasan ng mga 'lost command'  ng MILF. Para pang naghahamon ng mas malaking gulo ang mga kumander ng grupo na si Kato at Bravo sa kanilang mga pahayag na ipinalabas sa mga mamamahayag. Tsk tsk. Napapakamot na lang sa ulo ang mga kalbong Pinoy dito sa mga nababalitaan nila sa mga pangyayari sa ating inang bayan.

Ilang taon na rin ba ang giyera sa Mindanao at hanggang ngayon ay hindi pa rin magkasundo ang mga rebelde at gobyerno? Ano ba talagang pinag-aawayan nila? Gusto ba ng mga rebelde na humiwalay sa Pilipinas? Bakit hindi na lang pagbigyan at tingnan natin kung kaya nilang tumayo sa sarili nilang paa. Papiliin ang mga mamamayan sa lugar na ihihiwalay sa Pilipinas kung saan papanig at kung sino ang para sa Pilipinas ay bigyan ng bagong buhay sa ibang isla ng ating bansa. Para naman sa kasiyahan ng mga ayaw mahati ang bansa pwede rin namang sakupin muli ang naihiwalay na lugar ng mga rebelde right after na maihiwalay sila. Kumbaga para lang masabi na napagbigyan ang kagustuhan nila.

Nakakasawa na kasi ang pabalik balik na peace talks na ginagawa dahil sa hindi rin naman natitigil ang labanan. Pa-traydor na pag-atake pa nga kung minsan ang nangyayari at marami ang nadadamay na sibilyan at namamatay na tauhan ng ating hukbong sandatahan. Tigilan na ang peace talks na yan. Wala namang nangyayari o nagagawang mabuti kundi plastikan lang. Gumagastos pa nga ang gobyerno dito. Gawin ang nararapat. Papanagutin ang mga teroristang patuloy na nagkakalat ng lagim sa ating bansa. Ito lang ang paraan para sa mas mapayapang Pilipinas.

 

OFW > Uwian Blues
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jul.25.2008 @ 7:20 am

After three months and twelve days, babalik ako sa Bayang Magiliw para magbakasyon sa loob ng tatlong linggo. Mas maaga ang ginawa kong pagbabakasyon dahil sa talaga namang homesex na homesex na ako...ooops wrong spelling pa ako homesick pala. Makikita ko na ulit at makakasama ang buntis kong misis at ang poging pogi at ismarte kong anak.

Ito ang masarap sa pagiging isang OFW, ang araw na pauwi ka na sa iyong pamilya. Sabik na sabik. Sangkatutak na kuwento ang baon. Maraming mga katanungan at tsismis na gustong malinawan. Maraming bagong lugar na gustong pasyalan. At maraming San Miguel beer.

Makakatikim na naman ako ng bangus, BABOY!, totoong gulay, pagmamahal, bananaque, potpot, pan de sal, trapik, kaning lamig na pagke-mahal mahal, jollibee chicken joy, gin-pomelo, ques-o, zest-o, ginataang kahit na ano, laing, teledrama,  bubble gang, amoy ng basura, amoy ng boracay sa Kawit, walang kamatayang SM Bacoor at MOA, walang katapusang kumustahan, isang milyong tricycle sa Naic, ulan mula sa langit, tuyo, tinapa, daing, champorado, alaska, boy bawang, sugo, chikito, peanut kisses, pansit malabon, pansit ng masungit, pansit bihon, lomi, tapsilog, hotsilog, tocilog, pakaplog (pan de sal, kape at itlog), Pampanga's best, buko juice sa palengke, tsismisan sa kanto, basketball sa bilaran ng palay na punong puno ng gilik at marami pang iba.

Sarap talaga umuwi sa Pilipinas!

 

Kwentong Barbero > Pacquiao Nahuli Ng Tsubibo Patrol
30 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jul.22.2008 @ 7:56 am

 

Tsubibo Patrol

Muli pong nagbabalik ang inyong numero unong tagapagbalita, ang Tsubibo Patrol!

Sa ulo ng ating mga nagbabagang balita...

Bagong Larawan ng Manny Pacquiao Scandal, Lumabas Na!!!

Maalala na noong nakaraan na taon ay nahuli sa aktong nakikipag landian ang pambansang kamao na si Pacquiao sa loob ng isang sikat na bar sa Fort Bonifacio. May mga larawan pa nga na lumabas para patunayan ang balitang ito. Sa ngayon ay may bago na namang kinsangkutan ang ating bida. Pero bago natin alamin ang panibagong scandal na ito ay atin munang sariwain ang nakaraang escapade ni Manny sa Embassy sa piling ni Donna. Narito sa baba ang ilang larawan ng nakaraang yugto mula sa ating mga kahina-hinalang sources.

  

   

   

Oh di ba bongga! Si Manny big time talaga. Parang yung chika babe na mismo ang talagang lumalapit sa kanya at gusto siyang anakan. Iba na talaga ang nagagawa ng fame and fortune. Kung dati si Manny ang nagpapantasya sa mga chikas, ngayon siya na ang pinapantasya ng mga social climber at desperadang bandidas.

May tsismis nga lang na kumakalat na itong mga larawan sa taas ay pawang kalokohan at edited lang. Inadobe! Halatang halata naman kasi. Hindi talaga kapani-paniwala. Isa lang itong paninira kay Pacman at gustong bigyan ng problema ng mga taong naiinggit sa swerte ng ating bida.

Sa ating pagsasaliksik ay napag-alaman natin na meron palang kopya ng mga orihinal na larawan kung saan makikita ang katotohanan. Hindi nga lang kasing sikat ng scandal o kontrobersiya na nagawa ng ma larawan sa taas. Pagmasdan mabuti ang isa sa orihinal na larawan kung saan makikkita si Manny Pacquiao na may a cheek to cheek pa. Ito raw talaga ang tunay na kinalolokohan ng pambansang kamao at present time. Walang panama si Ara Mina at Valerie Concepcion dito. 

Kiss tayu bebe. Tsup!

Habang isinusulat itong kwentong barbero na ito ay panay na ang deny at palusot ni Pacman sa telepono habang kausap si Chunkee, este Jinky. Hindi na kasi mabilang kung ilang beses na siyang naakusahan na nangchi-chiks at ngayon nga ay mas naiinis si Mrs. Pacman sa dahilang mas maganda pa siya sa bagong tsiks na kinalolokohan ng kanyang mister.

 

At iyan po ang kaisa isang balitang aming nakalap sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Magbabalik ang Tsubibo Patrol kapag kami ay nakapulot muli ng tsismis para sa inyo.

Paalala sa mga tagapagbasa, tagapanood at tagapakinig... 'Ang hindi magmahal sa sariling wika ay hindi makakarating sa paroroonan.'

Mabuhay!

 

 

OFW > Chef Sam
4 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jul.21.2008 @ 10:00 am

Kagabi natikman ko na naman ang luto ni Ankol Sam. Inimbitahan niya kaming tatlo nina Mario at Rommel para sampolan ang niluto niyang ginataang yellow fin tuna at cassava cake. Ang lufet! Dami ko nalamon at nawala na sa isip ang disiplina ng pagdidiyeta. Halos pumutok ang tiyan ko pagkatapos kumain.

Da best ang pagkakaluto at timpla sa ginataang yellow fin tuna. Tamang tama ang anghang, alat at flavor ng gata. Lalong nagpasarap dun ay ang dahon ng sili na nakabalot sa laman ng isda at ang ginamit ni Ankol Sam na Knorr cube something something.

Yung cassava cake naman perfecto ang pagkakabake sa improvised oven. Di sunog, di hilaw. Tamang tama lang ang tamis at lasa ng butter  na nagtutong sa ilalim ng pan. Kung pwede nga lang sumigaw ng isa pa, isa pa isa pang chikenjoy eh sisigaw sana ako kaya lang dighay ako ng dighay matapos uminom ng pagki-lamig lamig na sprite. Isang pan lang kasi ang natirang cassava cake pero solve na rin kami. Nagkahiyaan pa nga sa huling kagat LOL.

Yan lang ang isa sa aming libangan dito sa jungle ng Tangguh. Kumain ng kumain. Mabuti na lang at mahusay at masipag si Ankol Sam na magluto at mag share ng kanyang mga specialties. Mabuhay ka Chef Sam!

Narito ang ilang larawan ni Ankol Sam.

Dinner with (clockwise) Rommel, Ako, Oscar and Ankol Sam. 14-Aug-2005

Ankol Sam in Action.

Ihaw ihaw.

 

Brownman's ABC > Usapang Droga
20 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jul.21.2008 @ 8:47 am

Save the user, jail the pusher. Isa ito sa islogan na ginamit ng gobyerno dati (bata pa ako noon di ko na matandaaan kahit exact year lang) para sa kanilang kampanya na labanan ang droga lalo na sa mga kabataan na nalululong dito. Wala lang akong impormasyon para masabing may significant effect ito sa pagbaba (o pagtaas?) ng bilang ng mga adik. Parang wala ring readily available na datos ang pamahalaan natin tungkol dito. Kung oobserbahan mo eh parang hindi naman seryoso ang kasalukuyang gobyerno na ipagpatuloy itong programa laban sa droga. Ang mga adik nagkalat pa rin sa kalye at nananatiling kanser ng lipunan. Ang mga pusher patuloy pa ring nag ooperate sa kanilang pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Balita ko nga bumaba pa raw ang presyo ng shabu dahil sa nakikisimpatiya ang mga pusher sa kahirapan ng buhay sa ngayon. Shet na malagket! Talaga namang buhay na buhay pa rin ang ningas kugon na katangian sa ating bansa.

Ano nga ba kasi meron ang droga na pilit binabalik-balikan ng mga adik dito? Okay lang maging curious at magsaliksik ngunit huwag n'yo na sanang subukan for a first hand experience. Bukod sa masama sa inyong kalusugan ang ipinagbabwal na droga, sayang lang ang inyong perang pinaghirapan sa trabaho (o sa panggagantso!). Ibili mo na lang ng tatlong kilong bigas ang kwarta mo kesa ipambili ng pisong shabu.

 

Brownman's ABC > Eraserheads Reunion Concert
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jul.20.2008 @ 4:35 pm

Finally! Magsasama-sama ulit para sa isang konsiyerto ang pinaka-popular na banda sa Pilipinas. The greatest band sa history ng Philippine music industry, Eraserheads.

Nakakainis nga lang kasi binago ko na naman ang schedule ng bakasyon ko. Pinaaga ko ng 2 weeks waaaaaaaa! Tuloy di ko mapapanood live ang pinaka-aabangan kong reunion concert ng aking paboritong banda. Tsk. 

Naalala ko pa: Nine years na ang nakaraan nung huli ko silang napanood, sa Tagaytay pa yun ginanap. Isa sila sa mga banda na nag perform sa Philippine Tourism Authority sponsored concert noong 1999. Nagtiyaga akong maghintay at makinig sa musika ng mga artists na pampalabok mula alas-tres ng hapon hanggang halos alas-dose na bago pa lumabas siyempre ang Eraserheads na siyang pinaka tampok na banda. Pero anak ng tokwa sulit lang ang paghihintay kahit na halos tubuan na ng kalyo ang binti at paa ko. Hindi na ko mag-expound masyado dahil kung tunay kang Pinoy na pinanganak bago ang  year 2000, alam mo naman kung gano kagaling ang grupo ni Ely Buendia.

Kung puwede lang i-extend pa ng 2 weeks ang bakasyon ko para lang makapanood sa CCP sa August 30 eh gagawin ko. Ang kaso may trabahong naghihintay. Kainis talaga! Sana magpalabas na lang ang mga organizers ng DVD ng concert. Ito na lang pag-asa kong mapanood ang The Greatest Pinoy Band.

 

Pinilakang Tabing > Tsismis
11 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jul.20.2008 @ 4:24 pm

May mga kumakalat na balita na ang misis ni kuwan ay madaling makuha.
Bago maniwala mag isip-isip ka muna.
Marami ang namamatay sa maling akala.


Break muna tayo sa magulong mundo ng politika, trabaho at kalokohan.
Dito muna tayo sa mas magulo pero nakaka-aliw na pahina ng shobis!

Narito ang pinaka-bagong bulung bulungan ng mga kapuso:

 

Showbiz Tsismis

[1] All About Marian Rivera

[2] ERASERHEADS REUNION CONCERT AUG.30, 2008 - Confirmed!!!

[3] Sinong Bagay Ka Loveteam Ni Mart Escudero?

[4] Mga Badidang Sa Showbiz

[5] Hot Topic: stars that are under/over-exposed

[6] Katrina, binuweltahan ang GMA Artist Center!

[7] IDA HENARES resign!

[8] Snooky Serna: Quo Vadis?

[9] Who is the Next Darna?

 

 

Brownman's Hirit > Sus Maryang Garapon!
5 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jul.19.2008 @ 5:01 pm

Last week ay nagreklamo ang mga taga IT section dito sa opisina dahil sa dami ng chain letters/spam na biglang nagdagsaan sa aming mail server. Ang mga may sala: Pinoy. Kasi ba naman naniwala ang mga kababayan dito sa isa na namang kalokohan na kumalat sa mundo ng electronic mail. Nung nareceive nila ang e-mail about lindol sa Pinas ay kaagad na pinindot ang forward button sa lahat ng kakilala nila. Naging spam ito at paulit ulit na naipadala at nataggap.

Ano ba kasi ang talagang nilalaman ng e-mail na ito? Eto kasi ang siste:

Magkaka-lindol daw sa July 18 (kahapon, tapos na) sa Pilipinas. Aba kelan pa na-predict ang lindol? At kung saan mangyayari? At gaano kalakas (intensity)? Actually may tama rin kasi araw-araw naman talagang lumilindol sa Pilipinas dahil ang bansa ay nasa

Pacific Ring of Fire kung saan ang pagyanig (at pag-alburoto ng mga bulkan) ay malimit na nangyayari. Hindi nga lang lahat ng lindol sa Pilipinas ay nadarama ng mga tao dahil kalimitan ay mahina lamang. Pero kung may magsasabi sa 'yo na 'bukas lilindol ng ganito kalakas sa ganitong lugar at marami ang mamamatay' aba eh lumayo ka na sa taong ito dahil malamang sa hindi ay nasisiraan na siya ng bait o kaya naman ay KSP lang.

Narito ang umpisang parte ng e-mail na kumalat last week na pati ang palasyo ng Malacañang ay nagpalabas pa ng pahayag ukol dito.



Uncanny Prophesy: What will happen to the world and to the Philippines at 2008
 
Mr. Juseleeno Nobulega DaRoose is Brazilian, born in 1960, 47 years old now, his occupation is a teacher, he is a normal citizen, having a very poor life with his wife and kids. All the events which Mr. Juselleno predicted had clear indication of the year, month date of the disasters, incase any third party wants to confirm the facticity of his prophesy, Mr. Juselleno always put the story which he predicted to the notarization office or post office for the approval.

Somebody asked him, how old did he start the prophesy dream, he answered: 9 years old, from 1969, he dreamed 3 events a day, sometimes 9 events, the times he dreamed is different every day. He said all the prophesy dreams were automatically in his dream. When Mr. Juseleeno was 19 years old, he met the famous Brazilian prophesy Saint Mr. Franciscoshabiz, after that the worldwide disaster events were increased in his prophesy dream. Mr. Franciscoshabiz was two times the candidate for the Nobel Prize, he is a very famous differential functional person, at the same time he is also the Charitarian. The events which Mr. Juseleeno predicted are already more than 80000, firstly let’s look at below a few big worldwide events and huge disaster from his prophesy.
 
 
July 18, 2008 - Philippines will get 8.1 earthquake, thousands of people will die.

PLS. LET US BE ALERT AND MARK THIS DATE JULY 18, 2008, FRIDAY. LET’S BE PREPARED, AND  LET US ALL PRAY THAT THIS WILL NOT HAPPEN TO US.

IF POSSIBLE: PLS. DON’T GO TO WORK ESPECIALLY THOSE WITH OFFICE LOCATED IN HIGH PLACES, BUILDINGS, CONDOS AND MALLS.

NOTHING TO LOSE IN THIS KIND OF REMINDER. MAYBE, THIS IS GOD’S WAY TO SAVE YOU, YOUR FAMILY , YOUR FRIENDS AND YOUR OFFICEMATES OR LESSEN CASUALTIES.

LET’S ALL PRAY AND MARK THIS DATE.

PLS. FORWARD TO ALL YOUR CONTACT LIST TO WARN YOUR RELATIVES, FRIENDS AND YOUR LOVED ONES AND ALL PEOPLE LIVING IN THE PHILIPPINES .

AGAIN: REMEMBER JULY 18, 2008 – HAVE AN ALARM ON THIS



Sus Maryang Garapon! Marami pa raw na hinulaan itong Brazilian na ito na nangyari naman daw o nagkatotoo. Apo sa tuhod ba kaya siya ni Nostradamus? Kiver!

Sabi nga ng mga katoto natin tungkol sa 'prophesy' na ito eh: Ang maniwala supot!

 

Politico > Polimilks
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jul.19.2008 @ 7:24 am

Did you know that more than 70% of our nationally elected politicians are bottle-fed babies?

See, even their mothers did not trust them! 

Kasabihan, Islogan, Salawikain, Atbp > KIS No. 001
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jul.10.2008 @ 1:55 pm | Lasted edited: Jul.09.2008 @ 11:55 pm

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

Konting ingat sa iyong mga binibitawang salita dahil sa dami ng moso't mosa sa paligid hindi ka nakakasiguro. Kahit si bestfriend mo na palaging nagdi-dilang anghel, kung minsan may dilang magalaw din. :D


<< < | 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 | > >>
Entries 61 to 70 of 320

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org