|
| 1
2
3
| >
>>
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.18.2009 @ 3:50 pm
| Last edited: Jun.18.2009 @ 2:02 am |
Isang advertisement sa olx.ph na aking nabangga habang naghahanap ng "Lots-4-Sale". Parang mali yata ang search engine ng web site na yun at dito ako dinala:
LOOKING FOR SOMEONE OUT THERE THAT HAVE A LONG PATIENCE LOLX — Taguig
- Lokasyon: Taguig, Metro Manila, Pilipinas
- Petsa kung Kailan Pinost: Hunyo 11
Names
Graciey 22 years old... just looking around for someone who could
accept and understand me as i am.. Particularly looking for friendship,
love and if possible for marriage lolx... Age is from 19to 28 years
old... Below are some of my IDEAL GUY... if you feel that you're in,
then message me back...ahahahaha... posers arenot allowed... NO REAL PIC NO REPLY 1.Hemust match my sarcastic and dry sense of humor, or at least understand it. 2.Hemust care very much about family. 3.He must be very affectionate, but realize that there are times when i need my space. 4.He must be capable of taking care of himself financially. 5. Must have the ambition to make changes to improve his life, rather than just wishing things would be better. 6.must
be open minded on subjects of religion and politics. 7. he doesn't
necessarily have to have a college education, but he must be able to
keep up with intelligent conversation and have an educated opinion on
things. 8. he must
fully understand that our relationship is a partnership, and we share
all duties as equally as possible, such as working, paying bills,
cleaning, cooking, child rearing, etc. 9. he must give me just as much love and respect as i give him. 10.we have to be able to be friends with each other before ever starting to become romantic.
- Taas:
162.00 cm
- Timbang:
Balingkinitan
- Lahi:
Asian
- Edad:
22
- Uri ng Relasyon:
Isang Relasyon or simply Relasyon - Kasal - Nagde-date - Kaibigan - Isang Kapareha sa isang Aktibidad o Gawain
Comments ng mga lalaki:
splinter sabi:
you are the perfect girl for me
romantiko sabi:
miss ang hinahanap mo ay isang guni guni
father Jose sabi:
sometimes
it's quite PATHETIC to look for something like that here..better try a
more appropriate event/place/time...which includes "patience"
borja sabi:
hi so luk like beautiful
Juan sabi:
masarap ang mangarap but be realistic.
Sumagot ang nag post:
owner <-- sabi:
ahahaha inggit lang kayo :p d mag post din kayo :) WALANG GAMOT SA INSECURE AHAHAHAHA
Humirit pa ang loka bwahahahaha! Sundan ang link para basahin ang kabuuan at makita ang larawan...
|
|
|
| 7 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.16.2009 @ 7:34 pm
|
Mabuti naman at may pumalag na rin sa mga higanteng telecommunication companies sa kanilang panggugulang sa mga subscribers nito. Matagal na rin kasing nangyayari ang unsolicited promos na sapilitang kakain sa load ng cellphone. Katulad ng ring tones, operator logos, horoscope ni madam auring, mga payo ni mang ernie tungkol sa pito-pito at iba pa.
Naaalala ko pa nitong nakaraang buwan lang ng ako ay mag load ng 300 pesos sa roaming ko. Aba matapos makapasok ang load ay sunod sunod ang text messages na aking natanggap. Ang buong akala ko ay maraming nakaalala sa akin. Pag bukas ko ng mensahe ay nagmula lahat kay Smart Ass. Di ko lang pinansin. Lingid sa aking kaalaman (did i just say lingid?) ay sapilitan na palang binawasan ang aking load! Paano nangyari yun? Matapos kong magpadala ng apat na mensahe ay check operator services na ang bumulaga sa akin sa pang limang pagpapadala ng sms. Maygad naman talaga!!! Paano kaya ipapaliwanag ng service provider sa kanilang mga subscribers na nanakawan ng load sa pamamagitan ng haytek na pamamaraan, wayrless kasi. Ang magagawa mo na lang talaga ay magpalit ng bagong sim card na hindi pa sapilitang isinali sa mga promotions ng iyong telcom provider. Smart nga talaga dahil kahit nasa-kabilang dako ka ng Globe mababawasan ang load mo ng di mo namamalayan sumikat man ang Sun o hindi. Grrrr!!!
|
|
|
| 3 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: May.04.2009 @ 7:45 am
|
| Kagabi ay napanood ko ang replay ng laban ni Manny Pacquiao at Ricky Hatton sa Supersports channel (S7). Sa huling sapok ni Manny ay parang naramdaman ko rin ang lakas na umabot hanggang dito sa Indonesia. Pakiramdam ko tuloy ay nahilo rin ako at hanggang ngayon ay masakit pa rin ang aking panga. Ang lupit ni Manny parang natuto na siyang gumamit ng Nen. Wala na siyang ka-match sa boxing na pangkaraniwang tao lamang. Pinatunayan nya na hitman nga si Hatton. Hit-Man taong palaging nahi-hit (tawanan sa corny joke na katulad ng naririnig sa sitcom sa TV). Tama nga ang sinasabi ni Manny tuwing siya ay kakapanayamin na 'let my fists do the talking.' Ang buong akala ko kasi ay sinasabi nya lang yun kung hindi nya na malaman kung paano sabihin sa ingles kung paano nya pupulbusin ang kanyang katunggali. Masaya lahat ng Pinoy at pati na rin karamihan sa mga Asyano na kasamahan namin dito sa Tangguh dahil sa pagkapanalo ni Manny. Sana ay marami pang mapasaya si Manny sa kanyang mga panalo sa boxing. Wag na sana sa politika. Ang saya talaga parang gusto kong magmura! Put@n* $&^ talaga! Mabuhay ka Manny Pacquiao!
|
|
|
| 6 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Apr.25.2009 @ 10:43 am
|
Bruskong Holdaper: Mamili ka, pitaka mo o pasabugin ko yang ulo mo? (Sabay tutok ng baril sa sentido ni Ben)
Ben Tumbling: Bahala ka! Parehas walang laman yan!
|
|
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Apr.01.2009 @ 9:47 am
|
Ang sumusunod na article ay sinulat ni Ginoong Chip Tsao (or is it Cheap?). Opinion niya ang nakasulat dito.
The War At Home The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen on board. We can live with that—Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Diàoyú Island. That’s no big problem—we Hong Kong Chinese love Japanese cartoons, Hello Kitty, and shopping in Shinjuku, let alone our round-the-clock obsession with karaoke.
But hold on—even the Filipinos? Manila has just claimed sovereignty over the scattered rocks in the South China Sea called the Spratly Islands, complete with a blatant threat from its congress to send gunboats to the South China Sea to defend the islands from China if necessary. This is beyond reproach. The reason: there are more than 130,000 Filipina maids working as $3,580-a-month cheap labor in Hong Kong. As a nation of servants, you don’t flex your muscles at your master, from whom you earn most of your bread and butter.
As a patriotic Chinese man, the news has made my blood boil. I summoned Louisa, my domestic assistant who holds a degree in international politics from the University of Manila, hung a map on the wall, and gave her a harsh lecture. I sternly warned her that if she wants her wages increased next year, she had better tell every one of her compatriots in Statue Square on Sunday that the entirety of the Spratly Islands belongs to China.
Grimly, I told her that if war breaks out between the Philippines and China, I would have to end her employment and send her straight home, because I would not risk the crime of treason for sponsoring an enemy of the state by paying her to wash my toilet and clean my windows 16 hours a day. With that money, she would pay taxes to her government, and they would fund a navy to invade our motherland and deeply hurt my feelings.
Oh yes. The government of the Philippines would certainly be wrong if they think we Chinese are prepared to swallow their insult and sit back and lose a Falkland Islands War in the Far East. They may have Barack Obama and the hawkish American military behind them, but we have a hostage in each of our homes in the Mid-Levels or higher. Some of my friends told me they have already declared a state of emergency at home. Their maids have been made to shout “China, Madam/Sir” loudly whenever they hear the word “Spratly.” They say the indoctrination is working as wonderfully as when we used to shout, “Long live Chairman Mao!” at the sight of a portrait of our Great Leader during the Cultural Revolution. I’m not sure if that’s going a bit too far, at least for the time being. |
|
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Feb.24.2009 @ 7:58 am
| Last edited: Feb.23.2009 @ 5:17 pm |
Ang lupit talaga ni Gretchen! Narito sa baba ang mga larawang ating napulot. Magagalit na naman si Mr. Cojuangco kay Gretta.








|
|
|
| 4 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Sep.13.2008 @ 8:16 am
|
'Same old, same old every day
If things don't change you're just gonna rot
'Cause if you do what you've always done
You'll always get what you always got
...Uuh, could that be nothing'
Susmaryang Garapon! Walang ka-kwenta kwenta! Agang aga ay naiinis ako sa balitang ito: 'Activists march near the US Embassy in Manila Friday to call for the release of five Cuban detainees languishing for 10 years in US jails.'
Wala na ba talagang magawang mas mabuti ang mga Kulangot Kulang Sa Pansin (KSP) na 'aktibista' na ito? Iniwan ang pamilya sa bahay o lumiban sa eskwela / trabaho para lang mag-ingay sa kalye hawak ang kanilang placards para sa pagpapalaya ng mga hinayupak na Cuban prisoners? Ano bang mapapala ng mga 'aktibistang' ito sa ginawa nila? Kilala ba sila ng mga Cubanong nabanggit? Pasasalamatan man lang ba sila ng mga presong ito kung sakaling sila ay palayain? Ano naman ang pakialam ng mga 'aktibistang' ito sa mga presong hindi naman nila kakilala at nasa kabilang panig ng daigdig?
Kaya hindi ako naniniwalang may kakayahan ang Pilipinas na umunlad ng mabilisan sa panahong ito. Yan ay dahil sa maraming kababayan natin ang baluktot ang pag-iisip, tamad at KSP. Mga pabigat! Hindi ba mas mabuti kung ginugol na lang ng mga 'aktibistang' ito ang oras nila sa paghahanap ng trabaho (kung unemployed sila) o kaya naman ay pagsisikap na mapabuti ang kalagayan ng pamumuhay nila? Pwede ring ilaan ang oras na sinayang nila para na lang sa pamilya sa halip na magmukhang tanga sila sa kalye at nagsisisigaw na palayain ang mga presong Cubano. Alam ba ng mga 'aktibistang' ito ang dahilan kung bakit nakakulong ang mga Cubanong ito in the first place? Malamang ay hindi!
Pero may mga tsismis na kumakalat:
Totoo bang bayaran ang mga 'aktibistang' ito? Kunga totoo ito mga hinayupak talaga sila! Nagkukunwaring aktibista para kumita. At sino naman ang nagbabayad sa kanila? Mga Party List? Party List sa kongreso na inilagay sa pwesto ng taumbayan? At saan nagmula ang pondo nila pambayad sa mga walang kwentang demonstrasyon na ito? Pork Barrel? Yung kwartang pinaghirapan ng mga matitinong Juan Dela Cruz at ibinaging tax sa gobyerno para sana sa mga matitinong proyekto? Nagpapanting ang tenga ko kung maiisip ko ang bagay na ito!
Sa tingin ko may mga nagkukunwari talagang aktibista. Mga bayaran! Mga walang sariling katinuan! Ang pagkakakilala ko sa mga totoong aktibista ay yung mga taong may mataas na taglay na talino. Nag-iisip sila bago lumabas sa kalye at lumahok sa makabuluhang pagtitipon. Hindi katulad ng mga 'aktibista' (raw) na nag-martsa kahapon para sa pagpapalaya ng mga presong Cubano.
Pahabol na tanong: Bakit ang mga iskwater malalakas ang loob ng mag rally at magreklamo sa gobyerno? Nagbabayad ba naman sila ng tax? Nagko-contribute ba sila sa pag-unlad ng bansa? Sigurado meron din naman sa kanila subalit karamihan ay mga tambay at pala-asa. Hindi naman ang gobyerno o kung sino pa mang Poncio Pilato ang may sala kung bakit sila naging iskwater di ba? Ang sarili rin nila ang dapat sisihin dahil sa katamaran at hindi pagkakaroon ng positive attitude. Hindi naman sa nilalahat ko pero the great majority talaga sa kanila ay ganyan. Ang lalakas magreklamo wala naman naitutulong sa bansa kundi pabigat at problema pa kung saan dadalahin ang mga ito. Mga numero unong contributor sa polusyon lalo na yung mga nakatira malapit sa ilog. Pero ibang topic na ito. Na sidetrack ako dun ah.
Para dun sa mga 'aktibista' (raw): Wala akong pakialam sa sinasayang ninyong oras dahil oras ninyo yan...pero sana wag ninyong gawing mukhang tanga ang sarili ninyo sa kalye habang humihiyaw ng mga bagay na hindi ninyo naman alam at wala talaga kayong care (wow chorva!) dahil in part, nagre-reflect ang ginagawa ninyo sa pagkakakilala sa mga Filipino. Umuwi na lang kayo sa bahay ninyo at magkamot ng bayag matulog. Mga hunghang!
Boses mula sa kisame: 'Ako ang iyong konsiyensiya. Relax ka lang diyan ok? Breathe in, breathe out.'
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.22.2008 @ 7:13 am
|
Matapos ang tatlong linggong pagpapalaki ng tiyan bakasyon sa Pilipinas ay nakabalik na naman ako dito sa gubat ng Tangguh. Ang una kong balita na nabasa sa internet at napanood sa telebisyon ay ang walang kakwenta kwentang karahasan ng mga 'lost command' ng MILF. Para pang naghahamon ng mas malaking gulo ang mga kumander ng grupo na si Kato at Bravo sa kanilang mga pahayag na ipinalabas sa mga mamamahayag. Tsk tsk. Napapakamot na lang sa ulo ang mga kalbong Pinoy dito sa mga nababalitaan nila sa mga pangyayari sa ating inang bayan.
Ilang taon na rin ba ang giyera sa Mindanao at hanggang ngayon ay hindi pa rin magkasundo ang mga rebelde at gobyerno? Ano ba talagang pinag-aawayan nila? Gusto ba ng mga rebelde na humiwalay sa Pilipinas? Bakit hindi na lang pagbigyan at tingnan natin kung kaya nilang tumayo sa sarili nilang paa. Papiliin ang mga mamamayan sa lugar na ihihiwalay sa Pilipinas kung saan papanig at kung sino ang para sa Pilipinas ay bigyan ng bagong buhay sa ibang isla ng ating bansa. Para naman sa kasiyahan ng mga ayaw mahati ang bansa pwede rin namang sakupin muli ang naihiwalay na lugar ng mga rebelde right after na maihiwalay sila. Kumbaga para lang masabi na napagbigyan ang kagustuhan nila. Nakakasawa na kasi ang pabalik balik na peace talks na ginagawa dahil sa hindi rin naman natitigil ang labanan. Pa-traydor na pag-atake pa nga kung minsan ang nangyayari at marami ang nadadamay na sibilyan at namamatay na tauhan ng ating hukbong sandatahan. Tigilan na ang peace talks na yan. Wala namang nangyayari o nagagawang mabuti kundi plastikan lang. Gumagastos pa nga ang gobyerno dito. Gawin ang nararapat. Papanagutin ang mga teroristang patuloy na nagkakalat ng lagim sa ating bansa. Ito lang ang paraan para sa mas mapayapang Pilipinas.
|
|
|
| 5 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.19.2008 @ 5:01 pm
|
| Last week ay nagreklamo ang mga taga IT section dito sa opisina dahil sa dami ng chain letters/spam na biglang nagdagsaan sa aming mail server. Ang mga may sala: Pinoy. Kasi ba naman naniwala ang mga kababayan dito sa isa na namang kalokohan na kumalat sa mundo ng electronic mail. Nung nareceive nila ang e-mail about lindol sa Pinas ay kaagad na pinindot ang forward button sa lahat ng kakilala nila. Naging spam ito at paulit ulit na naipadala at nataggap. Ano ba kasi ang talagang nilalaman ng e-mail na ito? Eto kasi ang siste: Magkaka-lindol daw sa July 18 (kahapon, tapos na) sa Pilipinas. Aba kelan pa na-predict ang lindol? At kung saan mangyayari? At gaano kalakas (intensity)? Actually may tama rin kasi araw-araw naman talagang lumilindol sa Pilipinas dahil ang bansa ay nasa Pacific Ring of Fire kung saan ang pagyanig (at pag-alburoto ng mga bulkan) ay malimit na nangyayari. Hindi nga lang lahat ng lindol sa Pilipinas ay nadarama ng mga tao dahil kalimitan ay mahina lamang. Pero kung may magsasabi sa 'yo na 'bukas lilindol ng ganito kalakas sa ganitong lugar at marami ang mamamatay' aba eh lumayo ka na sa taong ito dahil malamang sa hindi ay nasisiraan na siya ng bait o kaya naman ay KSP lang.
Narito ang umpisang parte ng e-mail na kumalat last week na pati ang palasyo ng Malacañang ay nagpalabas pa ng pahayag ukol dito.
Uncanny Prophesy: What will happen to the world and to the Philippines at 2008 Mr. Juseleeno Nobulega DaRoose is Brazilian, born in 1960, 47 years old now, his occupation is a teacher, he is a normal citizen, having a very poor life with his wife and kids. All the events which Mr. Juselleno predicted had clear indication of the year, month date of the disasters, incase any third party wants to confirm the facticity of his prophesy, Mr. Juselleno always put the story which he predicted to the notarization office or post office for the approval.
Somebody asked him, how old did he start the prophesy dream, he answered: 9 years old, from 1969, he dreamed 3 events a day, sometimes 9 events, the times he dreamed is different every day. He said all the prophesy dreams were automatically in his dream. When Mr. Juseleeno was 19 years old, he met the famous Brazilian prophesy Saint Mr. Franciscoshabiz, after that the worldwide disaster events were increased in his prophesy dream. Mr. Franciscoshabiz was two times the candidate for the Nobel Prize, he is a very famous differential functional person, at the same time he is also the Charitarian. The events which Mr. Juseleeno predicted are already more than 80000, firstly let’s look at below a few big worldwide events and huge disaster from his prophesy. July 18, 2008 - Philippines will get 8.1 earthquake, thousands of people will die.
PLS. LET US BE ALERT AND MARK THIS DATE JULY 18, 2008, FRIDAY. LET’S BE PREPARED, AND LET US ALL PRAY THAT THIS WILL NOT HAPPEN TO US.
IF POSSIBLE: PLS. DON’T GO TO WORK ESPECIALLY THOSE WITH OFFICE LOCATED IN HIGH PLACES, BUILDINGS, CONDOS AND MALLS.
NOTHING TO LOSE IN THIS KIND OF REMINDER. MAYBE, THIS IS GOD’S WAY TO SAVE YOU, YOUR FAMILY , YOUR FRIENDS AND YOUR OFFICEMATES OR LESSEN CASUALTIES.
LET’S ALL PRAY AND MARK THIS DATE.
PLS. FORWARD TO ALL YOUR CONTACT LIST TO WARN YOUR RELATIVES, FRIENDS AND YOUR LOVED ONES AND ALL PEOPLE LIVING IN THE PHILIPPINES .
AGAIN: REMEMBER JULY 18, 2008 – HAVE AN ALARM ON THIS
Sus Maryang Garapon! Marami pa raw na hinulaan itong Brazilian na ito na nangyari naman daw o nagkatotoo. Apo sa tuhod ba kaya siya ni Nostradamus? Kiver!
Sabi nga ng mga katoto natin tungkol sa 'prophesy' na ito eh: Ang maniwala supot!
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.01.2008 @ 8:39 am
| Last edited: Jul.01.2008 @ 12:22 am |
Sablay Collection Part 1

Mahilig sa extra letter(s) ang mga Indonesians.

Hehehehehe.

It's hut's! It's hurt's! LOL

Ang lalaking nasa picture na may label na Manny Pacquiao ay isa sa mga tinalo niya at hindi ang pambansang kamao. JMM yan!
|
|
|
Current Page 1
1
2
3
| >
>>
|
|
|