BrownMan Blog
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search  
Topics
Brownman's ABC
Brownman's Hirit
Business Pinoy
Iskul Bukol
Kalusugan
Kapuso
Kasabihan, Islogan, Salawikain, Atbp
Komiks
Kwentong Barbero
Limericks
My Top 10
OFW
OPM
Philippine History
Pinilakang Tabing
Politico
Random
Rise from the dead
Sports
Traditions, Customs, Culture
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In

Entries in "Pinilakang Tabing"
1
Tagalized Movies
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.23.2008 @ 7:36 am

Tagalugin muna natin ang pamagat ng ilang banyagang pelikula.
  • Black Hawk Down - Ibong Maitim sa Ibaba
  • Dead Man’s Chest - Dodo ng Patay
  • I Know What You Did Last Summer - Uy! Aminin!
  • Love, Actually - Sa Totoo Lang, Pag-ibig
  • Million Dollar Baby - 50 Milyon Pisong Bata (it depends on the exchange rate)
  • The Blair Witch Project - Ang Proyekto ng Bruhang si Blair
  • Mary Poppins - Si Mariang May Putok
  • Snakes on a Plane - Nag-ahasan sa Ere
  • The Postman Always Rings Twice - Ang Kartero Kapag Dumundot Dalawang Beses
  • Sum of All Fears - Takot Mo, Takot Ko, Takot Nating Lahat
  • Swordfish - Talakitok
  • Pretty Woman - Ganda ng Lola Mo
  • Robin Hood, Men in Tights - Si Robin Hood at ang mga Felix Bakat
  • Four Weddings and a Funeral - Kahit Apat na Beses Ka Pang Magpakasal, Mamamatay Ka Rin
  • The Good, the Bad and the Ugly - Ako, Ikaw, Kayong Lahat
  • Click - Isang Pindot Ka Lang
  • Brokeback Mountain - May Nawasak sa Likod ng Bundok ng Tralala / Bumigay sa Bundok
  • The Day of the Dead - Ayaw Tumayo ng Mga Patay
  • Waterworld - Basang-basa
  • There’s Something About Mary - May Kuwan sa Ano ni Maria
  • Employee of the Month - Ang Sipsip
  • Resident Evil - Ang Biyenan
  • Kill Bill - Kilitiin sa Bilbil
  • The Grudge - Lintik Lang ang Walang Ganti
  • Nightmare Before Christmas - Bangungot Sa Noche Buena
  • Never Been Kissed - Pangit Kasi
  • Gone in 60 Seconds - One Round, Tulog
  • The Fast and the Furious - Ang Bitin, Galit
  • Too Fast and Too Furious - Kapag Sobrang Bitin, Sobrang Galit
  • Dude, Where’s My Car - Dong, Anong Level Ulit Tayo Nagpark?
  • Beauty and the Beast - Ang Asawa Ko at Ang Nanay Niya
  • The Lord of the Rings - Ang Alahero

Tsismis
11 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.20.2008 @ 4:24 pm

May mga kumakalat na balita na ang misis ni kuwan ay madaling makuha.
Bago maniwala mag isip-isip ka muna.
Marami ang namamatay sa maling akala.


Break muna tayo sa magulong mundo ng politika, trabaho at kalokohan.
Dito muna tayo sa mas magulo pero nakaka-aliw na pahina ng shobis!

Narito ang pinaka-bagong bulung bulungan ng mga kapuso:

 

Showbiz Tsismis

[1] All About Marian Rivera

[2] ERASERHEADS REUNION CONCERT AUG.30, 2008 - Confirmed!!!

[3] Sinong Bagay Ka Loveteam Ni Mart Escudero?

[4] Mga Badidang Sa Showbiz

[5] Hot Topic: stars that are under/over-exposed

[6] Katrina, binuweltahan ang GMA Artist Center!

[7] IDA HENARES resign!

[8] Snooky Serna: Quo Vadis?

[9] Who is the Next Darna?

 

 

MMFF 2007
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Dec.13.2007 @ 9:49 am

Nalalapit na naman ang taunang bakbakan (naks!) ng mga Pelikulang Filipino sa Metro Manila Film Festival 2007. Anim na pelikula ang ipapalabas sa mga sinehan sa ika-dalawamput lima ng Disyembre taong kasalukuyan. Ang mga hindi pumasok sa Dec 25 playdate ay ipapalabas sa unang araw ng taong 2008. Mamamalas na naman ng publiko ang galing ng mga artista at film-maker na Pinoy. Sayang naman at hindi ko mapapanood ang Enteng Kabisote Part 4 at ang iba pang kasali sa MMFF 2007.

Narito sa baba ang anim na official entries sa MMFF 2007:

  1. Enteng Kabisote Part 4 - Vic Sotto
  2. Shake, Rattle and Roll 9 - Katrina Halili
  3. Bahay Kubo - Maricel Soriano, Eric Quizon, Marian Rivera, Yasmien Kurdi, Shaina Magdayao, Mark Herras, Rayver Cruz, Jiro Manio, Bearwin Meily, and Eugene Domingo
  4. Sakal, Sakali, Saklolo - Judy Ann Santos
  5. Katas ng Saudi - Jinggoy Estrada, Lorna T, Shaina Magdayao, Arron Villaflor
  6. Resiklo - Sen. Bong Revilla

Napansin ko lang na ang nangyayari sa MMFF ay sequel na lang ng sequel ang napipiling kasali. Kulang na lang ay Mano Po at Indiana Jones (bwahahaha). Hanggang kelan kaya yang Shake, Rattle and Roll at Enteng Kabisote na yan? Yung kay Juday sequel din yan nung movie nya na kasali sa MMFF 2006. Sana next year naman ay may mga bagong istorya ng pelikula at mas i-prioritize ng mga producers ang pagpapalabas ng pelikulang may substance kesa naman ang target lang nila kumita...di po ba? (-:

 

Tips ni Direk Late Bloomer
13 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.22.2007 @ 7:54 am

Mga tips ko lang para sa mga kababayan ko na gustong subukan ang paggawa ng pelikula na patok na patok sa masang Filipino:

1. Magsama sa cast ng:

a. Bruskong action star kung Action movie ang gagawin

b. Zany Side kick ng bida

c. Sexy leading lady na willing sa isang bitin na love scene at wet kissing scene (hindi na uso ang dampi)

d. Mas sexy at daring na kabit para sa ating masuwerteng bida

e. Kontra bida na may demonyolik na tawa

f. Goons na naka black leather jacket armed with Armalite and M203 grenade launcher

2. Ang titulo ng pelikula ay either halaw sa isang sikat na awitin, kasabihan o mensahe sa mga stickers na kalimitang makikita sa jeep.

3. Isang Kilig-to-the-bone scene kung saan ang ating bida ay sinusuyo si leading lady habang gamit ang kanyang bed room voice na halos pabulong ang tunog...nangangako na magbabalik matapos ang ultimate battle with the kontra bida...and finallly ang scene ay magtatapos sa halikan na mauuwi sa number 4.

4. Mainit, nag-aalab na love scene na pupukaw sa damdamin ng mga manonood...at kung gaano kabilis na-arouse ang mga parokyano sa sine ganun din kabilis babaling ang kamera ni direk sa isang bungkos ng bulaklak o kaya naman ay sa bilog na buwan na kita mula sa bintana ng kwarto para bitinin ang mga kalalakihan na sabik makita ang ka-flawlessan ni leading lady at ang mga badingarzi at kababaihan na gustong makita ang pwet ni Papa Action star.

5. Sandamukal na costume ang gamitin kung ang cast at ang istorya ay flawed. Daanin na lang sa fashion at cosmetics ang pagbawi sa appeal ng pelikula. Kung desperado na talaga, magdagdag ng scene kung saan ang isa sa mga artistang babae sa cast ay magkakaroon ng wardrobe malfunction. Oo. Kahit na si Maui Taylor pa yan o si Madam Auring pwedeng gamitin sa scene na ito. Mas nakaka intriga nga kung mas matronix ang biktima ng nasabing scene.

6. Siguraduhing malupit na OPM musical score ang gamitin sa iyong pelikula.

7. Huwag kalimutan na kontakin ang press at ipagkalat ang tsismis na si bidang aktor na happily married ay nakikipagmabutihan kay aktres na pa-cute din naman at tuwang tuwa sa role nya sa mata ng fans na home wrecker.

8. Last fight scene na mauubos halos lahat ng cast ng pelikula mo except sa bida, leading lady at ilang mapapalad na extra. Oo. Kahit na hindi action film kailangan may fight scene. Imagine isang comedy na walang kwelang labanan sa huli ang pangit di ba...At isang horror film na hindi makikitang papatayin ng bida ang demonyitong aswang o tiyanak? Parang bitin...

9. Siguraduhing magkaroon ng scene towards the end of your film na parang babangon pa yung kalaban o kaya gagalaw pa ang isang daliri ng tikbalang. Ito ay para may paunang sabi sa mga manonood na may kasunod pa ang iyong pelikula at ito agad ang kanilang pag-uusapan matapos ang hang over nila sa panonod ng sine mo.

10. Finally, isang makulay na poster ng iyong pelikula kung saan makikita ang ininternet (sabi nga ni Gladys Guevarra) o inadobe na kilikili ng leading lady para pumuti at kuminis. Kailangan syempre ang bida ang may pinaka malaking exposure sa poster at kung mas marami sa isa ang mga bigating artista na kasama sa cast pagkakataon mo na gumawa ng kontrobersiya sa billing.

 

Kontra Bida
44 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.05.2007 @ 9:24 am

Narito ang mga paborito kong kontra-bida sa pelikulang Filipino...ang mga less heralded characters bigyan naman natin ng konting spot to shine...Here they are:


Max Alvarado. Si Lizardo na kalaban ni Flavio sa Panday series of movies.
Born to Gonzalo Teodosio and Maria Maximo in Feb 19, 1929, Gavino Maximo Teodosio entered Filipino cinema when it was reaching its so-called "Golden Age." Using the screen name "Max Alvarado" for dramatic appeal, he played his first bit role in Halik sa Banila (1948) and his first starring role in Alias Chain Gang (1967). Continue reading Max's mini biography...http://www.imdb.com/name/nm0023173/bio

Some of Max's Films:

  • Hindi pa tapos ang laban (1999)
  • Bagsik ng kamao (1997)
  • Makuha ka sa tingin (kung puede lang) (1993)
  • Dugo ng panday (1993)
  • Alabang Girls (1992)
  • Alyas pogi 2 (1992)
  • Dito sa pitong gatang (1992)
  • Manong Gang (1991)
  • Sgt. Clarin: Bala para sa ulo mo (1990)
  • Bala... dapat kay Cris Cuenca, public enemy no. 1 (1989)
  • Da Best in da West (1989)
  • Agila ng Maynila (1989)
  • Jacky Tyan (1988)
  • Buy One, Take One (1988)
  • Menudo't pandesal (1987)
  • Ninja Kids (1986)
  • Isang kumot, tatlong unan (1985)
  • Sigaw ng katarungan (1984)
  • Panday, ikaapat na aklat (1984) .... Lizardo
  • Panday, Ikatlong yugto, Ang (1982) .... Lizardo
  • Daniel Bartolo ng Sapang Bato (1982)
  • Pagbabalik ng panday, Ang (1982) .... Lizardo
  • For Y'ur Height Only (1981) (uncredited) .... Columbus
  • Dolphy's Angels (1980) .... Bertong Maize
  • Deadly Fighters (1980)
  • Darna at Ding (1980) .... Giant
  • Bugoy (1979)
  • Blind Rage (1978)
  • Panday, Ang (1978) .... Lizardo

more...

Paquito Diaz. Known to his friends as Francisco Bustillos Diaz. Siya ang paboritong pompyangin ni FPJ (ganun din ang kanyang kapatid). Malimit din siyang gumanap bilang iskalawag na pulis. He was both an actor and director (Dir. Bayadra Brothers - 1999) who starred in countless films in five decades either as the primary villain or his lighter side as a comedian.
His wife Nena Gutierrez, a former flight attendant, is the younger sister of actor Bob Soler.

Some of Paquito's films:

  • Pakners (2003)
  • Sabayan sa laban (2002)
  • Batang lansangan... ngayon, Mga (2002)
  • Mahal kita, kahit sino ka pa (2001)
  • Ayos na ang kasunod (2000)
  • Pera o bayong (Not da TV)! (2000)
  • Dalubhasa, Ang (2000)
  • Kahit demonyo itutumba ko (2000)
  • Isusumbong kita sa tatay ko (1999)
  • Bayadra Brothers (1999)
  • Hindi pa tapos ang laban (1999)
  • Leon ng Maynila, Lt. Col. Romeo Maganto (1999)
  • Squala (1998)
  • Pagbabalik ng probinsiyano (1998)
  • Enteng & Mokong: Kaming mga mababaw ang kaligayahan (1997) .... Frankie
  • Kapag nasukol ang asong ulol (1997) .... Gaton
  • Kokey (1997)
  • Kung marunong kang magdasal, umpisahan mo na (1997) .... Amador
  • Lihim ni Madonna (1997)
  • Pag-ibig ko sa iyo'y totoo (1997)
  • Hangga't may hininga (1996)
  • Ikaw ang mahal ko (1996)
  • Misis kong hoodlum, Ang (1996)
  • Pinakamagandang hayop sa balat ng lupa, Ang (1996) .... Bobo
  • Sa iyo ang langit, akin ang lupa (1996)
  • Kahit harangan ng bala (1995)
  • Hataw tatay hataw (1994) .... Roland
  • Cobra (1994)
  • Cuadro de Jack (1994)
  • Marami ka pang kakaining bigas (1994)
  • Manila Boy (1993)
  • Doring Borobo (1993)
  • Enteng manok: Tari ng Quiapo (1993)
  • Hulihin: probinsiyanong mandurukot (1993) .... Maing
  • Daddy Goon (1992) .... Sgt. Santisima
  • Dito sa pitong gatang (1992)
  • Estribo Gang: The Jinggoy Sese Story (1992)
  • Shotgun Banjo (1992)
  • Takas sa impiyerno (1991)
  • Mabuting kaibigan... masamang kaaway (1991)
  • Manong Gang (1991)
  • Pido Dida 2: Kasal na (1991)

more...

Romy Diaz. The younger brother of Paquito Diaz who, like his Paquito, suffered lots of pompyang and machine gun sapok from FPJ. He was know for his evil laughter bwahahahahahaha! I particularly like his acting when it's time for the bida and him to exchange verbal blows just before the ultimate battle towards the end of a film. Romy died of Tongue cancer.

Some of Romy's Films:

  • Fantastic Man (2003)
  • Bertud ng putik (2003) .... Damian Buenavista
  • Pakners (2003) .... Olivares
  • Alamat ng lawin, Ang (2002)
  • Panabla (2001)
  • Hindi sisiw ang kalaban mo (2001)
  • Makamandag na bala (2000)
  • Tumbador (2000)
  • Dalubhasa, Ang (2000)
  • Kahit demonyo itutumba ko (2000)
  • Ako ang lalagot sa hininga mo (1999)
  • Suspek (1999) .... Emong
  • Pakawalang puso (1998)
  • Alamid: Ang alamat (1998)
  • Ayos lang, pare ko (1997) .... Dante
  • Bagsik ng kamao (1997)
  • Jacob (1997)
  • Lab en kisses (1997) .... Aga
  • Mananayaw (1997)
  • Alfredo Lim: Batas ng Maynila (1995)
  • Gising na... ang higanteng natutulog (1995)
  • Cobra (1994)
  • Cuadro de Jack (1994) .... Wanted Man
  • Tunay na magkaibigan, walang iwanan... peksman (1994)
  • Manila Boy (1993)
  • Angelfist (1993) .... Mexican Drug Dealer
  • Live by the Fist (1993) .... Alvarez
  • Patapon (1993) .... Rico
  • Bad Boy 2 (1992)
  • Tukso layuan mo ako (1991)
  • Ali in Wonderland (1991)
  • Espadang patpat (1990)
  • Tangga and Chos: Beauty Secret Agents (1990)
  • Karapatan ko ang pumatay... Kapitan Guti (1990)
  • Hindi ka na sisikatan ng araw (Kapag puno na ang salop part III) (1990)
  • Sgt. Clarin: Bala para sa ulo mo (1990)
  • Durugin ng bala si Peter Torres (1990)
  • Target... Police General: Major General Alfredo Lim Story (1990)
  • Anak ni Baby Ama (1990)
  • Bawat patak dugong Pilipino (1989)
  • Ipaglalaban ko (1989)
  • Sgt. Melgar (1989)
  • Get Commander Jack Moro: Bangsa Moro Army (1989)
  • Da Best in da West (1989)
  • Bagwis (1989)

more...


Bomber Moran. Arturo "Bomber" Moran was a huge, literally speaking, villain who was always cast with those action-comedy flicks. His brand of acting was really best suited to portray kontrabidang palpak. He died of cancer on August 14, 2004, two months before his 60th birthday.

Some of Bomber's films:

  • Makamandag na bala (2000)
  • Basta't ikaw nanginginig pa (1999)
  • Leon ng Maynila, Lt. Col. Romeo Maganto (1999)
  • Rubberman (1996)
  • Mistah (1994)
  • Makuha ka sa tingin (kung puede lang) (1993)
  • Ano ba 'yan 2 (1993)
  • Bad Boy 2 (1992)
  • Goosebuster (1991)
  • Karapatan ko ang pumatay... Kapitan Guti (1990)
  • Walang awa kung pumatay (1990)
  • Barumbado (1990)
  • My Darling Domestic (The Greytest Iskeyp) (1989)
  • SuperMouse and the Roborats (1989)
  • Moises Platon (1989)
  • Long Ranger & Tonton: Shooting Stars of the West (1989) .... Viva Zapanta
  • Si Malakas at si Maganda (1989) .... Richard

more...


Efren Reyes Jr. Sigang Maton! That is the perfect pair of adjective-noun for this fellow who's always known for his angas and brutality in the movies. He was thrice nominated for the Best Supporting Actor award in the FAMAS awards, though he has yet to win one. He is not only an excellent villain character but also a very good dramatic actor. Unknown to many, Efren is  the son of actor-writer-producer-director Efren Reyes and Great Grandson of Severino Reyes (a.k.a. Lola Basyang).

Some of Efren's films and television series:

  • Maging akin muli (2005) (TV) .... Ben Martires
  • "Spirits" (2004) TV Series .... Chief Jaylo
  • Mano po 2: My home (2003) .... Investigator
  • "Bituin" (2002) TV Series .... Arnel
  • Basagan ng mukha (2001)
  • Carta alas: Huwag ka nang humirit (2001) (as Efren Reyes) .... Daks Imperial
  • "Sa puso ko, iingatan ka" (2001) TV Series .... Mr. Tordesillas
  • "Tabing ilog" (2000) TV Series .... (2000)
  • Testigo (2000)
  • Pasasabugin ko ang mundo mo (2000)
  • Tunay na tunay: Gets mo? Gets ko! (2000) .... Don Julio
  • Tumbador (2000)
  • Palaban (2000)
  • Alyas pogi: Ang pagbabalik (1999) (as Efren Reyes) .... Hepe
  • Isprikitik, walastik kung pumitik (1999) (as Efren Reyes)
  • Mula sa Puso: The Movie (1999) .... Ysmael Matias
  • Tatapatan ko ang lakas mo (1999)
  • Alyas Lakay (1999)
  • Babae sa bintana, Ang (1998)
  • Sambahin ang ngalan mo (1998) .... Samuel Mascardo
  • Bilibid or Nut (1998)
  • Jesus Salonga, alyas Boy Indian (1998)
  • Bitag (1998)
  • Daniel Eskultor (1997)
  • Kapag nasukol ang asong ulol (1997) .... Banong
  • "Mula sa puso" (1997) TV Series .... Ysmael Matias
  • The Onyok Velasco Story (1997)

more...


Johnny Delgado. Juan Marasigan Feleo in real life. Known not only for his mob boss role in the movies, Johnny is also a comedian who starred with Bobot Mortiz, Jay Ilagan and Christopher De Leon in the defunct tv show Goin' Bananas. Johnny is a very versatile and dependable actor who can switch roles with ease as a sindikato leader, a comedian, a bad father, a desperate politician and more. His acting is highly regarded in the Philippines film industry. He had won four acting awards and most recent one was when he bagged the Best Actor award for his role in the year 2000 film Tanging Yaman. He is the husband of director Laurice Guillen.

Some of Johnny's films and television series:

  • You Got Me (2007)
  • Ligalig (2006) .... Damian Garote
  • First Day High (2006)
  • Huling araw ng linggo, Ang (2006)
  • Kaleldo (2006) .... Mang Rudy
  • "Calla Lily" (2006) TV Series .... Mang Edong
  • Visa loca, La (2005) .... Sancho
  • "Anghel na walang langit, Mga" (2005) TV Series .... Domingo Redondo
  • Santa Santita (2004) .... Fr. Tony
  • "Te amo, maging sino ka man" (2004) TV Series .... Arnaldo Camacho
  • Crying Ladies (2003) .... Priest
  • "Kay tagal kang hinintay" (2002) TV Series .... Dimitri Mijares (2002-2003)
  • Kailangan kita (2002) .... Papay
  • Hari ng Selda - Anak ni Baby Ama 2 (2002)
  • Bakit 'di totohanin (2001) .... Andres
  • Tanging yaman (2000) .... Danny
  • "Arriba! Arriba!" (2000) TV Series .... Yani Makalupa (unknown episodes)
  • Hindi pa tapos ang laban (1999)
  • The Elsa Castillo story... Ang katotohanan (1994)
  • Kung kailangan mo ako (1993)
  • Hanggang may buhay (1992) .... Col. Dimayuga
  • Paminsan-minsan (1992)
  • Eddie Tagalog: Pulis Makati (1992)
  • Lumayo ka man sa akin (1992)
  • Alyas Boy Kano (1992) .... Alvarez
  • Amang Capulong - Anak ng Tondo II (1992)
  • Kahit buhay ko (1992)
  • Akin ang pangarap mo (1992)
  • Aliwan Paradise (1992)

more...

Ang mga bago nating character actors at kontra bida ay hindi ko pa kilala.

 

Cine Filipino
5 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.25.2007 @ 8:01 am

Matagal na akong hindi nakakapanood ng pelikulang Pinoy. Paano ba naman kasi nitong mga nagdaang taon ay tuwing Disyembre lamang ipinapalabas ang mga may kwentang sine. Yan tuwing Metro Manila Film Festival (MMFF) lamang . Kung hindi ST (pito-pito movies) ay love story lang ang mapagpipilian, aside sa mangilan-ngilan na horror flicks.

Meron din namang ilan na sineng mahusay ang pagkakagawa at ang takbo ng istorya ay maipagmamalaki...mga Indie films. Nga lamang mga low budgeted na pelikula ito at ni hindi naipapalabas sa ating mga sinehan. Kulang sa publicity ika nga. Mas nauuna pang napapansin ng mga banyagang kritiko at mga international film award giving bodies.

Kapag ganitong weekend nami-miss ko tuloy yung mga action films ni FPJ, Rudy, Bong at Robin. Yung mga pelikulang hindi namamatay ang bida kasi nakakailag sya sa bala...kung saan kaya nyang pataubin ang limang tambay na mama sa tindahan sa kanto na nag-iinuman. Yung mga agimat movies ni Ramon Revilla...wala na bang magpapatuloy ng ganitong konsepto sa pelikula?

Isa pang nawawala ay ang mga komedyang sine. Ang mga bagong komedyante natin ay kalimitang mapapanood mo lamang sa telebisyon, sa mga comedy bars ni Allan K o kaya naman ay nasa mga piyestahan sa probinsiya kasamang nagpapasaya ng mga singers at majikero!

Mabuti na lamang at ang mga sineng katatakutan at suspense ay napapanood pa rin paminsan minsan ng isang ordinaryong Juan. Parang ito na lang ang patuloy na nagsusurvive sa industriya ng pelikulang Filipino. Ang mga dramang sine ngayon temang kanluranin na rin...sa titulo na  lamang ingles na... Hay, hay, hay... asan na ang mga trademark Cine Filipino?


Trademark ng mga Pelikulang Filipino:

  1. Kontrabida, maong jacket, leather jacket. Yung mga goons, private armies, sindikato at kriminal kahit anong init sa Pilipinas naka leather/maong jacket pa rin sa pelikula at hindi man lang pinapawisan at parang cool na cool pa sa pagsalo ng mga suntok at sipa ng ating bida. Taga-salo rin sila ng mga balang nailagan ng leading man. Dalawa lang ang ending para sa mga bad guys ng sineng Pinoy... bugbog sarado at kalaboso (see number 8) o patay.
  2. Pompyang. Hindi kumpleto ang isang fight scene sa sine kung walang mapopompyang! Wapaksss!!!
  3. Leading ladies. Swerte ng mga bida natin palaging may leading ladies na ubod g seseksi at gaganda. Sila ang kalimitang ginagamit na best selling point ng sine kung ang istorya ay predictable. Magkakaroon ng tsismis sa pagitan ni leading man at leading lady.
  4. Kabit. Dahil mas exciting kung ang bida natin ay may pagka-pabling kaya may gumaganap ng number two. Swerte talaga ng bida!
  5. Love scene. Eto ang paborito ng mga kuwimao movie goers. Ang makita ang bitin na love scene ni Nanette Medved at FPJ o Jessa Zaragosa at Joko Diaz. Pag malapit ng makarating dun sa hindi daw dapat makita ng mga bata ay palaging magpopokus ang kamera sa buwan, sa langit na madilim, sa kurtina sa bintana o kaya naman ay sa isang bungkos ng bulaklak.
  6. Kantahan sa pelikula. Kalimitan itong nangyayari sa isang parke o plaza kung saan maraming tao...at syempre pa lahat ng tao sa paligid bigla na lamang makikisayaw at makiki-awit sa ating mga artista na para bagang tatlong linggo na nila napraktis ang koryograpiya.
  7. Pasabog epeks. Kung wala raw mga pasasabugin at susunugin eh hindi mabenta sa takilya ang isang pelikula. Kaya naman sa ending ng mga pelikulang aksyon, mapa-aksyon-drama o aksyon-comedy ang climax ng sine ay sa katapusang labanan. Kalimitan ginagawa sa isang lumang warehouse, sa junk yard o lay down area ng mga imburnal o malalaking pipe. Mura lang kasi kung ang susunugin at wawasakin ay yung mga luma nang gamit. Marami pa ditong pwedeng pasabugin na kaha ng kotse. Maganda rin itong lokasyon kasi maraming pwedeng pagtaguan ang kontrabida para makapag-sigawan pa sila ni Mr. Bida ng mga maaanghang na salita bago mag duwelo.
  8. Pulis Patola. Ito ang mga kahanga-hangang pulis natin na palaging huli na kung dumating. Kung kailan naubos na ng bida ang mga sindikato tsaka pa lamang sila magsisidatingan. Hindi pa naka-uniform at may tali lang ng puting good morning towel sa ulo para masabing pulis sila....eh hindi naman sila nagbabalalkayo par mag espiya...kasi galing naman sila straight from their police station!
  9. Side kick. Hindi kumpleto ang humor sa sine pag wala ang palaging maaasahan na side kick. Sagot nya ang mga punch line, ang pingot ng bida, ang supply ng mga armas at bala. Pati ang galit ng kontrabida sinasalo nya kaya malimit nabubugbog at nagiging dahilan para magkaroon ng huling duwelo.
  10. Baril at magazine. Kapag wala ng laman na bala ang magazine ng baril, itinatapon laman ito sa pelikula as if disposable ito. Pati na rin mismo baril itinatapon lang sa tabi pag wala ng spare magazine. Kung talagang naubusan naman ng bala ang ating bida palaging may available na armas na mapupulot nya lang sa tabi tabi para magamit at maipagpatuloy ang labanan.
 


Current Page 1
1

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org