Past 11 na ng umaga sa oras ng computer..sa wakas natapos na rin ang aking trabaho- magkwenta ng mga grados!! YES!!! Kudos gurl..
pwede ng magZzzzz..pero haba pa pila tulad ng documentations, consultation forms, reports ng mga actibidades para sa kanilang nagtataasang filing cabinets at marami pang kachuVaha..n.. trabaho lang...gagawin ko..para sa clearance! dahil kung hindi...NO PAY...hahaha!!! Lupit! matinding motibasyon di ba?
May bago ba sa mga ganitong uri ng institusyon? isa daw kase ito sa mga indicators ng isang competitive at progresibong institusyon. Ang pagiging organisado ay isang mabisang pamantayan ng EXCELLENCE!!! Tunay. Pakiramdam ko nga nasusubukan ko ang aking abilidad at kagalingan sa paggawa ng produktong instant..hahah! ang paggawa ng grado at pagpapapirma ng kapirasong papel tuwing magtatapos ang semestre? nasubukan ang..the what?..
Ganun ang buhay guro sa isang kolehiyo na nakilala sa kanilang systematic na sistema and I quote.."we are trying to be globally competitive" ...sigurado uulan ng mensahe sa cp galing sa mga estudyante nagtatanong kung bakit ganun ang resulta ng dugo't pawis nila sa buong semestre...o di ba? nagtataka sila.. sabi ng isa sa mga guru dahil na rin sa tagal sa kolehiyo ay dapat na daw akong masanaya dahil ganito na daw ang estudyante ngayon.Tama siya napansin ko nga biigla silang nagkakaroon ng amnesia lalo na kung bumagsak sila at kasabay nito ay biglang maalala ang kanilang mga magulang na naghihirap para lamang masustentuhan ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw na pagpasok para lamang magpainit sa upuan habang abala sa pagtetext at pakikinig sa kanilang paboritong sounds habang nakikinig..Kung meron mang iba sa kanila mabibilang mo na lang sa daliri..
Heto na...nagvavibrate na ang aking cp daming mensahe.."NO SPACE FOR NEW MESSAGES" pabasa nga ng isa.....ma'am si Aina po ng PLS2E ask ko lang po bakit INC ako?" o di ba? ang INC ay incomplete...komplete requirements siya pero senentensiyahan ko pa rin siya ng INC dahil 73 ang grado. Gusto ko sanang gawing 70 para matapos na ang kwento pero malakas ang bulong ng Espiritu. Sa susunod na semestre na kami mag-uusap sa araw ng completion....para sa akin malinaw ang mensahe at pinindot kong sentensiya sa mga bagsak na estudyante, di bale may panahon pa...
Tulad ng leksiyon na gusto kong matutunan...may TAMANG panahon sa lahat ng bagay.
Down on my knees...Loving Father, grant me the Wisdom to learn Your own time and Patience to WAIT..
Thanks for all that has been...
|