Ang New York ay Isang Isla
Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Ang New York ay Isang Isla
Apartment 102
Comments from Visitors
Filteany Vlogs on YouTube
Instruction for Site Visitors
Must Read for Filipinos
New York is An Island
Poems
Proud to be Pinoy!
Random Thoughts
Teaching Experiences
YouTube Pinoy Friends' Messages
My Photos
Florida Escapade
Hazel - Filipina Teacher In New York
New York Spots
Members
Sign In

Blog - Latest Entries
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 | > >>
Proud to be Pinoy! > Survey Para sa mga Adik sa SARBEY
17 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jul.02.2007 @ 12:20 am

 

Kapapanood lang namin ni Marcello ng "Sicko" ni Micheal Moore. Halos mahimatay ako sa inggit sa healthcare ng Canada, UK at kahit Cuba. Bakit? Panoorin niyo na lang at sigurado kong mamahalin mo pa lalo si George Bush . Sa kabilang dako, pagtuunan natin ang mga survey na parang mga kabute sa MySpace at Friendster. Kung dito sa Amerika, binabayaran ang mga kumukuha ng online survey para sa mga produkto ang mga Pinoy naman ay hobby na ang sumagot ng survey from 20 items hanggang 100 items. Minsan seryoso minsan ewan tulad ng ano ang kinain mo kaninang almusal o anong kulay ng panty ng boss mo noong Huwebes. Noong una, hindi ko pinapansin ang mga survey na ito pero pagkalaon, nalulong na rin ako kase effective itong pangpatulog o pang- relax pagkatapos inisin ng pusit na boss. Hindi rin ako papahuli, ito ang ang 69 questions survey na may sagot ko. Handa na ba kayo? R, S and Go!

1. Kung ikaw ay aso, ano ang breed mo?
- German poodle bitch

2. Ano ang paborito mong teletubby?
- yung may antenna sa ulo na hugis phallic symbol

3. Anong boy band ang hindi mo ipagkakait na minahal at pinagpantasyahan?
- BACKSTREET BOYS

4. Maneuvres o Universal Dancers?
- si German Moreno

5. GMA o ABS CBN?
- ABS CBN kase mahilig silang mang- agaw ng talent at mataas ang sweldo ng kaibigan kong TV writer.

6. Meteor Garden of Mari Mar?
- hmmm, Si Thalia kase gusto ko ang baywang niya

7. Sinangag o pandesal
- Fried rice na may tinapa

8. Katoliko o nagpapanggap na Kristiyano?
- Buddhist na po ako

9. Day person o Night Owl?
- Isa akong kuwago, gumagana utak ko kapag gabi at nahahati ang aking katawan sa 2

10. Coke o Pepsi
- SARSI!

11. Kilala mo ba si Rainbow Brite?
- Oo naman, kabeso ko nga kanina eh, naglipana sa NY

12. Eh ang care bears?
- care bear cousins pa mismo

13. Alam mo ba kung saan na ang mga Smurfs?
- sa pagkakaalam ko nag- aalaga ng mga anak ni Smurfette

14. Randy Santiago o Apo Hiking Society?
- Mr. Shades of course

15. Megastar, superstar, Diamond star o wishing star?
- gusto ko star for all seasons- si ate Vi!

16. Nakakita ka na ba ng artista?
- Oo, si Ara Mina sa parade sa Baguio

17. Ano ang ginawa mo?
- sinampal ko dahi inagaw sa akin si Jomari at that time:)

18. Sino pa?
- Si Oyo Boy Sotto!

19. Saan at ano na naman ang ginawa mo?
- sa Rockwell. Wala kase nahiya ako dahil puro nursery ang lumapit sa kanya eh nasa 1st grade na ako

20. Sino ang pinakamagandang artista sa Pinas?
- si Charlene G.

21. Pinakaayaw mong artista?
- si Sheryl Cruz- maarte pa rin ba siya ngayon?

22. Paborito mong Pinoy Movie?
- Jologs

23. Telenovela?
- Pangako sa iyo- ito ba yung kay Kristine at Echo?

24. Ano naman ang pinanood mo sa US mula umpisa hanggang ending?
- Flavor of Love 2- ghetto na ako eh

25. Ano ang paborito mong mura kapag kaharap mo ang boss mo?
- bruha ka! sabay ngiti

26. Sa English?
- Paking shet (minimum of 20x a day. Potty mouth)

27. Starbucks addict o Deli gal?
- neither mahal ang kape nila

28. Watch mo ngayon?
- swatch na walang battery kaya tingin ako sa CP ko

29. Ano ang suot mo?
- butas na old navy na boxers at sando ni cello

30. Ginagawa mo this minute?
- gumagawa ng kakaibang survey

31 Given the choice, patatangkarin mo ba si GMA?
- hinde, tama na ang kanyang powers!

32. Gusto mo bang maging politiko sa atin?
OO naman, laki ng pork barrel eh at mahilig ako sa letson

33. Sino ang mas gwapo si Marcos o si Clinton?
- Marcos pa rin

34. Kilala mo ba si Ming?
- Ming Ramos o Baby Arenas?

35. Yung pusa?
- hindi unfortunately pero berks ko si Pong Pagong

36. Ilang taon ka noong una kang umihi sa kama
- 6 years old :)

37. Ano ginawa mo?
- umiyak tapos natulog ulit. Natuyo naman noong umaga

38. Saan ka nag- elementary?
- sa Center- SLU center run by ICM sisters

39. Like mo ba sila?
- hindi kase laging hingi donasyon

40. Sikat ka ba noong high school?
- ewan ko, pag kasama ko barkada ko oo pero pag ako lang, common tao ako

41. Were you ever a bully?
- hanggang ngayon lalo na kapag big bad bitch o jerk ka

42. Age na na inlove ka?
- 16

43. Age lang na "pop ang cherry mo?"
- 19, 21, 23, 25 at 26 yrs old

44. Nagmahal ka ba nang tunay?
- oo naman, gumastos pa nga ako eh

45. Alam mo bang mangkulam?
- slight- tinuruan kami nung college sa Psych

46. Kung ikaw ay bulaklak, anong insekto ang gusto mong dumapo sa iyo
- walking stick

47. Person you are thinking of right now?
- george bush jr.

48. Why?
- bakit nalagay sa posisyon ang bobong tao

49. Sino ang tunay na bayani? si Rizal o si Bonifacio?
- Aguinaldo kase pinapatay niya si Boni kaya friends tayo sa US hanggang ngayon

50. Greatest fear
- mautot in public

51. Are you afraid of dying?
- gago ka ba? oo naman

52. Maka- ina o maka- ama?
- Daddy's girl ako

53. Hate mo ba ang mga kapatid mo?
- noon, sobra ngayon hindi na tanda na nila eh

54. Pinakinabangan mo ba ang natapos mo?
- HINDE

55. Bakit naman?
- kase wala akong mahanap na work after graduation kaya shift ako SPED

56. Nagkaroon ka na ba ng illicit affair?
- illicit in what terms? unintentional pero mali ako agree

57. First love never dies?
- It dies, buried and will always be dead. Noong hindi ako pumayag eh naghanap ng ibang butas

58. Do you love your boyfriend even if he is having diarrhea?
- proven na ito kase in return love niya ako nang bumara ang toilet nila bec of me

59. Is your biological clock ticking?
- sadly, tick tock tickity tickitikit tak tak tak

60. How many kids?
- 2 most, human pareho

61. Do you regret anything?
- hindi ko sineryoso ang pag gigitara

62. Ilang beses kang nag- sinungaling?
- white lies o blue lies

63. Masaya ka ba ngayon?
- oo naman pero kung mas mayaman ako, mas gaganda ako

64. Brains with Boobs or Brains lang
- Brains pa rin may padding naman diyan eh

65. Anong stats mo?
36- 27- 37  hita ko pa lang yan

67. Have you lied that you were single?
- never pa kase lagi akong taken

68. What is heaven for you?
- good health, financial stability and a gorgoeus partner

69. And hell?
- having no brains, a shaved head and spending 23 days in jail for DUI aka the human form of Britney and Paris

Ang New York ay Isang Isla > Mga Friendsters
10 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.26.2007 @ 12:34 am


Ang dami ko na palang kaibigan. May mga tao palang interesado sa akin kahit papaano. May panahon silang tingnan ang aking pictures at ang iba naman ay mabait na i- add as friend ako. Sa tanang buhay, sa FRIENDSTER ako sobrang daming "friends". Meron diyan first degree, second degree and "anyone." Noong una, hindi ko pa alam na may ganito palang website para maka- connect ka sa mga long lost friends at siyempre makita kung ano na ang itsura nila after 10 years. Ang aking mantra, kailangan okey ang pictures ko at hindi halata na may laugh lines na ako. Routine ko na ang friendster at para akong namamasyal sa park habang tinitingnan ang friends ko. Noong nagkaroon ng maintenance ang friendster, nadiskubre ko na number 1 pala ito na most visited website sa Pilipinas. Sabi nga ng aking hispanic boyfriend, Filipino universe daw ang friendster. Meron din naman akong MySpace account pero mas masipag akong bisitahin ang friendster. Ito pa ang mga natuklasan ko mula sa famous website para sa mga "friends."

1. Kailangan maganda ang profile picture mo para marami kang friends. Pang- akit para maging interesado ang  ibang friendsters.

2. Vital ang status ng relationship mo. Kung married, less appealing ka, in a relationship, sayang! pero kapag IT'S Complicated, naku po! Dami mo friends! Tried ang tested ko na ito.

3. Paramihan ng friends sa friendster. Wala na akong masabi.

4. About you- buong buhay na ang nakalagay pati mga paboritong tambayan ng banana q at sago't gulaman.

5. Send a smile para hindi obvious na tamad kang mag message o para sa mga guys, pakiramdaman muna si girl.

6. Bulletin board na "PLEASE ADD ME AT tikbalang@horse.com. Pagbigyan na nga!

7. Shout- outs tulad ng "Labas na ako sa Preso or asa hundred islands ako, Yeheey!" Sarap mag broadcast.

8. Surveys na nakakatuwa at libangan ng mga nagtratrabaho sa call centers (Hoy! Jon, huwag mo ipagkaila!)

8. Repost this or mamamatay ka sa kalmot ng daga sa loob ng 24 hours.

9. Mag- Novena para hindi mabreak ang chain.

10. Sarap mag- stalk ng dating crushes o mga friends na kinaiinisan mo dati. Kung anonymous kang mag view- hala PERVERT ka pero kung open lang, carry lang di ba?

11. Ang mga top friends mo ay yung mga true friends mo. Period

12. Masakit kapag nalaman mong nagpakasal na si Girl/ Guy na pinapantasya mo nung College pero laking tuwa mo naman kapag mukhang Armadillo ang asawa. Pangpalubag loob ba?

13. Nagkakabati ang mga dating magkaaway. Nangyari na sa akin ito so I strongly advise to use friendster para hanapin ang mga dating kaaway at make peace and make this world another shitting place.

14. Blogs...blogs...blogs......TUNGKOL SA LOVE.

15. Skins and graphics na sana ay puwedeng gawing tattoo.

16. BACKGROUND music na reflection ng edad mo. Ako "IT MIGHT BE YOU" so pinanganak ako around the 90's.

17. Friendsters in Love, pictures na may slideshow pa! Cool! tapos after one month palit na naman ng graphic code.

18. Kapag Filipino, mas madaling i- add kase kabayan eh!

19. According to my bf, napansin niyang masyadong malambing ang mga Pinay friendsters niya. Tawag sa kanya Darling at Babe. Tatlo pa nga raw ang nag- imbita sa kanya na pumunta sa Pilipinas. Bakit kaya?

20. Masaya ang FRIENDSTER.MAKULAY at hindi MAWAWALA kahit kelan kahit na merong Facebook, Tagged o Hi5.

Random Thoughts > Ang Pagtatapos
6 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.21.2007 @ 11:30 pm

Sa Martes ay graduation ng aking klase. Pagtatapos ng taon sa kindergarten na puno ng pagsubok, pakikipag- away sa akin at tagumpay na ang pula ay hindi berde. Sampung buwan kong inalagaan ang mga uhugin, makukulit at kadalasan ay nagpapatawa sa akin. Ipinagmamalaki ko sila sapagkat sa kabila ng kanilang kakulangan, nagkaroon sila ng lakas ng loob na matuto at maniwala na maganda –pa rin ang buhay. May mga araw na lumuluha na sila dahil napaka- strikto ni Ms. T at karamihan naman ay ayaw na nilang umuwi. Habang nag- eensayo para sa presentasyon, naiiyak ako sa kagalakan habang nakikita ko silang umaakyat ng entablado. Habang kinakanta nila ang "Because I’m Big" gusto ko silang yakapin na parang nanay na kailangang tanggapin na lumalaki at ngayon ay magtatapos na. Bilang isang guro, mas importante sa akin ang makitang grumaduate ang aking mga estudyante. Katwiran pa ay mas masaya ako kumpara nung nagtapos ako mula sa graduate school. Sa araw ng pagtatapos, nakahanda na ang aking damit, sapatos at pabango upang maging saksi sa tagumpay ng aking klase. Sa auditorium man nila tatanggapin ang kanilang mg diploma, sa aking paniniwala ko ay daig pa nila ang graduates mula sa Ivy League.

Ang mga huling habilin ko sa kanila ay ang mga sumusunod
  1. The person who says those words to you is the same person who is like that. Example, kapag sinabihan ka ng estupido, ang taong iyon ay sobrang baba ng IQ.
  2. Always wash your hands before and after you eat, after you use the bathroom. And utang na loob, gumamit ng paper towel at huwag magpagpag na parang ulan.
  3. Kaya mo yan!!! Subukan mo muna kahit first step lang tapos aaalalayan kita. Dahil sa kakulitan ko, natuto na rin silang magsuot ng straw sa kanilang juice, mag- button ng kanilang shirt at ang ultimate tying of shoe laces.
  4. Tandaan lagi ang unang letra ng iyong pangalan. Kapag natandaan mo na ito, carry na lang ang buong alpabeto.
  5. "The more you ask, the more you won’t receive" Mahalaga ito para matuto sila ng halaga ng pasensya at huwag kulit kulitin si Ms. T.
  6. Put up your book bag then put your homework on my table……nicely. Ikaw ang gumawa ng takdang aralin at huwag si mommy o si kuya.
  7. Share whatever you can.
  8. If someone hits you, stop and tell the person to "Leave me alone." Kapag sinapak ka ulit, tawagin ang guro at kung isa pa, may pahintulot na akong upakan mo siya within 5 seconds. Sa ganitong pagkakataon, takot na ang dalawang partido na mag boxing sa harapan ko.
  9. Laging please at thank you. Angat ka kapag may manners ka
  10. Hindi mo kailangang maging brat, bully o ghetto para sumikat
Isang taon na naman ang lumipas at dalawang buwan akong magpapahinga. Maaaring mag part time ako sa Gap o Barnes and Noble para sa ekstrang kita. Sa aking klase ng taong 2006- 2007, lubos na pagbati sa inyong pagtatapos at sa bagong simula ng inyong paglalakbay.      

Random Thoughts > Ang Tatay kong Nugnog
5 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.13.2007 @ 11:38 pm | Lasted edited: Jun.13.2007 @ 10:50 pm

 Malapit na ang Father's Day. Natapos ko na rin sa wakas ang librong magiging handog ng aking Tiyo sa kanyang asawa sa kanilang anibersaryo. Buong kagalakan ko itong ginawa dahil tungkol ito sa isang magulang na sadyang mapagbigay. May mga ilang pagkakataon na napapag- isip ako dahil ang mga salitang "faithful, responsible, concerned, present" ay wala sa bokabularyo ng pagpapalaki sa akin. Sa aking opinyon, unique lang ang aking mga magulang. Pag- uusapan natin ang aking ama. Pinili ko siya dahil padadalhan ko siya ng allowance sa araw ng mga lalakeng tinayuan at nagdonate ng sperm cell. Sa ibang panahon na ang aking nanay, hindi kasya ang website na ito kung siya ang pag- uusapan.Ang tatay ko ay galing sa mahirap na pamilya.

Siyam silang magkakapatid at dalawa lamang silang biniyayaan ng brains ni Lord. Ang iba ay nabigyan ng talento sa "golp" at pasensya na maghintay sa paghulog ng bayabas. Cute ang tatay ko, in other words short at maitim pero ang mga mata niya ang kanyang greatest asset. Marami rin siyang naging girlfriend (hanggang nagyon) at dahil na rin sa kanyang Napoleon complex, ayun nagpagulong gulong para maging ace player ng tennis, bowling, ping pong, golf puwera na ang basketball. Nakatapos siya ng kolehiyo sa UB sa pamamagitan ng pagiging part time custodian at tag- gawa ng term paper ng kanyang mga kaklase. Sadyang matalino si Popsie at sa kanya ko nakuha ang aking writing prowess. Magaling siyang magsulat ng love letters na hanggang nagyon ay kayaman ng aking mudraka (aka momsie). Sinunod ko ang kanyang sideline at nagpabayad din ako ng 50 pesos para sa isang original na love letter noong asa college naman ako. Natanggap siya bilang auditor sa Pines Hotel hanggang sa lumipat siya sa BPI. Sabay ng kanyang pag- angat, sabay rin na lumayo siya sa amin. Ang mga kapatid ko ay puno ng galit sa kanya pero ako ay ambivalent. Okey lang kung andyan siya, okey rin kung wala. Bata pa lang ako, dedma ako sa mundo. Mahirap nung wala siya kase ang nanay ko naman ay nagsungit sa amin. Masasabi kong lumaki akong gamit ang sarili kong utak, paa at kung minsan ang aking pwet. Lumaki nga ito dahil sa kakapalo. Kaming magkakapatid ay may iba ibang types ng defense mechanism sa absence ni Popsie. Ang kuya ko, balanced lagi- gimik at aral pareho siyang magaling. Responsable pwera kapag hinihika. Ang Ate ko naman, tahimik, nagsungit din pero siya ang pinakanasaktan. Ako na bunso ay "buong sunod sunuran" sa mga aral na ibinigay sa akin. Sinulat ko pa nga sa aking language notebook, 100 times pero mga 10 beses ko pang nagawa. Kaya nga love na love as in sobrang love ako ni muder. Bukod kay SMB, girls din ang kinawilihan ni popcie. Eto namang mga girls sige kahit mukhang lolo na ang aking tatay, lapit pa rin para malibre ng tagay. Bago ako umalis, ilang babae na rin ang nakasagutan ko sa text at nahagisan ng ashtray. Sa lahat ng pagtataray ko, walang sinabi si Popsie, alam niya kaseng babaltan  ko ng buhay ang kanyang mga kulasisi kapag nasalubong ko. May mga kakulangan siya na hanggang ngayon ay kinaiinisan namin pero sa huli, Tatay pa rin namin siya. Sabi nga ng aking kapatid ko, "Maka- ama ka kase kahit ano pa ang inis mo, love mo pa rin si Popsie." Siyempre paborito niya ako at never niya akong pinalo. As in never. Sa kanya ako mas malapit dahil mas magka- uri kami. Ang mga sumusunod ay namana at natutunan ko kay Popsie.

1. Smile mula kay Mayor hanggang sa Janitor. Ito ang lagi kong tinatandaan. What goes around comes around. Mr. and Ms. Friendship kami ni Popsicle.

2. Ang friends ay mahalaga pati gimik. Contest kami kung sino ang mas late na umuwi sa amin. Ito siguro ang dahilan kung bakit maraming puting buhok ang nanay ko.

3. Mag- aral lamang ng isang araw bago exam. Ang test ay hindi mo buhay. Sinunod ko ito, okey naman. Genetically smart kase eh.

4. Ingat habang nagmamaneho. Bago niya ibinigay ang kotse, bilin niya ito pero siya naman 3 case na ng beer, galing pa rin mag- drive. Ako kahit hindi nakainom, kaskasera. Need for speed ang motto ko.

5. Huwag magpakasal dahil in rebound. Ayan kase Popsie, hindi mo hinintay ang love mo bumalik galing amerika. Haay! Buhay. Sayang, soulmate pa naman niya.

6. Magpapayat ka naman anak. Nung payat kase ako, nakadisplay ang picture ko sa office desk niya. Nung lumobo ako, biglang nawala. Ngayon siguro ididisplay niya ulit.

7. Wala kang mapapala sa galit. Init ng ulo okey huwag lang maging middle name mo. Si Popsie always cool. Gusto ko siya kse hindi siya mabunganga.

8. ENJOY LIFE kase baka mamatay ka bukas. Yan ang pilosopiya ko pero may savings na itinatabi. Kailangan kong turuan si Papa na mag- ipon.

9. Tawanan mo lang ang nanay mo este kapag may problema ka. Sinunod ko ito noong nasa Dagupan ako. Naloka nga ako sa kakatawa. Buti na lang sinundo mo ako Papa, "Thank you forever."

10. Huwag maglagay ng sobrang make- up o magmumukha kang kabuki. Lagi niyang bilin, hanggang sunblock lang ako at lipgloss. Swerte na kapag sinipag akong mag- mascara. Natural beauty, mala- safari ang beauty ko siguro.


Namimiss ko na rin si Popsie at ang mga simpleng utos niya sa akin noon tulad ng:

1. Kunin mo wallet ko, kulang pa ang allowance mo.

2. Ipagluto mo ako. Naku! Huwag na, microwave mo nalang yung tirang pagkain ni Simba.

3. Itapon mo na ang iba mong sapatos. Doble doble ang style, ibang kulay lang.

4. Huwag mong nakawin ang load ko sa cellphone!

5. Huwag mong basahin ang mga text messages ko! Huwag mo rin nakawin ang Pasaload ko!

6. Sunduin mo ako ng 12:00, pwede 1:00, Teka, 2: 00 na lang para siguradong tulog na nanay mo.

7. Shift to neutral tapos first gear kapag matirik ang daan.

8. Check mo kung may flashlight ka sa compartment.

9. Huwag mabilis magmaneho. Dalian mo LATE na ako!

10. Hehehehe! Tawanan na lang natin nanay mo, Ingay no? Gising buong subdivision.

11. Huwag kang pumunta sa bar na gigimikan ko, itext mo ako kung darating kayo ng barkada mo at aalis na ako.

12. Boyfriend mo ba yan? Kung oo, okey lang. Kapag hindi, mas okey. Huwag ka papaapi.

13. Ang kotse ay hindi kwarto kaya alisin ang mga nakasabit na seven dwarfs.

14. Huwag kang mag- communion kung hindi mo feel. Kapag sinigawan ko ng nanay mo, pumila ka na.

15. Tahimik ka kapag pinapagalitan tayo. Hindi kita isusumbong, huwag mo rin akong isumbong. Promise?
Happy Father's Day Popsie!

Ang New York ay Isang Isla > Sugal sa Baga
4 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.10.2007 @ 10:13 pm

Ako ay pumunta sa Atlantic City
Sa Garden state na tawag ay Jersey
First time kong magsusugal
Biyahe ay sobrang tagal


Apat na oras sa loob ng kotse
Walang masabi kundi lasing letse
Gusto ko na makita ang Taj Mahal
Pero ang traffic sobrang bagal


Nakarating na rin kami
Pero ako naman ay napapaihi
Pinanood muna namin si Pops
Puro seniors na may wig tops

 

Natapos din ang kantahan
Tiyan ko naman ay kumakalam
Sa Buddhakan kami kumain
Okey na presyo pinaghatian


Excited ang kasama ko
May budget na isang libo
Ako rin may budget, bente
Pag natalo, baka ako matae


Pumasok na rin kami sa casino
Ballys na puro pera at sigarilyo
Namula na ang aking mga mata
Tara na! sabi ng aking kasama


Pinili ko ang isang slot machine
Na ang title ay Asian Cashing
Pinasok ko ang limang dolyar
Talo! pagmumura ko ay bulgar


Lumipat ako sa wheel of fortune
Sabi ng isa, banda pa raw dun
Hindi yan swerte, kain pera mo
Ako'y sumunod na parang loko


Isang oras na ang lumipas
Wala pa rin kundi puro pintas
Ang aking ginawa, katabi ko
Nanalo na ng idalawang libo!


Sabi ko sa friend namin
Ako muna ay magpapahangin
Sumama siya dahil talo rin
Beach bar tayo patuluyin


Aba! Ibang casino ang nandoon
Mga katawan na walang alon alon
Hunks here and everywhere
Inayos ko tuloy ang aking eyewear

 

Umorder ako ng Margarita
Umupo sa gilid ng rampa
Kaibigan ko ay nakatunganga
Sa mga lalakeng hubad nakadapa

 

Sabi ko, pustahan tayo
Mas enjoy tayo dito sa paraiso
ng mga Buff bodies sa harap ng dagat
Ang kanilang mga biceps sana'y makagat

 

Alas tres na ng umaga
Kailangan na ng pahinga
Goodbye mga new found pals
Huwag malulong sa pagsusugal


Enjoy ang casino sa mga nanalo
Pero sa aking sariling kwento
Hindi ako maadik sa blackjack
Dahil mahirap umasa sa bluff


Umuwi naman akong kuntento
Balik sa New York na magulo
Natalo ako ng 50 bucks
Okey lang, may friend akong hunks


Pag- uwi namin, nagyaya na naman
Bagong casino, malapit sa Manhattan
Ang mga kasama ko'y talagang hagaran
Sa mundo ng maalindog na pagsusugalan

Ang New York ay Isang Isla > Love Story ni Lola
8 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.06.2007 @ 12:22 am | Lasted edited: Jun.05.2007 @ 11:36 pm

Tinatapos ko ang nobela ng aking Tiyo dahil handog niya ito sa kanyang pinakamamahal na asawa sa kanilang ika- 25 na anibersaryo. Uuwi siya sa Pilipinas upang ikasal muli sa San Agustin Church. Habang sinusulat ko ang mga kabanata, naalala ko rin ang mga kuwento ng pag- ibig ng aking mga kamag- anak. Pero ang hirap isipin dahil bihira na masaya ang ending.  Pag- ukulan natin ang LOVE STORY ng aking Lolo at Lola. Kahit hindi natapos sa footnote na "And they lived happily ever after", marami akong natutunan sa kanila. Bawat kabanata ay may kasamang aral na sinunod ko at kadalasan at binago ko.

1.Nagkita ang aking lolo at lola sa isang salu- salo at siyempre na- inlove kaagad si Lolo. Pumwesto siya kaagad dahil sa mala- gatas na balat ni Lola at sabi niya nung panahon na iyon, wala pa sa sahig ang kanyang boobs. Nagkakilala sila at umpisa na ng panliligaw ni Feliciano kay Natividad
- physical appearance ay importante kaya bullshit ang mga nagsasabi na kailangang maganda ang kalooban pero sa pagkakaalam ko sa pisikal na katangian nag- uumpisa ang relasyon. Sa lahat ng naging boyfriend ko, requirement ay maganda ang mata at mas matangos ang ilong sa akin. Ang boyfriend ko ngayon ay mas maganda pa ang legs sa akin at mas maputi, latino papa at na- attract siya sa akin sa Dunkin Donuts dahil sa aking mga mata at ang 2 tacos at 3 bavarian creme na donuts plus 1 frappucino. Sa tanang buhay niya, nakita niya ang confidence ng isang babaeng gutom. Ang sagot ko sa kanya wala ako pakialam kapag gutom ako, wala poise poise kapag kumakalam ang tiyan.

2. Niligawan muna ni Lolo ang mga magulang at kapatid ni Lola
- importante ito kase plus points kapag nag- away, may kakampi ka. Meron akong naging bf na ang pamilya ay tinuring akong anak. Nung naghiwalay kami pagkatapos ng 3 taon, umiyak ang kanyang ina at mga kapatid. Meron naman na halos ipagtabuyan ako dahil hindi ako kasing yaman ng pamilya niya. Law of Karma ang pumalakol sa kanila After 5 years, nagising rin ako na wala ako mapapala sa "panliligaw" sa kanila at paghihintay sa "pag grow- up" ng anak nila.

3. 9 years silang engaged na never na nakita ni Lola ang bahay ni Lolo (that time kase pangit tingnan kung pumunta ang girl sa house ni boy, malandi daw yun)
- Sabi ni Lola kung alam lang niya na walang hagdan ang bahay nila Lolo, hindi na sana siya pakakasal at hindi pa niya nakita na nakaasa lahat kay Lolo para sa pagkain at luho.

4. Kinasal sila sa Quiapo Church (Nazareno na kapag tinitingnan ko, natatakot ako at na nakokonsensya sa aking mga kasalanan tulad ng pagmumura)
- Kung ikakasal man ako, ayaw ko sa harap ng nakakatakot na Statue ni JC o dumudugong mata ng Virgin Mary. Kahit saan basta nandun ang pamilya ko at mga tunay na kaibigan. Ayoko na piyesta ang magaganap plus baka nakawin pa ang champagne glasses ng mga bisita na hindi ko kilala.

5. Wala silang alam tungkol sa sex kaya sabi ni Lola nagmukha silang tanga nung first night nila
- Buti na lang may alam ako, pasalamat ako kay Dra. Holmes.  Pero ang sabi ni Lola, dapat virgin pa ang parehong lalake at babae bago ikasal para daw inosente. Malaking halakhak ang sagot ko sabay batok naman ang inabot ko.

6. Nabuntis kaagad si Lola naging masungit kaya napabarkada si Lolo, natuto ng bisyo.
- Pag nabuntis ako, kasama ko ang barkada ko at panonoorin ko sila habang gumugimik. Makita na ng asawa ko para sukang suka na siya yosi at alak.

7. Lihim na pinapaaral at pinapakain ni Lolo ang kanyang mga magulang at kapatid, lagi niyang rason mahirap ang bansa dahil kakaalis pa lang ng mga Hapon.
- Sa sitwasyon ko, ako naman ang padala nang padala sa Pinas, minsan naglilihim na ako sa bf ko dahil gusto niyang i- enjoy ko ang pinaghirapan ko. Mentality kase dito, "you work hard for your money, you shouldn't give it away." Mahirap dahil OFW tayo.

8. Nabuntis na naman si Lola, lagi na silang nag- aaway. Hindi na rin masyado umuuwi si Lolo. Lagi na siyang nasa saya ng nanay niya ayon kay Grandma.
- brutal din akong nakikpag- away pero umuuwi pa rin si Marcello. No choice kase malambot ang kama namin. Pero marunong na akong mag- sorry, malaking tulong rin itong pagbabago ko.

9. May inampon sila na batang lalake (Uncle ko na hindi na namin nakikita) Anak pala ni Lolo sa ibang babae pero tinanggap pa rin ni Lola
- hindi ko alam kung carry ko ito pero sa mga kaboplakan ng ex ko, malamang malapit na ako sa kalingkilan ni lola.

10. Grumabe ang bisyo ni Lolo at pinapili na siya ni Lola, "Kami o ang magulang at kapatid mo?" Tahimik na umalis si Lolo.
- kung ayaw na talaga ng lalake, huwag na habulin dahil kakawala pa rin (actually mas mahirap kapag pamilya ang karibal, kapag kabit naman may pag- asa pa)

11. Pinalaki ni Lola ang kanyang 3 anak sa mga trabahong babysitter, mananahi, taga- luto at kung ano ano pang sideline para mabuhay. Madalang na makita ang anino ni Lolo.
- girl power si Lola at pinalaki din niya ako. Buti na lang kase yung time na pinagbubuntis ako ni Mother, GGB din siya. Gulo Gulo Buhay niya.

12. Nagtanan si Mother. Na- frustrate si Lolo dahil paborito niya si Mom. Si Lola, tinanggap at nag- move on
- ang buhay ay gulong na paikot ikot. Hindi makulay ang life kapag walang problema. kapag nawala ang mga ito, hindi na tayo makakapagmura at magpapa- party kapag naresolba naman.

13. Nalulong na sa alkohol si Lolo. Kadalasan dumadaan siya sa bahay ni Lola. Hindi na niya ito inaaway. Ayaw ni Lola ng eskandalo. Pinagluluto pa niya ito ng paborito niyang pagkain.
- hanga ako sa katatagan ng loob ni Lola, wala si Lolo sa tabi niya habang naghihirap siyang buhayin mga anak niya. Pero may lakas pa siyang magluto ng paksiw na lechon si Lolo.

14. Si Lolo ang unang nakakita sa akin nang ako ay gumapang tapos lumakad. Pagkatapos ng maraming taon, nagyakapan ulit si Lolo at Lola
- kahit ex mo na, may konting love pa rin. Hindi mawawala ito unless Hudas o Whore naman talaga ang ex mo.

15. Hinoldap si Lolo at ninakaw ang kanyang relo. Tinurukan din siya ng Ativan. Lasing siya at iniwan sa kalye. Ilang linggo rin siyang nasa ospital ng Maynila bago nahanap si tita. Walang nagkusa mula sa kanyang mga kapatid na hanapin siya.
- nakakalungkot dahil iniwan ni Lolo si Lola para sa mga kapatid niya. Marami rin akong sakripisyo at talagang masakit kapag binalewala lamang ng minamahal mo.

16. Konting drama si Lola na payagang alagaan si Lolo sa bahay niya. Sa huli pumayag siya at inalagaan ni Mother at Tita si Lolo.
- kapatawaran, hirap gawin!

17. Pumanaw si Lolo at ang huli niyang sinabi ay "Pakisabi kay Naty, patawarin niya sana ako." Nang malaman ni Lola, kaharap niya ako. Pumikit siya at pinigilang umiyak. "Mabait ang Lolo mo, pagkatapos nang lahat. Asawa ko pa rin siya."
- love never dies. Bakit sa akin, ilang beses namatay?

18. Nilibing si Lolo sa umaga at sa hapon nagpakulot at nagpa- manicure si Lola
- life goes on after the pain from being unloved by the person you loved.  

Hindi man happily ever after, modelo ko si Lolo at Lola dahil kahit naghiwalay sila, walang paninira o public display of humiliation. May respeto pa rin sila para sa isa' isa at sa huli, in love pa rin sila. First love never dies. Sa kaso nila, oo.

 

Poems > Sonnet XXIX plus V
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.03.2007 @ 10:21 pm | Lasted edited: Jun.03.2007 @ 9:24 pm

 When in disgrace with fortune and men's eyes
I all alone beweep my outcast state,
And trouble deaf heaven with my bootless cries,
And look upon myself, and curse my fate,
Wishing me like to one more rich in hope,
Featured like him, like him with friends possessed,
Desiring this man's art, and that man's scope,
With what I most enjoy contented least;
Yet in these thoughts my self almost despising,
Haply I think on thee, and then my state,
Like to the lark at break of day arising
From sullen earth, sings hymns at heaven's gate;
For thy sweet love remembered such wealth brings
That then I scorn to change my state with kings.

Idol ko si Shakespeare at sa lahat ng kanyang sonnets, ito ang aking paborito. Memoryado ko pa rin at ngayon ay tinangka kong gawing Filipino Version. Sana ay magustuhan ninyo.

When in disgrace with fortune and men's eyes
Habang nasa lintik na malas kasama mga tsismosa............www.blogtext.org/elvidad

Random Thoughts > Batchuchay
6 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.01.2007 @ 1:04 am | Lasted edited: Jun.01.2007 @ 12:13 am

Miyerkules ng hapon, nakaupo ako sa harapan ni Dr. Pulpol. Code name niya ito dahil hindi ko mabigkas ang kanyang Indian name. Natapos din ang sangkatutak na mga blood tests, poop tests at urine tests. Isang timba na siguro ng dugo ang kinuha sa akin at sa bawat pagkakataon, mga planeta ang nakikita ko. Hindi ko habit ang bumisita sa duktor at mana ako sa Tatay ko na as long na hindi pa lumalabas ang aking bituka, okey pa. Kaso nakakalimutan ko na tumatanda na rin ako kasabay nito ang mas lalo kong tumatatalas na isip. Isang pruweba ay hinahanap ko ang aking contact lens, nasa mata ko na pala. Anyhow carabao, napilitan akong magpaduktor dahil sa mga sumusunod:


1. Allergy na hindi maalis alis kahit adik na ako sa Claritin.
2. Lagi akong inaantok, hindi karaniwan kase naiiglip pa ako sa train na di ko namamalayan.
3. Kahit nagpahinga na ako, pagod na pagod pa na pagod pa rin ako
4. Lagi akong uhaw na parang aso na gallon na ng tubig ang iniinom ko.
5. May mga pagkakataon na ang paningin ko ay nagdidilim, hindi ako nagiging bampira pero namumuti ako sa takot.
6. Exercise ako to death pero konti lang ang nabawas sa timbang ko
7. Kahit binago ko na ang aking diet, wala epek.

 

Yun pala ay...Sabi ni Dr. Pulpol "You have a medical condition that your body cannot break down sugar from the food that you eat. It retains all the fat and this is a metabolic disorder. This is the reason for your constant fatigue, sleepiness and uncoordination. You need intensive treatment for 6 weeks then we will do another round of test. If you want to live, follow my order and take the medications I will prescribe. If you had not come to me, you can just drop and have a cardiac arrest one of these days." Takutin ba ako? Putsa! Ang akala ko simpleng spring allergy lang, apunta sa isang sakit na maaaring magdulot sa akin ng kamatayan. Mabait talaga si Lord at hindi pa niya naihanda ang aking suite sa langit at si Lucifer naman ay takot sa competition. Marami sa kamag- anak ko ay may diabetes, lung cancer dahil sa yosi, cancer dulot ng kakuriputan at biglaang namamatay dahil sa heart attack. May nag- suggest na doctor mula sa Baguio na magpatest ako pero dahil sa kamahalan, sinabi ko na lang "Pagod lang ito Doc. Teacher kase ako so expected na laging pagod ang feeling ko." Isang malaking pagkakamali dahil kung naagapan ko lang di nasayang ang aking pera sa mga diet pills, bangkok pills, herbalife at kung ano ano pa para lang pumayat ako. Vain rin ako kaya inis na inis ako dahil nagpapayat naman ako pero bakit 1 pound lang in three months ang nawawala. Pilates, elliptical at kickboxing na ang ginagawa ko pero ang mga bilbil ko ay tinutukso pa rin ako. Kungsabagay pagkatapos lagi ng workout ko, halos himatayin na ako sa sahig at hindi ako makatayo nang mga 15 minutes. Well ito ang mga pagkain na hindi ko pwedeng (buwisit!) kainin sa loob ng 2 buwan at mga gamot na aking iinumin na pasalamat na lang ko ay covered ng aking insurance.

 

Bawal as in bawal: Orange juice
Apple juice
Grape juice
Milk
Soda (napakasakit Kuya Eddie)
Pasta
Bread
Rice
Cereals (ano na breakfast ko?)
Potatoes
Sweets (pakshet!)
Chocolates (Pusang gala talaga!)
Fried foods
Pork (doble pakshet!)
Wheat products

 

Pwede ko lang kainin
Mansanas
Gulay
Tubig
Green Tea
Ubas
Carrot (magiging bugs bunny na ako?)
Cucumber (para na rin sa aking eyebags)
Lean Beef twice a week lang, steamed fish Medications
Xenical (thank you GHI dahil hindi ko kaya ang $325 for 30 caps)
Fish Oil in its purest, yuckiest, eeewwwwwest! form
Dobleng Dose ng Multivitamin
Dagdag na iron supplements  

 

 

Sana after 6 weeks, buhay pa ako at hindi baliw dahil hindi ko nakain ang mga cheesecake at fried calamari kada Friday. Okey lang, kakayanin ko kase gusto ko pang mabuhay. Leksyon sa araw na ito:
Kapag hindi na maipaliwanag ang nararamdamang pagod, magpatingin. Kadalasan kase binabaliwala lang natin ang kalusugan. Buti na lang nagka sinus infection ako at nalaman ko nang mas maaga. Wala pa naman akong nailalagay na pangalawang beneficiary maliban sa aking pamangkin sa oras na pumanaw ako. Aba! Ayaw ko naman mapunta lang sa state of NY ang aking pinaghirapan na life insurance.

 

Ang New York ay Isang Isla > Linkin Park sa Aking Munting Mundo
4 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.29.2007 @ 11:51 pm | Lasted edited: May.29.2007 @ 11:02 pm

Nabili ko na rin sa wakas ang latest album ng Linkin Park, Minutes to Midnight. Isa ako sa milyon milyong fans nila na walang tigil ang birit sa pagkanta na "In the End" habang nagmamaneho at ang "Crawling" kapag gusto ko nang basagin ang ulo ng ex ko noon. Hindi ako nabigo dahil masasabi ko na maganda ang kinalabasan ng kanilang album, Tiyak na yayaman sila at ako ay, well enjoy sa kanilang music. On a side note, gusto kong ibasura o ngatngatin ang album ng Maroon V. Lintik nasayang lang ang $11.99 ko dahil naging boses princess si Adam Levine. Ibibigay ko na lamang siguro sa isang teenager na basta guwaping ang lead singer okey na. Balik tayo sa paksa na Linkin Park. Inihilera ko na ang bandang ito sa pedestal ni Nellie Furtado, Joss Stone, Jay Z at Amy Winehouse sa pinakasulit na album sa taong 2007.

Binasa ko CD jacket at habang binabasa ko ang mga lyrics (sulit talaga!) napansin ko ang explanasyon ng banda kung paano nila nilikha ang kanilang album. Nakaka- touch dahil totoo. Basahin ang sumusunod na mga wika nila."In conversations with many musicians and record makers, we often ask, "What do you think makes a successful album?" The answers range from "meticulous, tireless writing" to "dumb luck". In making Minutes to Midnight, we have learned a lot about our answer: enjoy the process. We hope you enjoy the songs."

Pang Ms. Universe ba ang sagot? Parang slam book pero totoo kahit sa isang struggling na manunulat tulad ko. Ilang beses din na gusto ko tadyakan ang aking laptop dahil wala ako maisulat, ang mga tula ko ay mediocre sa aking standard at ang libro ko ay mukhang never na mapapublish. Nabubuwisit din ako dahil isang English nobela na ang aking nasimulan pero lagi akong walang gana ituloy. Mas feel ko pang gawin ang nobela ng aking Tiyo dahil anniversary gift niya ito sa kanyang asawa. Perfectionist siguro ako o sadyang may ADD. Sabi ng aking boyfriend malamang ADD haluan mo pa ng pagka- eccentric. Noong tinanong ko ang aking Ate kung sino ang mas magaling sa aming magsulat ng aking Kuya. Hindi siya makasagot pero sa huli sinabi niya na "mas magaling pa rin ang Kuya mo." Aba! Ang ego ko ay nabasag na parang pulang itlog. Para hindi ako magwala, sinabi niya na iba ang estilo ng aking pagsusulat. Kung ang mga likha ni Kuya ay may poise at finesse, ako naman ay parang bomba. Sus! doble insulto ba? Sa huli, dahil ilang champagne glasses na ang nginuya ko, dinagdagan na lang niya na "May Puso ang Pagsusulat mo. Wala kang pakialam sa sasabihin ng mambabasa. Cute, maintriga, nanunukso (erotic?), nagpapa- isip at higit sa lahat nagpapatawa at nakakawala ng pagod" Tumahan na rin ako sa pambobola ni Ate sabay salpak ng malaking slice ng cheesecake.

187 entries na at 97 na mga tula na ang aking naisulat sa aking mga websites. Yung iba hindi ako makapaniwala na naisulat ko. Ano kaya ang sumapi sa akin? Si Marina o si Mari Mar? Asan na si Fernando Jose? Ayan umaandar na naman ang aking "Basilio, Crispy Kreme? Asan kayo?

Kung ilalagay ko sa isang libro ang mga isinulat, maaaring hatiin ito by volumes.

Volume 1: Ang mga hinanakit ko dahil binagsak ko ang "marshmallow test" kaya ako ganito. Ang mga isinulat ko tungkol sa aking pamilya na hindi okey pero pasado na rin. Ang mga natutunan ko sa hirap tapos ginhawa tapos hirap lalo tapos ginhawa tapos isang malaking Ferris Wheel na aming family life. Maganda na mapait. Lumaki akong mag- isa, ma pride at hindi papatalo. May advantage kase, never ako gigive- up pero kapag pag- ibig na ang kaharap, pride ang umiiral at urong na aking dalawang bayag.

Volume 2: Ang mga reklamo ko tungkol sa aking trabaho, Pagmamahal ko sa pagtuturo at ang aking mga adhikain na sana ay maiayos ang maling sistema ng edukasyon. 100 years from now, baka mailagay na rin ang pangalan ko katabi ni Rosseau, Montessori at Locke. Ang laki ng pangamba ko na kapag ipapasok ko na sa school ang aking future na mga anak- parang Spanish Inquisition ang gagawin ko sa teacher.

Volume 3: Pag- ibig, katangahan at kaligayahan ko. Hanggang ngayon touchy ang subject na ito sa akin.

Volume 4: Mga tula na isinulat ko habang nakasakay sa 6 train, bus 22 o habang nakatambay sa Union Square Park. Mga tula tungkol sa totoong Hazel. Walang maskara. Kung matinik ka, makikilala mo ako sa pamamagitan ng aking mga tula. Wala akong preno dahil mas may tiwala ako sa aking sarili kapag nililikha ko sila dahil mula sa puso. GMA po at hindi ABS CBN.

Volume 5: Ang New York na patuloy na nagbibigay ng challenge sa akin. "Ang New York ay Isang Isla" ay hindi mamamatay. Padagdag lang ng padagdag parang telenovela este mas gusto ko chinovela. Sinagip ako ng librong ito mula sa kabaliwan ng mawalay sa pamilya at mga kaibigan. Naging tulay din upang magkaroon ako ng mga bagong friendsters at MySpace friends.

Volume 6: Taas noo, kamay at paa ako sa pagiging Pinoy. Kung may reincarnation nga, hihingilin ko pa rin kay Buddha na gawin akong Filipino. Patangkarin niya lang ako at huwag gawing dapain. Hindi kase ako makapagsuot ng Stilletos.

Volume 7: Ang iba ko pang random, out of the blue na panunulat dahil wala lang, ENJOY kase akong magsulat.   Abangan na lamang ang iba pang volumes. Bago ako matutulog, papakinggan ko ulit ng sampung beses ang kantang Leave out All the Rest at Shadow of the Day. Order na rin ako online ng official Linkin Park shirt kase may promo. may kasamang official sticker. Ang lalim talaga ng kaligayan ko.

 

Ang New York ay Isang Isla > Pixie Dust
Posted: May.28.2007 @ 2:43 pm

 

Pixie Dust


You were fun to be with
Flying away your worries
Always happy, carefree
In love..........www.blogtext.org/elvidad

 

 

<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 | > >>
Entries 41 to 50 of 176

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org