Ang New York ay Isang Isla
Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Ang New York ay Isang Isla
Apartment 102
Comments from Visitors
Filteany Vlogs on YouTube
Instruction for Site Visitors
Must Read for Filipinos
New York is An Island
Poems
Proud to be Pinoy!
Random Thoughts
Teaching Experiences
YouTube Pinoy Friends' Messages
My Photos
Florida Escapade
Hazel - Filipina Teacher In New York
New York Spots
Members
Sign In

Blog - Latest Entries
<< < | 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 | > >>
Teaching Experiences > Dahil sa Droga
3 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Apr.25.2007 @ 11:42 pm

Dahil sa Droga


Nadurog na naman ang puso ni Ms. T. Kahapon ay pumasok muli ang isa sa kanyang mga estudyante na matagal ring lumiban sa klase. Ang rason ay nasa ospital at nagkaroon ng malubhang karamdaman. Wala na sanang kaso pero dumating ang isang sulat na nagpapaliwanag na "under foster care" ang bata. Hindi naintindihan ni Ms. T ang liham at patuloyna lamang na nagturo. Kinahapunan ng Martes, kinausap nang health para si Ms. T at pinakiusapang tingnan ang maselang bahagi ng estudyante. Pumayag si Ms. T sa kondisyon na sa clinic niya ito titingnan. Madaling nakumbinsi ni Ms. T ang bata at buong tiwalang inalis ang pantalon. Naging kulay cotton ball ang mukha ni Ms. T sa nakita. Second degree burns na kasing laki ng Mindanao ang nakalatay sa katawan ng musmos. Pinigilan niya ang magmura at mahinahon na pumasok ulit sa klase. Maraming katanungan pero hinintay na lamang ni Ms. T ang bata na magsabi. Habang naglilista ng mga hindi gumawa ng takdang aralin, lumapit ang estudyante ni Ms. T at yumakap nang mahigpit (halos masakal na nga siya). Ang sabi ng bata.

"It's the tub, Ms. T."
"It is so hot."
"I tell her no, I don't like to take a bath, I shout no."

Sa sandaling iyon ay tumigil ang mundo para sa kanilang dalawa. Niyakap na lamang ni Ms. T ang bata at naghati sa isang Hershey's Bar (with almonds). Ilang ulit na ring nakita at nakausap ni Ms. T ang "hayup" na gumawa nito. Ang mga mata niya ay laging makinang at mukhang laging lumalakbay sa alapaap. Umuwi si Ms. T na malungkot. Sobrang lungkot dahil ang mga taong gumagamit ng droga ay nabibiyayaan pa ng mga munting anghel. Nakakawala ng ulirat dahil mga demonyo naman sila.

 

Ang New York ay Isang Isla > Barilan sa Bronx (Hula ko lamang)
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Apr.21.2007 @ 10:13 pm


Alam ng buong mundo ang naganap na trahedya sa Virginia. Isang estudyante ang na- praning at bumaril ng 33 katao. Karamihan nito ay mga estudyante at maraming debate ang umusbong mula dito. As usual ang mga argumento ay tungkol sa right to firearms and causes of violence. Sa aking opinyon, lahat tayo ay responsable para sa isa't isa ngunit kadalasan dedma tayo. Nagigising lamang tayo kapag may karumal dumal na nangyari.

Pauwi kami ng aking kaibigan noong Biyernes at napagusapan namin ang posibilidad na maaaring maging "site of shooting rampage" ang aming eskwelahan. Hindi ito malayong mangyari sapagkat ilang pagkakataon na rin na may gang wars, shooting in broad daylight sa perimeter ng aming paaralan. Isa dito ay ang isang 18 years old na babae na biglangbinaril sa ulo habang naghihintay ng bus. Walang motibo, trip lang at hanggang ngayon ay walang nahuhuli. Isang pruweba na rin ay mga "bulok" at outdated na sasakyan ang gamit ng aking mga katrabaho. Takot silang magmaneho ng mga bagong sasakyan. Yung ibang malakas ang loob na bumili ng Honda  CRV 2007, luhaan na ng kinahapunan dahil basag ang mirror at wala na ang radyo. Paano nga ba kung may pumasok na taong may malaking "tagis" at magumpisang magala- Scarface. Isa lang ang aming security officer. Okey siya pero ngayon wala sa sarili dahil in love sa kanyang 22 years old na boyfriend. Demi- Ashton ang drama nila pero hindi niya kamukha si Moore, "Demisalang, Cavite" ang dating niya.

Balik na tayo sa paksa, ano ang gagawin ko kung alam kong ilang minuto na lang at mapupuno na ng bala ang aking pang FHM na katawan. Sabi ng kaibigan ko, magtatago siya sa closet. Ako meron rin closet pero ilalagay ko na lang ang mga estudyante ko na para silang de lata. Kung pwede ko pa isiksik ang aking pwet, okey. Pero kung may third eye ako maghahanda ako ng Chart aka listahan ng mga rason na ipapaskil ko sa pinto ng aking classroom para basahin ng killer. Mag- iiwan din ako ng basket ng Hershey's kisses, subscription sa Playboy magazine at siyempre gift card mula Macy's. Kapag makayanan niyo pa ang aking kabaliwan, eto na ang aking listahan. (Kung alam ko rin ang kanyang nationality, translated siyempre)


1. Ipag- lunch mo muna kami dahil ang mga estudyante ko ay hindi pa kumakain. Sampal at mura ang hapunana nila. Please be considerate.

2. May "bisita" si Ms. T so kapag binaril mo siya, mas maraming dugo. Sayang naman ang mga binili niyang tampons.

3. Kung hindi mo maintindihan ang # 1 and 2, maaring pumunta lamang sa General office at andoon ang boss ko, nagtatago sa ilalim ng mesa niya.

4. Hindi pa namaster ng aking klase ang mga kulay. Ang red ay green pa rin at ang purple ay isang gulay.

5. For your information, bagong model na ng Victoria''s Secret si Ms. T. Sawa na sila kay Heidi Klum. (Dito magsuicide na lamang ang killer, isipin na lamang niya na nakasuot ako ng thong. Nakakamamatay na vision ito)

6. Ang boss ko ay nasa general office. Bitch siya! Ipaglaban mo si Ms. T at ang buong eskwela. Puksain ang kasamaan! (Lalagyan ko pa ng sound effect na kulog at kidlat)

7. Maraming pangarap ang aking mga estudyante. Karamihan ay gustong maging construction worker at ang mga girls ay gusto maging hooter.

8. Hindi pa tapos ang topic namin sa Writers Workshop. Grammar ang lesson ko. (We was pa rin kase sila wala alam sa grammar)

9. Walang iiyak kapag namatay si Ms. T. (Ambivalence ang feeling nila so hindi ako ganoon significant)

10. Gusto ko ng glamorosong kamatayan. Ayaw ko yung sabog ang utak ko o labas ang tiyan. Ayaw ko ngang pagtawanan ako ng mga kapatid ko habang nasa kabaong. Mga alaskador pa naman sila.


11. Ako lang! Ako lang at ako pa rin ang nagmamahal nang totoo sa aking klase.

12. Malapit nang iwanan ni Brad si Angelina. Sobrang payat na kase siya kaya babalik na sa akin si Brad. Aampon kami mula Pilipinas, Fiji at Haiti. (UN ambassador din ako, gusto mo trabaho?)

13. Inuulit ko! Nasa ilalim lang ng mesa ang boss ko. Baka nagrere- touch ng biyak biyak niyang foundation.

14. Hindi ko pa napuntahan ang Paris. Please, pagkapehin mo naman ako kaharap ang French manicure ko.

15. Baka pagtawanan ka ng klase ko kase mas maraming firearms ang kanilang mga magulang.

16. Nabitin ka ba sa crack? Teka, may kontak akong parent. Naiwan niya ang isang pakete ng coccaine sa auditorium noong graduation ng kindergarten last year. Ilang guhit gusto mo?

17. Tatapusin ko muna ang pagdasal ko ng rosary na nakalihod sa macaroni noodles. Walang munggo eh.


18. Mabait na brattina na matulungin na may topak na mapagbigay na moody na mahilig sumulat na mataray na umaangal pag hindi "in" na patuloy na nagiging dakilang OFW si Ms. T.

19. Kung hindi mo maintindihan ang # 19, again nasa opisina lamang si bossing. Tanungin mo siya, like na like na sobrang like niya ako, promise!

20. Gusto kong mamatay.............................edad 90 na nakalimang asawa. (Si Brad, Si Orlando, Johnny D., Vin Diesel at sige na nga si Sanjaya)

21. Idol ka ng mga estudyante ko, gusto mo bang mawalan ng fan base? tsk tsk tsk

22. Ang boss ko ay isang mahadera. period. Hindi siya marunong magblend ng make up at lampas labi ang kanyang lipstick. Peke rin ang kanyang buhok. Carry mo yun?

23. May gamot ako dito pampakalma. Aantukin ka lang dahil anti- allergy. Kung gusto mo naman hihingan kita ng "sack of doobie" or sako ng damo sa aking katrabaho. Magaling rin siyang Arts Teacher.

24. Hindi mo ba alam na si Ms. T ay si Darna. Nagkatampuhan sila ni Ding at ang bato ay nasa aquarium niya.

25. Relax ka muna, may Cuervo sa ilalim ng mesa ko. Kapag naloloka din ako, naiintindihan kita. Gusto ma ba ng Bailey's? Margarita? Pina Colada?

26. Tao ka, tao ako, tao ang mga estudyante ko. Ang Boss ko anti- tao. Alien siya. Gusto mo ba na mahaluan tayo ng ibang specie?

27. Wala ka bang gf? Madali lang yan, marami sa bansa ko ang gustong makarating dito. Mag cyber chat tayo, merong internet ang Sidekick 3 ko.

28. Hindi ka na ba naniniwala kay Lord? Samahan mo ako magsimba at magbasa ng bibliya. Explain mo sa akin tapos panoorin natin ang Da Vinci Code. Libre kita.

29. Ang mga estudyante ko ay may mga pangarap. Actually pangarap ko para sa kanila. Pwedeng pagbigyan mo lang ako. May puti na akong buhok dahil sa kakaturo na ang 1+1 ay 2 at hindi 11.

30. Narinig mo ba iyon sa PA? Pinapatawag ka ng boss ko sa opisina niya. May cookies at juicy juice ang naghihintay sa iyo.

 

Kung nabasa niyo ang aking tulang "He was a Loner", puwede niyong sabihin na hindi ako tuluyang lokaret. Marami na rin akong natanggap na negative comments dahil naiisip ko pa raw yung killer. Pero matigas ang ulo ko at website ko at umiyak ako habang sinusulat ko. Hindi ko alam kung ipapako niyo ako sa krus dahil sa sinulat ko pero ipagdasal niyo naman na hindi ito mangyari. Sabagay, sa The Bronx lang naman ako nagtuturo.

 

Poems > For Virginia
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Apr.17.2007 @ 11:19 pm

 

News spill of blood and gore
People speak of fear more
He was a killer on sheer rage
A bird suddenly out of the cage
He was a http://www.blogtext.org/ElVidad/

 

....the world again mourns for a senseless killing.....

Ang New York ay Isang Isla > Follow
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Apr.15.2007 @ 1:26 am

 

the new link for my latest publication

http://thewritingforum.net/html/hazel_toquero.html

 

Ang New York ay Isang Isla > Lumpo
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Apr.09.2007 @ 1:28 pm

Pipilay pilay ako ngayon. Wala akong masisi kundi ang aking sarili dahil sa pagmamadali at dahil na rin sa aking pagkadapain. Bumaluktot ang aking kanang paa at ngayon at kasing laki na ng mansanas sa pamamaga. Kahapon sa Tampa Internation Airport, nabigyan ako ng special treatment at binigyan ng wheelchair. Ang akala ko ay hanggang upuan ko sa eroplano ako ihahatid. Ang kaso pinark lang ako sa tabi ng gate 66. Okey lang sana eh apat na oras pa akong maghihintay ng flight pabalik ng New York. Hindi ko naabutan ang aking eroplano dahil nga nag- Miriam Quiambao ako. Sabi ko na lang na paglaruan ko na lang ang wheelchair. Putsa! Ang hirap pala. Masakit sa biceps ang triceps. Enjoy noong una dahil gulong gulong ako na tinitingnan ng mga puti dahil para akong lokaret sa airport. Pero nabilang ko lamang ang mga taong tumulong sa akin. Isa ang tindera ng magazine at bubble gum at yung cleaning lady sa restroom. Karamihan ay mukhang naiirita pa noong humarang ako upang kumuha ng Starbucks Coffee. Yung mga lintik na teenagers naman ay walang pakundangan na bangga banggain ako. Nakarating naman ako nang buo sa New York. Nakahinga na lang ako nang maluwag dahil naramdaman ko na ang aking hinlalaki. Perfect na sana ang arrival ko pero nadelay ang aking luggages dahil napunta sa ibang aircraft. Umuwi akong walang bag at halos mamatay ako sa pag- iisip na may magnakaw ng aking Burberry bag na regalo pa ni Kuya. Nakalimang tawag na ako sa Delta para hanapin ang mga nawawala kong bagahe. Sa kasaukuyan ay lumpo pa rin ang manunulat na ito. Upang sumaya ako, isang malaking bag ng Doritos ang nilalamon ko. Comfort food lang ang aking karamay sa oras ng aking pagkapilay.

 

Ang New York ay Isang Isla > A small accomplishment
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Apr.02.2007 @ 10:16 pm

 

Just wanted to share my joy of having two of my poems published in a UK website. I guess patience pays off at the end. You can check it out on the following link
 
http://www.apoetscall.webeden.co.uk/ and click on guest poets 2. I was asked to submit a short bio (which I always procrastinate whenever I write something). In the next days, I will work on it.
 
 
Have a good week
Poems > Vanity Circus
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.31.2007 @ 12:28 pm

Vanity Circus


When I was 6 years old
I looked at mom's face
She had lines around her mouth
Like cracked soil in a pot


When I was 10 years old
I had a teacher
She wears Chanel No.5
But her eyes drooped

 

When I was 12 years old
I had a favorite vendor
She sells my favorite pudding
Her hands crawl of spider veins

 

When I was 18 years old
I danced with 18 roses
I am forever young
My mom's lines grew ten fold

 

When I was 24 years old
My face was changed
Just a bit
Paranoia sets in


When I was 26 years old
My boyfriend saw a grey strand
I freaked out, cried like hell
I pulled it out with angst

 

When I was 28 years old
I saw lines under my eyes
I look like a raccoon
Creams piled up on my pores


I am going 29 years old
My face starts to age
Acceptance is on its way
I feel more calm


I looked into a mirror
I count them every Sunday
Eagle's feet around my mouth
I reach for a regenerist


I wake up from a silk pillow
I face another day of aging
I am me. vanity fades slowly
I will be aright

 

Hopefully I will age gracefully.

 

Must Read for Filipinos > Kapag Pinag- initan Dahil Pinoy Ka
4 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.25.2007 @ 4:48 pm

Habang ang buong mundo ay nakatutok sa mga susunod na magaganap kay Britney Spears, kasalukuyang nahihirapan akong humanap ng inspirasyon upang makapagsulat. Hindi dahil KJ ako sa panghuhula kung anong kulay ng wig ang susunod na isusuot ni ex- Mrs. Federline, wala ako sa mood na magsulat sapagkat pinag- iinitan sa trabaho ang aking kaibigan. Noong una ang akala lang namin ay may "bisita" ang aming boss kaya araw araw pinapagalitan siya. Alam na naming gaguhan na ang nangyayari nang inakusahan siya na sinakal niya ang isa sa mga estudyante. Kumulo ang dugo ko at gusto kong ilabas ang aking balisong. Sino ba naman ang hindi maiinis kung kayod Islaw Kalabaw ang drama mo tapos pag- iinitan ka lang dahil Pinoy ka? Halatang biased dahil ang dami namang palpak na guro pero napiling pag- tripan ang aking kaibigan. Dalawang buwan na siyang naghihirap at kailangan nang uminom ng gamot para lang kumalma. Napansin ko rin na dedma ang boss ko sa akin. Ewan ko kung ano ang drama niya pero obvious naman siya. Guilty by association ba ang ipupukol niya sa akin? Malamang ako naman ang susunod na pag- iinitan o tapos na ba ako ng nakaraang administrasyon? Wait and see na lang. Lumabas kami noong Biyernes at sa harap ng Lechon Kawali, binigyan namin ng suporta ang aking kaibigan.

Binibilang ko na lamang ang mga linggo bago matapos ang schoolyear. Pasalamat na lang ako na tapos na ang aking probationary period ko at pwede na akong lumipat sa ibang eskwelahan malayo sa mga ghetto at kahit magbayad ako ng extra, lilipat na rin ako ng tirahan sa Manhattan. Malaking kaltas sa bulsa pero hindi na madadagdagan ang wrinkles ko sa noo. Nakakapangamba pero better safe ng sorry. Noong nakaraang linggo, napatalsik ang isang model teacher dahil sa power trip lang. Politika nga naman kahit pa sa loob ng sistema ng edukasyon . Ang mga sumusunod ay red flags of discrimination.

1. Lagi kang pinagagalitan nang wala sa lugar. Nagkataon lang na black ang iyong pantalon at hindi dilaw tulad ng gusto ng boss mo. Galit siya dahil ayaw mong maging B1 or B2.


2. Pilit na pinapapirma ka ng papeles na hindi mo pa nababasa. Kapag hindi mo gawin, tatawagin kang maarte. Maarte ako sobra!


3. Kahit na anong gawin mo, di nasisiyahan ang boss mo. Sommersault ka pa sa ere sabay cartwheel, incompetent ka pa rin.


4. Fresh ang tawag sa iyo kapag nangatwiran ka. Pwede na akong ihalintulad sa gulay, laging sariwa dahil palasagot ako kung mali naman talaga. Sabi ko na nga ba, bilang na rin ang mga araw ko!


5. Magaling at masipag kang magtrabaho. Kaya nga galit sila sa iyo.


6. Devil's advocate ang role nila. Utos galing sa taas kaya wala silang choice. Ang sabi ko naman sa friend ko, wala rin siyang choice kaya nagsampa na siya ng kaso ng slander.

7. Mas marami ang trabaho na ipinupukol sa iyo. Sala sa init, sala sa lamig. Matapos mo man o hindi, may pintas pa rin sila.

8. Lagi silang may verbal threats. Breakfast ito at lunch ng aking kaibigan. Ang sabi ko naman gawin niyang dessert ang documentation ng mga ito.

9. Wala silang awa kahit mapaiyak ka pa sa harap nila. Wala na nga silang puso, wala pa silang appendix.

10. Kapag nalaman nila na nagfile ka ng kaso of discrimination, pahihirapan ka pa nila lalo.


Alam rin namin na hahaluan ng politika ang kaso ng aking kaibigan upang siya ay matanggal sa trabaho. At least lumaban siya and huwag kalimutan na ang karma ay masakit kumagat sa pwet. Malaki ang pwet ng aming boss.

Proud to be Pinoy! > Angat Pinoy!
6 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.18.2007 @ 7:16 pm

 
Sa bawat pagkakataon na maaari kong ipagmalaki na ako ay Pinoy, lagi akong handa. Nakakatawa na nakakalungkot pero noong andyan ako sa Pilipinas, lagi kong sagot ay half Tagalog at half Ilokano na may halong Tsekwa. Pagdating ko rito sa Big Apple, taas noo akong sumasagot an "I'm from the Philippines, I am Filipino." Nalaman ko na may advantages ang pagiging Pinoy. Sa trabaho pa lang, ibang iba tayo. Angat nang sampung palapag ang kalidad natin at di hamak na kahit saan tayo isabak, nagiging Darna at Nardong Putik tayo. Hindi ko binubuhat ang bench nang bayan, nagta- tumbling pa ako sabay split habang tinatapon ko ito. Ang mga sumusunod ay nagpapakita kung bakit mas marami tayong "Amor Powers." 1. Mabango tayo! Isang malaking tandang pandamadam ito.
2. Isang beses lang natin sinusuot ang ating pantrabaho.
3. Tayo ay nagsisipilyo at stockholders tayo ng Listerine.
4. Wala tayong muta dahil 20 beses tayong tumutingin sa salamin habang nakasakay ng bus.
5. Naiintindihan ang ating English skills. Kadalasan ay correct grammar ang middle name natin.
6. Hindi pa gaanong nagmumura ang ating kabataan. Kaya kapag gusto kong mapasok ulit sa rehab upang malunasan ang aking pagmumura bumibisita ako sa bahay ng aking kaibigan. Siyempre sa harap ng mga anak niya, hindi ako makapagsabi ng "Pak" at "Bullpoop!"
7. May writing skills tayo. Hindi natin kinakatakutan ang essay part ng mga exams.
8. Malakas ang loob natin kapag mag- isa tayo. Patunay na ako kase diyan sa atin, nakahawak pa ako sa saya ng aking lola. Ngayon marunong na akong mag- saing at mamalantsa ng panyo
9.Nature na natin ang tumulong. Mr. ang Ms. Friendship tayo. International division pa.
10. Humble tayo. Nagyayabang lang kapag kapwa Pinoy na ang kaharap.
11. Faithful.........ang mga Filipina.
12. Cute, mapagmahal at maalaga ang mga Pinay kaya naman mabenta dito sa New York. Dito ko natanggap na kayumanggi ako at hindi malaki ang aking boobs.
13. Sa mga Pinoy naman, pagkatapos ng pang- limang date ay doon pa lang hihingi ng halik.
14. Bihira ang kuripot na Pinoy. Kung meron man, "antibiotic" sila 100%.
15. Magaling sa Videoke! Sa Abril, panonoorin ko si Lea Salonga sa Broadway. Balik Les Miserables siya hangad ko na panoorin ang isang Pinoy na nagtagumpay at ipinakita sa buong mundo na hindi tayo mga mangmang. Pangarap ko rin na sa mga susunod na araw, makikilala ako bilang isang seryosong manunulat. Susubukan ko habang pinipigil ko ang aking pagiging bungisngis.

Teaching Experiences > Smart tulad ni Erap?
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.05.2007 @ 10:15 pm

 

Isang katotohanan sa Pilipinas na kapag titser ka, medyo mababa ang tingin sa iyo. Pwera na lang kung ikaw ay propesor sa isang mataas na unibersidad at lima ang iyong masteral degree at may PhD ka. Sa public school system, may teacher 1, 2, 3 hanggang yata 20. Tinangka kong magturo sa public school kaya lang wala akong masyadong kilala sa loob. Nakakalungkot pero ganito ang nangyari kaya napunta ako sa private special education schools. Nahasa naman ang aking pagtuturo at humaba na parang longganisa ang aking pasensya. Nang malaman ko na magtuturo ako rito sa New York, naisip ko kung uubra ba ang style ng aking pagtuturo? O uuwi ba akong luhaan at may malaking black eye. Isama mo na rito ang bugbog na ego. Ang totoo ay tinatatanong ko pa rin ang sarili ko hanggang ngayon. Higit na nanunuot sa aking konsensya kapag kalagitnaan na ng school year. May naituro ba ako? May natutunana ba sila? Sumungit ba ako lalo? Milya milyang tanong kaya kadalasan ay stressed out ako. Isang araw, sabi ng boyfriend ko na kung pwede ba akong mag- apply  na sign language interpreter tutal proficient naman ako dito. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mag- sign pero bumagal na ako dahil wala ako "kausap." Naisip ko rin na puwede kung kukuha ako ng tests para maging certified na interpreter dito. Nag- research na ako at alam ko na ang proseso para makakuha ng lisensya dito. Ang nakakatawa ay nalungkot naman ako. Less stressful nga ang mag- interpret pero sa huli ay nabo- bore na ako. Noong nagsabog si Lord na kadaldalan, sampung lata ng Nido ang dala ko. Bihira akong tahimik maliban lang kung talagang bad trip ako. pagod o may sakit. Habang naglalakad mula sa Zerega station, naisip ko ang mga magagandang naidudulot ng pagtuturo sa akin.

1. Sa mata ng isa o dalawang bata, ako ang pinakamagandang nilalang na nilikha ni JC. Wala rin sila care kahit sabihin pa nila ito in public. Di bale na kung may eye patch si B1at banlag naman si B2.


2. Sa tatlong taon na nagtuturo ako, alam ng klase ko na present ako sa pamamagitan ng aking pabango. Laging bagong ligo at may cologne. Halos singhutin na ako pagpasok ko sa klase.

3. Binobola ako kapag gusto ng free time. Di nila alam na trade in lang ang ginagawa ko. Do your work at may free time tayong lahat.

4. Puwede kong ipakita na naiinis na ako nang walang magsasabi na "time of the month". Siyempre pressured kaya alam ng mga estudyante kapag pula na ang ilong ni Ms. T. malapit na ang time out.

5. Lesson plan na kahit bwisit na bwisit kong ginagawa ay pinagpapaguran ko. Typewritten in comic sans or bremen font para unique. As usual mula pa ng college, kopyahan ako ng mga kasama ko. Ngayon naman kapwa teacher ko. Okey lang at hindi ako madamot basta ba bigyan nila ako lagi ng post it notes at staple wire.

6. Tuwing may okasyon, right ko ang magpa- party. Kahit na ika 120 days na, celebrate pa rin. Cliche na ang 100 days so kahit yung pagsalita nang malakas sa unang pagkakataon ng isang estudyante, may ice cream na kaagad.

7. Ang kausapin ang mga boss na nakangisi. "Yes, I understand." Pagtalikod ay "Punyemes de patatas! Lintik na letse. May toyo lang ang susunod sa pinapagawa mo." Sarap talaga kapag may ibang language ka.


8. Ang pagiging makulit sa mga bata na kaya nila matuto. Kahit na ABC lang, okey na kahit isang taon naming pinag- aaralan.

9. Kapag nagkamali ang bata, may naiukit na sa puso ko huwag magpahiya. Mega encourage pa rin kahit na ang blue ay red pa rin sa kanya.

10. Ang mga kaibigan sa school mula sa custodians na alaga ang room ko, secretaries na nilalakad ang mga paperworks ko at mga lunchladies na inaalagaan ang mga chikiting ko kapag kainan na. Mas binabati ko pa sila kesa sa mga mapagkunwaring mga katrabaho. Ang sabi nga nung isang custodian, "I like Ms. T. She is very friendly to us. But she is strict with her students but she can also be pissed when you bitch around her." Gangster na rin po kase ako.

11. Actual delivery of lesson with matching choreography at materials. Laging may song and game kahit na boses palaka ako. Patok naman sa klase.

12. SWELDO! Kahit na summer time.

13. Idol ako ng buong klase. Love hate relationship man, 100 % ang tiwalang binibigay sa akin ng mga bata kaya dapat huwag sumemplang.


14. Walang uniform. Hindi naman ako nagsusuot ng shorts of jogging pants. Casual pero mukha pa rin guro.

15. Mula Lunes hanggang Biyernes, lagi kong nasasabi ang mga salitang, "Good Job! I am proud of you. Let's try this again. I know you can do it. Well done, high five!"


Hindi ako marunong sumayaw ng Salsa, mag split at tumambling o tumapak sa nagbabagang apoy. Hindi rin ako ballet dancer o kaseng ganda ni Gretchen Barretto (5 puntos lang ang lamang niya) o kasing talino ni Erap. Ang sigurado ko lang, alam kong magturo. Kahit pa isang libong beses ko tatanungin ang sarili ko kung kaya ko pa sa teaching profession. Ang sagot ko ay isang malutong na Putragis! Oo naman!

<< < | 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 | > >>
Entries 61 to 70 of 176

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org