Ang New York ay Isang Isla
Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Ang New York ay Isang Isla
Apartment 102
Comments from Visitors
Filteany Vlogs on YouTube
Instruction for Site Visitors
Must Read for Filipinos
New York is An Island
Poems
Proud to be Pinoy!
Random Thoughts
Teaching Experiences
YouTube Pinoy Friends' Messages
My Photos
Florida Escapade
Hazel - Filipina Teacher In New York
New York Spots
Members
Sign In

Blog - Latest Entries
<< < | 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 | > >>
Ang New York ay Isang Isla > Pangalawang Pagkakataon
4 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.26.2007 @ 11:21 pm

 

Pangalawang Pagkakataon

Naalala niyo ba noong nakaraang taon na hindi tinanggap ang aking libro, "Ang New York ay Isang Isla?" Ang katotohanan ay isinantabi ko na muna ang proyektong ito at binigyan kong pansin ang article writing sa mga magazines at pagsali sa mga poetry contests. Dulot na rin ito ng malaking tax ng New York kaya kailangan ko ng extra dollars. Bukod pa rito ay naging miyembro ako ng ilang organisasyon ng mga manunulat upang mas lalo akong mahasa sa pagsusulat. Habang nagbabakasyon ako sa Sunshine State (Florida) noong isang linggo, nakatanggap ako ng email mula sa isang publishing company na kauna- unahang tinanggihan ang aking manuscript. Laking gulat ko dahil wala na sa guni guni ko ang makarinig pa mula sa kanila. Sa madaling salita, hinihingi na naman nila ang kopya ng aking libro. Laking tuwa ko dahil mukhang may pag- asa na mabasa na sa wakas sa Pilipinas ang aking libro. Kalahati naman ng utak ko ay nagme- merry-go- round. Writer's Jitters ang nararanasana ko ngayon. Hindi ko na naman titigilan na i- edit ang libro sa hangad na maging "perpekto" at "mabenta" na ito sa publisher. Sumabay pa rito ang aking hindi inaasahang paglilipat sa bagong apartment. Sinusulat ko ito sa ibabaw ng isang malaking kahon ng aking microwave. Very inspiring kung ang paligid mo ay puro kahon ng gamit. Dahil sa aking excellent organizational skills, hindi ko na maalala kung saang kahon ko nailagay ang aking mga pantulog. Maliit ang problemang ito kung ikukumpara sa kaba na aking nararamdaman sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa akin. Cross our fingers, our legs pati na eyes na matanggap na ito. Ang pangarap ng manunulat na ito ay hindi pa namamatay. Sa kasalukuyan, naniniwala na ako sa kasabihang, "Never give up!" Simula bukas, "ooperahan" ko na ulit ang librong "ANG NEW YORK AY ISANG ISLA."

Ang New York ay Isang Isla > Pagbababa sa Bangko
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.19.2007 @ 5:37 pm

Pagbalik ko sa Sabado mula Florida, lilipat na ako ng apartment. Isa sa mga kaibigan Filipino ko ang nakabili ng bahay. Naisip niya ako kaagad kaya inalok niya na upahan ko ang kanilang basement. Kung ikukumpara sa dati kong apartment, para akong bababa mula sa bangko. Ang diperensya ng $990 at $650 ang rason kung bakit ako lilipat. Hindi na kaya ng budget ko at dahil si Uncle Sam ay may malaking porsyento sa aking sweldo. Mahirap na dahil nakadepende na ako sa aking mga credit cards. Hindi ko namalayan na lumobo na aking credit card debts. Hindi pa naman ako hahabulin ng credit bureau pero kailangan na bumalik ako sa "dating daan", ang magtitpid at gumastos lamang nang tama. Pruweba pa na bumaba ang aking credit scores dahil malaki ang aking mga balances. Mula sa third floor ng brick building, lilipat ako sa basement na cute. Gusto ko siya dahil cozy, bago at sa itaas lamang naninirahan ang aking mga kaibigan. Bago ako naglayas papuntang Sunshine State, nag- impake na ako para handa na ang aking paglipat. Ang dami ko na palang gamit. Sangkatutak na libro na hindi ko pa nababasa, DVDs na hindi ko pa napapanood at Victoria's Secret na panty at bra na hindi ko pa nagagamit. Isang gitara, isang keyboard at milyon milyong sapatos. Sumobra nga ako at kailangang magpakumbaba. Natauhan ako dahil hindi ko na napapadalhan ang aking lola ng kanyang monthly na pang- kulot. Basta ang alam ko ngayong Marso, uumpisahan ko na ang mag- ipon, sumakay ng bus (nasanay ako sa cab dahil ayokong maging amoy G force) at tigil muna ang expensive dinners. Calculated ko na ang aking maiipon so sa loon ng apat na buwan, mababayaran ko na ang aking mga "jutangers" at magiging Darna na naman ako minus the malaking bato of utang.

Ang New York ay Isang Isla > Omnipotent...Not!
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.19.2007 @ 12:12 am

 

Omnipotent...Not!

I learned something today
Life comes to you in many guises
You thrive in it and fail at times
Yet you still succumb to its decisions


I learned something today
Life can be taken for granted
I take each day foolishly
Complacent, even too proud


I learned something today
Life can be as beautiful as sunset
And terrible as a deadly assassin
I was blind, thought I was invincible


I learned something today
Life will give you chances
But it can be selfish and unforgiving
I think I had more greed than gratitude

 

I learned something today
Life has a design for us
A canvass of tricks and turns
I chose my colors poorly


I learned something today
Life is a teacher, a timekeeper
It taps you on the shoulder
And say, "You are not omnipotent!"


I learned something today
Life can be seen through other's eyes
I see it more clearly now
I fell on my knees and cry


I learned something today
Life can be a battle
From a person I know
Who right now is fighting
For what dear life can offer

 

***This is dedicated to a dear friend and former classmate, I look forward to hearing you say again, "Life is still good."***

Ang New York ay Isang Isla > Valentine's Yelo
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.15.2007 @ 9:17 pm

 

Valentine's Yelo

Kahapon ay Valentine's day. Nagkataon din na malaking snowstorm ang dumating. Mula New Jersey hanggang Upstate New York, naging fridge ang paligid. Alam kong maiinis ako kahapon ng umaga kaya lumabas ako nang sandali para tikman ang mga snowflakes (habang malinis pa) at maglaro sa snow habang hindi pa ito sleet. Pumasok ako sa trabaho na malungkot dahil alam kong napurnada ang Valentine's day ko kasama si Marcello. Cancelled ang dinner sa Thai restaurant. Bukod pa rito ay pumasok lahat ng aking mga estudyante. Talagang "weather proof" at kahit tsunami ay hindi makakapigil sa kanilang kumain este pumasok sa school. Pagod, nilalamig at melancholic akong pauwi pero naisip kp na Putsa! Kung gusto ko ng memorable na V day, kailangan ko gumawa ng paraan. Kaya kahapon, nag swimming ako sa maduming snow, halos ma- frosbite ang aking toes kahit naka thermaboots ako at tatlong beses na nadulas bago ako nakarating sa grocery. Dali kong dinampot ang chicken (ito lang po ang alam kong lutuin), chocolate cake, mixed vegetables and cherry juice. Balancing act ang ginawa ko sa limang blocks na nilakad ko. Siyempre nadulas na naman ako pero sinigurado kong hindi nasira ang cake. Puro mura na malutong ang narinig sa akin kaya kala ng building supervisor ay nababaliw na ako. Dali dali kong hinanda ang marinade ng chicken, chill the cherry mix and of course lagyan ng icing na "I love you" ang cake. Habang hinihintay ko na ma- grill ang chicken, inumpisahan ko naman iimpake ang aking mga game consoles. Yes, mga readers lilipat na ang manunulat na ito sa ibang apartment. Malayo sobra dahil sa tapat lang ng building ko. Dahan dahan kong binalot ang aking mga PS games, ang lover ko na si XBox at ang aking bagong bf na si Wii. Pagkaraan ng bente minutos, napansin ko na wala akong naaamoy na bbq chicken. Lintik na pusang gala! Hindi na pala gumagana ang oven ko. Improvise! Steamed chicken ang nangyari at nang hindi pa maluto ang hudas na manok, prinito ko na lang. Dinagdagan ko na lang ng soy sauce para may kulay. Dumating na rin ang dakila kong boyfriend, matigas na siya..... dahil sa lamig (alam ko na iniisip niyo). Hindi siya makapaniwala na ang girlfriend niyang mareklamo ay naghanda para sa Valentine's day. Halos lumutang ako nang sabihin niyan delicious ang aking niluto. Hindi ko lang masabi na halos patayin ko nang sampung beses pa ang manok. Ang dessert siyempre ay ang chocolate cake. Siya 1/ 4 slice lang ang kinain habang ako ay 3/4 kase napagod ako. Sa labas habang ang buong New York ay nagiging malaking iceberg, sumisiklab naman ang init sa loob ng apartment. Hanggang ala una kami nagroromansa. Kasama si Wii dahil wala sa amin ang gustong magpatalo sa tennis.

Poems > As He Sleeps
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.12.2007 @ 10:06 pm

 

As He Sleeps


In the shadows of the pale blue light
I gazed upon his half covered face
His chest rises to my contentment
I wanted to taste his lips
Yet I stopped myself
Even in slumber, he is too beautiful


With each word I type
The curve of his relaxed smile
Kills me in a resurrecting way
I yearn for him though he is near
I desire him always
His eyes closed like an angel


He stirs in his dreams
I smiled at what I have
Behold life's greatest gift
I was lost with broken dreams
And yet he found me
I await his sweet awakening

 

Ang New York ay Isang Isla > Mansanas o Saging
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.12.2007 @ 2:15 pm | Lasted edited: Feb.12.2007 @ 1:25 pm

 

Isang buwan na akong nabubwisit sa New York. Ilang pagkakataon na rin na minumura ko ang lahat ng makita, maamoy o marinig sa paligid. Ang term ng aking kaibigan mula Maryland ay "burn out" ang aking kondisyon. Wala akong masabihan kaya pati ang pagsusulat ko tungkol sa New York ay naapektuhan. Wari bang wala na akong maisulat na maganda tungkol sa kanya. Lahat ng aking kaibigan ay nag- aaalala sa akin. Katwriran nila "Kung hindi ka na masaya diyan, lumipat ka na rito sa New Mexico, Maryland o Virginia." Lahat na ay inapplayan ko at lahat naman ay may positibong sagot. Ang kailangan ko lamang ay magfax ng transcript at lisensya. Malamang nagkapatong patong lang ang aking mga problema. Ang pinakamasakit na maramdaman ng isang OFW ay ang hindi makapagpadala sa Pilipinas dahil gipit rin siya. Ito ang aking kalagayan ngayon. Sa hindi inaasahang utang sa state ng New York at ang trabaho na walang tigil na inaahas ang aking paniniwala sa pagututuro, hindi mo ako masisisi kung bakit gusto ko na lumayas. Atay sa atay kaming nag- usap ng aking boyfriend. Umiyak ako at ipinaliwanag ang aking kalungkutan. Nakinig lamang siya pero alam ko na nasasaktan ko siya sa aking mga sinasabi. Pattern ko na ito, kapag hindi na ako happy nilalayasan ko na ang lahat. Nabanggit ko pa na walang patutunguhan ang aming relasyon dahil wala kaming maipon dito. Glamorous nga ang Big Apple pero kakayod ka na higit pa sa kalabaw upang hindi malunod. Humagulgol ako dahil siympre guilty ako sa mga sinabi ko, mabait naman siya at hindi deserving na gaguhin ko. Pero bwisit na ako so sorry na lang talaga. Lumabas muna siya ng kwarto at siguro para suntukin ang pader dahil sa galit sa akin. Pagkatapos ng bente minutos, bumalik rin at hinawakan ang kamay kong puro uhog at luha. "I do not want you to be sad. If you think moving to another state will make you happy, then go." Lalo akong umiyak, putsa talaga. Ako na si Darna, gigive- up dahil puro ghetto ang nasa paligid ko, tadyak ito sa aking pride na pagiging fighter. Pero ang mga sumunod na sinabi niya ay nagdulot sa akin upang mag-isip. "Alright, here is what I think, if you move there you will get a cheaper apartment, more behaved students and nicer bosses. However, you should also think that running away is not going to solve your problems. Let me give you a list of why you should think 100 times before transferring."1. You easily get BORED. You crave for a fast paced lifestyle. You say you are tired of working here but each morning you wake up to go to work. Even for just 10 minutes of silence, you fidget because you are bored. In plain words, you got ADHD. Being out there in desert like states will bore you to death. I am telling you the truth.
2. You need a car there. It is easy to buy yet the cost of gas is high. Plus driving a car will make you fatter since you will not have a place to walk or even jog around. I know you don't want to be fat again.
3. You hate inconvenience. You even take a cab instead of walking six blocks to a pharmacy.
4. You say that your friends are moving on. But you fail to realize that you are moving on too. You are surviving New York. It will never be a bed of roses here for you, me or anyone. Anywhere you have to start on a bumpy road.
5. You abused your credit cards. You send too much money back home. THAT'S YOUR FAULT!
6. "Nakakalimutan mo na andito ako. Kasama kita sa plano ko. Wala kang pasensya. Kanina ay kausap ko lang ang Tatay ko at tinutulungan niya akong humanap ng bahay sa Queens para sa atin. Kaya huwag mong sabihin na wala tayong patutunguhan. Wala kang faith sa atin. Pati ako ay tatakasan mo."
Ngek! Sa huling binanggit niya, natauhan ako. Lalo ako umiyak dahil sa hiya, akala ko kase pinapaasa niya lang ako. Call me user friendly pero aaminin ko na isang concern ko ang stability. Sobrang dami ng competition dito at dapat laging handa na kumarera ka. Sabi ko "I will think about it." Hindi ako pumasok ngayon dahil tumatahol pa ako dulot ng trangkaso. Kaninang alas diyes, nakita ko na naka business suit ang aking boyfriend. Sabi ko "akala ko ba, absent ka rin." "No, I am going to meet someone later." "Date ba?" "Dummy, no. Something important." Habang umakyat siya, sinilip ko ang kanyang bag, Nakita ko ang application for loan and iba pang proof of credit history. Hindi pala lahat ng tao dito sa New York ay manloloko. Guilty tuloy ako pero sabay ngiti hanggang. Bumalik siya at dali dali kong sinara ang kanyang bag. Nagpaalam habang ako naman ay kinikilig sa ilalim ng kumot. Naliwanagan ako na kailangan lang ng konti pang pasensya at ginhawa na naman. Ang New York ay Isang Isla. Para siyang nanay na kinaiinisan mo dahil basta pero patuloy mo pa rin na minamahal. Bago ko pala makalimutan, dumating ang isang maliit na package mula sa isang kompanya ng alahas. Mamaya pagdating niya, dedma ako kung tanungin niya kung binuksan ko ang package. Siyempre hindi, sinilip ko lang kaunti. Basta ang alam ko velvet box ang laman, Hulaan niyo na lamang ang nasa loob. Malapit na kase ang Hearts' Day.

Proud to be Pinoy! > Putang Ina! Nanay na ako
9 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.07.2007 @ 11:28 pm

 
Putang Ina! Ito ang bokabularyo ko sa linggong ito. Hindi ko na babanggitin ang mga rason kung bakit ako bad trip pero ang sarap kase bigkasin ang mga salitang ito. Sa sobrang inis  ko, nasabi ko pa kay Lord na "Lintik naman Lord, pinagtritripan mo na naman ako! Ano bang drama mo?" Sabihin niyo nang ingrata ako pero kung mag file ka ba naman ng income tax at lumabas ay may utang ka na $2000 libo sa state, hindi ka ba mababangag? O yung mga boss mo ay tuluyang naging mg ahas at binubugbog ng pagod ang katawan mo araw araw? Wala akong tequila sa tabi kaya hopeless ako ngayon. Hindi na ako naninigarilyo dahil mahal ko na ang aking baga kaya talagang mainit ang ulo ko. Pero may nangyari sa araw na ito na hindi ko akalain na gigising at magbabalik sa akin sa katotohanan. Ang buhay ay maganda, kapag inisip mo lagi na puro pagsubok papangit ka lang nang tuluyan. Siguro hindi lang tapik ang ginawa ni JC pero isang malaking tulak ang ginawa niya sa akin. May sulat ako galing Children's International. Ito ay isang organisasyon na tumutulong sa mga mahihirap na bata mula sa Mexico, Honduras, Colombia, ibang parte ang US at Pilipinas. Itatapon ko na sana pero nakita ko ang larawan ng isang batang babae. $22 monthly kung mag- sponsor ka ng isang bata. Sa donasyon na ito, mabibigyan siya ng pang edukasyon, tulong medikal at iba pang pangangailan. Nag- compute ako at less than $300 annually ang mababawas sa aking sweldo. $22 na madali kong ginagastos sa Victoria's Secret at tuwing Biyernes sa paborito kong Vietnamese restaurant. Hindi konsensya pero ang pakiramdam na panahon na upang makatulong ako sa kapwa Pilipino ko. Mga bata ang pinag- uusapan kaya siyempre, nakuha ang puso ko. Tiningnan ko ang website at binasa ko kung saan napupunta ang mga donasyon, paano makipagcommunicate sa aking ispo-sponsor na bata at paano ako pipili. Excited akong tumingin sa mga larawan. Binasa ko ang mga profile at ang maikli nilang kwento. Isang batang lalake ang nakatawag pansin sa akin. Hindi ngiti ang binigay niya sa camera kundi isang malaking bungisngis. Nalaman ko rin na anim ang kanyang kapatid at nanay lamang niya ang may trabaho. Bukod pa rito, $28 lamang ang monthly income niya. Ang talent niya ay drawing at singing. Hindi na ako nagduda na baka exaggeration lamang ang mga detalye. Gumawa ako ng account at sa isang click ng mouse, naging sponsor na ako ng isang bata sa ating Inang Bayan. Ako lamang ang kanyang magiging pangalawang "ina." Masarap pala ang pakiramdam. Hihintayin ko na lamang ang mga papeles sa susunod na mga araw, ang sulat galing sa kanya at ang kanyang picture. Salamat kay JC, hindi niya ako binatukan dahil sa pagmumura ko pero sinabi niya gamit ang isang bata na hindi lahat sa buhay ay mahirap. Ang totoo ay may mas mahirap sa akin at may kakayahan ako na tumulong. Sa ngayon, pinagkakalandakan ko na isa na akong nanay. Pangako ko na hindi ko ititigil ang aking sponsorship kahit magkapamilya ako. Hindi ko man makita nang personal ang bata, magsusulatan naman kami at alam kong matutunan rin niya na ang buhay ay hindi lamang puro "Putang Ina!"

Ang New York ay Isang Isla > Puerto Filipina
3 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.04.2007 @ 7:00 pm | Lasted edited: Feb.04.2007 @ 6:14 pm

Puerto Filipina


Ang boyfriend ko ay isang Puerto Rican. Halos dalawang taon na rin kaming magkasama at masasabi kong kilala ko na rin siya. Marami kaming pagkakaiba at marami rin ang pagkapareho namin. Kung titingnan mo kaming dalawa, masasabi mong mas maganda siya sa akin. Tinanggap ko na ito pero siyempre mas maganda pa rin ang paa ko kesa sa kanya. Matangkad, matipuno at in love ako nang todo sa kanyang mga mata na malakilometro ang pilikmata. Ang ilong niya ay matangos pero ayaw kong magpanose lift at baka bumangking ang aking ilong. Sabagay cute naman daw ang aking ilong katwiran niya. Hindi ko alam kung under influence pa rin siya ng ativan. Mas maputi siya sa akin pero wala akong balahibo. Lumabas ang saluyot na kinain ko nang una kong nakita ang kanyang dibdib. Parang carpet na akala ko ay biglang gagalaw at tatalon sa akin. Nahirapan din akong mag- adjust pero in time, kapag pinagtritripan ko siya, sinusuklay ko na lamang ang kanyang chest hair. O sige tama na ang pisikal na katangian. Pag- usapan naman natin ang ugali ng aking kaibigan. Mainitin ang ulo niya at walang pasensya gaya ko. May makasabay lang kaming maingay sa subway, nakakunot na ang noo at kapag may mabagal may lumalakad sa harapan niya, asahan mong overtake ang mangyayari. Bawat minuto ay mahalaga sa kanya. Bwisit na bwisit ako noong una dahil para akong aso na sumusunod sa kanya sa paglakad. Nasa Astor place kami nang bigla na lang ako tumigil at sinabing uuwi na ako. Bullshit! ang sabi ko dahil hindi ako kuneho. "kung gusto mong maglakad nang mabilis at masagasaan, go ahead!" Natauhan naman at ngayon compromise kaming dalawa sa paglakad. Hindi parang isang wildebeest at hinda naman isang sloth. Praktikal siya at dapat laging best deal ang makukuha niya samantalang ako ay kung ano na ang una ng makita ko sa store, yung na ang bibilin ko. Wala akong pasensya na tumingin ng mga items maliban sa shoes. Lahat ng kaibigan namin ay nagpapahanap ng murang laptop sa kanya dahil alam niya kung anong site ang may lowest price. Magaling din siya sa direksyon at sa kanya ako natutong hindi mawala sa New York.  Thoughtful siya at alam niya lahat ng "anniversary dates" namin tulad ng first meeting, first date, first vacation, first sex (shock ba kayo?) at date ng pinakamalaking bagyo na dumating sa amin. Wala akong talent sa area na aito, basta ang alam ko ang petsa ng birthday ko, birthday ng mga kapatid ko at lola, birthday na rin niya. Huwag mo akong asahan na matandaan lahat. Ang pinakahinahangaan ko sa kanya ay ang kanyang zero ego. Kahit mas malaki ang kinikita ko sa kanya, okey lang ito sa kanya. Nakakatawa dahil never siyang umutang sa akin. Ako ang lagi umuutang lalo na noong binabayaran ko ang mga utang ko sa Pilipinas. Nang sinabi kong magsusulat ako ng libro, siya ang nagdesign ng aking website, nagbigay ng suggestions at binilhan ako ng mga guide books to writing. 101 percent ang binigya na suporta ang nanggaling sa kanya. Noong nareject ang aking libro, pinakain niya ako sa paborito kong Japanese restaurant kahit na hate na hate niya ang sushi at binigyan niya ako ng isang bag ng truffles na nilamon ko sa loob ng isang oras. Depressed ako eh. Pumayat din ako dahil sa kanya. Hindi dahil pinilit niya ako magdiyeta pero pinaliwanag niya ang benepisyo ng pagiging maalaga sa katawan. Binilan niya ako ng elliptical, Pilates kits at weights. Mahirap at halos sakalin ko siya pero noong nag- shower ako at nakita ko ang aking mga paa habang naliligo, naiyak ako sa tuwa. Matagal tagal na rin na hindi ko nakita ang aking mga paa habang naliligo, natatakpan kase ng aking mga bilbil. Ito ang hindi ko makakalimutan sa kanya. Bingyan niya ako ng inspirasyon para pahabain ang aking buhay.
May pagka "brattina" ako at ito ang ugat ng aming pag-aaway. Matigas ang ulo at ang pride ko ay mataas pa sa Eiffel Tower. Hindi ako iimik nanag buong araw pero nainis ako lalo dahil hindi niya ako inaamo. Hindi umepek ang silent treatment ko. Minsan sinagot ko siya habang kami ay nag- aaway. Hindi ko namalayan na nasabi ko na ang lahat kung bakit ako nabadtrip. Ngumiti na lamang siya at sinabing "It's better that I hear it from you. I don't read minds and I am doing my best for this to work." Ngayon, marunong na ako mag sorry lalo na kapag nabubunggo ko ang kanyang music equipment dahil super clumsy ako. May respeto siya sa akin at love na love siya ng aking lola. Tuwing tumatawag ako kay Nanay, kinakamusta niya ang boyfriend ko. "Kamusta na ang Italian bf mo mo apo?" "Nay, puerto rican po siya." Isang taon na at ito pa rin ang paniniwala ng lola ko. Malapit na rin ako sa kanyang pamilya at siya rin sa aking mga kapatid. Ang akala ko noong una mahihirapan ako dahil magkaiba kami ng kultura pero hindi pala. Gaya ng ibang relasyon, nagsimula kami sa pagiging magkaibigan. Hindi kami nagmadali at nilinaw ko sa kanya na hindi ko siya gagamitin para sa aking green card. Ang sabi, "You don't need to say that since I know already." Ito kase ang ginawa ng ex girlfriend niya. Ginastusan niya para makapunta dito pero nang may nakitang mas mayaman (DOM), iniwan siya at nagpakasal. Pride ko na lang at masipag naman ako. Malungkot dito pero kung may kasama kang isang mabuting tao kahit ano pa ang race, mas nagiging malakas ang loob mo. May suot akong singsing galing sa kanya. Hindi kami nagmamadali pero may MU na kami. Sa ngayon, patuloy pa rin ang adjustment namin sa isa't isa. Bago ko pala makalimutan, addict na siya sa pandesal at filipino BBQ at ako naman ay slave sa Rice and Salcicha.

 

Must Read for Filipinos > Paghuhusga
5 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jan.30.2007 @ 8:36 pm

 

Paghuhusga

Pinili kong hindi pumasok sa trabaho ngayong araw na ito. Wala akong sakit maliban sa konting sipon dala ng sobrang lamig na panahon. Malungkot lang ako kaya wala akong gana magturo. Maaring sabihin niyo sa akin na sinayang ko ang isang araw para lang pagbigyan ang aking pagsesenti. Malaking hindi ang maibibigay ko. Kahapon ay umiyak sa harapan ko ang aking kaibigan. Nagtuturo din siya sa eskwelan na pinagtratrabahuan ko. Ibibigay na kase ang aming rating sa gitna ng taon at ito ang maglalagay sa amin sa ginhawa o patuloy na pangangamba. Ito ang aming kapalaran pero ang sa kanya ay hindi maganda, mas lalo na dahil walang basehan. Purong personalan ang nangyari. Dahil hindi siya "yes" person, hinanapan siya ng butas. Naiinis ako na natatawa dahil sa tatlong rason kung bakit hindi pa siya magiging tenured. Isa, lagi daw may lumalabas na estudyante sa kanyang kwarto. Malaking Bullshit! Dahil ako mismo nakita ko na lumalabas ang mga maliliit na dwende kapag hindi siya ang guro. Yung dalawa naman kase cluster teachers ay walang alam kundi i- adjust ang gold earring at himasin ang globe. Sila ang walang classroom management at hindi ang kaibigan ko. Pangalawa, ang tinuturo daw niya ay hindi tugma sa mga pangangailangan ng mga bata. Hello? Eh siya kaya ang gumawa ng curriculum noong summer? Ang sabihin mo ang mga tao sa opisina ang boplaks to the 10th power. Pangatlo. hindi daw maintindihan ang kanyang diction at mali ang kanyang grammar. Halos mahulog ako sa aking mesa dahil ang boss nga namin ay ilang ulit kong narinig na "We was at the meeting yesterday in the Region." Bukod pa rito, ang daming guro ang hindi mo maintindihan dahil parang nilulunon pa ang salita. Ewan ko kung anong nangyayari sa mundo. Hindi lang baligtad ang sikmura ng mga tao, pati balumbalunan. Basta ang alam ko, nasa likod at harapan ako ng kaibigan ko. Kapwa Filipino siya pero mas mabigat pa ang rason kung bakit ko siya susuportahan. MAGALING SIYANG GURO at hindi makatarungan na ipatalsik siya dahil sa mas maputi siya. (malaking halakhak naman diyan!)

Habang sinusulat ko ito, naisip ko kung ano rin ang kapalaran ko sa aking trabaho. Malalaman ko ito ngayong linggo. Naisip ko rin ang posibilidad na bigyan ako ng Unsatisfactory o hindi ako bibigyan ng tenure. Pinaghandaan ko na ito dahil ilang beses ko na rin sila nakabanggaan dahil sa prinsipyo. Ang hindi nila alam, andyan ang kapangyarihan ng email at ng copier.

1. Lahat ng request ko na pinangakuan nila at hindi tinupad ay nasa email. Official email pa ito at nagpapakita na ginawa nila akong talong sa pagkahilo.
2. Lahat ng documents na nagpapatunay na pumirma sila na ibibigay nila ang serbsiyo sa mga estudyante na as usual ay hindi nila ginawa, ,may sarili akong kopya. May kopya pa ang magulang kaya pwede ko sabihin na binigay sa akin.
3. Lahat ng observation ko ay S kaya magspli- split ako kung sasabihin nila na wala kong silbi na guro. Teka, maisip ko baka kantiin nila ako dahil sa mga sumusunod:

1. Mula Disyembre eh naka jeans ako at turtle neck. Color coordinated pati boots at accesories. Sobrang lamig kase kaya pahinga muna ang aking blazers. Malamang pag- initan nila ang wardrobe ko.
2. Nakipag- away ako sa aking kasama sa loob ng classroom. Siya naman ang unang sumigaw sa akin. Sinabi ko na nga na tumigil siya at saka kami mag- usap sa opisina. Eh, putsa! ayaw makinig, sabay sigaw at mura pa rin. Aba! di naman ako tanga na tatayo na lang doon. Sabay sagot rin ako. Siyempre nakarating sa boss ko. Ma at pa ko, bati na kami at tinawanan na lang namin ang cat fight.
3. ANG MALAKING NO na galing sa bibig ko sa mga irrational na utos sa akin.
4. Mas maganda ang ibinigay kong regalo sa mga sekretrya at custodian noong Pasko kesa sa kanila.
5. May New York twang na ako pero hindi maalis ang pagkabigkas ko ng centimeter (Pinoy Style).
6. Tinulungan ko ang isa kong katrabaho na gumawa ng lesson plan. Sa madaling salita, pinakopya siya. Nahuli dahil kinolekta ang pareho namin folder. Hindi ako sumagot nung tinatanong ako kung pinahiram ko. Nakipagtitigan lang ako buong meeting.
7. Sa buwan ng Enero at Pebrero, dito ang panahon ng aking absences dahil sa hika. Ilang pusa na ang inamoy ko pero di pa ito natatanggal. Wala sila laban kase nasa medical records ko naman.
8. Strikto ako sa aking mga estudyante. Takot at sa akin lang sumasagot. Sa akin lang dapat takutin kung in and out ng building na ang bata tapos sabay tawa sa iyo. Naganap ito kahapon. Hindi mapilit ng boss ko na pumasok sa loob ang aking estudyante. Well, isang tingin kay Ms. T, pumasok na ang brat. Walang sigaw. Yung ba ang strikto?
9. Hindi ako umattend noong party kase nanood ako ng sine. Di ko feel yung food eh at naibigay ko naman na ang mga regalo.
10. Sa loob naman ng halos tatlong taon na pagtuturo ko sa New York, may natutunan kahit papaano ang mga bata. Lalo na po ang correct grammar.


Sana ay hindi humantong na magwalk- out ako sakaling ganito ang gawin sa akin. Pinapangako ko na tahimik lamang ako at may dignidad na lalabas ng pinto sabay diretso sa union. Magkita na lang kami sa korte.

Must Read for Filipinos > A Series of Unfortunate and Unthinkable Events
4 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jan.26.2007 @ 8:40 pm | Lasted edited: Jun.28.2007 @ 11:07 am

 

A Series of Unfortunate and Unthinkable Events

Columbus Day Weekend, 2004

I was running as fast as I can in the bitter cold. I turned around and tossed the keys.

"Just run! Do not open the door unless I call you!" I hollered to my friend

Anthony is in the house with the two boys! My breath held by a single strand of prayer. I quietly darted to the sidewalk while eyeing the car parked across the street. I saw  Anthony and the two boys going down the steps, vigilant of the danger that surrounds us.

"Walk fast and do not go to the apartment, go to the train station. Wait for me there."

" Is she following us? Did you see her?"

"Let's walk faster, do not look back."

We stopped by a lit corner of the street and begging the heavens that she did not see us.

"She is not there, let's go back now. Keep your eyes open and be alert." These words of Anthony brought me back to my senses.

 For two days and nights, I hid my friend's family from danger. We were like mice waiting for the snakes to go away. They never did and their venom left a deep scar of pain. How did this happen? Simple, there are wolves here looking for vulnerable lamb. My friend was the lamb and she was swept away because of her trusting heart. Sadly, that trust almost took her life and of her family's.


1. My friend chats on  the net. found  a guy for her sister- in- law.
2. My friend becomes the bridge for their romance online.
3. Guy proposes marriage, my friend spends for the wedding.
4. Guy goes to New York on her tab.
5. Guy went back to his state.No job. No money. Certified bum.
6. After a week, guy decides to return to New York.(with a girl friend)
7. Guy asked help from my friend to save his business.
8. My friend gives him money for capital.
9. Business turns out to be bogus.
10. Guy and girl pal starts demanding for money for everything (parking, medicines, cigarettes, food, soda and tampon!)
11. Every week, guy asks for allowance for his presence in the house.
12. All expenses are being paid by my friend.
13. One night, he demands $10,000 ASAP or he will report to the immigration department.
14. Next day, my friend cries to me, confesses everything.
15. My blood boiled to a crisp. Wants vengeance. Anthony's head turned beet red with fury.
16. My friend asked me to hide her children in my place. I did.

What happened next? In the next chapter, events will unfold that will break your heart and will make you question, "are there people who are really born evil?"

<< < | 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 | > >>
Entries 71 to 80 of 176

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org