|
| <<
< |
1
2
3
4
5
6
7
| >
>>
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.17.2007 @ 12:02 am
|
Mga KaBerks/ Pinoy Big Brothers/ Sisters/ Lola ko/ Classmates!
Pindot pindutin ang link sa ibaba para masilayan ang aking thank you message.
http://www.youtube.com/watch?v=UuDtVxOuEgE |
|
| 10 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.26.2007 @ 12:34 am
|
Ang dami ko na palang kaibigan. May mga tao palang interesado sa akin kahit papaano. May panahon silang tingnan ang aking pictures at ang iba naman ay mabait na i- add as friend ako. Sa tanang buhay, sa FRIENDSTER ako sobrang daming "friends". Meron diyan first degree, second degree and "anyone." Noong una, hindi ko pa alam na may ganito palang website para maka- connect ka sa mga long lost friends at siyempre makita kung ano na ang itsura nila after 10 years. Ang aking mantra, kailangan okey ang pictures ko at hindi halata na may laugh lines na ako. Routine ko na ang friendster at para akong namamasyal sa park habang tinitingnan ang friends ko. Noong nagkaroon ng maintenance ang friendster, nadiskubre ko na number 1 pala ito na most visited website sa Pilipinas. Sabi nga ng aking hispanic boyfriend, Filipino universe daw ang friendster. Meron din naman akong MySpace account pero mas masipag akong bisitahin ang friendster. Ito pa ang mga natuklasan ko mula sa famous website para sa mga "friends."
1. Kailangan maganda ang profile picture mo para marami kang friends. Pang- akit para maging interesado ang ibang friendsters.
2. Vital ang status ng relationship mo. Kung married, less appealing ka, in a relationship, sayang! pero kapag IT'S Complicated, naku po! Dami mo friends! Tried ang tested ko na ito.
3. Paramihan ng friends sa friendster. Wala na akong masabi.
4. About you- buong buhay na ang nakalagay pati mga paboritong tambayan ng banana q at sago't gulaman.
5. Send a smile para hindi obvious na tamad kang mag message o para sa mga guys, pakiramdaman muna si girl.
6. Bulletin board na "PLEASE ADD ME AT tikbalang@horse.com. Pagbigyan na nga!
7. Shout- outs tulad ng "Labas na ako sa Preso or asa hundred islands ako, Yeheey!" Sarap mag broadcast.
8. Surveys na nakakatuwa at libangan ng mga nagtratrabaho sa call centers (Hoy! Jon, huwag mo ipagkaila!)
8. Repost this or mamamatay ka sa kalmot ng daga sa loob ng 24 hours.
9. Mag- Novena para hindi mabreak ang chain.
10. Sarap mag- stalk ng dating crushes o mga friends na kinaiinisan mo dati. Kung anonymous kang mag view- hala PERVERT ka pero kung open lang, carry lang di ba?
11. Ang mga top friends mo ay yung mga true friends mo. Period
12. Masakit kapag nalaman mong nagpakasal na si Girl/ Guy na pinapantasya mo nung College pero laking tuwa mo naman kapag mukhang Armadillo ang asawa. Pangpalubag loob ba?
13. Nagkakabati ang mga dating magkaaway. Nangyari na sa akin ito so I strongly advise to use friendster para hanapin ang mga dating kaaway at make peace and make this world another shitting place.
14. Blogs...blogs...blogs......TUNGKOL SA LOVE.
15. Skins and graphics na sana ay puwedeng gawing tattoo.
16. BACKGROUND music na reflection ng edad mo. Ako "IT MIGHT BE YOU" so pinanganak ako around the 90's.
17. Friendsters in Love, pictures na may slideshow pa! Cool! tapos after one month palit na naman ng graphic code.
18. Kapag Filipino, mas madaling i- add kase kabayan eh!
19. According to my bf, napansin niyang masyadong malambing ang mga Pinay friendsters niya. Tawag sa kanya Darling at Babe. Tatlo pa nga raw ang nag- imbita sa kanya na pumunta sa Pilipinas. Bakit kaya?
20. Masaya ang FRIENDSTER.MAKULAY at hindi MAWAWALA kahit kelan kahit na merong Facebook, Tagged o Hi5.
|
|
| 4 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.10.2007 @ 10:13 pm
|
Ako ay pumunta sa Atlantic City Sa Garden state na tawag ay Jersey First time kong magsusugal Biyahe ay sobrang tagal
Apat na oras sa loob ng kotse Walang masabi kundi lasing letse Gusto ko na makita ang Taj Mahal Pero ang traffic sobrang bagal
Nakarating na rin kami Pero ako naman ay napapaihi Pinanood muna namin si Pops Puro seniors na may wig tops
Natapos din ang kantahan Tiyan ko naman ay kumakalam Sa Buddhakan kami kumain Okey na presyo pinaghatian
Excited ang kasama ko May budget na isang libo Ako rin may budget, bente Pag natalo, baka ako matae
Pumasok na rin kami sa casino Ballys na puro pera at sigarilyo Namula na ang aking mga mata Tara na! sabi ng aking kasama
Pinili ko ang isang slot machine Na ang title ay Asian Cashing Pinasok ko ang limang dolyar Talo! pagmumura ko ay bulgar
Lumipat ako sa wheel of fortune Sabi ng isa, banda pa raw dun Hindi yan swerte, kain pera mo Ako'y sumunod na parang loko
Isang oras na ang lumipas Wala pa rin kundi puro pintas Ang aking ginawa, katabi ko Nanalo na ng idalawang libo!
Sabi ko sa friend namin Ako muna ay magpapahangin Sumama siya dahil talo rin Beach bar tayo patuluyin
Aba! Ibang casino ang nandoon Mga katawan na walang alon alon Hunks here and everywhere Inayos ko tuloy ang aking eyewear
Umorder ako ng Margarita Umupo sa gilid ng rampa Kaibigan ko ay nakatunganga Sa mga lalakeng hubad nakadapa
Sabi ko, pustahan tayo Mas enjoy tayo dito sa paraiso ng mga Buff bodies sa harap ng dagat Ang kanilang mga biceps sana'y makagat
Alas tres na ng umaga Kailangan na ng pahinga Goodbye mga new found pals Huwag malulong sa pagsusugal
Enjoy ang casino sa mga nanalo Pero sa aking sariling kwento Hindi ako maadik sa blackjack Dahil mahirap umasa sa bluff
Umuwi naman akong kuntento Balik sa New York na magulo Natalo ako ng 50 bucks Okey lang, may friend akong hunks
Pag- uwi namin, nagyaya na naman Bagong casino, malapit sa Manhattan Ang mga kasama ko'y talagang hagaran Sa mundo ng maalindog na pagsusugalan
|
|
| 8 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.06.2007 @ 12:22 am
| Last edited: Jun.05.2007 @ 11:36 pm |
Tinatapos ko ang nobela ng aking Tiyo dahil handog niya ito sa kanyang pinakamamahal na asawa sa kanilang ika- 25 na anibersaryo. Uuwi siya sa Pilipinas upang ikasal muli sa San Agustin Church. Habang sinusulat ko ang mga kabanata, naalala ko rin ang mga kuwento ng pag- ibig ng aking mga kamag- anak. Pero ang hirap isipin dahil bihira na masaya ang ending. Pag- ukulan natin ang LOVE STORY ng aking Lolo at Lola. Kahit hindi natapos sa footnote na "And they lived happily ever after", marami akong natutunan sa kanila. Bawat kabanata ay may kasamang aral na sinunod ko at kadalasan at binago ko.
1.Nagkita ang aking lolo at lola sa isang salu- salo at siyempre na- inlove kaagad si Lolo. Pumwesto siya kaagad dahil sa mala- gatas na balat ni Lola at sabi niya nung panahon na iyon, wala pa sa sahig ang kanyang boobs. Nagkakilala sila at umpisa na ng panliligaw ni Feliciano kay Natividad - physical appearance ay importante kaya bullshit ang mga nagsasabi na kailangang maganda ang kalooban pero sa pagkakaalam ko sa pisikal na katangian nag- uumpisa ang relasyon. Sa lahat ng naging boyfriend ko, requirement ay maganda ang mata at mas matangos ang ilong sa akin. Ang boyfriend ko ngayon ay mas maganda pa ang legs sa akin at mas maputi, latino papa at na- attract siya sa akin sa Dunkin Donuts dahil sa aking mga mata at ang 2 tacos at 3 bavarian creme na donuts plus 1 frappucino. Sa tanang buhay niya, nakita niya ang confidence ng isang babaeng gutom. Ang sagot ko sa kanya wala ako pakialam kapag gutom ako, wala poise poise kapag kumakalam ang tiyan.
2. Niligawan muna ni Lolo ang mga magulang at kapatid ni Lola - importante ito kase plus points kapag nag- away, may kakampi ka. Meron akong naging bf na ang pamilya ay tinuring akong anak. Nung naghiwalay kami pagkatapos ng 3 taon, umiyak ang kanyang ina at mga kapatid. Meron naman na halos ipagtabuyan ako dahil hindi ako kasing yaman ng pamilya niya. Law of Karma ang pumalakol sa kanila After 5 years, nagising rin ako na wala ako mapapala sa "panliligaw" sa kanila at paghihintay sa "pag grow- up" ng anak nila.
3. 9 years silang engaged na never na nakita ni Lola ang bahay ni Lolo (that time kase pangit tingnan kung pumunta ang girl sa house ni boy, malandi daw yun) - Sabi ni Lola kung alam lang niya na walang hagdan ang bahay nila Lolo, hindi na sana siya pakakasal at hindi pa niya nakita na nakaasa lahat kay Lolo para sa pagkain at luho.
4. Kinasal sila sa Quiapo Church (Nazareno na kapag tinitingnan ko, natatakot ako at na nakokonsensya sa aking mga kasalanan tulad ng pagmumura) - Kung ikakasal man ako, ayaw ko sa harap ng nakakatakot na Statue ni JC o dumudugong mata ng Virgin Mary. Kahit saan basta nandun ang pamilya ko at mga tunay na kaibigan. Ayoko na piyesta ang magaganap plus baka nakawin pa ang champagne glasses ng mga bisita na hindi ko kilala.
5. Wala silang alam tungkol sa sex kaya sabi ni Lola nagmukha silang tanga nung first night nila - Buti na lang may alam ako, pasalamat ako kay Dra. Holmes. Pero ang sabi ni Lola, dapat virgin pa ang parehong lalake at babae bago ikasal para daw inosente. Malaking halakhak ang sagot ko sabay batok naman ang inabot ko.
6. Nabuntis kaagad si Lola naging masungit kaya napabarkada si Lolo, natuto ng bisyo. - Pag nabuntis ako, kasama ko ang barkada ko at panonoorin ko sila habang gumugimik. Makita na ng asawa ko para sukang suka na siya yosi at alak.
7. Lihim na pinapaaral at pinapakain ni Lolo ang kanyang mga magulang at kapatid, lagi niyang rason mahirap ang bansa dahil kakaalis pa lang ng mga Hapon. - Sa sitwasyon ko, ako naman ang padala nang padala sa Pinas, minsan naglilihim na ako sa bf ko dahil gusto niyang i- enjoy ko ang pinaghirapan ko. Mentality kase dito, "you work hard for your money, you shouldn't give it away." Mahirap dahil OFW tayo.
8. Nabuntis na naman si Lola, lagi na silang nag- aaway. Hindi na rin masyado umuuwi si Lolo. Lagi na siyang nasa saya ng nanay niya ayon kay Grandma. - brutal din akong nakikpag- away pero umuuwi pa rin si Marcello. No choice kase malambot ang kama namin. Pero marunong na akong mag- sorry, malaking tulong rin itong pagbabago ko.
9. May inampon sila na batang lalake (Uncle ko na hindi na namin nakikita) Anak pala ni Lolo sa ibang babae pero tinanggap pa rin ni Lola - hindi ko alam kung carry ko ito pero sa mga kaboplakan ng ex ko, malamang malapit na ako sa kalingkilan ni lola.
10. Grumabe ang bisyo ni Lolo at pinapili na siya ni Lola, "Kami o ang magulang at kapatid mo?" Tahimik na umalis si Lolo. - kung ayaw na talaga ng lalake, huwag na habulin dahil kakawala pa rin (actually mas mahirap kapag pamilya ang karibal, kapag kabit naman may pag- asa pa)
11. Pinalaki ni Lola ang kanyang 3 anak sa mga trabahong babysitter, mananahi, taga- luto at kung ano ano pang sideline para mabuhay. Madalang na makita ang anino ni Lolo. - girl power si Lola at pinalaki din niya ako. Buti na lang kase yung time na pinagbubuntis ako ni Mother, GGB din siya. Gulo Gulo Buhay niya.
12. Nagtanan si Mother. Na- frustrate si Lolo dahil paborito niya si Mom. Si Lola, tinanggap at nag- move on - ang buhay ay gulong na paikot ikot. Hindi makulay ang life kapag walang problema. kapag nawala ang mga ito, hindi na tayo makakapagmura at magpapa- party kapag naresolba naman.
13. Nalulong na sa alkohol si Lolo. Kadalasan dumadaan siya sa bahay ni Lola. Hindi na niya ito inaaway. Ayaw ni Lola ng eskandalo. Pinagluluto pa niya ito ng paborito niyang pagkain. - hanga ako sa katatagan ng loob ni Lola, wala si Lolo sa tabi niya habang naghihirap siyang buhayin mga anak niya. Pero may lakas pa siyang magluto ng paksiw na lechon si Lolo.
14. Si Lolo ang unang nakakita sa akin nang ako ay gumapang tapos lumakad. Pagkatapos ng maraming taon, nagyakapan ulit si Lolo at Lola - kahit ex mo na, may konting love pa rin. Hindi mawawala ito unless Hudas o Whore naman talaga ang ex mo.
15. Hinoldap si Lolo at ninakaw ang kanyang relo. Tinurukan din siya ng Ativan. Lasing siya at iniwan sa kalye. Ilang linggo rin siyang nasa ospital ng Maynila bago nahanap si tita. Walang nagkusa mula sa kanyang mga kapatid na hanapin siya. - nakakalungkot dahil iniwan ni Lolo si Lola para sa mga kapatid niya. Marami rin akong sakripisyo at talagang masakit kapag binalewala lamang ng minamahal mo.
16. Konting drama si Lola na payagang alagaan si Lolo sa bahay niya. Sa huli pumayag siya at inalagaan ni Mother at Tita si Lolo. - kapatawaran, hirap gawin!
17. Pumanaw si Lolo at ang huli niyang sinabi ay "Pakisabi kay Naty, patawarin niya sana ako." Nang malaman ni Lola, kaharap niya ako. Pumikit siya at pinigilang umiyak. "Mabait ang Lolo mo, pagkatapos nang lahat. Asawa ko pa rin siya." - love never dies. Bakit sa akin, ilang beses namatay?
18. Nilibing si Lolo sa umaga at sa hapon nagpakulot at nagpa- manicure si Lola - life goes on after the pain from being unloved by the person you loved.
Hindi man happily ever after, modelo ko si Lolo at Lola dahil kahit naghiwalay sila, walang paninira o public display of humiliation. May respeto pa rin sila para sa isa' isa at sa huli, in love pa rin sila. First love never dies. Sa kaso nila, oo.
|
|
| 4 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: May.29.2007 @ 11:51 pm
| Last edited: May.29.2007 @ 11:02 pm |
Nabili ko na rin sa wakas ang latest album ng Linkin Park, Minutes to Midnight. Isa ako sa milyon milyong fans nila na walang tigil ang birit sa pagkanta na "In the End" habang nagmamaneho at ang "Crawling" kapag gusto ko nang basagin ang ulo ng ex ko noon. Hindi ako nabigo dahil masasabi ko na maganda ang kinalabasan ng kanilang album, Tiyak na yayaman sila at ako ay, well enjoy sa kanilang music. On a side note, gusto kong ibasura o ngatngatin ang album ng Maroon V. Lintik nasayang lang ang $11.99 ko dahil naging boses princess si Adam Levine. Ibibigay ko na lamang siguro sa isang teenager na basta guwaping ang lead singer okey na. Balik tayo sa paksa na Linkin Park. Inihilera ko na ang bandang ito sa pedestal ni Nellie Furtado, Joss Stone, Jay Z at Amy Winehouse sa pinakasulit na album sa taong 2007.
Binasa ko CD jacket at habang binabasa ko ang mga lyrics (sulit talaga!) napansin ko ang explanasyon ng banda kung paano nila nilikha ang kanilang album. Nakaka- touch dahil totoo. Basahin ang sumusunod na mga wika nila."In conversations with many musicians and record makers, we often ask, "What do you think makes a successful album?" The answers range from "meticulous, tireless writing" to "dumb luck". In making Minutes to Midnight, we have learned a lot about our answer: enjoy the process. We hope you enjoy the songs."
Pang Ms. Universe ba ang sagot? Parang slam book pero totoo kahit sa isang struggling na manunulat tulad ko. Ilang beses din na gusto ko tadyakan ang aking laptop dahil wala ako maisulat, ang mga tula ko ay mediocre sa aking standard at ang libro ko ay mukhang never na mapapublish. Nabubuwisit din ako dahil isang English nobela na ang aking nasimulan pero lagi akong walang gana ituloy. Mas feel ko pang gawin ang nobela ng aking Tiyo dahil anniversary gift niya ito sa kanyang asawa. Perfectionist siguro ako o sadyang may ADD. Sabi ng aking boyfriend malamang ADD haluan mo pa ng pagka- eccentric. Noong tinanong ko ang aking Ate kung sino ang mas magaling sa aming magsulat ng aking Kuya. Hindi siya makasagot pero sa huli sinabi niya na "mas magaling pa rin ang Kuya mo." Aba! Ang ego ko ay nabasag na parang pulang itlog. Para hindi ako magwala, sinabi niya na iba ang estilo ng aking pagsusulat. Kung ang mga likha ni Kuya ay may poise at finesse, ako naman ay parang bomba. Sus! doble insulto ba? Sa huli, dahil ilang champagne glasses na ang nginuya ko, dinagdagan na lang niya na "May Puso ang Pagsusulat mo. Wala kang pakialam sa sasabihin ng mambabasa. Cute, maintriga, nanunukso (erotic?), nagpapa- isip at higit sa lahat nagpapatawa at nakakawala ng pagod" Tumahan na rin ako sa pambobola ni Ate sabay salpak ng malaking slice ng cheesecake.
187 entries na at 97 na mga tula na ang aking naisulat sa aking mga websites. Yung iba hindi ako makapaniwala na naisulat ko. Ano kaya ang sumapi sa akin? Si Marina o si Mari Mar? Asan na si Fernando Jose? Ayan umaandar na naman ang aking "Basilio, Crispy Kreme? Asan kayo?
Kung ilalagay ko sa isang libro ang mga isinulat, maaaring hatiin ito by volumes.
Volume 1: Ang mga hinanakit ko dahil binagsak ko ang "marshmallow test" kaya ako ganito. Ang mga isinulat ko tungkol sa aking pamilya na hindi okey pero pasado na rin. Ang mga natutunan ko sa hirap tapos ginhawa tapos hirap lalo tapos ginhawa tapos isang malaking Ferris Wheel na aming family life. Maganda na mapait. Lumaki akong mag- isa, ma pride at hindi papatalo. May advantage kase, never ako gigive- up pero kapag pag- ibig na ang kaharap, pride ang umiiral at urong na aking dalawang bayag.
Volume 2: Ang mga reklamo ko tungkol sa aking trabaho, Pagmamahal ko sa pagtuturo at ang aking mga adhikain na sana ay maiayos ang maling sistema ng edukasyon. 100 years from now, baka mailagay na rin ang pangalan ko katabi ni Rosseau, Montessori at Locke. Ang laki ng pangamba ko na kapag ipapasok ko na sa school ang aking future na mga anak- parang Spanish Inquisition ang gagawin ko sa teacher.
Volume 3: Pag- ibig, katangahan at kaligayahan ko. Hanggang ngayon touchy ang subject na ito sa akin.
Volume 4: Mga tula na isinulat ko habang nakasakay sa 6 train, bus 22 o habang nakatambay sa Union Square Park. Mga tula tungkol sa totoong Hazel. Walang maskara. Kung matinik ka, makikilala mo ako sa pamamagitan ng aking mga tula. Wala akong preno dahil mas may tiwala ako sa aking sarili kapag nililikha ko sila dahil mula sa puso. GMA po at hindi ABS CBN.
Volume 5: Ang New York na patuloy na nagbibigay ng challenge sa akin. "Ang New York ay Isang Isla" ay hindi mamamatay. Padagdag lang ng padagdag parang telenovela este mas gusto ko chinovela. Sinagip ako ng librong ito mula sa kabaliwan ng mawalay sa pamilya at mga kaibigan. Naging tulay din upang magkaroon ako ng mga bagong friendsters at MySpace friends.
Volume 6: Taas noo, kamay at paa ako sa pagiging Pinoy. Kung may reincarnation nga, hihingilin ko pa rin kay Buddha na gawin akong Filipino. Patangkarin niya lang ako at huwag gawing dapain. Hindi kase ako makapagsuot ng Stilletos.
Volume 7: Ang iba ko pang random, out of the blue na panunulat dahil wala lang, ENJOY kase akong magsulat. Abangan na lamang ang iba pang volumes. Bago ako matutulog, papakinggan ko ulit ng sampung beses ang kantang Leave out All the Rest at Shadow of the Day. Order na rin ako online ng official Linkin Park shirt kase may promo. may kasamang official sticker. Ang lalim talaga ng kaligayan ko.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: May.28.2007 @ 2:43 pm
|
Pixie Dust
You were fun to be with Flying away your worries Always happy, carefree In love..........www.blogtext.org/elvidad
|
|
| 4 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: May.28.2007 @ 12:55 am
|
Mga ilang araw na rin Na ako ay nabubugnot Reklamo lang ang gawain Wala kase akong mahugot Sa aking pitakang butas
Pinanood ko ang Shrek tres Pati si spidey sa sinehan Pero puro treska putres Hindi pa rin ako masiyahan Palagay ko buhay ay boring
Ang mga boss ko ay mga aso Trabaho hanggang malupog ako Green card kase ang nakapusta Sayang kung tawagin ko silang P_ta! Pero hirap banatin ang pasensya
Habang naglalakad mula AMC Pagkatapos manood nga Paprika Isang Anime na okey to see Isang madusing na mama Nagkakalkal sa mabahong basura
Limang minuto bago ko siya nakita Away drama kami ng aking giliw Wala raw akong pasensya Hindi ako makontento Puro na lang ako reklamo
Sagot ko, masama ba ang mangarap? Lahat naman ay nakukuha ko sa hirap Ako nga ang poster girl nito Ang dolyar ko ay para pa ring piso Pagod na ako magtrabaho
Gusto ko ng ganito, ganyan Hindi ako masamang tao Brat lang kung minsan Mga buto ko ay sadyang tuyo Sa karera ng New York
Pero nang nakita ko ang lalake Walang sapatos, maruming damit Ginto ang binasurang tinapay sa kalye Naisip ko ang buhay niya, sobrang pait Ako naman ay di makuntento
Samantalang ako, may pang sine May pambayad sa mga gastusin Konting luho, padala kay lola Naisip ko, bad ako Hindi ako thankful
Tahimik akong sumakay ng train Sorry sa kasama ko again Ang mamang nakita ko sa basurahan Isang imahe na di ko malilimutan Mangangarap pa rin ako
Hindi na gaanong materyal na bagay Pero siyempre meron pa rin Nakakahiya dahil isang homeless Ang nagturo pa sa akin Na okey pa rin ang ako
|
|
| 5 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: May.19.2007 @ 12:40 am
|
Ipising Utak
May mga taong binigyan ng regalo ng katalinuhan. Ang iba naman ay barya lamang ang natanggap. Pero ang nakakamanghang katotohanan ay ang mga "matalino challenged" ay nasa paligid mo. Kabahay mo, classmate, teacher mo!, girfriend mo na "hinga" (na hindi ma- spell and fuschia), boyfriend na ang akala ay polvoron si Pavarotti. Kadalasan, minamalas ka talaga at nagiging boss mo pa. Sa loob ng halos siyam na taon ng pagtuturo, may mga boss akong talagang hinangaan ko dahil sadyang matalino. Bukod pa rito ay epektibo silang maging boss at wala akong naging reklamo. Sa mga taon naman na kumakalam ang tiyan ko, natatapat naman ako sa boss na wala na ngang utak cells ay may tagis pa sa ulo. Dito sa New York, hinandugan talaga ako ni Lord ng mga boss na kutsarita lamang ang dala nang nagpaulan ng katalinuhan. Ang mga sumusunod ay ang aking tatlong boss na mahal na mahal na mahal kong sakalin at kung paano ko sila nilalabanan gamit ang agimat ni Pong Pagong. Basahin at baka kambal sila ng boss mo.
1. Unang boss ko. Tawagin na lamang natin siyang "Tanda" kase amoy lupa naman siya talaga. Pinaiyak ako nito ng dugo kase lumampas ng 30 taon ang kanyang menopause at Mama- san siya ng mga ghetto. Sa kanya ako natuto na cute ang mga aso dito pero ang mga taong mukhang chow chow tulad niya ay hindi mapagkakatiwalaan. Pinahirapan niya ako dahil may masters degree ako. Kasalanan ko ba na natapos ako sa pamamagitan ng padala ni Kuya mula UK? Hindi daw ako matalino, estupido akong guro at walang lugar para sa mga asyano sa paaralan niya. Kung nabasa niyo ang chapter ko tungkol sa kanya, love ko siya dahil ilang beses ko ring ipinagdasal na kunin na siya ni Jesus Christ. Pero natuto akong sakyan ang kanyang cha cha. Nalaman ko through my Psychology background na insecure siya dahil may natapos ako at siya ay GED lamang. Banlag siya habang ako ay pwedeng mag contact lens at ang mga kuko ko sa paa ay buhay pa. Sa madaling salita, dinaan ko sa pagka cute ko. Dedma ako sa kanya at kahit sigaw sigawan niya ako, okey lang. Ang mantra ko |ay "Up your big puwet!" sabay ngiti. Bumisita sa kanya ang karma at ngayon wala na siyang trabaho kase hindi nga matalino. Mangungupit na nga lang sa school, ipina- mail ba naman ang mga tseke sa bahay niya. Boplaks talaga!
2. Ang aking kataastaasang at kadilimdilimang boss ko ngayon. Bagong salta sa posisyon kaya mataas ang lipad. Dali daling desisyon na wala naman epek kaya mas lalong bumaba ang test scores ng eskwela. Mahilig siyang mambastos pero dahil sinanay ako ni Tanda, dedma at tinititigan ko na lang siya sabay ngiting aso. Magkamali ka kaseng sagutin siya, tiyak na hindi lang ang likod mo ang kakagatin niya. Pati ang little toe mo pa. Mahilig siya sa mga illegal na pagpapaalis ng mga empleyado at paranoid pa! Nagalit ako dahil inakusahan niya ang isa sa mga custodians na nagtratarabaho ng 30 years na nagnakaw ng radyong bulok. Ilang linggo lang at yung palang bagong pasok na kamag anak pa niya ang culprit. Walang apology, boss kase eh. Sarap sakalin no? Ang solusyon ko, respetuhin ang posisyon pero ang "kambing" hindi . Medyo mabait ako sa kanya at di gaanong biyatch dahil nagbigay siya ng recommendation for green card. Alam niya sigurong walang rumerespeto sa kanya dahil gaya na lamang nung isang araw, nasalubong ko siya sa hallway bitbit ang isang batang notorious. Ilang mura ang inabot niya. "Bitch, get your fucking hands off me!" Polker face ako pero para asarin siya ang sabi ko sa bata ay, "Hello, B_______, how are you?" Halos matalisod ako sa tawa dahil buong galang at bungisngis na sinagot ako ng "Hello, Ms. T, am cool. I go to your class, okey?" Ako na isang hamak na guro lamang ay nirerespeto ng isang kinakatakutang bully (alam niya kaseng bibigwasan ko siya, joke lang po), daig pa ang korona ng Ms. Universe kesa naman boss ako tapos tatawagin akong babaeng aso. Kapag ginagago mo kase ang mga ibang tao, tatarantaduhin ka rin nang sampung palapag. At kahit si Spiderman ay hindi ka maisasalba. Kamusta siya tanong niyo? Ayun di pa rin napapalitan ang kanyang wig kaya amoy anghit na siya. Pamatay talaga! I swear!
3. Ang aking pumapangalawang kataastaasang boss. May tagis din pero dinadaan sa kapal ng make up. Maraming satsat pero kapag tinanong mo tungkol sa teaching strategy, "I'll look it up on the net." Paborito kong past time kapag meeting ay mag- tally kung ilang beses niya itong sagot. Minimum ay 20. Galing galing niya no? Hindi mo rin siya maaasahan sa decision making. Ihalintulad mo siya sa isang asong hinahabol ang sariling buntot. Walang direksyon, paulit ulit lamang. Observation galore siya at kahit maraming nagrereklamo dahil patapos na ang schoolyear, dedma ako at sinabi ko lang "You are doing a marathon on me. (sabay ngiti) you can observe me but I need to tell you when you can come (para maitago ko ang mga bulinggit, again joke lang)." Sweet ako kaya siyempre nalito siya. Between sarcasm and being smart, pareho kong namana (naks naman diyan!) Tango na lang siya at binigay ang schedule ko. Hindi niya ito ginawa sa mga ibang guro kaya inulanan siya ng mga complaints. Ang aral ng kwentong ito, matalino nga ang matsing pero bigyan mo ng berde at dilaw na saging, malilito ito dahil parehong saging. Sa kaso ng mga boss na katulad niya, bigyan mo siya ng pula, asul, itim, periwinkle, aubergine na saging. I tell you, makukuha mo rin ang gusto mo para mapanatili ka sa trabaho.
Sana ay makahanap na rin ako ng boss na hindi ako bibigyan ng sakit ng ulo at bilbil sa tiyan sa kakatawa sa katangahan nila, Sabihin niyo nang brutal at mayabang ako pero in fairness, ako at ikaw na bumabasa nito ay sadyang mas matalino sa kanila. Paano ko ito alam? Dahil silang tatlo ay may mannerism o sintomas ng kakulangan sa utak. Mahilig silang magtanggal ng tinga sa ipin gamit ang kanilang hintuturo. Gross? Oo naman lalo na kapag kausap mo plus "we was" pa ang banay nila. Siguro hinahanap nila ang kanilang utak sa pagitan ng kanilang mga gilagid.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: May.15.2007 @ 12:26 am
|
Bakit?
Bakit kaya ang pag- ibig nawawala sa pagitan ng mag- asawa kapag dolyar na ang katapat? Bakit kaya ang mga anak ay ginagawang ping pong kapag gustong gumanti ng isa? Bakit kaya ang lalake hindi makapagpigil ng libog sa katawan? Bakit kaya ang babae makatikim lang etits ng iba, true love na? Bakit kaya ang daling maghiwalay ngayon ng mga mag- asawa? Bakit kaya nagtatanong ako? Ewan
Bakit kaya ang tao kapag umangat, kadalasan ay hindi na lumilingon? Bakit kaya kapag tunay kang kaibigan, mas lalo kang tinataboy? Bakit kaya kapag kinukunsinti mo sila, bes pren ka nila? Bakit kaya kapag nasasaktan ang mga gago mong kaibigan ay nasasaktan ka rin? Bakit kaya kadalasan ikaw pa ang sinisisi, eh sila itong nagloko? Bakit kaya nagtatanong ako? Dobleng Ewan
Bakit kaya maraming hipokrito sa ating paligid? Bakit kaya pati pangalan ng Diyos dinamay pa? Bakit kaya gahaman tayo sa green card? Bakit kahit sino na lang pwede na? Bakit natin binababa ang sarili natin? Bakit kaya hindi muna maghintay? Bakit kaya ako nagtatanong? Ewan na ewan na ewan
Bakit kaya kayang sikmurain ng iba na saktan ang mga mahal nila? Bakit kapag nagkabahay na dito sa Amerika ay hindi mo na maabot? Bakit kaya kahit kumabit sila o kinabit o pinagkakabit- kabit tingin mo pa rin ay kaibigan sila? Bakit kaya iniisip mo pa rin sila, ang kabutihan nila? Bakit kaya patuloy mo pa rin silang ipanagdadasal? Bakit kaya ako nagtatanong? Ewan
Ewan
Ewan
Ewan kase parang nangyari na sa akin ito, sa mga kaibigan ko, kaibigan ng mga kaibigan ko at kahit hindi pa gaanong kaibigan.
Ewan siguro
Ewan kase kaibigan nga ang tawag sa akin, sa iyo at sa kanila.
Magulo ba? Ewan.
|
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: May.07.2007 @ 11:43 pm
|
A hallway that is poorly lit Catatonic faces see through me Periwinkle birds flying Bumblebees the size of boas
..............www.blogtext.org/elvidad |
|
|
|