|
| <<
< |
1
2
3
4
5
6
7
8
9
| >
>>
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Nov.18.2006 @ 4:43 pm
|
The Worst Subway Ride
Yesterday, I had to go to Manhattan to meet my friend to watch a movie. I went to 167th street 4 station and just from the scent of the air, I can tell I am in G force territory. The train was arriving and all the "wildebeest" rushed forward. I ran to the front of the train hoping to get a seat. But lo and behold! It was packed like a sardine can. I squeezed myself in and I felt a hand groped my left breast. I am too tired to start a fight so I just step on the man's foot and stared at him. He muttered an obscene word but again I am too "veggie state" to retaliate. After each stop, more and more people got on the train. I couldn't't breathe and I felt like all body secretions were all over me. Call me a racist but it is really unpleasant when G force people is with you. With the scent of their unwashed (for more than a month) hair plus the cheap perfume/ cologne they wear is enough to kill me. One more thing, their demeanor which is really really annoying. Sooner than I thought, I heard a commotion, Two G force men fighting over a "cookie" (that's what I heard) and then in a split second, they were grabbing each other's throat. I felt my body slammed on the subway door. and my Ipod almost crushed. I hate it and I wanted to say "PUTANG INA NINYO! TUMAHIMIK KAYONG MGA PUSIT!" I guess New York is used to them and not even a single soul cared to intervene. They got off 125th street. I was teary eyed, legs hurting, having that time of the month and my head full of financial problems and I said it will make me want to jump of the rail too. I finally reached 14th street. I went to Strand Bookstore's restroom and there, I cried like a baby. A filipina worker crying, bawling, and even cursing. Someone knocked on the door and asked "Are you alright Miss?" I said "Yeah, thanks," I washed my face, fixed my hair and put on menthol lip gloss (I was getting paranoid, I thought my lips were permanently numb). I went to the Children's section straight to the pop up books. I sat down with Dr.Seuss' books and I started to smile at the rhyming words. I put it down and found a book about mythology. I always fancied myths, I read half of the book and I decided to buy it. $8.97 for my sanity during the worst subway ride of my life.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Nov.02.2006 @ 10:47 pm
| Last edited: Nov.14.2006 @ 6:26 pm |
I left the school at 4 o' clock Fixed the class and cleaned up I am so tired, ready to faint From hunger and irritation
Well, it was my fault One meeting, I showed That I know how to Dance with the computer
And from that day "Ms.T, could you fix this?" Well. I am patient And I did it willingly
However, these past days Have been utterly crazy Had to report a child abuse case And finished report cards
I was standing at the bus stop Listening to my Ipod, oblivious Soothing my tired and poor soul Damn twenty waiting minutes
The bus came, crowded Oh no!, another ride standing up Then I noticed an old woman In a rickety old wheelchair
She was big in size, dirty clothes Her chair is too small for her But I noticed her sadness So deep that it hurt me too
The driver said "Move back" And the lowered the bus for her She struggled to push herself But it was just too much
Nobody looked nor bothered I said "What the F***?" "I will do it myself!" "Do you need help ma'am?"
"Yes, my child, thank you" I pushed with all my strength Remaining ounce as I may say It was hard, but I had to
I had to since no one bothered Or were they just apathetic? Or too young, too vain to realize That someday, they will be old too
It was difficult to maneuver her chair I jokingly said to my head "This is like parallel parking" And then we made it, I was able to "park" her
Then I saw people stare at her Disgusted and irritated For she delayed their route I saw again the sadness
I wanted to have a little chat But I held back, I sensed She needed silence To save face, a little peace
Two stops and she had to get off Again nobody cared to push her I may have a hard shell But I am a certified softie
I pushed her again This time, it was easier I thought of my grandmother I felt like crying, missing her
The old lady thanked me "God bless you, child" I hopped back on the bus Exhausted yet at peace
Then it happened, boom! I sat down on an empty seat Then a woman called out "I just got up from that"
She ranted again with her fake eyebrows The big bad bitch came out "So you want to sit here?!"
With her funny accent She was surprised And I didn't back down Her name is not on the seat
Rowdy middle school students Shouted and hollered at the back "She just pushed a wheelchair!" "Give her the F***ng seat!"
That woman was humiliated She had to moved back I felt good, so good Be a bitch, Ill be one too
New York has taught me When to fight with claws And to show compassion When the city is apathetic
I got off the bus Hey, I made a difference I touched an old lady's heart Perhaps, I made her day
I made her smile again Even for a second Hope that New Yorkers Are not at all so apathetic
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Oct.31.2006 @ 9:41 pm
|
Halloween Galore
Nagmukha akong Santa Claus na naligaw na sa araw ng Halloween. Halos hindi ako makatayo kaninang umaga pagpasok sa school dahil sa mga bitbit ko. Paano ba naman kase, 5 cake, 4 bags ng candies for treat and trick bags and 3 malalaking pumpkins. Paano ko ito ginawa? Ninja style, siyempre backpack at isang matibay na plastic bag. Ewan ko ba pero para akong sinapian ng spirit of Christmas nang maaga dahil ang saya saya kong ihinanda ang mga Halloween treats para sa aking klase at sa iba pang klase na napamahal na rin sa akin. Pinapanood ko sila ng Monster House (siyempre ask muna ako ng permission sa aking Bossing) nung umaga at pagkatapos ng lunch. Yeheey! Party Time na. Chocolate cakes, candies, chips, soda at iba iba pang junk food (hindi ako health conscious today). Enjoy na enjoy ang mga bata. Alam ko ang kaligayahan ng isang batang nakatikim ng cake, libreng candy at soda dahil mahirap akong lumaki. Lagi kaming salat at sanay na akong makuntento sa ulam na kardis (kung hindi niyo alam ito, research please, homework niyo). Saka na nung umasenso kami pero hindi pa rin natanggal sa akin ang magpasalamat sa kahit na anong matanggap ko lalo na sa ibang tao. Naranasan ko ang mga mababang tingin ng sariling kamag- anak dahil kami ang "pinakamahirap" sa angkan. Sorry na lang sila dahil kaming tatlong magkakapatid ang pinakamatalino naman, yung nga lang laging gutom. Ngayon na nakatira kami sa US of A, bigla na lang silang nagpapadala ng cards, tumatawag at biglang "reunion" na naman. Hindi ako receptive dito. Hindi ko kinakalimutan ang mga taomg tumulong sa akin at mas lalong hindi ko kinakalimutan ang mga taong "umapi" noong walang wala kami. Hindi naman ako bastos, apathetic lang ako at ayaw ko na magkaroon ng association pa sa kanila. Back to the Halloween theme, ito ang mga natutunan ko sa araw na ito habang suot ko ang aking pumpkin shirt.
1. Halos lahat ng estudyante namin sa school ay mahirap at gutom (Hindi po kase ako nagtuturo sa Manhattan kundi sa Kingdom of THE BRONX). Hindi lang isang serving ang hiningi, umabot pa nang pangatlo.
2. Kahit papaano (kahit kadalasan ay may conflict kami dahil lagi nila akong tinatawag na she dog), thankful sila at obvious sa mga matang halos maiyak sa tuwa.
3. Simple joy means an everlasting memory. Lahat ng mga bata ay nagsabi na hindi nila makakalimutan ang araw na ito. Ang araw na ang isang guro ay nag- feeling na "Grim Giver."
4. Naalala ko ang mga bata sa Pilipinas, sana ay may nagbibigay pa rin sa kanila kahit isang mentos. 3 candies pa rin for 2 pesos?
5. Kailangan ko ng mag- order online ng Christmas gifts to avoid the Holiday Rush. Favorite ko kaseng magbalot ng regalo. Pero sa tanang buhay ko, hindi ko matatalo ang aking ate. Perfect ang wrapping niya samantalang mukhang "wrap ala pandesal" ang gawa ko. Pero kahit ano pa, it's the spirit of giving ang importante.
6. Nobyembre na bukas, Thanksgiving....... research na ako kung saan mura ang turkey. |
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Oct.29.2006 @ 10:03 pm
|
Bukas ng 8: 40 am, observation time na naman para sa akin. Hindi principal or assistant principal ang mag- iihaw sa akin pero ang supervsior ng special education mula sa Region One ng Bronx. As usual andyan ang pre- conference nung Friday, presentation galore ng lesson plan for the Reader's Workshop. Simple lamang ang lesson ko dahil alam ko ang capacity ng aking mga estudyante. Hindi ko tatangkaing gawing science project with matching fireworks. Napakasimple, colors ang aking lesson. Pinili ko ito dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
1. Ang mga bata ay walang kamuwang muwang na ang pula ay iba sa asul.
2, Hindi nila sigurado kung ang kulay ng buwan ay berde or dilaw.
3. Pinipilit nila na ang berde ay pareho ng kulay ng coconut.
4. Nababaligtad nila ang parisukat at ang kulay orange.
5. At ang parihaba ay pareho ng kulay ng pula.
Dalawang buwan ko na itong tinuturo. Masaya dahil karamihan ay natuto na rin sa wakas pero ang ang iba ay hindi pa rin maintindihan ang ibig sabihin ng shape at color. Simpleng lesson, complex na sakit ng ulo sa aking bilang teacher. Pero hindi ako titigil dahil isa ito sa pre- reading, pre- writing at pre- math skills. Kailangan nila master kahit man lang ito matutunan nila bago ang pasko. Ito ang na ang pinamalaking regalo na matatanggap kp.
Magsusulat ulit ako bukas kung ano ang naganap kung umubra o pumalpak.
Wish me luck.
|
|
| 4 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Oct.24.2006 @ 11:00 pm
|
Inimbita kami ng isang paaralan sa Bronx upang magkaroon ng lab site observation. Ang pakay nila ay ipakita sa amin ang ibat ibang paraan ng pagtuturo lalo na sa mini schools. Uso ang mini schools dito sa New York (a school within a school) para mas lalong matutukan ang mga mag-aaral. Talagang namangha ako at NAINGGIT, NADEPRESS, NAGMAKTOL, HALOS MAWALA SA SARILI sapagkat ibang iba ang senaryo nganakita ko.
Ang mga sumusunod ay ang "compare ang contrast" facts na aking natuklasan sa araw na ito.
- Ang mga guro sa PS Nuwebe ay magaganda, in fashion at may poise. Para silang mga modelo straight from Bloomingdale’s Catalogue. Bakit? Kaunti lamang ang stress nila sa kanilang mga klase. Hanggang 20 lamang ang bata at mga 2- 3 lamang ang may sayad. Samantalang kami sa PS isang daang trentay ____ (secret!) ay mukhang mga "thundercats" na dahil ang isang school year ay parang sampung taon. Ang aming mga estudyante ay ibang klase, ibang klase na hindi ko mawari kung anong kategorya sila sa DSM IV.
- Ang mga guro ay MASAYANG nagtuturo, konti ang tensyon. May ilang pahkakataon na kailangan nilang magtaas ng boses. Ang himala na pinapatotoo ko ay isang tingin lang sa bata ay titigil na ito. Wala man lang akong narinig na mga salitang nagsisimula sa titik F, W at B. Samantalang sa aking paaralan, sa bawat tangka na patigilin ang mga bata sa pagpatay sa kanilang kamag- aral, lahat ng salita na nagsismula sa titik F, W, C at B ay maririnig mo. Snack ko na lagi ang tawaging babaeng aso. Mataray kase ako at talagang titigil ako para awatin ang mga batang parang sinasapian sa hallway lalo na kapag tinatawanan nila ang aking special education class. (may mother instinct pala rin ako)
- Ang administration ay kalmado pero laging nasa punto. Ang sabi ng mga guro, kapag may problema at hindi sila kuntento sa performance ng mga bata o ang paraan ng pagtuturo mo, kakausapin ka nila in private. Sa aking paaralan, isang katangahan ng isang guro, kasalanan na ng lahat. EMERGENCY MEETING! At tiyak pagagalitan na kami nang hindi naman namin alam ang aming sala. Micro management ang tawag dito.
- Halos kumpleto ang materyales ng paaralan. Lahat ng bata ay may notebook at sapat na bilang ng lapis at pang kulay. Sa aking paaralan, WALA! 3 out of 13 students lamang ang nagdala ng 4 na notebook. Ang iba ay binilhan ko na. Dakilang guro ako dahil gusto ko lahat ay may notebook, folder, pencil, markers at crayons. May allowance kami pero pang sundot kulangot lamang. Natanggap ko sa mailbox ang isang credit card bill statement ko. Kasing taas ng kawayan ni Malakas at Maganda.
- At ang OBVIOUS na pagkakaiba ay ang mga guro ay mas may kalayaan na piliin ang paraan, libro o teknolohiya upang ituro ang mga konsepto sa mga bata. Hindi sila frigid, I mean rigid. Very flexible sila (para silang nagpi pilates). Busy ang mga bata dahil maraming activities ang pinapagawa ng mga guro. Katwiran ng isang guro doon, "We know our kids, so we teach what they need to learn at the level that they can achieve it." Sa amin naman, sangkaterbang papel at memo ang pinapasunod. Every month ay iba iba ang schedule kaya hilong talilong na kami. Pero ako ay matigas na ang ulo. Basta sarado na ang pinto ng classroom ko, modified lahat para at least at the end of the day, may natutunan ang aking mga alaga. Kahit man lang malaman nila na ang bulaklak ay hindi puno.
Pilit ko rin na intindihin ang mga rason at patakaran kung bakit hawak kami sa leeg ng administasyon. "At risk" school ang aking paaralan. Ibig sabihin kaunti lamang ang pumapasa sa nationwide tests. Very low ang scores at ang dami pang safety and behavior problems ang hinaharap namin. Bukod sa pawis ng dugo namin na sanay maisiksik kahit papaano ang 1 + 1= 2 sa kokote ng mga bata, punching bag kami, tagabili ng supplies, counselor at iba pang roles ay aming inaako. Mahal ko ang pagtuturo pero may mali sa sistema namin at sa totoo lang nabubwisit na ako. Wala ako magawa pero ang tiyak lang ay pilit ko pa rin na gawing masaya ang pagtuturo sa aking klase. Matigas kase ulo ko na ngayon, di na laging sumusunod (hindi naman po ako insubordinate) pero alam ko na idifferentiate what my students can and cannot do.
Mga mambabasa, magsusulat ulit ako tungkol sa isyu na ito kapag naging Principal na ako (suntok sa planetang Venus) at sisiguraduhin kong may mababago sa sistema sa aking paaralan. Dahil mula 8: 00 am hanggang 3: 00 pm, ang mga bata ay umaasa na may matutunan sila. Hindi tama na pumapasok sila upang makipag- away sa classmate, sa schoolmate lalong lalo na sa mga guro.
Sana ay may natutunan kayo lalo na sa mga papunta dito upang magturo. Swerte kung very supportive ang administration mo plus ang community ay okey sa alright pa pero kung sa gaya ko na medyo may "tinkerbell" ang mga bossing at G force community ang pinanggagalingan ng mga bata, PASENSYA at TIIS LAMANG. Basta ang importante ay makapagturo ka ng may dangal.
Simula bukas, paninindigan ko na ang mag –heels para naman hindi ako mukhang stressed sa teaching. Subukan ko rin na ngumiti.
|
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Oct.18.2006 @ 10:33 pm
|
*** Hindi ko ito isinulat upang magyabang sa aking mga kababayan ko. Ang tanging pakay ko ay malaman ng maraming Pilipino ang mga sakripisyo at ang mahabang proseso upang makakuha ng berdeng card. In other words, kailangan ko ng empathy dahil nawawalan ako ng loob. Malungkot ang manunulat sa kasalukuyan****
Pangatlong taon ko na ng pagtuturo sa New York. Bukod sa pagod sa pag- aalaga ng mga estudyante na may special needs, kailangan ko pang makisama/ makisayaw sa mga boss ko. Hinihintay ko pa rin ang referral letter ko galing sa Principal. Ito lang ang tanging requirement upang masimulan na ang aking green card application. Dagdagan mo pa ang walang katapusang paghingi ng mga kamag- anak sa Pilipinas na ang paniniwala nila ay parang dumudura lang ako ng dolyar. Habang iniinom ko ang instant chocolate shake ko, napaiyak na lang ako. Hindi silent pero humahagulgol na parang aso. Para ba akong nawawalan ng pag- asa at naiisip ko ang MALAYONG paglalakbay at paghihintay upang talagang maging stable ako dito. Bukod pa rito, ang $1600 na down payment sa lawyer ang nakadagdag pa sa aking stress. Hindi ko pa sigurado ang suma total ng lahat ng aking gagastusin pero ang aking hula ay kaseng bigat ng aking logs (legs) na nakatayo mula 8 am to 3 pm.
Pagkaraan ng sampung minuto, nahimasmasan na ako at nakapag- isip na naman nang maayos. Inisip ko kaagad kung saan ako kukuha ng down payment plus ang hinihingi pang pambayad sa utang na hindi ko naman inutang sa Pilipinas. (Hirap talaga ng buhay ng OFW!). Wacha! Naisip ko na may lines and loans ang aking bangko. Binasa ko ang terms, feasible so tumawag ako sa loan hotline. Daming tanong parang magsa- sign up ako sa US army. Bukas ko pa malalaman. Sana ma approve ang aking loan. Kapag hindi, utang sa isang bangko pero kaseng taas ng kawayan ang interest rate.
Plan A- Citibank Loan
Plan B- magsasayaw ako sa kanto ng Zerega Avenue, sana kahit penny eh mabigyan ako ng mga NYorkers habang pinagkakamalan na may sayad ako.
Plan C- magpe- perform ako sa Subway, kaya ko nang i- execute ang criss cross and double leg stretch ng Pilates. Willing akong gawin ang position na ito mula Pelham Bay hanggang 42nd Street. Siguro naman may maaawa sa akin.
Plan D- ibenta sa Ebay ang aking Snowglobe Collection at ang aking Xbox, PS 2 at DS Lite. Willing akong itigil ang aking addiction sa Video Games.
Plan E..... any suggestions?
|
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Oct.16.2006 @ 10:07 pm
|
Lumulutang ako sa langit dahil nabili ko na rin ang lastest cellphone from T- mobile, ang Sidekick III. I got a good deal courtesy of my Indian friends and I did not pay any tax. Siyempre dinaan ko sa aking United Nation skills for world peace. Anyway, alam ko kung ano ang tanong ninyo, "Ano ang koneksyon ng bago kong cellphone sa pagtuturo?" Marami, at isa isa ay mahalaga para sa aking survival sa aking pangatlong taon ng pagtuturo sa Big Apple.
1. Ito ay may built in camera (1.3 megapixel which is not so bad), This is so handy to CAPTURE the KODAK moment kapag nagwawala ang isang estudyante sa loob o labas ng classroom. Ginawa ko na ito as supporting document para ma suspend ang isang bata. Sobra naman na kase dahil ang tingin niya sa mga upuan at mesa ay mga bato. Nagkataon ng tinamaan ang tuhod ko so ayan "Click!" , caught on candid camera siya. On a positive note, it can take pictures of some class activities na pwedeng idisplay sa Bulletin Board as proof na talagang sila ang gumawa ng kanilang art project. I can connect it to my laptop then transfer to pictures then have it uploaded and printed in Walgreens. High tech ba?
2. Ito ay may enhanced MP3 player which can hold up to 500 songs. Yes mga kapatid, addict na po ang manunulat na ito sa MP3 players so all I need to buy is mini SD card (2 GB) para mailagay ko ang lahat ng kanta ni Micheal at Janet Jackson (cool ang latest album niya). Habang prep ko at humihinga for 45 minutes, I will be in utter bliss listening to the sounds. Ito ay para maging intact ang aking sanity. In other words, para hindi ako ma "Tinkerbell."
3. I can browse the web 24/7. Nagdagdag lang ako ng $20 a month for unlimited internet connection. Kapag may umapi pa sa akin na G force na Boss o katrabaho, email kaagad sa NYCBOE o sa UFT para mag file ako ng grievance. Tutal ito naman ang latest trend sa school. Reklamo dito, reklamo doon. Kaya love na love ako ng aking AP, katwiran ko lang, kung madadaan sa magandang usapan, mas okey. Hindi yung parang bata na magsusumbong dahil sa kanuting bagay or AYAW lang magturo. I think it is unfair dahil pareho pa rin ang sweldo nila. Unfair dahil sa akin "tinatapon" ang mga ayaw nilang estudyante. Kung hindi lang sa lintik na "berdeng" card, malamang nagreklamo na rin ako. Walang plastikan ito, USER FRIENDLY lang ako at ang BOE. I teach their most difficult students and they sign my referral letter to become a full pledged NYorker.
4. Ito ay may notepad para angkinin ko rin ang role ng secretary tuwing nagaattend ako ng sangkatutak na meetings at nakakaranas ng OVERLOAD ng info like "These are the standards, this is the rationale, this is the guidng question, make your unit of study for this month." Hilong talilong ako at lagi kong nawawala ang mga notes ko. At ang siste sa akin, kapag bored ako sa meeting at inaantok, I tend to doodle and scribble. Minsan, natapos ko ang isang obra maestrang winnie the pooh sa cover ng aming curriculum standards. Natawa na lang ang espanolang guro na katabi ko kase siya naman ay naglilista ng grocery.
5. Bluetooth/ Hands Free Set. Kapag hindi na umubra ang santong dasalan at mini "psycho" na ang aking alaga. Tawag sa parent (hands free) dahil sabay hawak ko sa balikat ang nagpupumiglas na biik (hehehehe). Bihira ako tumawag sa parent when it comes to behavior problems ng kanilang spawn. Severe o grabe na talaga ang ginawa nila tulad ng pagtangkang pagtalon sa bintana.
6. Pinakamahalaga..............tadaaaaaa!!! Ang Yahoo Instant Messenger. Habang lunch, prep, habang conferencing (aka, observation plus little note taking) pwede na ako makichika nang sandali sa mga friends ko online. Breaking the rule ba? Hinde kase pati AP ko ay nasa yahoo list ko, at 24/7 online din siya. Kadalasan, kapag may request siya sa akin, gamit niya ang kanyang blackberry to call me. Ngayon sasabihin ko na lang na mag IM na lang siya sa akin kapag may ilalagay na naman siyang paslit na ayaw tanggapin ng ibang teachers.
7. Higit sa lahat, upang ipinagpupugay ko na ako ay Filipino who belongs to the Asian Race. Di ba, trademark natin na dapat laging latest ang ating cellphones. Well, hindi pa rin ito naalis sa akin. Gusto ko sana Nokia kaya lang wala dito yung latest model. Aba! hindi lang mga G force ang dapat meron ng latest. Mas may poise naman tayo at DANGAL na gamitin ang mga pinakabagong teknolohiya. Proof na ang bilis natin sa pag text, pag IM at pakikipagusap sa cellphone nang hindi naman naririnig sa magkabilaang east and west coast.
8. Bakit ko ito isinulat? Excited lang po ako sa ang latest gadget. Pasensya na, bagong salta pa rin kase ako dito.
PS. Sa mga susunod na buwan, lalabas ang ilan sa aking mga articles about teaching in New York in Seventeen Magazine. Abangan niyo na lang po. Makulit ako kaya pati magazines dito ay binulabog ko na rin.
Magandang Gabi. |
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Oct.11.2006 @ 11:22 pm
|
May bagong trend sa school ngayon, ang magreklamo sa union dahil overcrowded ang classrooms, overstressed teachers nd lack of school funds Okey sa alright kaya lang ang siste eh, tinatambak naman sa klase ko ang mga "in dire need of rehabilitation". Nagsimula ito last week tapos 2 teachers na ang sumunod. Well dito sa New York, pwede mong gawin ang gusto mo, may katwiran ka at malaki ang union fee mo, lahat pwede mo ireklamo. Ang nakakainis lang, wala namang ipinapalit na teacher para sa mga bata na ito. Sabi nga namin ni Lynne, "dumping sites' ang klase namin. Bukod sa on probation pa kami, green card ay nakasalalay at may .01 % above the extreme level of patience kami, wala kami choice but to accept them.
Kaninang umaga, may inilagay sa akin na talaga naman tumesting sa pasensya ko. 1st grade pa lang po pero ala "Texas Chainsaw Massacre" na ang attitude niya. Walang ginawa kung hindi magmura in spanish, magkalat ng gamit sa room at daganan ang mga estudyante ko. Dinaaan ko sa
1. Pakiusap aka mature talk
2. Tough Love (sabay restrained ng mga paraprofessionals)
3. Rewards aka Bribery (wala nangyari, pumalpak!)
4. Kinausap in private, (lahat ng spanish na mura inabot ko)
5. Tinawagan ang security officer dahil biglang nagwalk out sa klase
6. Tinawagan ang gym teacher, pati siya tinapunan ng Lego at tinawag na babeng aso.
7. Pinipigil ang paghinga dahil baka mabigwasan ko na siya
8. Last pakiusap, wala pa rin..... tanga na ba ako?
9. Hinanap ang AP, asa meeting
10. Tumungtong sa desk at magda- dive sa mga "babies"ko. Leche! (in my head only)
GET OUT OF MY CLASS! GET YOUR BOOK BAG AND YOU ARE NOT ALLOWED TO ENTER THIS ROOM ANYMORE!
.............nakakapagod......nakakainis.......tama ba ako? .....hinabaan ko pa ba dapat ang pasensya ko?
Bukas, alam ko may ilalagay na naman sa akin. Dinadasal ko na lang na bigyan pa ako ni Lord ng isa pang timba ng pasensya. |
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Oct.08.2006 @ 12:07 am
|
Pagsakay ko sa 6 train sa Grand Central, nakatabi ko ang isang Caucasian woman na obvious na fashionista. Ilang shopping bags ang dala niya at isa isa niya tinitingnan ang mga damit na nabili niya. Ako naman dahil may gene ng pagkausisera (courtesy of Pinoy heritage) ay nakitngin din. Kitang kita ko ang mga price tags na walang red dot (which means on sale) but sa original price niya ito binili. May tan cashmere siyang sweater na inilabas, galing sa store ng Escada. Ang ganda, sobrang ganda na maiyak iyan na ako dahil gusto ko hawakan. Ma- feel ang texture. As usual ang mga NYorkers ay dapat in lagi sa fashion. Ang price tag ay tumataginting na $375.98. Inisip ko na lang na chinarge niya ito sa sa kanyang credit card. Para ba akong sinapian, gusto ko rin bumili, kaya ko naman di ba? May 7 naman na akong credit card at lahat sila ay in good standing. Pwede ko icharge, pumunta sa 5th avenue, pumili between Pucci o Escada para bumili ng sweater. Bumaba ako sa 59th street, lumakad lampas ng Lexington, Park, Madison at 5th. Nakita ko na ang store ng Escada, parang may "voices" inside my head na sinasabing "Enter! Buy that sweater." Pumasok ako handa nang kunin ang sweater na gusto ko. " I deserve it! Pinaghihirapan ko ang sweldo ko, nagpapadala pa rin ako sa Pinas at nagbabayad pa rin ng utang na hindi ko naman utang!" Nakita ko sa rack, hinimas himas ko at nilagay sa pisngi. Ang sabi ng saleslady, "It matches your lipgloss and it's a good price."
Ngumiti ako sabay talikod. Naisip ko pwede ko bilin ang mga designer clothes na mga ito. Tustusan ang mga luho gaya ng mga ibang NYorkers kaya lang wala ito sa nature ko. Lumaki ako na tanggapin at magpasalamat kung meron. Kung wala, cardis (wild beans) na lang ang pagkain namin. Sanay ako sa hirap, ginhawa tapos hirap tapos ginhawa. Hugis itlog lang ang buhay namin kaya sala sa init at sala sa lamig, kaya ko at ng aking mga kapatid. Mentally kong kinalculate ang price, isang napakagandang cashmere sweater, pampadala ko na ang iba nito kay lola, pambayad sa cable, grocery for a month. Siguro hindi pa panahon, siguro sa kikitain ng librong "Ang New York ay Isang Isla", makakabili rin ako ng panyo galing sa Escada, pwede na siguro yung $52.98. Mura no?
Para naman hindi ako magtampo sa aking sarili, pumunta ako sa Old Navy sa 34th Street. Sale, yahooo! Tatlong blouses ang binili ko at take note $6.97 lang ang isa. Kuntento na ako. May pang Fall Fashion na ako. |
|
| 3 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Oct.04.2006 @ 11:05 pm
|
Sa Lunes,bakasyon na naman in observance of Columbus Day (yahooo!) . Siya ang tinaguriang dumiskubre sa Amerika na ang akala niya ay ang New World. Ano ang koneksyon niya sa isinusulat ko? Marami, mas marami pa sa buhok sa isang taong "Shagi"..... Sha Gilid ang Buhok.
1. Lahat ng OFW ay parang si Columbus, maraming hirap ang dinaanan upang makarating sa "Promise Land".
2. Maraming pera din ang nagastos ni Columbus sa kanyang expedition. Tayo rin, lahat ng "bangka"/ piggy bank ang binasag upang makaabot sa ating destinasyon.
3. Nawalan rin ng direksyon si Columbus. Isipin natin ito mga kababayan. Hindi ka man nakapunta sa New York upang magtrabaho, andyan pa naman ang Virginia, Maryland, New Mexico at Florida. Never give up, never surrender, no retreat, walang urungan (over na ba?)
4. Nakisama din si Columbus sa mga "natives" ng Amerika. Tayo ang mga bagong "conquerors" (hindi lang namamalayan ni Bush) pero tayo ang nagpapatakbo ng kanilang ekonomiya. Tandaan lamang na ang mga taong pinanganak sa US of A ay bihirang gustong maging Nurse o Teacher. Jackpot tayo mga kapatid! Unang iyak pa lang, sinabi na ng ating nanay, "Anak, magiging nurse ka/ magiging sped/ science/ math teacher ka!" I AM SO PROUD OF YOU! (Huwag ka lang magpabuntis o makabuntis)
5. Pinagsamantalahan ni Columbus ang Amerika. Ni- rape niya ang natural resources at iba pang yaman ng New World. Nandito rin tayo para maging "Robin Hood" (hindi literal po). Nagiging Batman pa tayo sa paggamit ng "resources" ng Amerika upang umangat naman ng kaunti ang ating Third World Country (hindi ito insulto ha, katotohanan ito) Pero tayo naman mga Pinoy ang nakakapasa with high scores sa mga state examinations. Obvious na obvious ito sa mga batang pinoy na galing diyan na dito na nag- aaral.
6. Taon taon, maraming "Christopher Columbus" ang nagpupusta, nag mamakaawa sa mga kamag- anak para pautangin at naghahanap ng mga hindi manlolokong agencies.
Ang tanging hiling ko lang ay maging maayos, ligtas at legal ang paglalakbay ng mga Columbus na tulad ko. |
|
|
|