Ang New York ay Isang Isla
Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Ang New York ay Isang Isla
Apartment 102
Comments from Visitors
Filteany Vlogs on YouTube
Instruction for Site Visitors
Must Read for Filipinos
New York is An Island
Poems
Proud to be Pinoy!
Random Thoughts
Teaching Experiences
YouTube Pinoy Friends' Messages
My Photos
Florida Escapade
Hazel - Filipina Teacher In New York
New York Spots
Members
Sign In

Entries in "Ang New York ay Isang Isla"
<< < | 2 3 4 5 6 7 8 9 | > >>
Paano makalabas sa Teritoryo ng Pilipinas 2
5 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.11.2006 @ 11:01 pm

Pagkatapos mong siguraduhing legal at nag- eexist ang ang agency mo, it is time to map out your financial plan. Karamihan ay upfront ang agency fee, yung iba naman ay salary deduction. Okey rin ito kaya lang kailangan mo pa ring gumastos para sa iba pang anik anik ng agency.

Steps:

1. Draw lots. Sino ang mauunang ibebenta? Si Islaw, Becky, Betty Biik o si Dick Itik? Isasama mo rin ba ang buong pamilya nila?

2. Budget. Budget. Budget. Ang average na magagastos mo ay half a million pesos (yes mga kapatid) kaya humanda ka sa pag luha ng ninoys at singko.

3. LAHAT NG TRANSACTION AY DAPAT MAY RESIBO. May negative na ako experience. Masakit pa para ikuwento ko sa inyo. In short, halos makipagpatayan ako dahil wala sa record na nagbayad na ako for my visa application.

4. Dahil sa walang atrasan, gumawa ng listahan ng maraming excuses para mag absent sa trabaho nang hindi nakakahalata si Bossing. Huwag muna ipamalita na nag aaply hanggang may pulang itlog na lumabas.

5. Bukod sa finances, maging "JACK OF ALL TRADES KA, EFFICIENT IN EVERYTHING" Well almost. Paano? Lalo na sa mga guro na tulad ko............... abangan sa susunod na kabanata.

Magandang gabi Pilipinas.

Paano Makalabas sa Teritoryo ng Pilipinas
5 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.10.2006 @ 12:19 am

Hindi ko na babanggitin ang mga dahilan kung bakit maraming Pilipino ang nagnanais na makalabas ng Pilipinas. Sa kadahilanang isang sobrang kapal na libro ang maisusulat ko kung ito lang ang topic at marami pang pulitiko ang mabibigyan ko ng limelight. Tama na ang kanilang "good" performance as a public official. Sobrang "ginhawa" nga ng buhay natin dahil sa "kaunlaran" na idinudulot nila.

Heto na at sisimulan ko na ang unang bahagi ng paksanang "Paano Makapunta sa Amerika". Bilang isang guro at alam ko na ang mga isusulat ko ay pinagdaanan din ng libo libong OFWs sa buong mundo.

1. Bukod sa timba timbang lakas ng loob, humanap ng agency na "tutulong" sa iyo. Hindi ko sasabihin ang agency ko dahil sobrang mahal na ang kanilang fee at talaga naman piniga ang bulsa ko. Magtanong- tanong sa mga kaibigan o mga taong nakapunta na dito kung anong agency sila lumapit. (Send kayo ng message sa akin para makapagbigay ako ng listahan ng good and legal agencies)

2. Alamin mo talaga kung anong trabaho ang gusto mo. Maganda kung within the "wave" ka. Ibig sabihin nito ay kung nasa pangkat ka ng mg Nurses, Teachers, Engineers, Health Care Providers. Jackpot ka kase mabenta ka mga prospective buyers este employers. Psychology graduate ako pero kumuha ako ng education units plus a graduate degree in special education para maging ninja ako. Jackof all trades, proficient in every phase. Dapat ganito mentality mo. Broaden your horizon. Alam ko na ang daming doctor ang kumukuha na ng nursing para makaalis. Big irony talaga pero kailangan para may kainin si Muning at si Tagpi nang 3 beses.

3. BAGO KA MAG- DOWN ng PERA sa AGENCY mo, SIGURADUHIN MONG HINDI ITO MANLOLOKO kung hindi kawawa naman ang paggawa ng tapa kay Islaw the Kalabaw. Contact the DOLE there or gayahin ang tulad ng ginawa ko, tinawagan ko ang Uncle ko dito to verify na may agency sa Manhattan under that name and they are really connected to the Board of Education. Hinintay ko muna ang resulta ng imbestigasyon niya bago ako nag "money down!"

4. Isipin mo na wala nang atrasan ang laban kaya ihanda mo na rin ang bulsa mo, bulsa ni honey o bulsa ni Tatang. Mga magkano nga ba ang magagastos mo habang ikaw ay nagno- novena sa Baclaran upang mapaalis ka ng agency?

....................Estimate, anyone? Sige sasabihin ko sa susunod na kabanata............

Homework:

1. Legal ba ang agency mo? Check!

2. Aside from the local contact numbers of the agency,  kunin mo ang contact  number and address nito sa state na pupuntahan mo. You can search too on the net.

3. Gumawa ng Plan B kung hindi umubra ang Plan B (kung hindi ka nakaalis sa una, what is your alternative mean?)

Steps para makapunta dito sa New York
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.06.2006 @ 11:17 pm | Last edited: Sep.06.2006 @ 10:32 pm

Marami ang nagtatanong kung ano ang gagawin upang makapunta dito sa New York.

Bago ko ibigay ang mga alituntunin, answer yes or no sa mga sumusunod:

 

1.Handa ka na bang mawalay kay Islaw Kalabaw, Becky Baboy at Dick Itik?

2. Ang wife mo ba ay nagger, laging naka- rollers at nagmamajong?

3. Ang husband mo ba ay lasinggero at palamunin mo?

4. Palamunin ka ba ni Pader at Mader?

5. Lampas ba sa isa ang iyong anak?

6. Handa ka bang mag undergo ng tremendous stress habang naghihintay?

7. Kaya mo bang i give up ang bagoong at patis?

8. Handa ka na bang matutong gumamit ng mapa?

9. May NYorker wardrobe ka na ba for interview?

10. May nahanap ka na ba na agency na peperahan este magpapaalis sa iyo?

If most of your answers are no, love na love mo ang ating gobyerno at naniniwala ka na lahat ng pulitiko ay tapat. If most of your answers are yes, READY KA NA TALAGANG PUMUNTA SA NEW YORK.... Ano ang proseso? Bukas o sa makalawa niyo malalaman, Nabitin ba?

 

Pagkadapa sa 77th Street
2 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.03.2006 @ 11:40 am

Umuulan nang malakas kahapon pero hindi ito pumigil sa akin at kay Tonnie (ang aking bisita from Tapei) na pumasyal at mag- shopping. Pagkatapos namin kumain ng sangkaterbang sushi sa 83rd street, niyaya ko siyang maglakad papuntang 77th street para makita namin ang mga Organic Stores. Habang patawid, bigla na lang ako lumagapak sa gitna ng daan at siyempre nawala ang aking poise at tumilapon ang aking pulang payong. Yun pala ay may butas sa daan at natapilok ako, blame mo na rin sa pagmamadali ko kaya nag - Miriam Quiambao ako sa plain sight ng ibang NYorkers. Tanging dalawang tao lang ang tumulong sa kin.

1. Si Tonnie na nagulat din dahil bigla akong naging palaka sa tabi niya.

2. Isang puti na iniabot ang aking paboritong payong.

Ang ibang tao, diretso ang tingin na parang walang nakita. Ang mga driver ng mga kotse na kung nagkataon ay green light ay walang pakialam na sasagasa sa akin. While nursing my bruised ego (idagdag mo na rin ang right tuhod ko), I learned 5 more things about New York.

1. Wala sa bokabularyo ng  New York ang empathy.

2. Hindi titigil ang mundo ng Nyorkers kahit may madapa, mahulog sa manhole o mabagsakan ng kable sa daan.

3. Sasagasaan ka talaga ng mga sasakyan kahit mahimatay ka sa gitna, obstruction ka, ibig sabihin ay sagabal ka sa kanilang oras.

4. Kung dedma sila, dapat maging dedma ka kahit ang paa mo ay nasa ulo mo na.

5. Worst case scenario, magdala lagi ng plastic bag para pangsalo sa iyong dugo kung kaya mo pang maglakad papuntang ospital dahil 1 out of 1,000.000 lang nga NYorker ang tutulong sa iyo. Pag lumabas na ang bituka, dial 911. Siguraduhin mo lang na maganda ang iyong health insurance dahil paglabas mo ng ospital, babayaran mo ang ambulance mo between $500- 800. Enough na ito para maputol  naman ang iyong kabilang paa.

.........okey pa naman ako at dahil labor day weekend sale, ang aking pipilay- pilay na paa ay hindi makakapigil sa akin para lumarga..................

Mentalities/ Habits na hindi nakakabuti sa mga Pinoy, ALISIN!
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.02.2006 @ 12:10 am | Last edited: Sep.01.2006 @ 11:12 pm

 Ang mga babanggitin ko ay dapat nating alisin hindi lamang kapag umapak na tayo sa border ng ibang bansa kung hindi ay sa mismong bayan natin. Sa lahat ng Filipino na makakabasa nito, sana ay maging "Bonifacio" ako sa inyo na ma- inspire upang magbago before Doomsday.1. Ang "Hiya" factor na nung nagpaulan si Lord ay kutsarita lang ang dala ko. Ito ay hiya sa pagtatanong, "pagtanggol" sa sarili at yung simpleng pakiusap sa kapwa dahil baka may masabi.                       Ang "Hiya" Experience ko ay nasa libro po. 2. Ang pagiging "last minute" o manana habit na ako ay guilty rin. Naranasan ko ito kay Dr. Leal, sabi niya ay "Give me in two weeks you finished study of literature." Ayun halos naipasok ako sa psyche ward dahil para akong bampira na gising buong magdamag at mukhang raccoon sa umaga dahil sa all over eye black circles ko. Ang paghihintay na mahulog ang bayabas ay hindi uubra.

    Ano ang nangyari sa mga hindi "Darna?"…………sa pahina 130.
3. Ang "Lobster Mentality". Alam ko na sasabihin niyo dapat "Crab" mentality pero mas malaki kase ang lobster at mas feel ko kainin pag candle lit dinner. Nakakainis kase lahat ng mga OFW ay naghihirap para makapagpadala ng dolyar sa atin tapos may panahon pa ang karamihan na mang- intriga, mainggit at mag tsismis. Hindi pa ako canonized at nang- iintriga rin ako pero ang comment ko ay para sa ikabubuti nila tulad ng "Ang yabang naman niya, nakakita lang ng snow at nakapabango ng Gap, akala mo na kung sino, baka joke joke joke siya ni Lord" o "Ano ba naman siya? Kumuha ng kulasisi, kasing pangit ng paa ng dati kong bisor." Iba ang pinagyayabang sa inuusisa. 4. "Statues of Liberta and Liberto" ay famous dito. Aaminin ko na kami ang pinakamataas na sinuswelduhan na teachers sa sa buong US pero ang cost of living sa New York ay mataas din so break even lang. Liberta o Liberto ang tawag ko sa mga YUMABANG at nagbago ng ugali dahil lang $65,021 ang kanyang annual income, nakarolyo at natikmn na ang snow at monthly nagpapadala ng balikbayan box. Hindi ko lang masabi "Dahan dahan at di pa tayo citizen, baka sa susunod na balikbayan box na ipadala mo, ikaw na ang laman." Nangyari nga ba ang "balikbayan box scandal?" ABANGAN!

 

Tukso sige lapitan mo ako!
3 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.28.2006 @ 11:27 pm

 

Sa mga may Asawa na papunta dito, asa eroplano papunta dito at andito na, Paano Umiwas sa tukso?

(O layuan mo ako)

 

            Bakit ko nga ba pinili ang paksang ito?  Ewan ko pero may nagtulak sa akin dahil isang malapit na kaibigan ko ang napariwara at nabiktima ng kalandian ng isang latina (hindi ko nilalahat ha). Sinubukan naming siya i- save siya pero dahil sa galing ng pag tumbling ng Latina, wala na hopeless na. Hindi ito isolated case. Sabagay, mapunta ka ba naman sa bansa ng nagsisigawang mga boobs, mga babaeng agresibo na marunong mag split sa kama, walang humpay na makikipag PDA sa iyo at siyempre magagayuma ka rin sa ibat ibang kulay ng mga mata. Blue, Hazel Brown, Grey, Green at siyempre jackpot ka kung Violet!

 

Ito ang mga suggestions ko upang makaiwas sa kahumahumaling na tukso:

 

1. Mag sariling sikap. Gamitin ang mga kamay. Hindi po santa ang manunulat na ito. Simple at praktikal.

 

2. Tumira kasama ang mga ibang Filipino na nakuha na ang kanilang pamilya. Tiyak na hihinahon si "Birdie" o "Pukachoo." May mga activities para sumaya rin sila (sa book ang complete details)

 

3. Ang serbesa ang isa sa mga dahilan kung bakit lumalakas ang loob mong mag surrender sa iyong libog. Kung lasinggero/ lasinggera ka sa atin, mag cold turkey ka dito i- convert mo lagi sa peso ang isang can ng Budweiser. At hindi masaya ang inuman kung walang pulutan. Remember, bawal kainin ang aso dito. Animal cruelty yan!

 

4. Huwag na huwag mong aalisin ang wedding ring mo. Kapag dinidikit na ng katrabaho mo ang kanyang boobs sa braso mo………ano ang iyong gagawin? Tumpak ang hula niyo,  nasa sa softbound edition ng "Ang New York ay Isang Isla" ang sagot,

 

 5. Kapag natutukso ka na talaga, sabihin mo sa isang pinagkakatiwalaang mong kaibigan. Pustahan tayo, kinabukasan alam na ng buong baryo mo at natural ng asawa mo ang "muntik" mong ligaya sa piling ng isang hot mama. Sa isang libong text at email na gagawin niya, sapat na ito na talikuran mo ang boobs este ang tukso.

 

6. Tandaan na ang cheating ay hindi lamang sa pisikal. Mas kumpleto at mas matatauhan ang mga may balak kumaliwa o tumuwad kapag binasa nila ang buong detalye ng numero 6 sa libro. Pero para hindi niyo naman ako sipain dahil premature ejaculation ang tema ng aking isinulat, I will summarize it one sentence,

 

"Loneliness Loves a Horny Company"

 

Kung hindi niyo makayanan ang mga sinabi ko, in danger kayo na mambabae o manlalake dito o sa iba pang bansa. SUGGESTION KO, kapag lumabas ang libro, pinapayagan ko kayong I- xerox ang pahina na ito at i- enlarge, ipa- laminate at ipaskil sa dingding at basahin nang basahin even while taking a cold shower.

Latest Comments on the Book
11 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.27.2006 @ 12:21 am | Last edited: Dec.23.2006 @ 12:21 pm

Salamat sa lahat ng comments. Dahil hindi na magkasya sa isang pahina, gumawa ulit ako ng space para sa inyong mga messages.

Message from "rai"

mam jo has told me about your site.. and im a graduating student of bs psych (hopefully-kung hindi lang sa dynamics hehe) anyways hmmmm...naku... ang galing! a filipino writes something about how life in a "greener pasture" is... ang galing kasi naisipan niyong magsulat ng libro (susuportahan ko yan!) tungkol sa kung anong nangyayari sa isang kagaya niyo sa bansang haaayyyy (yoko mag comment... makabayan yata to..) pero masaya kasi nakakatuwa yung mga naisusulat niyo. naalala ko nga si bob ong (kilala niyo siya?) parang female version niyo siya na stateside ang dating... good luck po... (nag post po ako sa friendster ko about your site and maybe this week magpopost po ako sa psych bulletin board at baka sa W&B pa) syempre proud to be pinoy... proud to be louisian... proud to be freudian! hehe...

 

Message from "Robin"

Hi. Na-intriga ako sa posts mo sa Pinoyteachers. Pinuntahan ko ang blog mo at nakita kong Louisian ka pala. Graduate din ako ng SLU (ECE) tapos nagturo ako sa UB then nandito ako ngayaon sa Texas at isa nang Math Teacher. I hope to hear from you.

Message from "Jo"

i've seen my studs comments on your site. she just emailed me too. wanted to give up taking up psych. encouraged her. like i'm encouraged by your postings. true, everybody has their own opinion. but guess, you have also your right to be brutally frank. in any case, what you said was not to laugh at other people's mistake or put them down. your motive was good. seeing things in a psych's eye, motive of a person speaks of her good or bad intentions. just a thought...

 

Message from "XaXa"

O TUKSO LAYUAN MO AKO!!!!! Very interesting na tema para sa mga may asawa at kahit mag boyfriend at mag girlfriend pa lang. dito nga rin sa U.A.E eh very rampant ang ganyan, actually marami akong kakilala na mga may asawa sa pinas pero dito mga single at may mga karelasyon. may mga nagsasama pa nga sa iisang bubong. masama sa mata ng tao at mata ng diyos pero di na lang ako nangingi alam kasi buhay naman nila yon at malaki na sila. alam na nila kung ano ang tama at mali. pero maganda nga ang naisip mong tema na ilalagay sa libro para magdalawang isip pa ang mga taong gusto mangaliwa. mahirap umiwas sa tukso pero nasa tao nga naman kung papatukso

Message from "Jo"

korek! a friend of mine also experienced such a tragic thing... a latina seduced the hubby & the rest is history. sabagay, kahit latina o hindi, marami pa ngang pinoy to pinoy din, when loneliness creeps in, parang nagiging malibog ang mundo...a lot of my counselees have such cases. maixerox nga ang pahinang yan sa libro mo at ipaskil sa lahat ng madaanan kong sauna, disco, lounges, etc, etc...hahahaha!

Message from "Darvin"

 hi! I'm Darvin and I saw your profile at friendster, am also a pinoy living here in Toronto. I'm in Game Dev. I was impress by your profile since my sister is also a teacher (university - Philippines). She graduated summa cumlaude from SLU-Baguio with a degree in Psychology, she also wants to teach here in North America, given the proper training. Nice website! Keep it up!

Message from "jo"

 i have 6 out of 10 YES answers... hay naku, go talaga ako... hahaha! ikaw talaga, pang-bitin ang drama mo. you know how to make "takam" your readers. it really works... hehe!

Message from "XaXa"

when i read ur latest blog regarding your 1st day of teaching namiss ko tuloy ang pagtuturo. 3 years din kasi akong humawak ng kinder class and na mi miss ko tuloy yong mga kalambingan, kakulitan ng mga pupils ko. yes, its true na parang bumalik ka for 2nd childhood kasi kailangan nila maramdaman na parang friend and playmate ka nila. yong pagkanta ng mga nuresery songs at pagbigkas ng mga nursery rhymes. tapos yong paggawa ng mga productions during program. hayy.... nakakamiss talaga. makakabalik pa kaya ako sa pagtuturo????

Message from "jo"

 re-education are not just for parents sometimes... so frustrating to know that usually, teachers need to be re-educated especially in most public schools in our country & some private schools. i have a major problem these days. my tutee who is a CWA is mainstreamed in a regular 2nd year highschool class. & it seems his teachers (private school) need to be re-educated. the administrators, who have accepted such a case are not even that willing to implement an IEP for this child. yearly, the parents of this child meet with the administrator & the teachers to update them with the child's annual evaluation. sad to say that the evaluation is just read to them & it stops there. the respected individuals DO NOT base their program to meet the needs of this special child... well, pity to the child... pity to these people... they don't see the gift beyond these special children...

Message from "mjb"

hello po. grabe, sobrang inspired ako sa story nyo at sa narating nyo na. request lang po sana ako ng list of legal agencies kasi dream workplace ko rin po ang new york.i'm mj, psych grad last 2005 and im also enrolled right now in ma sped.thank you po and more power.

Message from "Vil"

I have been reading your latest entry hazel...i can feel you.keep up the good work.Do you think my wife needs to take up masteral or teaching units for her to be absorb in your place?She's been teaching english to koreans for 8 months.I always relay your emails and updates about your website(she has no time to go in a internet cafe).

Message from "guro"

gud day. may friend akio.vivian ramirez name niya. klasm8 ko siya sa slu dati. siya nagsabi sa akin ng site n ito. ate louisian din po ako. at nagnananis n mag abroad. sa hirap ng buhay sa pilipinas gusto n mag apply eh kaso wala ako idea kung paano. 5 years n po ako nagtuturo sa elemntarys chool dito sa baguio 1 year sa st louis school center 2 years sa slu lab at 2 years ko n ngayun dito sa Ub elem. science po ang itinuturo ko at may especial training po ako sa DOST sa pagtuturo ng science. ate kung pwede po sana, matulungan niyo po ako at mabigyan ng idea kung paano makapag aaply po dyan. kahit po name po ng mga skuls n nangangailangan ng mga teachers po MARAMINGS SALAMAT AT INGAT KAYO DYAN

Message from "shin"

You are doing a great job in inspiring and guiding people to go abroad. I hope all the other Filipinos there will do the same...hmmmmm

Message from "margz"

 hi, nakita ko yung blog mo sa myspace and copied the website na nirefer mo dun. So ito ako ngayon at sumusulat sa'yo. I'm a management acctg. graduate and currently working as a bookkeeper. Finished my Diploma in Special Education last march2004 and hopefully by mid-October ay matatapos ko na rin yung ilang units ko sa Diploma in Professional Education. Para mag qualify ako sa LET Exam by May 2007. Salamat sa blog mo at marami akong nakuhang advice. Kaya hihingi sa ako nung list of agencies na possible kong ma applayan in the near future. I don't plan to work there unless I have an experience here. Kasi para sa akin, ako ay isang sundalong susugod sa giyera na dapat may bitbit na armas. At ng malaman ko rin kung ano ang mga requirement at cost. Alam mo na, maghahanap pa ako ng pera :) Thanks sa blog mo. Hope to hear from you soon....for advices or anything...God Bless

Message from "teody_dc"

 hi ... my name is Teody, just wanna know how u get-in there as a teacher coz my wife is a teacher too & she teach elementary division in Int'l Philippine School in jeddah saudi arabia, we're OFW & am leaving with my family here in the kingdom for almost 13 yrs. now. we need some information on applying as a teacher in any part of US. if you don't mind? we appreciate for your kind help. Thanks.

Message from "jo- guro"

mam maraming salamat sa pagsagot sa mga tanong ko ha. sensya ka na kung nakakaistorbo ako sayo. mam baka naman po may mga alam ka n mga school dyan sa na nangangailangan ng teachers. ung diurect hiring. kahit po adress lang at ako n po bahala susulat sa kanila. itry ko lang po kung makapasa sa criteria nila, sensya n apo kayo ha sa mga pang iistorbo at kakulitan ko po.
 
salamat salamat salamat at maraming salamat.

 

Message from"Marj"

Hello, kamusta ka na diyan? I hope you are always doin
great.. Ako heto, naghahanap pa rin work overseas.
Nabasa ko kase blog mo sa fiteany. Ask ko sana kung
anong agency alam mo? Can you send me the names,
addresses and numbers?Para i-try ko din. Nung nag
apply ka sa agency, paano nila na advertise and ilang
months ang waiting time mo bago ka nakapunta dyan sa
US?Matagal ba?  Hirap noh? Sana matupad din pangarap
ko. Salamat ha? I hope to hear from you again. I hope
naaalala mo pa ko. thhanks sa help. take care
always,God bless.

Message from "hydrer"
Your web site is cool! Loved viewing it

Message from "grascea" Hi ma'am hazel. Hope you are fine there. I just come across your blog. i know you through a friend... Ma'am Gemma Cui. hope to hear more from you...Godspeed

Message from "laniot" Hi Hazel, Nabasa ko sa poea forum tong webpage mo, sabi maganda nga daw for the teachers. marami kang matutunan from you......im actually an OT practicing sa pedia...and me masteral sa sped.....na gustong makapagturo jan sa sped....hehehe pano ba maging member ng homepage mo? thanks!

Message from "Keith"

Thanks for the reply!ang bait mo hehehe!ano kasi nung nagmail ako sa yo
d ko
pa nabasa mga sinulat mo.Science major siya.pero sabihin ko na lang sa
kanya
punta siya sa site mo.galing mong writer pre' as in inggit aketch pero
inspired at bilib ako sa yo.keep going!

Message from "Ruth"

Hi there!!! I read some of your teaching experiences and I was really amazed with the actual life of a teacher in America... You're pretty brave. Thumbs up for that... Indeed, teaching in a foreign country could be very difficult and at times, nauseating... But when I read some of your testimonies, I pondered on considering to teach abroad... I want to teach in our country however, the thought of our current economical status caused my mind to sink... I hate to say this but I need to work in a place where my sweat and performance will be fully compensated... Ma'am, I would like to ask for your help... I'm not fully equipped with experiences since I just graduated last year but I want to try my luck... Thank you so much and I'm looking forward to your response... God speed...


Message from  "Ruzzel"

Hi! Thanks for the truthful insights about Filipinos' working conditions in New York, USA.

Message from "Marjo"
Hi Ma'am Hazel,

How are You? I hope you're always doin fine. Ma'am,
can I ask you some opinions and  advises? Ma'am, I
hope you still remember me. I really love to be
relocated there in US for employment. I always send
applications there as caregiver and employers will
also call me in return for an interview, but the
problem is they always get disappointed from the time
they will inquire at the embassy because of the long
processing time. And I also always got disappointed
with this. Now here comes my uncle, who is already a
citizen there in US and he told me that the easiest
way is thru a tourist visa and in that case he is
willing to help me. Ma'am if I will get that tourist
visa, do u have any idea how much will i spend? and if
God permits, can a tourist visa be changed into a work
visa, etc? there in US?I hope to hear from you again
Ma'am soon. Please help me Ma'am,  I need your
advices. Take care always and God bless you. Mwahh!

Message from "Kris"

hear what U R saying Hazel, I was just talking about how sometimes other people's misery makes U feel like your life is not so bad b/c it could always be worse.  My motto is be grateful for what you have and don't complain about what you don't have....I try to find a positive in everything...and say whatever doesn't kill you will only make you stronger....but we are all entitled to our "scrooge" days its fun to be a scrooge sometimes and funny (LOL)...

 
Your birthday is your day and it only comes once a year so don't let anything get in your way and celebrate your life because you deserve it...You owe it to yourself........Have fun you are still in your 20's so don't start counting that biological clock (hell women are having kids in their 50's)....Take it day by day Hazel, shit is fucked up but they say if God gives you lemons.........make lemonade.....and drink up it can be delicious (LOL)...
 
Thanks for the insight I enjoy reading your work,

Message from "Karen"

Teach, Happy Birthday....love the recent articles! Nikolle Ann will be having her First communion. try to send you pix next mail. Ingat and God Bless always

Message from "Marjo"

frustrated incorporated... got so frustrated. inspired by your courage. scared too. confused. gusto ko pa bang makapag-abroad na sped ang linyang papasukan? money. kung green dollar lang ang iisipin. ang rason, think i'll die in vain. in three seconds, wala na akong mukhang ihaharap. but loving the profession. loving the vocation. loving the kids. evrything fall into the right places. hanga ako sa yo. you're tough. you're strong. di ko yata magagawa ang mga ginagawa mo. but as you say: sieze the day! you don't need to be canonized to be a saint. the love of your kids that show in the way they speak of you & follow you & immitate you, are proofs... enough that you are on te right track... ilalakad ko na lang ang pagka-canonize sa yo. hahahaha!!! ang tanong na lang: will i still move on with my American dream? ngiiiiihhhh!!!!

Message from "Benilda"

I read your interesting manuscript. I remember exactly how I felt when
I
was there, but it was many many years ago. It was nice to read.
However,
we cannot accept it for publication. It is not part of our publishing
program.
I intend to ask a friend who is the editor in chief of a publishing
house.
Right now she is in a long meeting and cannot ask her now. Tomorrow I
will
talk to her.

But thank you very much for having sent your manuscript and for your
interest in having your work published. :(

Message from "Ildree"

Hazel, are the teacher in NY that is mentioned in POEA
forum? What a coincidence, actually, I want to connect
to you as I am in PA, close to NY. My niece went to
school with EWorld Resource Center and I have talked
to Mr. Gibbs several times in fact I think it was
Spring when his company turned controversial on the
ground that they don't have job orders. This prompted
me to talk to him and it was a nice gesture that he
returned my call but lately I don't hear from him,
twice I left message but he's not returning my call so
I don't know what's going on as my Niece has been
silent lately but supposedly she's taking the
Certification Exam with ABCTE. There are only five
states where this ABCTE is patronized and one is PA.
I have been talking to them and said as long as my
niece does full compliance, positively she can find a
teaching job in US. Someone forwarded me a list of
Phil. agencies for teachers, in the forum HealthQuest,
Badilla and Arrowhead seems popular.

So EWorld was your agency, did Mr. Gibbs company
EWorldstaffing.com get you the job in NY? I appreciate
your email as I'm in process of doing research for
teachers. More or less I'm done with nurses and PT so
I have to find something for teachers as well.

Message from "Murray"

musta na... ako'y isang white jazz musician na nakatira sa jersey. nag-aaral sa rutgers university. nakita ko ang blog mo randomly sa internet... dati meron akong filipina gf, at nagsimula akong matuto ng tagalog. Naghiwalay kami, pero i'm still learning... ang ganda ng mga pinay dito kasi!! :-) Ikaw ba'y isang guro sa tagalog? Gusto ko ang website mo, kahit na i don't understand all the words... beginner pa ako... hope ur doing well. mag-ingat ka...

Message from "Keith"
hello!kabayan just want to get some info bout' applying for US teacher.actually hindi ako but its my sister who is interested.tapos po siya ng master sa La Salle.i just got ur site from POEA FORUM...

Message from "Mommy Vicky"

My dearest Hazel,
I gave as assignment to my students your website. Hehe. Inuna ko ang mga seminarians, Susme...tawa sila ng tawa nong pumasok ako sa klase. Una nilang nakita ang mga pictures mong very seductive.
Ask nila kung ano ang re-reaksyunan nila, yong pictures of the author or yong article. Muntik na akong himatayin! syempre open ko na yon kaya lang sabi tutukan nila ang mga sinulat mo, hindi ang mga pictures mo. Nanjan na sina Metang at Daleleng. Hope you have a great time with them and Banang.
Message from "My bea"
sa mailbox of course... ano ka bah?!? don't tell me you're still in doubt kung itutuloy mo yang book mo or what. don't waste your talent girl. & with the fan mails (o di ba, pang-artista ang dating?) that you receive in different parts of the world (naks!), di mo pa ba itutuloy yan? you're good. PERIOD. matanong ko nga haze - What's the difference of PDD & Autism? (seryoso ako, ha)
Message from "Emma"
hello.saw ur ad at the baguio midland courier. i want to be your friend. and i'm also interested on how to be a teacher in new york. you can probably help me on how to apply. thanks!
Message from "Marjorie"
thanks Ma'am hazel.. take care always.. ma'am
methodist po religion ko and active din po kami sa
church pero di ko po alam kung pano processing ng
tourist visa. lam mo pala Ma'am may agency din pala na
nag offer sakin ng tourist visa to UK, France, US pero
ang mahal namn babayaran worth 500k, buti po sana kung
ung iba na bayad (installment) ibibigay pag
nagtratrabaho ako overseas, eh ayaw po, gusto cash..
anyways, thank u ma'am for helping me and i pray that
God will guide me and help me to  fulfill all my
dreams especially my dreams for my family.. take care
always po. God bless you always.


Message from Jonna
hi haze

sorry this time lang ako nakasulat sa yo, it was three
weeks ago.  well just like to greet you merry
christmas.  i have you have a happy holidays ahead of
you.

don't lose hope you can still publish your book.  in
time there will a good soul to notice your book.

i have been thinking of sending the story of your
hardships and joys of your life there sa channel 2 sa
nagmamahal kapamilya. i know publisher will notice you
and might offer you to publish your book.  think about
it.  you have an inspuring life for people here and
abroad.

Message from Shin
di bale sister! meron pa ibang publisher na makakita niyan. ung harry potter nga nareject din un ilang beses pero may isang nakapansin kaya ayun naging best seller...eh alam mo ba na ung nakapansin eh nakita lang un from trash na...finiture ni oprah ung nakapansin....carry lang yan sis!
 
Magmerry Christmas ka na lang ok!
Message from Negs
Oh, Sweetie! We'll try again and again and again.  By the way, you look georgeous in the photo of Hi5. 
Messsage from Jo
you're right... they know nothing about reality... keep on
Message from Grace
hi again,
 
yeh I remember you now. a filipino- teacher. hows new york? I went to your site becaue of a friend...Gemma. She's now in new York, did you see each other???
 
Message from Angel
hello ate i found ur website POAE forum very nice i apriciate,ate i ask kng ako din ba n cmputer background k hve the chance to go thier NY,d2 ako nw s UAE but very sad situations.pls help me ate i wnt this stepingtone only bt and target k jan tlga..thnx and Mery X-mas po!
Mesage from Donya
Halu! Grabeh!You got me!I have become your instant fan overnight!Galeng! Hope I can grab a copy of your book,yung hardbound ha,once we get home next year.Very interesting! keep it up
Message from my_bea
open door... i cried... i mean, i still am crying... don't know what to say... your pupils deserve a good teacher... no... you are far from being better... teacher but your school... di ko ma-describe... just awhile back my prof told us something like this: when a person gives a bunch of fragrant petals to someone, the scent is left in the palms of the giver... you have given so much of yourself, your fragrance doesn't end just in your hands, but also smelled by your recipients... keep on... caring...
just read your "pen aquatic"... found inspiration once again... saw that you have finished 2 books na. is your 1st book out already? if yes, where is it available? nanghihinayang din ako, that i wasn't able to spend more time with you in college... guess, i was also preoccupied with my own thing... you know, first with nash then with pj (whom i didn't end up with neither of them... quite an irony...)... kung alam ko lang di sana nag-hang-out na lang ako with you para nagsulat na lang din ako noon pa... i have quite a good (i guess...) number of essays on the b*s of life but i have just kept it all myself... minsan share ko kay macel at vanesa pero not in a greater scale. may na-share din ako kay nash & another with kate (who cried after reading it...) pero hanggang doon lang. when you started your web site of your writings, i was really inspired. started to collate my compositions... kalkal dito, kalkal doon kahit inaanay na yung cabinet ko, pinaghahalungkat ko. i saved some but lost much more... thanks sa mga anay... hay naku, hope you get to visit my blog site, too. thanks for the inspiration! mas mabuti pa ang kalyo, pandagdag sa assets mo, kesa ang mga anay, inubos ang mga papel ko... kainis, ha!!!

Message from Jo_guro
hello ate hazel, my friends are visiting your website. they are enrooled in sped at slu right now.

Message from Ildee
Thanks Hazel, this is informative and helpful. I have
a couple of interested teachers that want to try to
become teachers in US.

I'll forward this email to them.
Message from Brian
Hi Haze...
 
Did you go through an agency? 
 
I am a graduate of BS Biology and I had 18 unitsin Education last year then I am planning to take the LET this August - is this feasible enough for USA?  Should I go through an agency which is ang mahal talaga.....
 
Do I have to take PRAXIS before mag apply?
 
Right now I am an English Teacher for high school students in Thailand - mga 8 months na - WILL THIS BE ACCEPTABLE even if I did not teach Biology?
 
Ganun ba talga ka negative ang mga students sa middle and high? Sa mga naririnig ko.......
Message from Jo
haze,
 
thank you so much...
 
at least i'm confident that i'm on the right track.
 
medyo bigla kc akong nag-alangan sa ginagawa ko e.
 
salamat talaga ng marami...
 Message from Gemma
Miss Hazel,
 
You inspired me today with your words...you are a gift to a lot of people. I started counting my own reasons to be thankful for after I read yours.
I am at the New York Public Library today because I need to access my online reviewer so bad...as I was taking my break from what I am doing I,  read through your website again...you are  great at what you are doing as a teacher...so passionate..that you always come out of the daily challenge victorious ! I believe that the greatest thing that happens to a person each day is that at the end of the day you learned a lesson or two and it made you a better person.
Have a nice weekend.
Message from Maryjoy
hi haze, sorry ha. I admit di ko talaga faithfully ma open and ma read ang mails ko everyday. alam mo naman ang buhay d2 sa Pilipines.Kung wala kang computer magtiis ka o di kaya kung my pera ka punta sa computer cafe o mas malala kung compu illiterate ka pa magbayad ka ng tao. Alam mo haze binabasa KO lang mga hitech na technology at mga mp3 na yn na sinasabi mo sumaakit na ulo ko kung ano ang mga mukha nyan. Malay ko ba kung nagkasalubong na kami nyan. Pero true kapatid sa site mo lang ako narerelieve evrytime maalala ko ang New York. Kaya lang di ako nakakuha ng big apple na sinasabi mo kasi I prefer to bring home my own apple for my kids. Mas pinili ko sila kesa sa pwedeng buhay ko dyan.Na pwedeng naging fruitful at masaya .Nabi2li ang lahat ng gusto.pero a part of m e my hinahanap ako dahil sa lahat na dinaanan ko dyan mas gusto ko pa ring mabuhay  na salat kasama ang mga anak ko. SILA ANG NAGBUHAY SA AKIN PARA SOMEDAY IPAGPATULOY ANG MGA PANGARAP KO SA PAMILYA KO.Di man kami completo haze i know the good Lord has something in stored for me and the kids. Sana someday masulat ko rin ang railroads ng buhay ko dyan at least ba maalala ko ang different avenues nito. kaya lang everytime maalala ko bumabalik ako na luhaan kaya ayaw ko kasi tapos na ang yugto na buhay ko na inapi ako dyan ng taong inakala ko ay kakalinga at kaagapay ko.Syempre maaari bang wala akung masulat na maganda syempre kayo yun. Paki sabi ky mommy lyn ha I miss them all. Haze be strong and continue the good fight kasi alam ko sa tuktok ka na kaya akayain at abutin mo ako someday! and sana masulat mo ang isang parti ng buhay ko dyan sa libro mo!










Para hindi ka maloko, mapahamak o ma- discriminate sa New York, huwag maging Tsismosa
5 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.26.2006 @ 10:13 pm | Last edited: Sep.03.2006 @ 11:58 pm

   Halang ang bituka ng karamihan ng Nyorkers. Sa aking karanasan, lagi silang may hidden agenda, bihira mo silang mapagkakatiwalaan at kahit anong oras pwede ka nilang maging human  shield pag may shooting sa harap ng school. Ang binanggit ko ay hindi general impression sapagkat may mga ilan pa rin na okey naman ang ugali. Upang hindi ka magoyo, mapagsamantalahan, mailagay sa alanganin at malamang mapatalsik sa trabaho, gawin mong kanta ang mga sumusunod na advice ko (gusto ko i- rap mo pa)

 1.    Keep it short. Hindi po ang hairstyle mo. During the first meeting, just greet them with a nice smile and a firm handshake. If they ask you where did you come from, answer curtly "From the Philippines which is found in Asia." Kase tayong mga Pinoy, unang kilala pa lang, question and answer na ang nangyayari. Dito, iwasan ang lengthy conversations lalo na sa trabaho. Hindi ka pumunta dito para maging host ng "The Buzz."

2.    Kapag lunch break at nagkataon may common area kayo. Kung maari tiisin muna sa isang sulok o sa likod ng building ka kumain. Mahirap at malungkot pero ito ang ginawa ko dahil 100% n a tsismisan ang nangyayari sa loob. Worst ay kapag dumagdag ka pa. Sa huli, dahil bagong salta ka, all fingers and toes will point to you. Nangyari na ito sa akin. Siyempre courtesy of my amoy lupang dating supervisor. May nagsabi daw na parent sa kanya na ayaw ko yung principal. Oo, nag usap kami nung parent pero siya ang may complaint sa principal. Ang sinabi ko ay, idiresto niya sa office kase wala ako magagawa sa kaso niya. Lunes noon  nang ipatawag ako. Kala ko ay bibigyan ako ng medal for being "The first Asian Teacher to last for One Month in this School." ………….. Ano ang nangyari sa akin, may dumaloy ba na dugo? Sa libro niyo na malalaman.

3.    Kapag obvious na ginagago ka na, kung kaya mo,  harapin mo. Prangkahin mo yung tao pero ito anag UNA mo munang gawin. Inform mo muna sa iyong employer o Union Leader ang "Unprofessionalism" na ginagawa ng katrabaho mo. Kapag naka- document na. Pwede mo nang ilabas ang armalite mo. Biro lang, magpasama ka sa union leader o harapin mo nang mahinahon. Kapag pumalag pa, isampal mo ang affidavit of complaint sa kanya.

4.    Kapag napansin mong hindi ka pinapansin, pinakikinggan o worse ay di pinasasalita kapag may meeting ang kompanya. Huwag tuluyan umurong ang iyong…………upuan (mga green- minded na readers!). Kung may chance na sumingit, go go go. Paano sumingit na hindi mukhang surot? Again, bilin ang libro kapag napublish na ito.

5.    Sa ibang tao na walang kaano- ano sa iyo tulad ng iyong landlord, mailman, cable guy, Coned men at iba pang tao na hawak ang city services. Ito ang halimbawa ng mga techniques para di ka dehado o tatanggihan  dahil bago kang salta at ang akala nila ay hindi ka nakakabasa.

 a.     Lahat ng transaction mo sa landlord ay dapat na naka- document at may signature niyong dalawa. Mas maraming detalye sa hardbound edition ng "Ang New York ay Isang Isla"

 b.    Sa Coned naman, laking hirap ko nung magpakabit ako ng kuryente dahil isang PAKER and customer representative ang nakausap ko. Sabi niya hindi daw ako pwede dahil 1 year pa lang ako dito sa New York, Hiningi ang social security number ko at phone number ng employer. Sabi niya chi- neck niya sa system wala pa daw ako account. Anak ng hueteng siya! Lilipat nga ako sa bagong apartment at ito na ang magiging account ko. Sa loob ng bente minutos, para kaming tumataya sa lotto hanggang sa jumackpot ako at TINANONG ang pangalan niya. Rason ko ay tatawag na lang ulit ako sa Coned at papahanap ko siya sa manager. Sobrang sweet ako kaya in 5 minutes nagkaroon na ako ng account at may ilaw na kaagad ang bathroom ko.

 

Testing ko lang kayo. Ano ang lesson na natutunan niyo sa aking latest entry bukod sa mainis sa akin dahil nabibitin kayo. Ilagay sa message board at isend sa akin.

Multi- tasking upang gawing 48 hours ang 24 hours sa New York
4 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.25.2006 @ 5:53 pm | Last edited: Aug.25.2006 @ 5:09 pm
  1. Background muna: Pagbigyan niyo muna ako bilang manunulat, okey? Nang paggising ko kaninang umaga, naalala ko na sangkaterbang tasks na aking gagawin, maghulog ng sulat, mag- enchash ng tseke, magpadala sa Pilipinas, linisin ang toilet, mag laundry, magcheck ng email, tawagan ang credit card company dahil hindi pa na credit ang binayad ko, tawagan ang kapatid dahil naiwan ko ang paborito kong libro sa bed ni Sheeba (ang mala- leon nilang pusa) magsulat at I- promote ang website www.filteany.com at bumili ng saging. Bakit saging? Importante po ang saging. Bakit? Sa akin na lang at baka kung I- disclose ko eh siguradong lolobo ang ilong niyo sa kakatawa. Dahil systematic na ako dala na rin ng pagtuturo sa mga batang may PDD at laging pagmamadali, ito ang order ng mga na- accompish kong tasks.

  2. Kumain ng oatmeal habang nagtetext sa taong papadalhan ng pera sa Pilpinas habang binabasa ang catalog ng Labor Day Sale ng Macys.

  3. Pagkatos itapon ang styrofoam bowl, sinalpak ko na ang earphone ng Ipod ko, kinuha ang mga sulat, sabay bilis na lumakad sa post office three blocks away from my apartment. Hinulog ang mga letters.

  4. Pagbalik sa bahay, chinarge ko ang Ipod dahil low battery na ito, check ang landline phone for voicemail. Lintik! Mga Telemarketers na nagbebenta ng Magic Kaserola! Saka ko kinuha si hatch (pangalan ko sa aking laptop), check ng email (siyempre mahal ko ang comments niyo), trinansfer sa website. Chineck ang bank account online. Nabwisit dahil ilang araw pa bago sweldo.

  5. Kinuha ang Lysol panglinis sa toilet, inuna ang toilet bowl, kuskos. Kumuha ng Clorox wipes, nilinis ang counter habang dina dial ang contact number ng credit card. Naghintay ng tatlong minutos. Umiinit na ulo ko. May sumagot na at in 5 seconds, inangal ko ang problema ko pero in a polite way naman. Chineck ang account ko (isa pang minuto). Kinuha ang mop at nilampaso ang floor in 30 seconds. Okey na ang card. Yeheey! Pwede ko na naman gamitin.

  6. Isa pang tawag, sa kapatid ko. Voicemail. Iwan libro. Higaan ni Sheeba. Kunin. Baka ihian. Ipadala. Sabay kuha ng atm card at ipod. Lock ang apartment.

  7. Mabilis na nag- encash at nagwithdraw sa atm machine. Tumawid across the street sa Western Union. Pila (5 minutos). Nakakunot na ang noo ko. Turn ko na rin sa wakas.

  8. Balik apartment, open ulit si hatch, offline message sa pinagpadalhan, binigay ang confirmation number. Sabay text, sinend nang dalawang beses para sigurado.

  9. Check ulit email, reply sa Ebay seller na hanggang ngayon ay di pa pinapadala ang mga inorder kong libro. Isang sentence lang. "Books, not yet received. Reply immediately."

  10. Kinuha si hatch, tinulak ang cart papuntang laundrymat. Hiningal dahil mabigat. Hintay ang 30 minutes sa mga damit sa washing machine, inumpisahang I- edit ulit ang librong "Ang New York ay Isang Isla" habang nakikinig kay Bon Jovi. Pagkaraan, salpak sa dryer ng 45 minutes. Editing ulit. Itinupi nang maayos ang tuyong damit. Bumili ng saging sa chinese fruit stand.

  11. Balik apartment, sabit ang mga damit para di na plantsahin. Buksan ang de lata, inilagay sa microwavable bowl, salpak sa loob ng 1 minute. Mainit pa! Check ng mga sulat galing sa mailbox. Okey na, kainin ang pork and beans. Basa ng Better Homes and Garden. Kahit wala ako garden.

  12. Hinga muna na ng 30 minutes habang nood ng E! News. Missed call, galing kay ate. Pinakinggan ang voicemail. Masyado mahaba. Basta alam ko na ang gist, pusa pa rin si Sheeba! Kinuha ang Pilates Circle at Mat. On ng Dvd. 40 minutes ng pagtangkang pag balance ng katawan at pag paint ng 5 big circles sa ere.

  13. Eto ang pinakaimportanteng task. Kinain ang saging sabay inom ng Protein Shake (for muscle building).

  14. Ligo na! 15 minutes. Alas dos na ng hapon. Sinuklay ang buhok habang nagmumura dahil nagkabuhol- buhol dahil tinamad mag conditioner.

  15. On ang AC. Binuksan uit si hatch. Salpak ang iba namang MP3 player upang hindi ito magtampo.

  16. Sinagot ang mga offline messages at nag- accept ng friend request sa friendster….. Umupo at sinimulan itype ang binasa niyo ngayon.

  17. Ang mga ginawa kong tasks ay hindi sa busy na araw. Iba namang senaryo kapag balik trabaho na ako sa Setyembre 5. Sa libro niyo na mababasa kung ano ang typical na workday sa akin.

Adult Shops and Sexually Liberated NYorkers
4 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.24.2006 @ 12:59 pm

 

                 Sangkaterbang Sex Shops ang nagkalat dito sa Manhattan. Sex toys, gadgets, paraphernalia, kits at costumes ay nakabalandra sa display window. Curiosity killed that cat pero sa akin, okey lang dahil di ako feline, FREUDIAN ako so I made sure na binisita ko ang isa sa mga adult stores sa may bandang 33rd street.  Isang malaking hininga ang ginawa ko bago ako pumasok. Ang akala ko ay mga "perverts" lang ang andun. Sobrang saya ko dahil ang dami ring shoppers na nakakurbata, couples, girlfriends, boyfriends at mga single na tulad ko ang nasa loob. Mga "nanginginig" na bagay na ibat ibang kulay ang binebenta. Candies, "ropes" at edible na saplot na pinagutom ako. Pagkatapos ng bente minutos, nasatisfy na ang pagka fan ko ni Freud.

Ano pa ang mga nakita ko at tinesting? sa libro niyo na lang mababasa (siguro ay gusto niyo na ako sakalin)

Alam ko rin ang tumatakbo sa utak niyo "Bumili kaya ang manunulat na ito? Obvious naman na may pagkamanyak siya." Ang sagot ko ay ang classic na line……………"friends lang kami, ay! Hindi pala, secret! Malay niyo, ang susunod ko naman libro ay tungkol sa sex, pagtatalik, copulation, kyungkang, cookies at paking.

 

Pasensya na at brutal ako sa aking mga terms, hindi  ako manyak o malibog. Simpleng sexual being lang po ako.

 


Current Page 7
<< < | 2 3 4 5 6 7 8 9 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org