BrownMan Blog
Profile Subscribe Syndicate Search  
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In


Isa ka ba sa amin?

Filipiniana * FOB * Good News Pilipinas * I Love Cavite * Kwentong Tambay * Market Manila

Naic Cavite Online * Nostalgia Manila * Pi Omicron * Super Pasyal * Yabang Pinoy

CNSHS Batch 98 * WikiPilipinas * Brownman Home

Blog - Latest Entries
<< < | 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 | > >>
Iskul Bukol > High School Life
7 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.22.2008 @ 9:58 am | Lasted edited: May.21.2008 @ 8:24 pm


High school life, oh my high school life,
Ev'ry memory kay ganda.
High school days, oh my high school days
Are exciting kay saya.


Sabi ng marami na ang high school life daw ang isa sa pinaka-masaya at enjoyable part ng buhay. Hindi ako maaring lumontra diyan at ako nga ay sumasang ayon pa. Kahit pa nga sa paghubog sa amin ng aming mahal na eskwelahan na maging ismarte, ganda-gwapo at responsableng kabataan ay marami ring naipagkait na mga bagay at pagkakataon na sa panahon lang ng pagiging teenager mararanasan o masarap maranasan.

Exciting pa rin naman ang kinalabasan dahil sa hindi mo alam kung sinong Ms. Pareja ang magiging titser mo tuwing Nat. Sci class. Si Ms. Pareja ba na palangiti at maganda ang gising? O baka naman si Ms. Pareja na parang tatlong buwan ng di nakakatulog at yamot na yamot lalo na dun sa mga pilyo at di interesado sa kanyang mga aralin? Exciting din kasi palaging may gimmick itong si Mr. Eugene (sayang ang pagka-gwapo ng baklitang ito!) sa kanyang Speech class. Andyan na papatulain ka, paptuluin ang laway mo sa mga tongue twisters, pagsasauluhin ng isang speech mula sa librong kulay ube o kaya naman ay iti-trick ka niya sa pronunciation ng ankle, uncle at ankol. Meron pa bang mas hihigit sa excitement na dala ng panonood ng mass demo practice sessions at yung presentation mismo ng freshmen? Parang mga ibon at paro paro silang sumayaw sa indak ng tugtuging Skyline Pigeon Fly! Henyo talaga si Mr. Cargullo at naisipan nyang gamitin ang kantang nabanggit sa mass demo complete with matching PE uniforms and fly fly the butterfly moves to boot. Siyempre exciting din ang mga tsismis sa buong school compound about sa mga titser na nagtirahan, sa mga bagong bansag sa mga titser, sa tsismis ng mga inggiterong walang syota tungkol sa bagong magsing irog na kuntodo PDA at sa resulta ng pagkihirap hirap na eksaminasyon na kung di ka magpapaka henyo ay di ka makakapasa.


There are times may problema ka
Kung ang homework left undone.
Pray ka lang, wag tawagin ka
Upang di pagtawanan.


Naalala ko pa nung senior year namin ng halos 50% ng klase namin ang pinatawag ni Mam Tangkad (titser ng World History na nakalimutan ko na ang pangalan), in fairness kahawig siya ni Olive Oil ang love interest ni Popeye D' Sailor Moon, sa TRC dahil sa pare pareho daw ang aming mga assignments na nakasulat sa kulay ponkan na higanteng kwaderno. Aba mantakin nyo pati si Richelle napatawag din! Sa kanya kasi ako nangopya bwahahaha.  Eh ang dahilan ko kay Mam Tangkad eh pwede ba naman magkaiba iba kami ng mga sagot eh history ang pinag uusapan natin. Nakasulat na kung ano ang nangyari kay sino sa kung saan ng panahoong kung kailanman! Eh bumenta na raw pala yung dahilan na yun pero lusot pa rin kami dahil warning lang ang naibigay nya.


High school love, my one high school love
Not infatuation or crush.
Tunay 'to, siya ang buhay ko
Di n'yo lang alam ako'y nagba-blush.

Bakit nga ba ang first love ko
Ay di serious, so it seems?
Kung alam lang ng first love ko
SHe is always in my dreams.


Ahahay! Siyempre torpe ako nung mga panahon na kailangan maging makapal ka kung gusto mo magka GF. Hindi ko kaya ang mga kabangisan na ipinakita ni Jocs, Carlson at Norman sa mga chicks hehehe. Siguro dahil sa talagang ganun lang ako at takot mabasted. Isang bes nga ay nagpatulong pa ako kay Michelle na gumawa ng isang lab leyter para kay Jonah dahil wala akong idea paano gumawa nito. Dami pa naming kinuntsaba kasi ang natandaan ko eh si Audi pa ang napaki usapan ni Michelle na mag abot kay Jonx. Bistado rin ako at ang resulta lalong natyope. Wala yata akong masayang moment about love life nung high school kaya walang masyadong kwento dito.


Ang saya ng high school,
Senior years in my school
Di na mapapantayan.
T'yak ganyan ang buhay na sadyang makulay
Alaala kailan man.


Kahit na pa graduate na kami eh itong senior year ang isa sa pinaka pressure packed stage ng buhay high school. Kahit pa na sabihin na familiarity wise sa mga titser at buhay sa sayans eh non factor na the fact na nag-survive na kami ng three fawking years eh di pa rin maiiwasan ang mag-isip kung anong surprises ang maaring bumati sa amin everyday. Lalo na kung palagi mong iisipin kung tama ba ang kursong inaplayan ko sa pagkuha ko ng UPCAT... or kung makakapasa kaya ako sa UPCAT? Dyusmiyo! Parang pakiramdam mo palagi malalaglag ka sa arm chair mo kasi ang laki ng expectations na makapasa ka sa eksaminasyon ni Oble. Isa pang tanong ay talaga bang makakagraduate ako? Lintik na research class kasi yan eh! Kulang naman ang equipments sa laboratory at kulang ang oras kumbakit pinipilit kaming maging siyentista. Pwede ka ba naman makaimbento ng bagong pamatay daga sa loob ng isang school year kung ang oras na nakalaan lang ay kulang pa sa dalawapu isang linggo? Isama pa diyan ang documentation, tests at defense mo sa harap ng mga science titsers ng eskwelahan. Isa pa eh ang pag-iisip mo kung bakit walang JS prom kung kelan Senior ka na! Last chance mo na yan ma experience kasi gagraduate ka na nga di pa binigay sa yo ng school shet na malagket. Di ko tuloy naisayaw, napiktyuran at nanakawan ng halik sa dilim ang long time kras ko.


High school life, ba't ang high school life
Ay walang kasing saya
Bakit kung graduation na'y
Luluha kang talaga?


Hmmm. Graduation na nga at lahat ay masaya. Freedom at last! Pero ano naman ang kapalit? Di na ulit magkikita kita ang tropa ng madalas katulad ng dati. Magkakahiwalay na ng landas. Makaka-meet na sila ng bagong kaibigan at baka makalimutan na ako. Yung crush ko I am sure magkaka boyfriend sya sa UP sa dami ba naman ng manyak na manloloko dun! Unfamiliarity na naman sa ibang eskwela, kaklase, titsers at way of life sa kolehiyo. Kelan na ulit magkikita-kita ang buong batch? After five years for a reunion? Ten Years? Maybe even after twenty long years. Ilan lang yan sa mga tanong ko noong graduation day namin. Marami na rin nasagot at meron pang ilan na clueless pa rin ako up 'til now. Sana lang matuloy ang reunion sa August 2008 at makadalo ako para naman makahanap ako ng kasagutan sa ilan pang katanungan ng malikot, madumi at slightly used kong isipan.

Traditions, Customs, Culture > Flores De Mayo + Santacruzan
10 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.22.2008 @ 7:53 am | Lasted edited: May.21.2008 @ 6:48 pm

Ang Flores De Mayo (Flowers of May) ay isang pistahang pang-Katoliko na ginaganap sa buwan ng Mayo. Ito ay isinasagawa in honor of the Virgin Mary. Ang Santa Cruzan naman (a.k.a. Parada ng Lechon sa ibang lugar) ay ang parada na ginaganap sa huling araw ng Flores De Mayo in honor of Reyna Elena. Siyam na araw ng novena in honor of the Holy Cross ang ginagawa bago ang Santa Cruzan. Ang kaugaliang ito ay nagmula pa sa mga Kastila na sumakop sa Pilipinas noong araw.


Ang Santa Cruzan, bukod sa parada, ay ang pag-alala sa paghahanap ng Holy Cross ni Queen Helena o Reyna Elena kasama ang kanyang anak at bagong Emperor na si Constantine. Matapos na matagpuan ang Holy Cross sa Jerusalem at madala pabalik sa Roma ay nagkaraoon ng selebrasyon at pagpapasalamat.

In the Tagalog region, this custom and celebration started after the proclamation of the dogma of the Immaculate Conception in 1854 and after the publication circa 1867 of Mariano Sevilla's translation of the devotional Flores de Maria or Mariquit na Bulaclac na sa Pagninilaynilay sa Buong Buan nang Mayo ay Inihahandog nang manga Devoto cay Maria Santisima (The Flowers of Mary or the Beautiful Flowers that in the Meditations During the Whole Month of May are Offered by Devotees to Mary the Holiest). http://www.filipino.com.au/categ/culture/floresdemayo.htm

Narito ang pagkakasunod sunod ng mga tauhan sa parada:

1. Methuselah - he is bearded, bent with age, riding a cart looking preoccupied with toasting some grains of sand in a pan over a fire. This is a reminder that all that glitters will end up as dust like what he is toasting.

2. Reyna Banderada - a young lady dressed in a long red gown carrying a yellow triangular flag. She represents the coming of Christianity.

3. Aetas - represent the state of the country before the coming of Christianity. These are the unconverted Filipino pagans.

4. Reyna Mora - represents the dominant religion before Christianity (feminine of Moro from the Moslem religion).

5. Reyna Fe - symbolizes the virtue of faith - the first of the theological virtues. She carries a cross.

6. Reyna Esperanza - symbolizes the virtue of hope - the second theological virtue. She carries an anchor.

7. Reyna Caridad - symbolizes the virtue of charity - the third theological virtue. She carries a red heart.

8. Reyna Abogada - the defender of the poor and the oppressed. She wears a black graduation cap (toga) and gown and she carries a big book.

9. Reyna Sentenciada - has her slim hands bound by a rope. She is the symbol of the innocents who have been convicted. She is accompanied by two Roman soldiers.

10. Reyna Justicia - a personification of the "mirror of justice". She carries a weighing scale and a sword.

11. Reyna Judith - representing Judith of Pethulia who saved her city from the Assyrians after she beheaded the cruel holoferns. She carries the head of the beheaded man on one hand and a sword on the other.

12. Reyna Sheba - who visited the famed King Solomon and was overwhelmed by his wisdom, power and richess. She carries a jewelry box.

13. Reyna Esther - the biblical Jewish who spared her countrymen from death and destruction through timely intervention with the King Xerxes. She carries a scepter.

14. Samaritana - the woman who Christ spoke to at the well. She carries a jug on her shoulder.

15. Veronica - the woman who wiped the face of Jesus. She carries a bandana imprinted with the three faces of Jesus.

16. Tres Marias: Mary of Magdala - she carries a bottle of perfume; Mary, Mother of Christ - she carries a handkerchief; Mary, mother of James - she carries a bottle of oil.

17. Marian - celebrating the many titles of the Virgin Mary.

a. A-v-e--M-a-r-i-a -- represented by eight (8) girls all Wearing long white dressess with wings to make them look like angels. Each one carries a letter to complete the word "AVE MARIA."

b. Divina pastora (Divine Shepherdess) - she carries a shepherdess' staff.

c. Reyna de las Estrellas (Queen of Stars) - she carries a wand with a star.

d. Rosa Mystica - she carries a bouquet of roses.

e. Reyna Paz (queen of peace) - she carries the symbol of peace.

f. Reyna de las Propetas - she carries a hour glass. g. Reyna del Cielo (Queen of Heaven) she carries a flower. She has two (2) angels.

h. Reyna de las Virgines - she carries a rosary and is surrounded by two (2) little angels.

i. Reyna de las Flores (Queen of Flowers) - she carries a bouquet of flowers. 


18. Reyna Elena (Queen Helena) - the legendary founder of the true Cross, represented by the small cross she carries. Sa taas ang picture ng Reyna Elena sa aming barangay this year. Nagtatago pa mahiyain kasi...anyway balik tayo sa kwento... She is escorted by her son, Constantine. The procession is followed by the steady beat of rondalla, playing and singing "Dios Te Salve". The devotees walking with the procession hold lighted candles in their hands and singing the prayer:

 
Dios Te Salve (Hail Mary)

Dios te salve Maria Llena eres de gracia El senor es contigo Bendita tu eres Entre todas las mujeres Y bendito es el fruto Y bendito es el fruto De tu vientre Jesus.

Santa Maria Madre de Dios Ruega por nosotros Pecadores ahora Y en la hora De nuestra muerte amen. Je

Matapos ang parada ay may pabitin para sa mga bata. Ang pabitin ay isang hugis parisukat na trellis (di ko alam sa tagalog eh hehe...eto ang definition--> Latticework used to support climbing plants) na kung saan ay may mga nakasabit na mga regalo, laruan, candies, prutas, junk foods, atbp. Nakasabit ito sa isang sanga ng punung-kahoy o sa isang poste na pinapataas at pinabababa sa pamamagitan ng paghila sa lubid. Ang mga bata (at isip bata) ay nagpapataasan ng pagtalon upang makakuha ng kung anuman ang nasa pabitin habang ang lakas tamang taga-hila ng lubid ay ginagawa ang lahat para mapatagal ang pabitin niya.

Taon taon ay sinusurpresa ng mga tagapangasiwa ng Santa Cruzan ang mapipiling Reyna Elena para raw mas exciting.

 

OFW > Guardians, Light My Path!
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.21.2008 @ 7:06 am

Nitong Lunes (19th of May) ay umapoy na ang flare dito sa Tangguh. Sa wakas aya napatunayan na nga na may Natural Gas sa sinasabing reservoir na pinagmiminahan ngayon kumpara sa kumakalat na tsismis na isang field lang ito ng ebak ng mga Papuans. Nakahinga ng maluwag ang mga sakang at ang aming kliyenteng Bitoy sa wakas.

Nung hapon na ay nagkodakan muna kami sa ibabaw ng hill para sa souvenir shot. Pinoy na Pinoy talaga hehehe. Narito ang isang litrato ng aming grupo. Maliit na grupo ng tatlong libog gwapong Pinoy.

Mga LI-BOGs sa ilalim ng BI-LOG na buwan. Bwahehehehe!

More pictures of Tangguh here...

 

Kapuso > Happy Fiesta Muzonian Gatsmabi
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.15.2008 @ 11:12 am

First time ko na wala sa bahay during the annual Fiesta celebration sa Muzon. Grabeng home sick tuloy ang dulot nito sa akin. Kanina eh 1 AM na di pa ako nakakatulog. Masaya pa naman lalo ngayon ang fiesta dahil sa maraming pakulo ang kasalukuyang Brgy Administration. Parang feel ko tuloy ay napag-iiwanan ako.  Iba rin kasi ang pakiramdam ng kaparte ka ng neighborhood na tinitirahan mo. Ngayon ay malayo ako at pakiramdam ko ay talagang disconnected na ako sa Muzon Magabe!

Hayy sana naman next year ay sa Pinas ako sa Mayo.

Happy Fiesta po mga kapusong Muzonian Gatsmabi!

 

Kapuso > Mother's Day
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.11.2008 @ 8:06 am

Second Sunday of May! That means Mother's day na. Bakit kaya iginaya sa Mother's Day celebration ng US ang sa atin? Hindi ba mas maganda kung itatapat natin ito nine months after Father's Night (wahehehehe).

Seriously, dapat natin batiin ang ating mga mudra at kahit isang araw man lang ay let's make her feel very, very special. Kasi karamihan sa mga anak ay malimit na parang balewala lang sa kanila ang effort at love na binibigay ng kanilang mga Ina. Siguro dahil sa ito ay isang constant, everyday thing kaya nakasanayan na at kung minsan di na nabibigyan ng importansya. Naku hindi dapat ganun. Yung ibibili mo ng yosi at ipantataya sa jueteng ay ibili mo na lang ng isang bungkos ng bulaklak at ibigay kay nanay. Yung ipangpapanood mo ng sine ay ibili mo na lang ng isang mother's day pie.Yung ipangde-date mo sa girlfriend mo ay gamitin mo na lang para sa pagbili o pagluto sa paboritong ulam ni nanay matutuwa pa si GF pag nalaman niya ito. Yung oras na gugugulin mo sa sugalan o sa barkada ay gamitin mo na lang sa tabi ni nanay, konting kwentuhan naman para ipadama na mas mahalaga pa rin siya kesa sa mga emo mo na kaibigan at may oras ka pa rin para mapakinggan ang mga tsismis na nasagap niya sa tindahan ni Aling Pekla. Kalimutan muna ang barkada today at bigyang prayoridad si nanay. Dalhin mo kaya sya sa isang spa at sabay kayong magpa-masahe, magpa-foot spa, magpa-tuli, magpa-facial, magpa-body scrub, etc. Marami ka pang magagawa para kay Inay kahit sa ngayong araw lang na ito...pero di ba mas maganda kung di ka ningas kugon at araw araw mong gantihan ang pagmamahal na ibinibigay ng iyong mama bear?

Oh ano pang hinihintay mo? Tigilan na ang pag-i-internet at puntahan na si Nanay! Sabihin mo sa kanya na: "Nanay, ikaw ang pinaka-malufet na Ina sa buong lupalop ng mundong ibabaw. Mahal na mahal kita kahit na magkamukha tayo. Mahal na mahal kita dahil sa TLC na binibigay mo sa akin araw araw." Bigyan mo si nanay ng isang mahigpit na yakap at isang halik***. Kumpleto na ang Mother's Day ni Nanay.

***Bago gawin ang pagyakap at halik ay manalangin muna na sana ay di ka tamaan ng kidlat.

Happy Mother's Day Mylab!!! Happy Mother's Day Nanay!!! Happy Mother's Day Ate!!! Happy Mother's Day Hipag!!!

 

Brownman's Hirit > Kakulangan sa Bigas, ano nga ba ang dahilan?
11 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.08.2008 @ 8:19 am

Di na naman bago ang kakulangan ng bigas sa Pilipinas. Matagal na panahon na tayong nagi-import ng bigas mula sa Vietnam at sa ibang karatig bansa dito sa Silangang Asya. Ngayon lang napapansin ang isyu sa bigas dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo nito.

Tanong ni Angelika Juan De La Cruz: Vahkeeeeet?

  • Maaring dahil sa mga tan-taran-tan-tadong nagmomonopoliya ng pagdi-distribute ng bigas sa publiko. ***Meron nga ba nun?***
  • Pwede ring dahil sa 'cartel' ng bigas. ***Meron din ba nito sa Pilipinas?***

Yan naman ang palaging dahilan ng mga henyo sa ating bansa kapag natatanong na ukol sa isyung kakulangan ng bilat, este bigas.

Ang naiisip ko lang talaga na maaaring dahilan, directly or indirectly (naks), ay ang mga sumusunod:

  1. Sinaunang sistema sa irigasyon.
  2. Mga lupang sakahan na ngayon ay ginagawa ng subdivisions, golf courses, sabungan (para sa mga mahilig mag sugal) at race track para sa kabayo (para sa mga mahilig sa mola).
  3. Mga magsasaka na sa sobrang hirap ng buhay ay ayaw ng susunod sa yapak nila ang kanilang mga anak. Resulta kakulangan sa mga future na magsasaka.
  4. Napakababang presyo ng bilihan ng palay.
  5. CARP!!!! Dapat sa inyo ay CRAP!
  6. Panahon pa ni pakopong-kopong na pamamalakad ng DA.

Ewan ko ba kung may tumama sa mga pinagsasabi ko dito pero yan ang nakita ko sa aking mahiwagang kristal na kasing kintab ng ulo ni Bembol Roco. Sana naman sa lalong madaling panahon ay masolusyunan ng mga henyo sa pamahalaan at lipunan ang kinakaharap na 'krisis' (daw) sa bigas. Kawawa naman kasi ang pamilyang Pinoy na kung dati ay nag-aawayan kung sino ang kakain ng ulo ng tuyo dahil sa kahirapan sa ulam...ngayon pati kanin pag-aawayan pa kung sino ang kakain ng utong, este TUTONG!

 

Brownman's ABC > Buy Filipino, Buy Local
4 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.03.2008 @ 9:24 am

Kahapon ay ipinag-utos ni Presidente Arroyo ang muling pagbuhay sa panawagan na "Buy Filipino, Buy Local" na matagal nang  isinusulong  ng mga nagdaang lider ng bansa. Maraming beses na ring hindi ito pinansin ng mga Filipino. May mga dahilan akong narinig na kesyo hindi raw din kasi nangunguna ang pamahalaan kundi panay lang ang panawagan. Ang sabi ko naman ay hindi na natin kailangan pang  maghintayan kung sino ang mangunguna. Magsimula tayo sa ating sarili. Sa panahon ngayon ay hindi na applicable ang kasabihang -government for the people-. I straggle hehe.

Nais ko lang sabihin na suportahan natin ang mga produktong sariling atin. Kung dati rati ay sa McDonalds ka kumakain ng agahan five days a week eh subukan mo naman ang Jollibee M-W-F. Kung mahilig ka sa Levis at Giordano aba minsan naman ay pumasok ka Bench para makita mo na may mas magagandang damit, pantalon at iba pang produkto na mabibili doon. Kalimutan muna si Kenny Rogers at si KFC, mas malinamnam ang manok sa Max's. Di rin hamak na mas kumportable at mas napapanahon ang pagsusuot ng mga locally made havaianas kesa sa Adidas sandals na sobrang mahal.

Napakaraming globally competitive na Filipino products na pwede nating gamitin sa ating araw-araw na pamumuhay at maging sa ating paghahanap-buhay. Hindi lamang po yung mga gawang isteyts ang mahusay at maganda. Sa totoo nga ay karamihan sa mga produktong banyaga ay dito sa Pilipinas ginagawa o dito sa Asya. Binuo o mina-nufacture ng mga Pinoy.

Oh ano pa ang hinihintay nyo? Bili na ng produktong Pinoy!

Sports > Spoelstra
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.03.2008 @ 8:59 am | Lasted edited: May.02.2008 @ 7:17 pm

Spoelstra first Pinoy NBA head coach

Eric Celino Spoelstra, is the first ever Filipino-American head coach to call the shots for an NBA team. The 2006 NBA Champions Miami Heat chose the 37-year-old to replace outgoing coach Pat Riley.

Spoelstra who traces his roots to San Pablo, Laguna is the first mentor with Filipino roots and youngest to ever coach in the league.

“I believe Erik Spoelstra is one of the most talented young coaches in a long time,” Riley, who steered the Heat to the NBA crown in 2006, told a news conference.

Spoelstra, son of Irish-Dutch Jon Spoelstra, a long-time NBA executive involved with the Portland Trail Blazers, Denver Nuggets and New Jersey Nets, said he’s proud of his Filipino roots even as he previously said he regretted declining an offer to play in the PBA.

Born in Portland, Spoelstra, whose mother Fe Celino is from San Pablo, Laguna, has been to the Philippines only once.

“I’m embarrassed to admit I’ve visited the Philippines only when I was three years old,” said Spoelstra. “I’m definitely planning to go again. I have lots of relatives who live just outside Manila. I’m hoping that someday soon, I’ll be able to visit and maybe, do some coaching clinics so I can share whatever I know about basketball.”

Continue reading...


Brownman's ABC > Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw...
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Apr.30.2008 @ 9:44 am

...sa panaginip na lang pala kita maisasayaw...

Dumating na naman ang oras kung kailan hindi ako masyadong abala sa mga gawain sa aming opisina kaya heto ang aking isip at kung saan-saan lumilipad. Napabalik tuloy ako sa tanong na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masagot. Ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko? Ano ba ang gusto kong "maging" (sa paglaki ko? -- lintik na nga sa laki ng tiyan eh)? Nag mini self-evaluation ako kahapon at hindi maganda ang resulta. Ang mga sumusunod ang naisulat ko na medyo hindi kaaya aya.

  • patuloy ang pagbaba ng kakayahan ko sa ibang programming language maliban sa VBA at SQL-PL/SQL
  • sampung taon na akong overweight
  • tatlong taon na ako sa abroad hindi ko pa rin maabot ang one year buffer level ko sa bank account ko
  • hanggang ngayon wala pa rin akong konkretong five-year plan
  • wala pa rin akong disiplina sa maraming bagay na sa tingin ko naman ay kayang kaya ko na itanim sa aking sarili
  • eraserheads pa rin ang paborito kong banda... napag iiwanan na ako
  • patuloy pa rin ang aking pagpupuyat
  • hindi ko pa rin kilala ng lubusan ang sarili ko (shit na malagkit!)

Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon eh parang wala akong interes sa pagkilala at pag alaga sa sarili ko. susmaryang garapon! Na-realize ko na ginagawa ko ang ginagawa ko dahil sa iyon ang tama at ang nararapat. Hindi naman lahat ng tama at nararapat ay nakakapagpasaya sa isang tao. Hindi kaya dapat kong ikonsidera din kung ano ang makakapagpasaya sa akin? Paano ba yun kuya cezar? Gusto ko sana itanong yan kay mang ernie kaso abala na sya ngayon sa langit.

Siguro puyat lang ito. Tulog ko na lang... mahahanap ko rin ang sagot sa aking mga katanungan sa hinaharap (as always).
 

Brownman's ABC > Summer Basketball League
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Apr.21.2008 @ 7:13 am

Umpisa na naman ng summer basketball leagues ngayon sa Pilipinas. Eto ang taon-taong nakasanayan na i-organisang palaro para may mapagkaabalahan ang mga kabataan (at isip bata) habang nakabakasyon sa iskwela. Nito ngang huling araw ng bakasyon ko sa Pilipinas eh  engrande pa ang opening ng liga at pumarada pa sila complete with their uniforms, muses at may background music pa na dinig yata hanggang kabilang barangay.

Palakihan na naman ng trophies na ipamimigay at pagandahan na naman ng mga uniforms na isusuot ang bawat teams. Hindi ko lang sigurado sa muse kung pagandahan kasi balita ko eh ang nanalong best muse nung opening ay isang bading (bwahahaha). Sayang at hindi na ako nakapanood ng opening ceremonies at liga opener kasi andun ako sa Reyes Haircutters habang nagpapa-murder ng kuko sa paa at kamay.

Dito sa Tangguh ay hindi kami nagpahuli. Nung Sabado ay nagsimula na rin ang aming basketball tournament. Ang mga kasali dito ay bawat kumpanyang nagtatrabaho. Sa aming main contractor dahil maraming players ay hinati sa dalawa: Indonesian Team at Filipino Team. Siyempre kami ang nanalo sa opening game. Double overtime at nanalo lang kami sa isang free throw ni Jason Inciong. Whew muntik pa kami matalo ng mga lukutoy na Indonesians. Siguro over confidence lang.

Anyway mamaya ay makakalaban naman namin ang piping company. Naku siguradong malalakas ang mga ito kasi ang lalaki yata ng binubuhat nilang pipes sa construction site (LOL). Sana naman eh manood ang mga kababayan naming Pinoy dito para naman may fans kami kahit paano.

 

<< < | 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 | > >>
Entries 101 to 110 of 320

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org