BrownMan Blog
Profile Subscribe Syndicate Search  
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In


Isa ka ba sa amin?

Filipiniana * FOB * Good News Pilipinas * I Love Cavite * Kwentong Tambay * Market Manila

Naic Cavite Online * Nostalgia Manila * Pi Omicron * Super Pasyal * Yabang Pinoy

CNSHS Batch 98 * WikiPilipinas * Brownman Home

Blog - Latest Entries
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 | > >>
Kwentong Barbero > Dancing With The Stars: Manny Pacquiao
12 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.11.2009 @ 4:38 pm

Tsubibo Patrol

Muli pong nagbabalik ang inyong numero unong tagapagbalita, ang Tsubibo Patrol!

Sa ulo ng ating mga nagbabagang balita...

Manny Pacquiao To Join Dancing With The Stars!!!

May bagong scoop po tayo mga katsubibo! Napag-alaman ng Tsubibo Patrol na tinanggap na ni Manny Pacquiao ang matagal ng paanyaya ng Dancing With The Stars sa kanya na lumahok sa paligsahan sa dance floor. Matapos ang anim na buwang pag-iisip ay wala nang natira sa utak ni Pacman nakapag-decide na rin ang pambansang kamao na ipakita sa buong mundo ang kanyang husay sa pag-indak.

Sa darating na Setyembre ay mapapanood ang galing ni Pacquiao sa pag-indayog, paggiling, pagliyad at pag-split sa nabanggit na sikat na programa sa ABC. Ngayon nga ay nag-umpisa na ang puspusang pag-e-ensayo ni Manny. 

'Para lang pala itong buksing. Nakakapagod din at masaya.Kaya lang mas mabilis ako magotom dito. Where's my water? I only drink vitwater you know. Oh mirinda na!', saad pa ng ating bida nang siya ay aming kapanayamin.

Todo suporta naman si Aling Dionisia (Donya na daw siya at hindi Ale) sa bagong pinagkaka-abalahan ng kanyang paboritong anak (kawawa naman si Bobby). Kahit pa nga katatapos pa lang magpa-landscape, face lift at tummy-tuck ay hindi napigilan ng mga doktor ang PacMom sa paglabas ng ospital upang makisayaw kay Manny. 'Hindi ku puwiding palampasin ito, you know. Mas nauna ako nag bulroom sa kanya kaya mas may alam ako. Bibigyan ko si Manny ng tips!', masayang sabi pa ni Aling Donya Dionisia sa mga reporters.

Samantala, sa kampo ni Marquez ay nagkakagulo dahil sa naungusan na naman sila ni Manny. Kaya nga bukas daw ay magpapatawag ng press conference ang Mexicano para ideklara ang kanyang paglahok na rin sa naturang programa sa telebisyon. Hindi rin maawat ang bunganga ni Pretty Boy Floyd sa pagsasabing mas mahusay siyang sumayaw kay Pacquiao at hinahamon nya ang pambansang kamao ng showdown sa disco.

Narito ang isang larawan na patago naming kinunan habang nag-eensayo si Manny Pacquiao humataw! Parang sa Wild Card Gym din kasi ni Roach, mahigpit sa press ang mga DIs ni Manny.



At iyan po ang kaisa isang balitang aming nakalap sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Magbabalik ang Tsubibo Patrol kapag kami ay nakapulot muli ng tsismis para sa inyo.

Paalala sa mga tagapagbasa, tagapanood at tagapakinig... 'Ang hindi magmahal sa sariling wika ay hindi makakarating sa paroroonan.'

Mabuhay!
 

Kalusugan > Sarang Semut
9 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.02.2009 @ 7:53 pm

May bago akong sinusubukan na herbal soda (hahahaha). Ito ay ang sarang semut. Ito raw ay ang bahay ng langgam na punong-puno ng ihi at dumi ng langgam. Kilala rin ang sarang semut sa tawag na Ant Plant sa wikang ingles at karaniwan itong matatagpuan sa Papua. Maraming haka-haka na ito raw ay epektibong panlaban sa maraming uri ng cancer, diabetes, hypertension, liver diseases, heart disease at iba pa. Mabisa rin daw itong panlaban sa problema sa uric acid at maging sa ubo at sipon.

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto ay nagtataglay ang sarang semut ng aktibong compounds ng flavonoid, tocopherol at phenolic. Mayaman din daw ito sa minerals na may bisa bilang anti-oxidants at anti-cancer. Mukhang napakahusay talaga ng sarang semut na ito kung pagbabasehan ang mga testimonials ng mga nakasubok na nito at mga minerals at compounds na meron ito.

Kaya simula nitong araw ng Linggo ay sumubok na rin ako. Baka sakaling madelay ko ang unti-unting pagtaas ng aking blood pressure na nitong huling check up ko ay nasa 125/80 na mula sa 90/70 noong ako ay nasa kolehiyo pa lamang.

Madali lang namang iprepara ang sarang semut soda (pinanindigan na hahaha). Maglagay lamang ng ilang piraso ng tinipak na sarang semut sa kumukulong tubig at pakuluan ng 5-7 minuto. Matapos itong pakuluan ay salain ang brownish na medyo may pagka maroon at medyo purple kung minsan (sensya na magulo ang kulay malabo na mata ko) na sabaw. Para lamang tsaa ito.  Medyo kakaiba ang amoy nito lalo na sa mga unang iinom ng sarang semut. Palamigin ng kaunti bago inumin para hindi naman mapaso ang mapupulang labi at dila.

Ang lasa nito ay hindi naman masagwa. Para ka lang umiinom ng bagong flavor ng tsaa. Walang masyadong after taste. Sa labi lang kung matuyo ang sabaw ng sarang semut ay parang medyo maalat ng konting-konti lang. Uminom ng konting tubig matapos na ubusin ang isang baso ng sarang semut kung meron kang nalalasahan na konting naiwan sa iyong bibig.

Hindi ko pa sigurado kung gaano karami ang iinumin sa bawat araw para maging lubos na mabisa sa kalusugan. Maraming mga katotong Pinoy dito ang nagsasabi na hanggang tatlong baso isang araw daw. Ako naman ay isang malaking mug lang tuwing gabi. Yun muna siguro ang aking iinumin sa loob ng isang buwan bago ako magdagdag ng dami.

Noong una kong pag-inom ng sarang semut ay parang ayaw akong antukin at alas-dos na ng madaling araw ako nakaramdam ng antok. Pakiramdam ko rin ay napuno ang tiyan ko. Parang pakiramdam ng busog ngunit hindi naman mabigat. Bukod doon ay wala naman akong ibang naramdaman na kakaiba. Eto at kaiinom ko lang ulit at ganun pa rin ang pakiramdam. Medyo alisto nga lang ang senses ko at parang masigla ng konti kaysa dati. Si katotong Kim naman daw ay tigas-titi ang epekto sa kanya. Nag wet dreams ng makailang ulit sa  tuwing iinom sya ng sarang semut soda.

Ang napakuluang sarang semut nga pala ay pwedeng itago at muling pakuluan hanggang 3 ulit. Obserbahan lang kung medyo lumilinaw na ang kulay ng tubig matapos ang bawat pakulo. Kung halos tubig na lang ang kulay oras na para magpakulo ng bagong batch ng sarang semut.

Narito sa baba ang ilang litrato ng sarang semut bago at matapos pakuluan.

Yuckiiiii ang hitsura parang yung sa kumalat na chain mail dati na pinakuluang fetus sa Taiwan!!! Hitsura lang yan mga tsong at tsang. Sarang semut soda masarap din naman parang tsaa na walang asukal.

 

OFW > Ang Pagbabalik (Part 11)
3 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.25.2009 @ 8:52 pm

Nakabalik na naman ako dito sa Tangguh matapos ang mahabang paglalakbay mula sa Cavite. Pang labing-isang byahe    ko na ito at wala pa ring kasawa-sawa.

Medyo mapanglaw na ang opisina at siksikan pa. Kung kelan kumonti ang tao ay tsaka pa nga sumikip. Buong akala ko ay babalewalain ko ang init dito dahil sa summer din naman sa Pinas at medyo nakapag-warm up na ako pero grabe pa rin talaga ang sikat ng araw dito. Parang katabi mo lang talaga. Maghapon akong pinagpawisan sa bago naming opisina na sa sobrang init ay nabasa na yata ang aking panty (bwahehehe). Isang aircon para sa apat na tao. Hindi kaya. Nakakapanibago hindi katulad ng sa dati naming tanggapan na one is to one ang ratio ng pampalamig. Pano na ang ambisyon kong pumuti kung hindi malamig ang klima sa opisina? Sabi kasi ng mga matatanda nakakaputi daw ang malamig na hangin at sabi naman ng mga matatandang taga-pampanga ay nakakaputi daw ang malamig na angin. Ewan ko kung totoo yun. Kaya ngayon mapipilitan akong umasa sa biolink papaya soap para hindi naman ako mapagkamalang Papuan police dito.

Kaya heto sa kwarto sinagad ang aircon habang hubad at naka-usli ang tiyan. Nagbabakasalaking maibabaon ko bukas ang lamig na aking masasagap ngayong gabi papunta sa opisina. Good luck to me.
 

Brownman's Hirit > Pacquiao - Hatton
3 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.04.2009 @ 7:45 am

Kagabi ay napanood ko ang replay ng laban ni Manny Pacquiao at Ricky Hatton sa Supersports channel (S7). Sa huling sapok ni Manny ay parang naramdaman ko rin ang lakas na umabot hanggang dito sa Indonesia. Pakiramdam ko tuloy ay nahilo rin ako at hanggang ngayon ay masakit pa rin ang aking panga. Ang lupit ni Manny parang natuto na siyang gumamit ng Nen. Wala na siyang ka-match sa boxing na pangkaraniwang tao lamang.

Pinatunayan nya na hitman nga si Hatton. Hit-Man taong palaging nahi-hit (tawanan sa corny joke na katulad ng naririnig sa sitcom sa TV). Tama nga ang sinasabi ni Manny tuwing siya ay kakapanayamin na 'let my fists do the talking.' Ang buong akala ko kasi ay sinasabi nya lang yun kung hindi nya na malaman kung paano sabihin sa ingles kung paano nya pupulbusin ang kanyang katunggali.

Masaya lahat ng Pinoy at pati na rin karamihan sa mga Asyano na kasamahan namin dito sa Tangguh dahil sa pagkapanalo ni Manny. Sana ay marami pang mapasaya si Manny sa kanyang mga panalo sa boxing. Wag na sana sa politika.

Ang saya talaga parang gusto kong magmura! Put@n* $&^ talaga! Mabuhay ka Manny Pacquiao!

 

Brownman's Hirit > Butaw
6 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Apr.25.2009 @ 10:43 am

Bruskong Holdaper: Mamili ka, pitaka mo o pasabugin ko yang ulo mo? (Sabay tutok ng baril sa sentido ni Ben)

Ben Tumbling: Bahala ka! Parehas walang laman yan!

 

My Top 10 > Pantasya
4 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Apr.22.2009 @ 11:26 am | Lasted edited: Apr.21.2009 @ 9:36 pm

Mga bagay na nais kong gawin subalit sa panaginip na lang yata matutupad.
  1. Taas noo at tigas titing rumampa sa Boracay habang nakasuot ng trunks na kulay puti at may Superman logo. Buong yabang na ipinakikita sa mga tao ang six-pack abs, malapad na balikat, super saiyan na thighs at biceps at pinkish na utong.
  2. Maligo sa ulan ng walang saplot kasama ng mga paborito kong artista na babae after nilang ipa breast lift ang mga susong nakalaylay dahil sa paghila ng gravity.
  3. Makalipad sa kalawakan kahit walang pakpak. Noong una gusto ko sanang maging katulad ni Archangel (yung isang mutant sa X-Men) kaya lang delikado sa bird flu ang kanyang pakpak.
  4. Maging isang sikat na rockstar para naman makapag-suot ako ng all-black na damit, pantalon, sapatos, burloloy at kyutiks (nail polish yata ito sa ingles bwahahaha). Gusto ko rin gayahin ang buhok ng mga sikat na anime characters para cool.
  5. Kalabanin si Manny Pacquiao sa ibabaw ng ring pero hindi suntukan ang paglalabanan. Wrestling as in professional wrestling. Makita ng mga tao kung sino ang mas magaling mag butt drop, fist drop, elbow smash, headbutt, spinning heel kick, double slap, clothesline, chokeslam, batista bomb, figure four leg lock, 619 (peborit rey mysterio) at suplex. Magsusuot ako ng full-body costume ng isang oso na may tatlong utong.
  6. Hiwain ng blade ng sampung beses ang balat ng lahat ng mga nangurakot sa bayan at patakan ng kalamansi hanggang sa lumabas sa sugat nila ang salaping kanilang itinago sa kanilang bulsa-de-balat.
  7. Sumakay sa 20 top rated na roller coasters sa mundo. Sa unahan.
  8. Mag sky diving o kaya mag base jump mula sa tuktok ng Burj Dubai.
  9. Mag ski sa Pilipinas. Sana umulan ng yelo kahit isang linggo lang kada taon sa mahal kong bayan.
  10. Makapaglaro para sa LA Lakers, tulungan si Kobe na talunin si Lebron sa kampeonato at makapag-audition sa Hollywood kahit extra lang.

Politico > BF Guide To Lead
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Apr.18.2009 @ 5:05 pm

Brownman's ABC > Payong Kaibigan?
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Apr.03.2009 @ 3:31 pm

Suhestiyon para kay Manny Pacquiao

1. Magsuot ng Barong Tagalog sa mga formal appearances niya sa publiko. Di hamak na mas magiging disente at elegante ang porma niya kaysa magpumilit ibagay ang damit banyagang gawa ni Giorgio Armani. Maipo-promote nya pa ang pagtangkilik sa damit na gawang Filipino.

2. Makinig sa mga payo ni Chavit tungkol sa tamang pagpapalago at pag-iingat ng kanyang kayamanan. Sa hitsura ni Gov mukhang sigurista siya at hindi maiisahan, inaderwords o sabi nga ni Lumen wais.

3. Huwag makinig sa mga payo ni Chavit at ex-Mayor Bulaklak tungkol sa politika.

4. Huwag masyadong maging gahaman.

5. Paligiran ang sarili ng mga mahuhusay na tao at gantimpalaan sila ng magandang pasahod kesa naman paligiran nya ang sarili nya ng mga artista at politikong may kani-kanyang agenda o sariling interes.

6. Maging panatag at makuntento sa pagiging kapuso. Okay lang din kung maging kapamilya. Huwag na huwag maging kapera.

7. Gamitin ng mahusay ang kanyang kasikatan upang ipakita at ipaalam sa mundo ang mga natatanging kultura ng Pilipinas.

8. Tigilan ang pag-gamit ng 'Sir', 'you know' at 'madam prisident' sa mga sagot na kanyang ibinibigay tuwing siya ay papanayamin sa salitang ingles.

9. Tigelan mona ang pagbabalak na maging isang sikat na mang-aawit. Sala sa tuno at sablay ang pagbegkas ng mga salita.

10. I-knock out si Hatton sa kanilang laban sa May 2.
 

Brownman's Hirit > Nation of Servants by Chip Tsao
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Apr.01.2009 @ 9:47 am

Ang sumusunod na article ay sinulat ni Ginoong Chip Tsao (or is it Cheap?). Opinion niya ang nakasulat dito.

The War At Home

The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen on board. We can live with that—Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Diàoyú Island. That’s no big problem—we Hong Kong Chinese love Japanese cartoons, Hello Kitty, and shopping in Shinjuku, let alone our round-the-clock obsession with karaoke.

But hold on—even the Filipinos? Manila has just claimed sovereignty over the scattered rocks in the South China Sea called the Spratly Islands, complete with a blatant threat from its congress to send gunboats to the South China Sea to defend the islands from China if necessary. This is beyond reproach. The reason: there are more than 130,000 Filipina maids working as $3,580-a-month cheap labor in Hong Kong. As a nation of servants, you don’t flex your muscles at your master, from whom you earn most of your bread and butter.

As a patriotic Chinese man, the news has made my blood boil. I summoned Louisa, my domestic assistant who holds a degree in international politics from the University of Manila, hung a map on the wall, and gave her a harsh lecture. I sternly warned her that if she wants her wages increased next year, she had better tell every one of her compatriots in Statue Square on Sunday that the entirety of the Spratly Islands belongs to China.

Grimly, I told her that if war breaks out between the Philippines and China, I would have to end her employment and send her straight home, because I would not risk the crime of treason for sponsoring an enemy of the state by paying her to wash my toilet and clean my windows 16 hours a day. With that money, she would pay taxes to her government, and they would fund a navy to invade our motherland and deeply hurt my feelings.

Oh yes. The government of the Philippines would certainly be wrong if they think we Chinese are prepared to swallow their insult and sit back and lose a Falkland Islands War in the Far East. They may have Barack Obama and the hawkish American military behind them, but we have a hostage in each of our homes in the Mid-Levels or higher. Some of my friends told me they have already declared a state of emergency at home. Their maids have been made to shout “China, Madam/Sir” loudly whenever they hear the word “Spratly.” They say the indoctrination is working as wonderfully as when we used to shout, “Long live Chairman Mao!” at the sight of a portrait of our Great Leader during the Cultural Revolution. I’m not sure if that’s going a bit too far, at least for the time being.

OFW > Dear Diary
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.04.2009 @ 10:14 am

Araw-araw ay naiinis ako sa pagharap sa computer para magpalipas ng sampung oras na naghihintay ng trabahong darating. Nakakaburat na talaga dito sa Indonesia. Although maganda ang kita at nakakaipon, pakiramdam ko naman ay nagdedeteriorate ang kalusugan ng aking isip at katawan. Nakakabuwang yata talaga pag matagal na panahon kang walang ginagawang makabuluhan. Wala na yata akong pinagkaiba sa security guard na tagapagbantay lang sa isang gusali samantalang ako ay tagapagbantay lang sa computer.

Kahapon ay nagpadala ng liham ang aking boss na nasa Singapore at gusto niyang mapaaga ang demobilization ng alinman sa amin ni pareng jospe. Gusto ko na sanang mag volunteer na ako na ang unahin kaya nga lang ay nakakahiya naman kay kumpare at baka gusto nya ay siya na rin maunang makalipat. Isa pa ay mahina ang kita sa Singapore kumpara dito dahil na rin sa kakulangan ng allowances, overtime at hazard/hardship pay. Enjoy nga lang dahil sa nasa isang bagong lugar at makabagong siyudad.

Hindi ko lalo malaman ang aking gagawin at kung paano palilipasin ang bawat maghapon na nananatiling matino. Inday pagpayuhan mo ako.
 

<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 | > >>
Entries 21 to 30 of 320

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org