BrownMan Blog
Profile Subscribe Syndicate Search  
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In


Isa ka ba sa amin?

Filipiniana * FOB * Good News Pilipinas * I Love Cavite * Kwentong Tambay * Market Manila

Naic Cavite Online * Nostalgia Manila * Pi Omicron * Super Pasyal * Yabang Pinoy

CNSHS Batch 98 * WikiPilipinas * Brownman Home

Blog - Latest Entries
<< < | 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 | > >>
Brownman's ABC > Time Space Warp! Ngayon din!
5 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.29.2007 @ 2:12 pm | Lasted edited: Jun.29.2007 @ 1:15 am

   
Time space warp, ngayon din!

Yan ang palaging sinisigaw ni Ida tuwing uutusan siya ni Fuuma Lear na gamitin na ang Time Space Warp laban kay Shaider. Nahihirapan na kasi sila sa pakikipaglaban sa super hero kahit na magpadala sila ng 50 foot soldiers at regular na tauhan-villain nila. Ganyan kalupit si Shaider. Pag nag time space warp na medyo nahihirapan si Shaider sa pakikipag laban.  Natatamaan na sya ng suntok, sipa at karate ng special monster na every week ay pinapaslang ni Shaider sa pamamagitan ng kanyang laser sword (teka kay Voltes V yata ito), este Laser Blade aka Shaider Super slash. Bakit kaya hindi sa umpisa pa lang ay gamitin na ang time space warp at gumawa ng maraming special monsters? Kung titigil sila sa paglaban ng 1 buwan at mag-concentrate gumawa ng monsters eh makaka-ipon sila (4 yun sa isang buwan). Mas lalaki na pag-asa nila manalo sa labanan?

  
 

Pero hindi rin siguro dahil sigurong tutulong na ang sexy na si Annie sa pulis pangkalawakan. Isa pa baka ipa-dala na rin ng headquarters ng mga pulis na ito ang ilang magagaling din naman na heroes like Bioman (5 yan), Mask Rider Black, atbp

Maaaring isama din nila si Magmaman, Tsupotman, Ultraman at Ito san.

Imagine kung naipanganak na sa mundo ang mga supot na super heroes na ito nung panahon ng WWII. Aba malamang ang Japan ang nagdodomina sa mundo instead na ang mga Kano. Imagine ang international lingo at Nihonggo? Teka nalalayo ako sa original topic ko eh.

Marami rin sasakyan si Shaider na pwede panlaban kahit sa maraming special monsters at time space warp. Nandiyan ang Blue Hawk, Battle Tank, Vavilos at Laser Blaster (pinaka-malaking baril sa buong Japan). Kaya wala talagang pag-asa ang alagad ni Lear. Kahit may time space warp pa talo sila ni Shaider. Kelan ba naman natalo ang super hero? Kaya nga maagang namatay si Shaider sa totoong buhay (Hiroshi Tsuburaya) kasi nasobrahan sa pagkain ng hilaw na seaweeds sa pag-aakalang mas mainam ito kesa sa viagra para daw kay Annie pakikipaglaban sa mga tauhan ni Fuuma. Sumama na rin sa hukay nya ang pagtatapos ng Shaider, Ang Pulis Pangkalawakan. Tuloy sa time space warp (replay) na lang sya mapapanood ng mga bata sa ngayon. Sayang!

 
 

My Top 10 > Kinaiinisan
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.27.2007 @ 5:35 pm

  1. Makulit na caller sa opisina.
  2. Trapik
  3. Anghit, putok, amoy ng usok ng yosi
  4. Babaeng feeling maganda at lalaking mayabang
  5. Mabagal na internet connection, mabagal na computer, mabagal na program, mabagal na pila
  6. Tax
  7. Defective keyboard, remote control, calculator, game controller
  8. Slang na ingles. Ingles ng Singaporean, Taiwanese at Chinese. Langya Pinoy na ang pinakamalinaw mag ingles
  9. Brown out, black out
  10. Pagtaas ng presyo ng LPG, kuryente, pamasahe, atbp
 

OFW > Vacation Plan
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.27.2007 @ 1:18 pm | Lasted edited: Jun.27.2007 @ 12:06 am

 Oct-Nov Vacation Plan

  1. Celebrate my 6th 21st birthday with my family. Lots of food and beer.
  2. Detoxification by sleeping more, exercise, more sex and eating mostly fruits and veggies.
  3. Nature trip at UPLB, Pook ni Maria Makiling, National Arts Center, etc.
  4. Have my house painted.
  5. Buy new pairs of Nike kicks for Ian, Love and me.
  6. Buy: a. iPod b. External HD c. Electric Guitar d. all of the above
  7. Watch Ian fly his new remote control toy plane.
  8. Chikka, inom, more chikka, more inom with Love.
  9. Send and fetch Ian to school.
  10. Buy a new king size bed.


**********************************
Pag walang pera ganito na lang...

  1. Celebrate my 6th 21st birthday with my family sa Balot-balot.
  2. Detoxification by sleeping more, exercise, more sex and eating pandesal.
  3. Nature trip sa likod bahay. Malapit lang naman ang palayan at ilat.
  4. Have my cabinet painted.
  5. Buy new pairs of Nike kicks for Ian, Love. Pwede pa yung Avia ko.
  6. Buy: a. walkman b. crossword puzzle c. rubik's cube d. wag na lang kaya
  7. Watch Ian fly his new remote control toy plane. This was a promise I made to my son. Hindi pwedeng mapalitan.
  8. Chikka, more chikka with Love.
  9. Send and fetch Ian to school.
  10. Buy a new queen size bed. Magpapa-payat para magkasya kami.
Iskul Bukol > High School, Fun School
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.26.2007 @ 4:42 pm

Maraming fun and memorable experience din naman ako sa Cavite National Science High School katulad ng:

  • -3 year overall sportsfest champion ng batch namin (astig!). Nung freshman year namin 3rd place...after that Overall Champion agad and we didn't look back after the Sophomore year.
  • -Pag-aaral ng Wordstar at Lotus 123 (1st and 2nd Year HS).
  • -Ang thrill ng pagpapractice mag type ng mabilis sa keyboard without looking sa mga letters...pag tumingin ka papaluin ka ni Miss Bisa ng pinutol na antenna ng AM/FM radio. Syempre after practice eh apply na namin ang bilis namin sa pagta-type sa isang program na ang tawag ay Hyper Typer. Proud students kami kasi balita namin na ang katabing kolehiyo na PUP ng aming iskul ay ito rin ang ginagamit. Wow four years ahead sila pero pantay ang turo pagdating sa computer.
  • -Pag-attend ng Acquaintance Party nung 2nd year (aba first ever yata ito sa CNSHS in a long, long time, if not first talaga)
  • -At isa pang party nung 3rd year namin. Isa yata kami sa mga pinagpala na mapagbigyan ng kasiyahan sa iskul.
  • -Pag participate ko sa nationally telecast na Bonifacio Day celebration sa Maragondon Plaza. Ako yung may hawak na baril na kahoy katabi ng flag bearer na nagkamali sa drill sa while on-stage sa harap ng maraming tao. Buti na lang nakaharang yung flag.
  • -Nag-hiking din kami sa Mt. Buntis with Sir Tom and the whole CAT class. Isama mo na dito ang thrill ng pagtawid sa hanging bridge from San Nicholas papuntang kabilang barangay.
  • -Nag educational trip (hindi field trip ha...) kami sa DOST at sa PAGASA. Enjoy ko yung andun na kami sa loob ng planetarium. Nakahiga lang at nanonood ng bituin. Nag-enjoy talaga akong matulog dun ang lamig pa ng aircon.
  • -Hindi man ako nakasali sa Scouting (Boy Scout pa ba tawag dun pag high school na?) pero nakuha ako bilang isa sa mga "marshals". Gustong gusto ko yung time na isa ako sa mga nagtago ng Easter Egg (sa month ng October ha) para hanapin ng mga scouts. Yung tinago ko ang pinakamatagal bago nakita!
  • -Pagkakaroon ng classmates/batchmates na super cool at smart. Eto sila:
  • Baha: Lakas tumawa ni tong tao na to.
  • Arnie: Damath champion ito national level. Pero natalo ko ito sa simpleng laro ng dama. Best of 101. Unahang maka-101 wins :-)
  • Jocs: Bahay nila ang aming tambayan. Malupit mag-gitara. Sharpshooter sa basketball parang si Allan Caidic. Triggerhappy. Hindi mahiyain tumira.
  • Baan: Cute, cool at calm kahit hinampas ni Mrs. Eseque ang aming Jenga. Talsikan shet.
  • Lestre: Ang composer/singer ng kantang ABCD ng Sineskwela. Siya ang first and original musician sa class namin.
  • Richelle: Palaging kaaway ni Jocs. Pinaka-mataas na boses na narinig ko sa buong buhay ko. Sipag maglinis ng classroom.
  • Jaymie: Nick nya ito. Pinakamabilis magmaneho ng sasakyan sa class. Pag nakasakay ka talagang puno ng thrill hehe. Isa pang magaling mag-gitara.
  • Amir: Slasher ng basketball barkada. Henyo sa Math.
  • Ruth: May magandang leeg.
  • Menen: Crush ko.
  • Janice: Nice Girl ng batch.
  • Teodorico: Teody. Hindi ko mapigilan mapa-iyak pag nakikita ko ang kanyang perfectly combed hair. Parang yung buhok ng isa sa mga ghost busters.
  • Lyka: Laki nya (katawan).
  • Anya: Mas malaki sya. Hindi pala ito ka-batch.
  • Jet: Kainin na! Kainin na!
  • Alvin: Bad boy ng batch. Bestfriend si Mrs. Bencito. Pero mabait tong pare kong ito. Roommate ko pa ito sa Los Banos during college days.
 To be continued...
 

Iskul Bukol > Balik Tanaw: High School
4 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.25.2007 @ 9:25 am | Lasted edited: Jun.24.2007 @ 7:26 pm

 Minsan parang gusto kong balikan ang kabataan ko. Yung high school days to be exact. Hindi ko kasi masyado na-enjoy ang stage na yan ng buhay ko. Back then wala akong time for myself and other extra-curricular activities. Walang time para mag-barkada. Walang time (at lakas ng loob) para manligaw. Walang time para maranasan ang saya, kalokohan at kapusukan ng isang teen ager. Bakit? Dahil sa school. Napaka-demanding kasi sa oras at konsentrasyon ng aking alma mater. Palagi na lang aral, aral at marami pang aral. Dati ang laman lang palagi ng isip ko ay kung pano makakakuha ng mataas na grades para hindi mawala sa top ten ng klase. Iniisip din palagi kung pano magpapakabait sa school para hindi ma-guidance. Kakahiya naman kasi ma-disiplina sa isang maliit na school tapos ang Guidance Counselor pa ay ka-barangay ko pa...at ang pinaka-nakakahiyang bagay na pilit iniiwasan ng mga estudyante sa isang science high school ay ang ma kick out...kaya't mapipilitan ka mag-aral, gumawa ng assignments, sauluhin ang CNSHS Hymn, mag-COCC/kadete, magdala ng halaman na nasa paso, mag-bake ng cookies, maglinis, mag-floor wax at mag-bunot sa loob ng classroom, maglinis ng harap ng classroom, maglinis sa likod ng classroom (habang ginugupit ng classmate mo ang iyong ID) at maglinis ng inidoro ng classroom (1-Hydrogen). Andiyan din na pipigain mo ang isip mo kasama ng ka-group mates para umisip ng makabagong imbensyon katulad ng bagong pamatay sa lamok na mula sa pancit-pancitan, alcohol na gawa sa pinaghalong cassava starch at pawis ng kamay, biomass mula sa pinatuyong tree bark, etc. Nagpilit din akong labanan ang antok sa panonood ng mahahabang pelikula katulad ng The Ten Commandments, Forrest Gump (pero gusto ko ito), Dangerous Minds atbp para may maisulat naman ako sa film review namin sa english class ni Ms. Bergado at Ms. Langit, na naging Ms. Profeta after mag-asawa (masyadong banal). Hindi pa masaya sa film review...kailangan pa magbasa ng books na pambata...Little Prince ni Antoine de Saint Exupery, Lord of the Flies ni William Golding, etc.
 

 Sa buong 4 years ko sa high school 95% of your time ay para sa pag-aaral. 2% para sa class ni Sir Tom para sanayin ka maging isang tunay na sundalo simula sa Health (angina pectoris!), P.E. at CAT. 2% para sa Saturday and Sunday na devoted sa pagtapos ng maraming (napaka) assignments na binibigay ng mga teachers every Friday para daw hindi kalawangin ang utak sa 2 araw na bakasyon. 0.5% para mag-isip pano ko ba sasabihin sa mga classmates ko na taga-San Nicholas, San Jose at Bancaan na crush ko sila. 0.3% para maghanap or gumawa ng projects like bonsai, flag ng Pilipinas (tuwing October), tambol na gawa sa lata ng Nido at plastic bag, stamps collection, bingo math, damath, keyboard replica na gawa sa styro, paper mache, paper float para mapatunayan na mas mabigat ang dugo kaysa tubig at marami pang projects na kung hindi mo gagamitan ng papel eh gagamitan mo ng paso. May natira pa naman na 0.2% at eto ang mga nagawa ko katiting na oras na yan:
1. Praktisin ang latest hits ng Eraserheads, Rivermaya at Yano.
2. Maglaro ng Super Nes kina Jocs.
3. Magbasketball
4. Maglaro ng patotoy pitik bulag
5. Manood ng Dragon Ball Z
6. Maupo sa terrace ng lumang bahay namin na nakataas pa ang paa habang nangungulangot.
7. Manood ng Tabing Ilog
8. Kumain ng Rin-Bee, hansel, humpy dumpy
9. Umakyat sa puno ng aratilis ng kapitbahay namin
10. Maglagay ng gel sa kulot na buhok.

Not so much activities para sa sarili ko. Talagang mas maraming nilalaan na oras para sa eskwela.
Pano kaya kung tinanggap ko yung scholarship ng Western Colleges at dun ako pumasok instead na sa CNSHS? Hmmm, ano nga kaya? Siguro sawa ako sa  mga parties and parades. Valedictorian graduate siguro ako nung 1998. Ibang blog siguro ang sinusulat ko sa araw-araw. Kung pwede lang sana mag trial and error sa buhay natin. Kung pwede bumalik sa panahon. Curious lang naman. Syempre hindi ko pagpapalit ang hayskul ko sa iba diyan.To be continued...
 

OFW > The Ten Commandments ng isang OFW
5 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.25.2007 @ 8:56 am

 The Ten Commandments ng OFW
  1. Ingatan ang Passport at mahahalagang documents
  2. Siguraduhing magta-trabaho ka. Hindi ka lumabas ng bansa bilang OFW para pairalin ang katamaran.
  3. Huwag pabayaan ang kalusugan. Kumain ng healthy foods at nasa oras. Mag-exercise.
  4. Kung nais tikman ang ibang lahi sumigi ka ngunit siguraduhing magsuot ng proteksiyon. Tikman minsan at wag magpaka-adik. Siguraduhing binata ka.
  5. Huwag kalimutan ang mga mahal sa buhay. Sumulat, mag-text, mag-email at magpadala ng pera sa pamilya sa Pilipinas para makatulong ka sa kanila at ng may silbi naman ang pagiging bagong bayani mo.
  6. Huwag dibdibin masyado ang trabaho. Kung ano lang ang kayang gawin (plus a little extra effort) yun lang. Huwag magpaka-bayani para sa dayuhan.
  7. Huwag lalaki ang ulo (sa taas ha) at huwag maging suplado lalo na sa kapwa OFW. Remember pare-parehas lang kayo namamasukan sa ibang bansa. Pantay-pantay lang at makaro pa rin ang kutis ng betlog mo. Kahit TNT pa yan, makisama.
  8. Iwasan ang anumang klase ng krimen. Baka mahagupit ka ng latigo, maputulang ng daliri or ulo. Kung sa Pilipinas bago ka umalis malinis ang record mo sa pulis eh panatilihin mo yan kahit san ka pa pumunta sa mundo dahil dala mo na rin ang ngalan ng bansa mo.
  9. Huwag kalimutan umuwi ng Pilipinas. Kahit nag-palit ka na ng nationality dalawin mo pa rin paminsan-minsan ang lupa kung saan ka tinuli pinalaki at tinuruan bumasa at sumulat.
  10. Gumawa ka ng plano (kung wala ka pa bago pa man umalis ng Pinas) kung pano mo gagamitin (or ise-share) ang kikitain mo sa mahabang panahon na paninilbihan sa imperyong dayuhan. Papalaguin ba sa isang negosyo (wais), bibili ng lupa, bahay and/or kotse, ibabayad ba sa utang, ipampapa-lipo ba or papatulugin mo lang sa bangko?
 

Traditions, Customs, Culture > Parada ng Lechon
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.22.2007 @ 6:10 pm

 
Sa Sunday, June 24, ay masaya ang mga may utang sa 5-6. Bakit? Kasi fiesta celebration para kay St. John the Baptist. Hindi na naman makakalabas ng lungga nila ang mga Indiano dahil basaan ng tubig. Takot kasi ang mga panang ito na mabasa. May sakit silang Dianophobia (aka hydrophobia).

Dadalaw si misis sa Balayan (her hometown) kasama ang aming cousins from d' steyts to watch the Parada ng Lechon 2007. Sayang hindi ako kasama...malungkot at masaya rin. Malungkot kasi until now hindi pa ko nakakapanood ng ganitong parada... at syempre dahil malayo nga si misis sa akin...Masaya naman kasi at least hindi ako mapapagkamalan na isa sa mga pumaparada (in feyrnes) :-))

Bigla tuloy ako nagutom...

 
 

Brownman's Hirit > Anong ize apato mo?
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.22.2007 @ 5:59 pm

Anak: Tatays kains na tayos. Gutoms na akos.

Tatay: Tigilan mo nga ang paglalagay mo ng "s" sa pananalita mo. Ano ba ang meron jan?

Anak: Tay meron ditong dinaing na bangu, dili, kamati at maaim na uka. Maarap lahat.

Tatay: Piloopong bata ito!

Brownman's Hirit > Hey Bloody Joe!
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.21.2007 @ 9:40 am

Conversation ng Indon at Bitoy sa Pantry ng office:

Indonesian: Hey Joe! I didn't saw you tonight.

British: Tonight?

Indonesian: Ahhhh...no. Last night? Ya Last night.

British: I was talking to someone in the camp alley.

Indonesian: Oh ya? I like Ali too. You watch Ali, you know boxing, last night?

British: (Puzzled) What? No not that Ali. I mean alley. Small road.

Indonesian: Ahhh... can you spell that on me.. A-L.

British: (annoyed) A-L-L-E-Y

Indonesian: Ahhh... Can you use in the sentence?

British: You Bloody little creature! Get out of here and let me enjoy my java.
 

Komiks > Fish Pacman
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.21.2007 @ 9:38 am

Kapag inapi ang nakararami... kahit higante ang kalaban kakayanin.


 

<< < | 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 | > >>
Entries 271 to 280 of 320

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org