BrownMan Blog
Profile Subscribe Syndicate Search  
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In


Isa ka ba sa amin?

Filipiniana * FOB * Good News Pilipinas * I Love Cavite * Kwentong Tambay * Market Manila

Naic Cavite Online * Nostalgia Manila * Pi Omicron * Super Pasyal * Yabang Pinoy

CNSHS Batch 98 * WikiPilipinas * Brownman Home

Blog - Latest Entries
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 9 | > >>
Brownman's Hirit > Gretta Strikes Again
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.24.2009 @ 7:58 am | Lasted edited: Feb.23.2009 @ 5:17 pm

Ang lupit talaga ni Gretchen! Narito sa baba ang mga larawang ating napulot. Magagalit na naman si Mr. Cojuangco kay Gretta.

Business Pinoy > Sali Ako Jan
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.21.2009 @ 8:02 am

Bakit maraming tumatakbo sa eleksyon?

Simple lang. Para maging parte sila ng pinakamalaking samahan ng kolektor sa bansa. Ang GOBYERNO.

When a businessman profits from doing business, the government shares with him. But when this businessman incurs losses he finds himself alone footing the bill!

Di ba ang sarap naman ng ganun? Kokolekta ka lang. Sigurado ang kita. Walang pagkalugi. If you think you need more then just collect more. Para maprotektahan ang pangongolekta mo ay gagawa ka lang ng mga kautusan at batas. Panalo!

Nalilito tuloy ako kung ano ang mas magandang kabuhayan: 

Leader ng isang religious order na nangongolekta rin ng donasyon ngunit hindi nagbabayad ng buwis o Kabo ng Gobyerno na animo'y siya ang hari ng kalawakan na nakaupo sa ibabaw ng black hole habang patuloy na humihigop ng salapi sa lahat ng nasa ilalim niya.

 

Kalusugan > Angina
4 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.21.2009 @ 7:46 am

Recently ay nakaka-experience ako ng paninikip ng dibdib at parang nahihirapan huminga. Parang may nakapatong na mabigat na bagay sa aking dibdib. Kumikirot din sa may bandang kaliwa na parang pakiramdam na naiipit o nagbabarang ugat. Halos gabi gabi nangyayari ito at nahihirapan ako matulog.

Resulta: palaging puyat, kinakabahan at natatakot sa kung anuman ang nangyayari sa akin.

Kagabi ay naglaro ako ng basketball for two straight sets na inabot ng one hour intense competition. tatlong six-footer ang kalaban namin mabuti na lang at ang sentro namin ay isang physical 6-6 na Venezuelan na sobrang ingay maglaro. Anyway, for the first time in a week ay di ako nakaramdam ng pagsakit ng dibdib or any discomfort sa paghinga. Exercise lang pala ang katapat. Yun nga lang masakit ang aking paa at lower back.

Tumatanda na kailangan maging mas maingat sa kalusugan.

 

Kapuso > Paalam Nanay Talia
6 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.10.2009 @ 8:18 am

Dear Nanay Talia,

Hindi mo man mabasa itong aking liham sa iyo ay lubos ko pa ring ipinararating sa yo ang aking pagkalungkot sa iyong pagpanaw. Hindi ko man lang nasuklian ng lubos ang lahat ng kabutihan na ipinakita mo sa akin at sa aming buong pamilya lalo na noong kami ay nasa panahon ng paghihirap at lubos na nangangailangan ng suporta at pagmamahal. Isa kang dakilang ina sa iyong mga anak na hanggang sa iyong mga apo sa kanila ay walang sawa kang nag-aruga kahit pa nga sa iyong pagtanda.

Parang kailan lang ay malakas ka, masaya at abala sa pag-asikaso sa iyong mga bisita noong kaarawan mo noong Hulyo. Tandang tanda ko pa kung paano mo ako binati dahil sa ang pagdating ko para magbakasyon sa Pilipinas ay eksaktong araw ng birthday. "Pwede ng simulan ang pagpapakain sa bisita dahil andito na ang hinihintay kong bisita!", sabi mo pa nga. Masaya ang araw na iyon. Magkakasama tayong mga magkakapamilya.

Nitong Disyembre naman ay nagulat ako sa balitang nagkasakit ka at hindi na makalakad. Hindi ko sigurado ang dahilan kung osteoporosis o aksidenteng napadulas ka. Hindi ko na inalam dahil alam kong kahit anupaman ay hindi na maibabalik ang dating masigla, masayahin at mapagmahal na Nanay Talia ko. Sa huling pagdalaw ko iyo ay hindi mo na nga ako nakilala. Panay pa ang daing mo na pagod na pagod ka na. Umuwi rin ako agad dahil sa para akong mapapaiyak. Noong new year na inilabas ka ng bahay sakay ng wheelchair ay hindi na kita nabati. Mabilis kang ibinalik sa iyong bahay dahil na rin sa ayaw din naming lahat na makita ka sa ganoong kalagayan.

Sabi nila palagi mo raw hinihiling na makita ang bago kong baby. Kaya nga nitong nagdaang linggo ay dinala diyan sa bahay mo si baby para makita mo siya at maka-bless sa yo. Paglaki ng mga anak ko ikukuwento ko ang iyong mga ginawang mabubuti para sa amin.

Sa kabilang banda, masaya na rin ako para sa iyo dahil sa alam kong andiyan ka na sa langit at malaya na sa problema at sakit na iyong tiniis ng mahigit dalawang buwan. Sana ay magkaisa ang mga anak mo at tigilan ang napakatagal na panahong palaging bangayan at pag-uugaling bata. Alang-alang man lang sa iyo.

Mahal kita Nanay Talia. Mahal ka naming lahat. Salamat sa lahat ng iyong pagmamahal para sa amin at pagtulong sa lahat ng oras na kami ay nangailangan. Hindi ka namin malilimutan.


Ang paborito mong pamangkin,

Jon2x

 

OFW > Hapi Nyuyir
3 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jan.07.2009 @ 7:58 am

Hapi nyuyir sa lahat!

Sana ay mabawasan ang gastusin at madagdagan ang ating savings.

Ganda ng pagbati ng Indonesia sa aking pagbabalik. Bagyo sa Biak na halos mapabagsak ng sablay ang aming eroplanong sinakyan habang palanding. Delayed connecting flight. Ta's kagabi naman naalala ko pa family ko lalo na yung new baby ko. Homesick agad!

At ngayong umaga lang ay ang follow up na lindol sa naganap na 7.3 magnitude earthquake noong January 4. Nahilo ako bigla at hanggang ngayon umiikot pa paningin ko. Di na ako lumabas ng opisina dahil sa di naman masyado nagtagal ang pagyanig.

Di pa nakakalampas isang linggo ay dami ng kaganapan dito na parang di maganda. Sana naman inuna na ni lord olmayti ang mga pangit na pangyayari na yan para simula ngayon ay magagandang bagay na lang ang darating for this year. Haleluya eymen!

Komiks > Ang Pinakamagandang HAYOP sa Balat ng Lupa
3 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Dec.04.2008 @ 7:52 am | Lasted edited: Dec.03.2008 @ 5:03 pm

A Picture Paints A Thousand (Loathsome) Words


Ang pantasya ng bayan!!! Ms. Cassandra Bonnie.

Aatakihin sa puso ang sinumang magising sa umaga na ang pagmumukha ni Cass ang unang makikita.

 

Brownman's ABC > Pasalubong
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Dec.02.2008 @ 7:35 am

Malapit na naman ang pag uwi ko sa lupang hinirang at ako ay humaharap na naman sa dilemma ng pag-iisip kung anong aking maipapasalubong sa aking mga mahal sa buhay. Sino ba naman kasi ang nagpauso ng pasa-pasalubong na yan? Sa tuwing ako ay uuwi ito ang nagbibigay sa kin ng sakit sa ulo. Where I am coming from kasi ay wala naman mahahanapan o mabibilihan ng interesanteng pasalubong para sa aking mga kapamilya at kapuso. Wala naman ampaw, suman latik, manggang hilaw na ubod ng asim, tikoy na dumidikit sa pustiso kapag hindi mo alam ang teknik ng pagkain nito, antala na walang lasa, peanut kisses, chicken sinalsal inasal, yakult! na peborit ni ian, halo halo, siopao, siomai, litson piglet, buko pie at adobong mani. Marami ngang mabibilihan ng sapatos dito kaya lang ay labing isa sa bawat sampung pares ng sapin sa paa dito ay peke! Damit? Nakupo! Umuurong matapos labhan. Alahas naman ay parang yung mga free na bakal na makukuha mo for free sa mga pambatang pagkain at kendi sa Pilipinas. Electronics marami kaso talo naman sa warranty kung iuwi sa bayang magiliw.

Samakatuwid bradersensisters (paboritong salita ng mga preachers!) tsokolate na naman ang tangi kong maiuuwi at maipamumudmod (bwahahaha!) sa aking mga karancho. Sabon nga pala dapat di ko makalimutan. Sandamukal na sabon na issue ng company sa amin na hindi ko naman ginagamit. Sosyal kasi ako Dove beauty bar, biolink papaya soap at adidas bath lotion lang ang aking ginagamit sa paglilinis ng aking katawan.

Makapag-uwi na lang kaya ng terorista mula Indonesia? Maiba naman. Maibigay o mairegalo dun sa mga politico na walang sawa sa pagkurakot. Alien!

-Phone in question: Di pa dapat yung sasalubong sa akin sa eroport ang magbibigay sa kin ng regalo? Pasalubong di ba? O talagang baliktad na lang ang aking pag-iisip dahil sa sobrang homesex homesick?

 

Politico > Ang Pagkaulyanin ni JocJoc
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Nov.26.2008 @ 7:37 am

Isang malaking kasinungalingan at katangahan ang pagkakalimot ni JocJoc kung ilang beses siyang lumabas ng bansa noong siya ay Usec ng DA. Hindi niya na maalala at nawalang parang bula ang kanyang pasaporte! Lintek! Palusot pa!

Ginagawa niyang engot ang mga Senador. Isang malaking kagunggongan ang mga sagot ni JocJoc sa mga tanong sa kanya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Dapat ang itawag sa kanya ay JokeJoke (tawa sa tv sitcom pag may joke na corny wahihihihi).

At kung tama man ang sinabi ni Sen. Jinggoy sa madalas niyang pagbiyahe palabas ng bayang magiliw malinaw na pinababayaan niya ang kanyang trabaho sa kagawaran ng agrikultura para lamang dumalo sa sangkatutak na Rotary International meetings! Aba halos buwan-buwan at daig pa ang Presidente ng bansa. Kung mapapatunayan na si JocJoc ay nagkasala sa pangungurakot nararapat lamang na parusahan siya ng mabigat. Yung tipong dadaan ang bawat araw na natitira sa kanyang buhay na pagsisisihan niyang ipinanganak pa siya! 

And that goes to all the other crooked and corrupt public officials as well!

 

Brownman's ABC > Sino Ba Si Ginoong Kopong?
7 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Nov.19.2008 @ 5:17 pm

Kinakantyawan na ako ng kapamilya ko. Palitan ko na daw ang aking cellphone dahil panahon pa ng Kopong Kopong (or is it Copong Copong?). Sino ba si Kopong Kopong? Tao ba siya? Or panahon na matagal ng nakaraan? Ilang taon na kaya ang Kopong Kopong na ito? Minsan narinig ko rin sa interview sa isang sikat na artista minsang tinanong ito tungkol sa tsismis sa kanya at isang politiko. Ang sagot ba naman ay:

Naku tigilan na yan panahon pa ni Mahoma ang isyu na yan plis lang!

At sino naman itong si Mahoma? Hapones ba yan? Lekat na! Meron akong asaynment na isaliksik wahehehe.

Asayment namber wan: Anong pinakamaganda (at pinaka-murang) cellular phone ang available sa Pilipinas?

Asaynment namber tu: Ano ba o kelan ba o sino ba si Kopong Kopong? Sya ba ang nag imbento ng Kopong Bond?

Asaynment namber tri: At sino naman si Ginoong Mahoma at bakit paborito sya ni ROFA Gutierrez?

Sports > Awards & Predictions
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Oct.29.2008 @ 8:13 am

Individual and Team Awards

MVP: Kobe Bryant
ROY: Michael Beasley
Most Improved: Charlie Villanueva
Comeback Player: Shaun Livingston
Defensive Player: Kevin Garnett
Sixth Man: Lamar Odom
Coach: Phil Jackson
Most Clutch Shots Attempted: LeBron James
Most Clutch Shots Made: Carmelo Anthony
Most Clutch Shots Missed: LeBron James
Oldest Face In An NBA Game: Greg Oden
You-Shocked-Me-With-Your-Performance Single Game: David Lee going for 54 points doing his best impersonation of Amare
You-Shocked-Me-With-Your-Performance Multiple Games: Kobe Bryant, 10 games straight double double (Points and Assists)
1st Team All-NBA: Paul, LeBron, Nowitzki, Kobe, Duncan
2nd Team All-NBA: Pierce, Deron Williams, B. Roy, Wade, Amare
3rd Team All-NBA: Calderon, Kevin Martin, David West, Garnett, Dwight Howard
Unintentional Comedy: Lindsay Lohan and Britney Spears caught in camera in Staples center watching without underwear)
Best Random Good Season: Mickael Pietrus
Biggest Cancer: Jamaal Tinsley
Worst Contract: Gilbert Arenas and Emeka Okafor
Biggest Star Traded: Vince Carter
Biggest Disappointment: Gilbert Arenas and his big new contract
First Coach Fired: Mike Woodson (in favor of a former NBA coach, this move will propel Hawks into the playoffs)
Loudest Mouth: Larry Brown
 

<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 9 | > >>
Entries 31 to 40 of 320

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org