| 4 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Oct.29.2008 @ 7:55 am |
Let the games begin!
Umpisa na ng 2008-09 NBA season and like the millions of fans around the globe na naghihintay sa muling pagbabanggaan ng mga higante ng larong basketball, excited na rin ako. I even updated my roster sa NBA Live para ma-replicate ang most recent na 15-man line up ng bawat teams.
Yesterday ay nag fantasy draft na rin kami ng mga kasamahan kong adik din sa basketball at NBA. Hindi ko na draft si Lebron at Kobe dahil 1-2 picks sila respectively kaya naman 'nagtyaga' na lang ako kay Nowitzki as my main man hoping na with a full year playing with J-Kidd mababalik niya ang MVP winning form and stats niya two years ago. Maswerte rin ako nakuha ko si Howard ng Orlando Magic sa second round. Ewan o bakit pinakawalan ng mga katoto ko si Dwight sa first round.
My starters are as follows:
C Dwight Howard PF Dirk Nowitzki SF Josh Smith SG Michael Redd PG Deron Williams.
I think malakas ang fantasy team ko.
Points : Nowitzki Rebounds : Howard Assists : Williams Blocks : Howard, Smith Steals : Smith (Deron is also improving as a defender) Minutes : Lahat sila starters sa kani-kanilang team kaya minutes will not be a problem. 3-Point FGs : Redd (Williams din and even Nowitzki can stroke it real good outside)
Only problem is kung may ma-injured sa starters ko. My bench is not that strong.
Rudy Fernandez (Rookie) Mo Williams (New team) Drew Gooden (erratic) Kwame Brown (underachieving former top pick) Vladimir Radmanovic (will be fighting for playing time sa Lakers) Quentin Richardson (streak shooter and injury prone) Thadeus Young (young pa si Young, his turnover number is a concern)
Overall, I think my team will do good. Sana lang di maka apekto sa performance ni Deron yung ankle sprain nya noong isang pre-season game last week.
Fearless Forecast:
Wildly Wicked West
- La Lakers
- New Orleans Hornets
- Utah Jazz
- Houston Rockets
- Phoenix Suns
- Dallas Mavericks
- San Antonio Spurs
- La Clippers
Wildcards: Denver Nuggets, Portland Trail Blazers, Golden State Warriors
Ever Ebbing East
- Boston
- Detroit
- Philadelphia
- Orlando
- Toronto
- Cleveland
- Chicago
- Atlanta
Wildcards: Washington Wizards, Milwaukee Bucks, Miami Heat
2009 Western Champs:La Lakers
2009 Eastern Champs: Boston Celtics 2009 NBA Champs:La Lakers (4-2)
|
|
| 4 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Oct.26.2008 @ 8:31 am |
Happy Birthday to me! Happy Birthday to me! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to me!
Malapit na ko lumampas sa kalendaryo pero isa pa rin akong dukha!
Kaya heto kahit Sunday at araw ng kapanganakan ko nagtatrabaho ng OT dito sa opisina. Wala na munang celebration, pag uwi ko na lang siguro sa Bayang Magiliw sa Disyembre.
Sarap ng OFW (sa kabaliktaran), halos lahat ng mga importanteng okasyon ay hindi mai-share sa mga kapamilya at kapuso. Homesick na nga ako.
Ah letse, emote na naman ako. Tama na muna ito baka mag alburoto pa ako. |
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Oct.16.2008 @ 10:18 am |
Recently ay sinubukan naming magtipid sa gastusin sa bahay, primarily sa kuryente. Cut down the time na gamit ang aircon, magtyaga muna sa electric fan. Ang pagsa-surf sa internet ay i-limit din para mabawasan ang time na naka power on ang PC. Sa kwarto na lang manood ng tv kasi mas energy efficient yung LCD kesa sa conventional na TV sa living room. Bumili pa nga kami ng energy saving device (Energy Saver yata ang name) sa SM. Ang galing kasi mambola ng salesman nila. Sana totoong makakababa sa bill ng kuryente ang imbensyon na ito. Sa communications din nag-adjust kami. More on YM na lang kesa sa tawag. Kung nasa labas naman ng bahay chikka text na lang. Sa gas na pangluto lang talaga ang mahirap tipirin kasi di naman pwedeng di magluluto or kakain ng hilaw pa.
Sabi nga ni misis bihira na rin sila kumain sa labas at nagluluto na lang sa bahay para makatipid. Iwas sa fast food din. Maganda na rin ito kasi mababawasan din ang pag consume ng free radicals na kadalasang matatagpuan sa mga yummy yet unhealthy fast food menu. Di na rin kami bumibili ng mga junk foods that we used to eat habang nanonood ng tv sa gabi.
Sa transportation medyo nagtitipid din. Kung lalabas ng bahay sabay sabay na lang. Wala ka kasing pagpipilian. Kung gagmamit ka sariling sasakyan mahal ng gasolina. Kung magko-commute ka mahal ng pamasahe.
Bakit nagtitipid? Sariling desisyon lang namin pamilya. We want to spend less and earn more. Kinakabahan pa rin kasi kami sa mga pangyayaring financial crisis sa America kahit na palaging sinasabi ng mga government at financial officials sa atin na hindi apektado ang Pilipinas sa nangyayari dun sa bansa ni Ankol Sam. Minsan iniisip kong withdraw ko na lang ang kakaunti kong kwarta sa aking bank accounts at itago sa bahay (bwahahaha). Napaparanoid ako at feeling ko mas safe pa na magtago ng cash sa bahay. Mabuti na lang at ang kumpanyang pinagtatrabahuhan namin ay nasa oil and gas industry. Medyo di malaki ang epekto ng mga pangyayari kahit na nga bumaba ang presyo ng langis. Sana nga totoo ang sinasabi ng mga bossing namin dito na safe kami at matatag. Ang sakit naman kasi kung bigla ka na lang mawalan ng trabaho! |
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Oct.07.2008 @ 7:21 am | Lasted edited: Oct.06.2008 @ 5:51 pm |
“A politician is a fellow who gives you the key to the city after he's taken everything worth having.” Pakinggan dito ang kantang Trapo na isang masterpiece ni Dong Abay. Factoid: Yano is an old tagalog word which means simple.
Trapo - Yano
Jueteng at illegal logging May sideline, rape at kidnapping
Dealer ng shabu at uzi
Commander ng private army
May ari ng subdivision
Stock holder ng corporation
Landlord na land robber pa
Anak ka ng, bobong tanga!
Ang hirap mong hulihin
Lahat kaya mong bilhin
Wala kang silbe
Wala kang silbe sa amin!
Trapo! Trapo ka kasi
Trapo! Trapo, trapo ka kasi!
2x
di na binoboto pero nanalo
3x
May misis pero siyam ang kabit
Naadik kaya sabik na sabik
Ang kapal mo! Hindi ka manipis
Ginugudtaym mo lang ang aming buwis
Mas maraming absent kesa sa present
Di ginagawa, kanyang assignment
Mula lunes hanggang biyernes
Wala sa congress? Panay beauty rest!
Ang sarap mong ihawin! Ipalamon sa mga pating
Wala kang silbe!
Wala kang silbe sa amen!
Trapo! Trapo ka kasi
Trapo! Trapo trapo ka kasi!
Di na binoboto pero nanalo
3x
Daming kalokohan pero napagtatakpan
3x |
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Oct.06.2008 @ 8:20 am |
- Maglakad papunta sa kanto at bumili ng ihaw-ihaw. Subukan ang isaw (food for the soul). Bumili na rin ng samalamig na panulak: sago/gulaman o ice cold coke.
- I-google ang larawan ng celebrity/model na matagal mo ng pinagpapantasyahan at simulang gawin ang paborito mong hobby habang nakatitig ka sa picture. Warning: hinay hinay lang baka pulikatin ka.
- Pakinggan ang musika ni Bitoy dito.
- Manood ng session ng mga politiko. Ito kasi ang 'seryosong' pagpupulong ng mga biggest jokers sa bansa. A high dose of laughter is guaranteed.
- Maglakad, mag-jog o kaya ay mag bisikleta around the park or just around the barangay for 15-30 minutes. Pag pinawisan ka ang sarap ng pakiramdam.
- Kumain ka ng chocolates. Wag yung may sangkap na gatas galing China at baka magkasakit ka sa bato dahil sa melamine.
- Magyosi ka hanggang ubuhin ka o kaya naman ay uminom ng pagkilamig lamig na San Miguel Beer, tamang tama Octoberfest!
- Take a quick nap. Siguraduhing magigising ka pa.
- Tumugtog ng gitara, piano o kung anumang musical instrument na gusto at alam mong gamitin. Pwede ring kumanta na lang. Kung wala kang alam sa musika tumalon ka na lang sa tulay.
- Tawagan ang mga kabarkada mo noong supot ka pa at yakagin silang balikan ang inyong paboritong gawin noon: mamboso, manghuli ng tutubi, umakyat sa mataas na puno, magjakol sa talahiban.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.29.2008 @ 8:34 am |
Sa kagustuhan ng kumpanya na makatipid sa materyales ay lalong nadagdagan ang gastusin. Dahil sa mahinang kalidad ng valves na binili locally dito sa Indonesia ay kinakailangan na agad itong palitan hindi pa man nagagamit sa actual operation ng planta. Habang kinukumisyon kasi ang isang system dito ay nagkaroon ng leaks sa mga valves na binili sa isang local manufacturer sa Jakarta. Agad na nireject ng kliyente ang mga valves na nagmula sa parehas na vendor ng mga nag leak at ipinakakatay ang mga na-install na sa planta. Resulta: dagdag gastos, more delays, more sakit ng ulo sa mga engineers at reprimand from the client.
Kaya heto, ang sumunod na batch ng orders para sa replacement ng mga balbula ay hindi na ipinagkatiwala sa Material Control Section. Ang project control na ang mangangasiwa at ako ang naatasang bumuo ng sistema para maging maayos ang procedure mula sa PO, requisition, issuance sa site people, scheduled activities tracking, progress reporting at sandamukal na iba't ibang reports. Ang lupit ng boss ko! Sa 'kin lahat ipinasa naknamputsa. Pati nga data maintenance at pag import ng updates ay responsibility ko rin. Madaragdagan lang ng konting OT hours ang payslip ko pero laking sakit namn sa ulo para mahabol ko ang deadline ng trabaho. Kaya kahit na holiday sa October 1 and 2 ay papasok ako upang kumayod. Ang saya saya!
Dahil sa dagdag na responsibilidad na ito ay lalong nawalan ng pag-asa ang kahilingan ko na early demobilization sa December. Dahil dito ay baka hindi na ko mapasama sa line up ng system development team sa Singapore office namin at mabulok na ko dito sa Indonesia. Ang sarap pa naman sana mag program ng C#. Dito pa rin ako hanggang next year mabuburo sa Oracle shet na malagket. Ano kayang nagustuhan ni boss sa kin at ayaw nya pa akong i-release after 3.5 years of hard work dito?
Wala naman ako magagawa. Dito kasi ay martial law ang umiiral. The boss is always right. |
|
| 12 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.23.2008 @ 8:32 am |
Malapit ka na bang ikasal? Kung gayon basahin ang ilang pamahiin na sumusunod na dapat ninyong malaman para... para... wala lang.
- Kung ang damit pangkasal (dress/gown) ng bride ay may sira, pilas o butas...the marriage will end in death. [Kahindik-hindik]
- Hindi raw mabuti na ang bride mismo ang tumahi ng sarili niyang wedding dress/gown dahil ang bawat isang stitch ay katumbas ng isang patak ng luha.
- Mas mabuti raw na ang oras ng kasal ay idaos kung ang pangalawang kamay ng orasan (yung pang minuto) ay pataas ang direksiyon (ex. 10:30, 4:45, 11:32) dahil sa magkatulong na magpupursige ang bagong mag asawa sa pag unlad sa buhay.
- Huwag daw tatanggap ng regalong kutsilyo ang bagong mag-asawa dahil masama raw ang maaaring mangyari sa kanila. Kung may nagregalo ng kutsilyo ay bayaran na lang ito ng sa gayon ay para lamang nila itong binili.
- Maglagay daw ng barya sa sapatos ng ikakasal for wealth in their marriage.
- Maghagis din ng bigas para sa prosperity at fertility ng mag-asawa. Piliin na lang yung medyo murang bigas para kahit isang kaban ang ihagis di mabigat masyado sa bulsa.
- Kung umulan daw sa araw ng inyong kasal, magkakaroon daw kayo ng maraming anak.
- Kung may full moon daw isa o dalawang araw bago ang kasalan, magiging puspos ng suwerte at saya ang pagsasama ng mag-asawa.
- Hindi raw dapat mag-suot ng kulay pulang damit sa isang kasalan. Walang eksplanasyon pero tingin ko dahil baka reglahin daw ang babaeng ikakasal at baka maantala ang honeymoon. Bad trip ang groom.
- Ang pagsusuot daw ng veil / belo sa kasal ay ginagawa para hindi makita ng evil spirit ang mukha ng bride lalo na kung pagki ganda ganda o mukhang anghel ang babae. Kung mukhang demonyo naman ang bride pwede ng walang belo unless ikinahihiya siya ng kawawang groom.
- Para sa magandang relationship between bride and mother-in-law (MIL), kailangan maghagis ng lumang (at mabaho?) sapatos ng MIL over the bride (not at the bride's face ha). Kung gagawin daw ito, bride and MIL will be friends forever. Amen!
- Huwag na huwag isusukat ng bride ang kanyang wedding gown/dress bago ang araw ng kasal dahil sa maaaring hindi matuloy ang kasalan.
- Kung sino man ang makasambot ng bouquet ay siyang susunod na
sasakalin ikakasal.
- Ang pagreregalo ng arinola (chamberpot) bilang regalo sa kasal ay makapagbibigay ng good luck sa nag-regalo. Ito ay pampalubag loob sa mga walang kakayahang bumili ng mas mahal na regalo kesa sa arinola.
- Mag-ingat daw ang mga ikakasal dahil habang papalapit ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib ay mas malapit din sila sa kapahamakan.
- Kailangan daw na maunang dumating ang groom sa simbahan o kung saan man gaganapin ang pag-iisang dibdib para maiwasan ang malas sa pagsasama.
- Bad luck din daw kung ang magkapatid ay parehong ikinasal sa kani-kanilang partner sa parehong taon. Siguro dahil malaki ang gastos kaya di dapat same year.
|
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.22.2008 @ 7:34 am |
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.18.2008 @ 8:12 am |
The hairstyle.
The eyeglasses.
The way she talks.
The way she projects herself.
The hottest governor from the coldest American state.
Wow! Sarah Palin’s sex appeal is way off the charts!!! She’s now the
hottest political sensation in the whole world. With rumors circling
around that she’s even more in demand and popular than her runningmate
Senator McCain.
I believe that the choice of Senator McCain for Sarah Palin is one
of the bravest and boldest political move done so far in this latest
edition of America’s search for the next most powerful leader in the
world. If Senator McCain wins, she can give thanks to Gov. Palin as she
takes with her millions of female voters who once thought they’d
support Hillary. The Republican party is now brimming with life,
excitement and anticipation not seen before the VP choice has been made.
Anyway, here is a list of celebrities who look like Sarah Palin, or vice versa.
- Tina Fey
- Kate Beckinsale
- Myrka Dellanos
- Sarah Chalke
- Heidi Klum
- Katie Holmes
- Angeline Jolie (Gasp!)
This blog is an original entry of my english blog hikhikhik.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Sep.17.2008 @ 7:53 am |
Sa mga nagbabalak na pumasok sa madumi at magulong mundo ng politika, narito ang ilang bagay na dapat ninyong tandaan upang magtagumpay:
- Master the art of routinely showing that plastic smile.
- Include unconstitutional and transparency in the list of your top ten favorite words.
- Kiss the butts of the Catholic priests and bishops.
- Invent a phrase, saying, monicker, slang or even just a simple yet popular word which can be easily memorized by the public. Make sure that it can be intertwined with your name even how contrary it is to your real self.
- Donate money for constructing waiting sheds and/or basketball courts and make sure your smiling face eats up 70% of the billboard showing the project information.
- Hire the best speechwriters from UP.
- Go to public places and shake hands with the common people. Your photographer should be with you all the time to take pictures and show the whole world how the masses endear you.
- Call a press conference for a big expose or a strong opposition to a recent hot issue facing the country. Promise the press people that there will be free drinks and meals.
- Raise the arm of Manny Pacquiao after his boxing match win or lose.
- Kiss the butts of the current administration leaders. Or if you feel the opposition is getting stronger then kiss their butts too. Maging Balimbing ka in other words.
- Believe that honest to goodness truth is equal to twisted truth.
- You have to have Wads of cash to shop for new friends, alliances and voters. How you got it is not important.
- Make a list of all the visible problems around your area (or around the country) and create a promise to solve each one when you are given the chance to lead.
- Don't ever say that you will pay all debts of the Republic of the Philippines.
- Hide all your mistresses. If you are single, quickly find an educated, popular, beautiful, smart, articulate and i-will-do-all-you-say-dear type of woman and marry her at your first chance to do so. Yes, the choices are not that many but for sure there will always be an ex-beauty queen or a laos na artista with a bit of brain who loves tons of cash and instant popularity again.
|
|