|
| 7 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.08.2008 @ 7:27 am |
“You can't teach people to be lazy - either they have it, or they don't.” Update lang po sa mga paborito ninyong senador. Malaman sana ninyo kung sino ang mga ibinoto ninyo na hindi nagtatrabaho at kung sino ang dapat ninyong sinuportahan na siyang masigasig. Dinaig pa yata ng isang artistang politico ang isang beteranong mambabatas! Dios Mio! Ang unang balita sa baba ay as of
July 08, 2008 05:22 PM samantalang ang pangalawa ay noon pang April 03, 2008. Narito ang mga balita:
By: Rosevim Enividez
Si Senadora Mirriam Defensor Santiago ang pinakamasipag umanong senador
sa kasalukuyan, samantalang si Senador Joker Arroyo naman ang
sinasabing pinakatamad. Ito
ang lumitaw kahapon matapos kumalat sa media center ng Mataas na
Kapulungan ang kopya ng mga total number ng bills at resolusyong
isinumite ng mga senador sa bansa. Ang datos ay pirmado ng
isang nagngangalang Lorelie Haguring mula sa Indexing & Moniroting
Section ng Legislative Bills & Index Service. Sa
pinakahuling tala noong Hunyo 11, si Miriam ay nakapagsumite ng 535
panukalang batas, 526 dito ay siya mismo ang ‘principal author,’
samantalang ang natitirang siyam ay siya ang co-author. Sumunod
sa sinasabing ‘pinakamasipag’ si Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada na
may kabuuang 472 panukalang batas na naisusumite�"458 ay siya ang
principal author at 14 ay co-author ang anak ng dating Pangulong Joseph
Estrada. Sumunod sa pinakamasipag Senate President Manny
Villar na principal author ng 306 na panukalang batas at co-author
naman ng 17 panukalang batas. Si Arroyo na isa sa mga
pinakabeteranong senador ay wala umanong isinulong na panukalang batas
na siya ang principal author, ngunit co-author siya ng isang panukalang
batas. Tinalo pa siya ni Senador Lito Lapid na principal author ng 71 panukalang batas at co-author ng 18 panukalang batas.
By Fel V. Maragay
Senator Miriam Defensor Santiago has emerged as the Upper Chamber’s top
performer in terms of the number of bills and resolutions filed under
the 14th Congress.
Senators Joker Arroyo and Alan Peter Cayetano were the tail-enders, according to Senate records.
Santiago has filed a total of 510 proposals, consisting of 460 bills
and 50 resolutions. Arroyo has managed to submit only four
measures—four resolutions and no bill filed, according to an updated
listing prepared by Lorelie Haguring of the Indexing and Monitoring
Section, Legislative Bills and Index Service of the Senate.
Cayetano came second with the lowest number of legislative measures
filed—five in all consisting of two bills of which he is only a
co-author and three resolutions.
Santiago and Cayetano both chair the most coveted, most powerful and
busiest committees in the Upper Chamber—the former has the committee on
foreign relations and committee on energy and the latter, the Blue
Ribbon committee.
In just one day last December, Santiago filed 61 bills. This month, she
continued churning out legislative measures, including a resolution
seeking an inquiry into the alleged irregularities in the P550 million
call center training project of the Commission on Higher Education and
another resolution seeking the creation of a joint congressional
commission to study the delineation of the archipelagic baselines of
the Philippines.
But Cayetano’s staff said that based on their record, the neophyte
senator has submitted six proposals-four bills and two resolutions.
Next to Santiago as most prolific is Jinggoy Estrada with 479, followed
by Senate President Manuel Villar with 315, Loren Legarda with 178,
Ramon Revilla Jr. with 149 and Edgardo Angara with 108.
Surprisingly, Senator Lito Lapid, who admits that he prefers a job in
the Executive branch to being a legislator, is no. 7 in the number of
bills filed, 102.
One of the bills filed by Lapid, a movie actor, proposes to grant
monthly pensions to National Artist awardees. But it is doubtful
whether this bill is necessary because there is already an existing law
entitling National Artists to monthly stipends or pensions.
The other senators are credited with the following number of bills and resolutions:
Aquilino Pimentel Jr. 90, Richard Gordon 80, Antonio Trillanes 78, Pia
Cayetano 72, Rodolfo Biazon 71, Juan Miguel Zubiri 71, Mar Roxas 62,
Francis Escudero 58, Jamby Madrigal 55, Francis Pangilinan 54, Panfilo
Lacson 47, Gregorio Honasan 45, Juan Ponce Enrile 38 and Benigno Aquino
III 19.
Pimentel said that in some countries with a parliamentary system of
government, opposition legislators are not required to file legislative
proposals since their job is limited to fiscalizing the party in power.
Para sa mga mahilig sumali sa forum na may kinalaman sa politika, puwede ninyong bisitahin ang thread na ito: The Congress of the Philippines - The Senate and the House of Representatives Makipagbalitaktakan na!
|
|
| 4 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.07.2008 @ 2:28 pm | Lasted edited: Jul.07.2008 @ 12:29 am |
Alam mo ba na ang panyo ay hindi lang ginagamit para pampunas ng pawis, pamporma sa tennis, pambugaw ng langaw, panlaptik sa mga amuyong at makukulit na kurimaw at singahan ng mga burara? Ayon kay Mang Ernie, noong early 1900 ay ginagamit ito ng mga Filipina upang magbigay ng senyales sa kanyang iniirog o sa kahit sinong lalaking talipandas!
Narito ang ilang makalumang senyales ng panyo at ang mga ibig sabihin nito:
| Senyales |
Ibig Sabihin |
Hinahaplos ng panyo ang kaliwa't kanang pisngi
|
Iniirog kita, Iniibig kita, Mahal kita, Mahal kita kahit duling ka
|
Tinitiklop ang dulo ng panyo
|
Hintayin mo ako sa ating tagpuan, Hintayin mo ako na-eebs lang ako
|
Hinahaplos ng panyo ang kaliwa o kanang balikat
|
Sundan mo ako papa
|
Pinupunasan ng panyo ang kaliwang kamay
|
Tse! Hindi kita gusto!, Yuck! Di kita type!
|
Pinupunasan ng panyo ang labas ng ilong
|
Red letter day papie, Wait ka ng lima hanggang anim na araw tapos balik ka
|
Pinupunasan ng panyo ang bigote
|
Bulag ka ba? Hindi ba obvious na lalaki rin ako!
|
Nakatali ang panyo sa hintuturo
|
May papa na ako, Sorry you're too late, I am engaged
|
Nakatali ang panyo sa palasingsingan
|
Kasal na ako, May asawang hudas na ako
|
Nakatali ang panyo sa hinlalato
|
Isayaw mo ako, Magaling akong sumayaw, Dati akong Japayuki
|
Nakatali ang panyo sa noo/ulo
|
Hindi tayo talo pare babae rin hanap ko, Parak ako! Ano papalag ka?
|
Ginagamit ang panyo para bugawin ang imaginary langaw
|
Evaporate!, Umalis ka na sa aking harapan, Di tayo bati. Layas!
|
Nakatakip ang panyo sa ilong
|
Ooops...sorry umutot ako :D
|
Pinapahid ng panyo ang bawat patak ng luha
|
You complete me, You had me at hello, I finally found someone
|
Tiniklop ang panyo sa korteng saging
|
Nagugutom ako
|
Tiniklop ang panyo sa korteng sanggol
|
Anakan mo ako!, Gusto ko nang magka-baby
|
Ipinasok ang panyo sa loob ng panty
|
Hindi pa ako nakakapaglaba, Naubusan ako ng pasador
|
Iwinawagayway ang panyo sa ere habang tuwang tuwa
|
Nanalo ako sa jueteng!
|
Iwinawagaygay ang panyo sa ere habang malungkot
|
Suko na ako dear. Break na tayo!
|
Gumamit ng panyo araw-araw nang kagandahan di dapuan ng langaw!
|
|
| 28 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.06.2008 @ 2:22 pm | Lasted edited: Jul.06.2008 @ 12:55 am |
Tsubibo Patrol
Muli pong nagbabalik ang inyong numero unong tagapagbalita, ang Tsubibo Patrol! Sa ulo ng ating mga nagbabagang balita... Survivors ng MV Princess Of The Stars, True or False (bwahahaha)? May kumakalat na tsismis na may mga panibagong grupo ng 'survivors' mula sa lumubog na MV Princess of the Stars na nai-rescue sa karagatan sa bandang Masbate area. Ang ulat ay unang nagmula kahapon sa ating bubuwit na tumututok sa trahedyang nangyari sa nasabing barko. Hindi pa inire-release ang mga pangalan ng mga 'survivors' sa kadahilanang gusto munang makatiyak ng mga opisyal ng barkong pangisda na naka-huli, este naka-rescue, kung sila nga ay mula sa lumubog na barko ng Sulpicio Lines. Hanggang ngayon kasi ay pipi pa sa takot at pagkabigla ang mga ito at di magawang magsalita. Pinangangambahan na na-trauma sila sa tagal ng panahon na sila ay palutang lutang lamang sa dagat. Mamayang gabi ay magpapalabas ng pormal na pahayag ang lider ng mangingisda at malamang ay i-anunsiyo na ang mga pangalan ng mga 'survivors' at malinawan kung sila nga ay nagmula sa MV PotS. Sa ngayon ay isang nakakalito at kakaibang litrato muna ng mga 'survivors' ang ating maipapakita sa publiko. Ito ay nakuhanan ilang minuto bago sila maisakay ng barko ng mga mangingisda. Kayo na po ang humusga kung trulalu nga ba o sadyang kalokohan lamang.
Babala! Bawal pong sumilip sa larawan ang mga sumusunod: menor de edad may sakit sa puso makitid ang utak kill joy, madumi ang ngipin, madumi ang tenga, may muta sa mata, may malakas na anghit at walang sense of humor.
Pasensiya na po sa mga hindi pa kumakain!
 Mukhang hindi naman daw tao ang mga ito kundi isang grupo ng Dyesebel na burlesk! At iyan po ang kaisa isang balitang aming nakalap sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Magbabalik ang Tsubibo Patrol kapag kami ay nakapulot muli ng tsismis para sa inyo.
Paalala sa mga tagapagbasa, tagapanood at tagapakinig... 'Walang babaeng pangit sa t*t*ng galit!' Mabuhay!
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.06.2008 @ 8:55 am |
Tula Ng Lasenggero
Ako ay nahihilo, umiikot na ang aking ulo Nasusuka na ako sa dami ng beer na tinungga ko Di ko na namalayan itong haba ng aming tagayan Lahat ay nakalimutan, dahil sa aking kalanguan
Problema ko'y nalunasan, kahit na nga panandalian Lungkot na sa puso'y namahay agad din namang lumisan Anong sayang nadarama, Hik! tuwing tayo'y magkasama Sa piling mo ako'y lumigaya oh mahal kong serbesa
Babaeng panget gumaganda pag kargado ng Ginebra Misis na kamukha ni Zorayda, nagmumukhang diyosa Ito raw ang sikreto ng maligayang pagpapamilya Kaya sa bahay laging magtabi ng alak na reserba
Kahit tayo man ay walang pulutan, tuloy pa rin ang inuman Nang di lumipas kalashingan, magishing sha katotohanan Ako ay akayin sana kung di ko na kaya kaibigan Ito'y aking utang, paghatid ng ligtas sa aking tahanan
Basa na aking pund'yo, nalunok pa aking sigarilyo Dapat ko na bang tigilan to? Ewan, ako'y nalilito Paggising ko sa umaga masakit ang ulo't katawan Ang tulad ko ay wag sana n'yong sundan at wag pamarisan
|
| 4 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.05.2008 @ 9:06 am |
| May ipinadalang litrato ng Kasuari si Ankol Sam. Isa ang Kasuari sa mga kakaibang hayop na dito lamang sa Papua makikita. Pagmasdan mabuti ang leeg ng animal! (LOL) 
Front View Nakakatuwa naman yung nasa leeg ng hayop na 'to. Reminds me of something. Parang ***tooot*** ng babae :D Sarap mag-uwi ng isang pares ng Kasuari sa Muzon. Sigurado patok sa mga tropang tambay ito. Gagawin kong pet at paparamihin. Maibenta sa mga naghahanap ng exotic animals para alagaan o kaya naman dun sa mga lasenggero sa kanto na mahilig sa kakaibang pulutan. Baka magalit ang mga miyembro ng PETA.

Side View May palong pa ang animal! Parang cross breed ng higanteng manok, pabo, peacock (minus the colorful tail feathers) at aso. Yung balahibo niya ay parang nakuha nya kay Bantay at hindi mukhang feather.

Ang legs ng Kasuari ay mataba at mukhang malakas. Kung ilalaban ko ito sa ruweda ng sabong malamang na walang tsansang manalo ang manok na makakalaban. Kasing taba yata ng dalawang Stabilo Boss markers ang binti nito. Paano nga kaya ako makakapag uwi ng Kasuari? Parang di kakasya sa maleta ko. Tsk mukhang mahihirapan ako mag-takas ng isang pares ng animal na ito! Ankol Sam pwede ka ba maka-kuntsaba? Hati tayo sa pagkakakitaan kung sakali bwahahaha.
|
|
| 9 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.04.2008 @ 10:20 am |
Kapag ako ay nababagot, kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko. Kaya heto na naman at merong mga katanungan akong naisip na parang ang hirap yatang sagutin. Kung buhay pa sana si Mang Ernie Baron baka sakaling mabigyang linaw niya ang mga sumusunod na walang ka kwenta kwentang tanong:
- Ano ang function ng suso sa katawan ng lalaki?
- Totoo bang nakakaliit ng etit ang pagbubuhat ng mabigat na barbel?
- Sino ang Fashion Adviser ni Pres. GMA?
- Kung matunaw ang lahat ng yelo sa Antarctica, ilang isla ang malulubog sa tubig sa Pilipinas?
- Bakit may tunog ang utot?
- Bakit mabaho ang utot? (Para ma-enjoy din siya ng mga taong bingi?)
- Totoo bang mas malaki ang sweldo ng mga Pari, Ministro, Pastor, Bradermayk at BraderEli kesa sa mga Senador?
- Laos na ba si Boy Abunda?
- Bakit tumitigas ang utong pag malamig?
- Ang dighay ba ay utot na lumabas sa bibig?
Eto pa yung iba:
- Bakit nakapikit ang mga mata kapag humahatsing o bumabahin?
- Kailan mauubos ang apoy ng araw?
- Bakit tinawag na Living Legend si Jaworski?
- Bukod sa tulog, ano ang gamot sa antok?
- Totoo bang pag malapad ang noo ng babae malapad din ang pisngi ng langit?
Malapit na yata akong mabuwang. Kulang lang siguro ako sa tulog.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.03.2008 @ 10:06 am | Lasted edited: Jul.03.2008 @ 12:05 am |
| Gutom ka na ba? Nag almusal ka na? Tikman mo itong mga niluto ko para sa agahan mo: Champorado, Longganisa, Lugaw, Mami, Palabok, Pansit, Pansit Molo, Sopas, Sotanghon, Tapa, Tocino
Heto pa para sa yo: Bananaque, Bibingka, Biko, Bitsu-bitsu, Butsi, Camoteque, Cuchinta,
Empanada, Espasol Ginataan, Kalamay, Kropek, Maha Blanca, Maruya, Nilupak,
Palitaw, Puto, Puto Bumbong, Suman, Turon.
Pang-merienda yan. Paningit sabi nga ng mga kurimaw. In between almusal at tanghalian o kaya in between tanghalian at hapunan.
Bitin ka pa? Heto pa panghimagas:
Banana Chips, Barquillos, Buko Salad, Buko Pie, Leche Flan, Macapuno, Pastilyas, Polvoron, Tiramisu, Ube Halaya, Yema.
Eto panulak para di ka mabulunan: Buko Juice, Gulaman, Ice Tubig, Pop Cola, Sago, Sarsi.
|
|
| 3 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.02.2008 @ 7:17 am | Lasted edited: Jul.03.2008 @ 12:11 am |
Oras na para bumili ng dolyar (USD) dahil sa patuloy nitong paglakas kontra piso.
Last payday ay nagulat ako sa itinaas ng sahod ko against the average monthly salary na nakukulimbat nakukuha ko. Ito ay dahilan sa biglaang pagtaas ng average ng palitan ng dolyar ng nakaraang buwan. Sayang! Akala ko pa naman may surpresang increase na binigay ang kumpanya. From an average of PHP 42.819 (April 2008) ay tumaas ito sa PHP 44.469 (May 2008). Bongga! Simula pa noong January ay di na mapigilan ang paglakas muli ng dolyar. Kahit pa nga sabihin na baby steps ang pagtaas nito. Narito ang monthly average ng USD exchange rate in the past 12 months:
| Month |
Exchange Rate (PHP) |
Difference |
Jun 2007
|
45.790 |
|
July 2007
|
45.700 |
-0.090 |
Aug 2007
|
46.510 |
0.810 |
Sep 2007
|
44.106 |
-2.404 |
Oct 2007
|
42.920 |
-1.186 |
Nov 2007
|
41.142 |
-1.778 |
Dec 2007
|
40.577 |
-0.565 |
Jan 2008
|
40.954 |
0.377 |
Feb 2008
|
41.417 |
0.463 |
Mar 2008
|
41.720 |
0.303 |
Apr 2008
|
42.819 |
1.099 |
May 2008
|
44.469 |
1.65 |
Eto naman ang simpleng graph para sa datos sa taas.
  Parang it's safe to assume na patuloy na tataas palitan ng dolyar kontra piso. Malamang na umabot ito sa PHP 47 before the end of the year kung kailan muling lalakas ang piso. Makabubuting bumili ng dolyar ngayon at papalitan muli sa piso sa buwan ng Oktubre bago dumagsa ang kuwalta ng mga OFW mula sa kung saan saang sulok ng mundo na makakatulong muli sa paglakas ng piso. Kung titingnan mo ang graph, nakakuha na ng buwelo papataas ang palitan kaya naman walang dahilan para muling bumaba ito sa susunod na dalawang buwan. Kahapon nga ay narating na muli ng dolyar ang palitang PHP 45 for the first time since Aug 2007!
Opinyon lang po. Kung susugal kayo sa pagbili ng dolyar at pagbenta nito after 2-3 months at kikita kayo 'wag po ninyong kalimutan magpa-misa hallelujah! |
|
| 5 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.01.2008 @ 9:05 am |
Zodiac Ni Juan De La Cruz
|
|
|
Aries (Mar.
21 - April 20) May mangyayaring masama sa 'yo kapag hindi mo tinigilan ang pambabae. Ang susunod na mapipick-up mo sa kanto ay nagtataglay ng pambihirang ganda, hubog ng katawan, kinis ng kutis at nakahahawang sakit. Mas mabuti pang makipag pustahan ka na lang sa billiards laban sa mga tambay kina Ate Cely baka manalo ka pa.
Tumaya sa jueteng, malaki ang tsansa ng numero ng kaarawan mo. Lucky numbers 1, 11, 21, 31, 41, 41-1/2, Lucky color- yellow.
|
|
Taurus (Apr.
21 - May 21) Ang pagdalo sa mga ‘parties’ o ‘networking in general’ ang
mga perpektong aktibidad para sa ’yo ngayon. Siguraduhin lang na mag roll ng rexona sa kilikiling may anghit. Maligo at least twice a day baka sakaling gumaling ang hircismus mo. Panoorin ang mga pelikulang Filipino... sa sinehan hindi sa pirated DVD. Lucky numbers 8, 16, 24, 32, 40, 48. Lucky
color-light green (kulay ng tibak yuck!).
|
|
Gemini (May
22 - June 21) Pagharap mo sa salamin ay mapapansin mo na may luslos ka, balls kung lalaki at bumper kung babae. Ang kanang miyembro ang siyang lumaylay at patuloy na mas hinihila ng gravity. Bumili ng Carter supporter briefs / sports bra sa palengke sa Linggo para maka diskuwento ka. Kindatan ang tindera baka gawin pang buy one take one. Iwasan ang mga pangit, baka mahawa ka sa kanila. Lucky numbers 1/2, 1/4, 1/8, 10, 91, 99.
lucky color-brown.
|
|
Cancer (June
22 - July 22) Mananalo ka sa lotto. Tayaan ang mga lucky numbers mo. Siguraduhin nga lamang na araw araw mo itong tatayaan for the rest of your pathetic life kasi di ko makita sa bolang kristal ko kung kelan mananalo ang kumbinasyon na iyan. Basta mananalo rin yan tiyaga lang. Kung may tiyaga may nilagang isda. Lucky numbers 2, 16, 27, 29, 42. Lucky color-black.
|
|
Leo (July
23 - Aug. 22) Makikilala mo this week ang soulmate na matagal mo ng hinihintay. Huwag mag-alala dahil single and available pa siya. Siguraduhing maglinis ng tenga at kuko dahil iyan ang dalawang requirements niya bukod sa mga sumusunod: matangos na ilong, makinis na kutis, high cheek bone, hairless back, killer smile, matalino, at least 5'10 ang height, may kotse, may sariling negosyo, maputi at walang balakubak. Good luck! Lucky numbers 3.1416, 7, 69, 70, 79, 80. Lucky color-white.
|
|
Virgo (Aug.
23 - Sept. 23) Ang kahirapan sa buhay ang siyang magbibigay inspirasyon sa 'yo na pasukin ang industriya ng meat sales. Fresh meat talaga ang ibebenta mo. 350 PHP per kilo with free 20-minute massage and condom. Masuwerte ka sa pang-lima mong customer kasi bibigyan ka niya ng malaking tip kung kaya mo siyang dalhin sa langit ng pitong ulit na sunod-sunod sa loob ng isang gabi ng ligaya. Mag ehersisyo ka tuwing umaga upang ang katawan ay sumigla. Malapit ka ng yumaman! Lucky numbers 5, 5.5, 55, 555, 55555. Lucky color-transparent.
|
|
Libra (Sept.
24 - Oct. 23) Iwasan ang mga kalye na ang pangalan ay nagsisimula sa letrang E. Mas mabuting humanap ng alternate route para iwas sa malas. Ipa-wax mo ang buhok mo sa iyong langit langitan. Hindi mo lang alam na nagrereklamo na ang partner mo dahil palagi siyang natitinga. Mag-padala ng raffle entries sa mga game shows sa telebisyon malaki ang tsansa mo na mabunot.. Lucky numbers 0, 10, 11, 101, 501, 505. Lucky color-pink.
|
|
Scorpio (Oct.
24 - Nov. 22) Gampanan mo ang iyong tungkulin sa
iyong ka-relasyon at ipamalas ang tunay na pagmamahal. Bumili ng bulaklak at ibigay sa iyong mahal at ipagluto siya ng pinakamasarap na timpla ng paborito niyang ulam. Tigilan ang paglamon dahil overweight ka na at tatlo na ang baba mo. Hayaang ang mahal mo na lang ang kumain. Umiwas sa
anumang tukso sa paligid tulad ng lechon, cake, chocolates at braso ni mercedes. Lucky numbers 7, 12, 25, 28, 37, 41. Lucky
color-green.
|
|
Sagittarius (Nov.
23 - Dec. 21) Pag-isipan mong mabuti ang desisyon na gagawin sa mga susunod na araw. Ang pagpili sa maling daan ay maghahatid sa 'yo ng kamalasan. Bumili ng eskinol sa pinakamalapit na mercury drug store dahil sa nanlalagkit ang mukha mong kutis malaysiano. Kung may extra na pera eh dumiretso na agad sa klinika ni Belo o ni Calaycay. Huwag kumain ng tahong, may red tide. Huwag kumain ng fishballs, may lumubog na barko. Lucky numbers 21, 23, 25, 27, 29, 48. Lucky
color-abracadabra orange.
|
|
Capricorn (Dec.
22 - Jan. 20) Makakapulot ka ng isang maleta na punong puno ng pera sa weekend. Huwag ipahalata sa kapitbahay ang biglang pagyaman. Makabubuting ilagay sa bangko ang pera habang nag-iisip ka kung anong gagawin mo dito. Mag-donate ka para sa mga nasalanta ng bagyong Frank, huwag kang ganid! Magkakatuluyan na kayo ng pinapantasya mong maging dyowa. Bumili ng bagong undies at iretiro na ang butas at paboritong karsunsilyo. Lucky numbers 12, 14, 16, 24, 28, 32. Lucky color-blue.
|
|
Aquarius (Jan.
21 - Feb. 19) Mami-meet mo ang paborito mong artista sa isang shopping mall this week. Hindi ka makapaniwala na mas maganda at flawless pala sya sa personal. Maaamoy mo rin ang kanyang hininga na simbango ng imburnal! Pumunta ka sa Manila Ocean Park kasama ng mga kaibigan. May magandang mangyayari sa 'yo doon. Huwag
palampasin ang pagkakataon. Lucky numbers 4, 9, 12, 19, 27, 28. Lucky
color-rainbow.
|
|
Pisces (Feb.
20 - Mar. 20) Malungkot na linggo para sa 'yo. Malalaman mo na isa kang putok sa buho. Ikaw ay inampon lang. Iniwan ka ng iyong walang pusong magulang sa harap ng bahay ng kinikilala mong parents ngayon. Kaya pala walang anumang bakas ng pagkakaparehas ng hitsura kayo ng kapatid mo. Kamukha siya ni Marianne Rivera at ikaw naman ay kamukha ni Mariang Palad. Huwag masyadong damdamin dahil
mahal ka nila. Maswerte ka pa rin at sa hitsura mong yan may nagtiyaga sa yo. Lucky numbers 9, 12, 23, 28,
36, 40. Lucky color-red.
|
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.01.2008 @ 8:39 am | Lasted edited: Jul.01.2008 @ 12:22 am |
Sablay Collection Part 1

Mahilig sa extra letter(s) ang mga Indonesians.

Hehehehehe.

It's hut's! It's hurt's! LOL

Ang lalaking nasa picture na may label na Manny Pacquiao ay isa sa mga tinalo niya at hindi ang pambansang kamao. JMM yan!
|
|
|
|