|
| 3 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.30.2008 @ 8:11 am |
Pinakyaw ng pambansang kamao ang mga korona (o sinturon?) sa mundo ng boxing. Nagumpisa siya sa flyweight (112), sumunod ang junior featherweight (122), featherweight (126) at, noong Marso, junior lightweight title (130). Kahapon naman ay inagaw niya ang lightweight (135) title mula kay David Diaz na pinsan ni Julio at pamangkin ng magkapatid na Romy at Pacquito.
Dahil sa ipinakitang galing ni Pacman kahapon sa ibabaw ng ring ay marami ang natatakot ng lumaban sa ating bida maliban na lang kung ang premyo ay sapat para maipagamot ang baldado nilang mukha at ribcage matapos ang magiging salpukan sa ating boksingero na kinahuhumalingan ng mga artistang laos. Sikat na sikat na si Manny sa buong mundo at maging ang mga pamosong manlalaro ng Boston Celtics, 2008 NBA champions, ay nanood pa mula sa ringside para suportahan si Pacman. Eh dati pinapanood lang ni Manny si Garnett mula sa isang maliit at lumang tv sa paborito niyang karinderya. Baliktad na ang mundo dahil sa isang pares ng kamao! Siya na ang pinapanood at iniidolo.
Mabuhay ka Manny! Manny more wins to come!
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.27.2008 @ 9:56 am |
Sa Ugoy Ng Duyan Lucio San Pedro
Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
Refrain:
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan
Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan
Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay
Oh! inay |
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.27.2008 @ 8:16 am |
| Technorati Profile |
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.27.2008 @ 7:28 am |
Welcome back online Blogtext.org! Where have you been? I was really worried that something bad happened to you. I thought all sorts of things like: you were sick, had an accident, was hacked, was kidnapped, converted to extremist, went back to school, was nuked, wasn't able to pay your bills, spammed, dead!
Mabuti naman nabuhay ka ulit. Mabagal nga lang ngayon ang pag lo-load at nakakainip. Anyway, welcome back ulit at wag na wag ka na ulit aalis pa.
|
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.21.2008 @ 7:34 am |
My Top 10 Possible Reasons Sa Pagpapalaya kay Ces
1. Nagsawa sa byuti niya ang mga abductors. 2. May regla siya at walang baon na whisper with wings. 3. Malakas siyang kumain, lalo na ng kanin, kaya di siya pwedeng bihagin ng matagal. Mahal yata ang bigas sa ngayon. 4. Nagsawa na sa dalawang lalaki ang mga kidnappers. Si Ces pala ay sabit lang. Yung professor pala talaga ang tayp ng mga hunghang. 5. Kumita na at nakilala si Isnaji. 6. Wala ng bagong dance moves na maipakita si Ces kaya tapos na ang show at pinalaya na. 7. Nabisto na ang moro-moro na pagkidnap daw. 8. Pinalayas na si Ces sa Sulu 5 Star Jungle hotel dahil sa tagal niya magbayad ng board and lodging. Talbog ang tseke, kanselado ang credit card at Tito, Vic and Joey ang nasa tig-iisang libong pera na ibinayad niya. 9. Tapos na ang kontrata ng mga hunghang at patuloy silang natatalo sa rating ng Dyesebel kaya dapat ng humanap ng mas seksi at mas magandang biktima. Ces vs. Dyesebel? No Match talaga! 10. Tapos na ang pila balde.Ano nga pala ang apelyido ni Ces? Dinyon? Ces Dinyon? :-)
|
|
| 28 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.20.2008 @ 3:59 pm |
Ating balikan ang mga mahahalagang pangyayari noong panahon ng rebolusyon / himagsikan na nagsimula ng pagkaka-isa ng mga Filipino upang palayain ang bayan sa kamay ng mga Espanyol.
1872
- February 17. GomBurZa Martyrdom. Tsinugi ang tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora sa Bagumbayan on charges of subversion arising from the 1872 Cavite Mutiny. Kung hindi raw dahil sa pangyayaring ito ay nagpari sana si Dr. Jose Rizal. Sa alaala ng tatlong paring martir inialay ni Rizal ang kanyang nobelang El Filibusterismo.
1889
- February 15. Itinatag ang sa Espanya ang La Solidaridad na samahan ng mga Ilustrados. Ang samahan na ito ay naglalayong magkaroon ng sapat na representasyon ang mga Filipino sa parliyamento ng Espanya (cortes). Ang presidente nito ay si Galicano Apacible na pinsan naman ni Rizal (Honorary President siya na nung panahon na iyon ay nagliliwaliw sa London). Nagsimula rin ang samahan ng publikasyon ng isang pahayagan na tinawag din nilang La Solidaridad katulad ng ngalan ng samahan.
1892
- July 03. Itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina (na akala ni Bugs ay palarong basketball para sa mga Pinay) sa isang bahay sa Ilaya Street, Tondo, Manila. Ang ilan sa mga miyembro ay sina (drum roll) Deodato Arellano, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Moises Salvador, Vinggoy de Santos, and Timoteo Lanuza. Hindi nagtagal ang samahan dahil na rin sa pagkakaaresto kay Rizal (July 06) at pagpapatapon sa kanya sa Dapitan ni Governor General Eulogio Despujol. Nahati ang liga sa dalawa: ang Compromisarios (na nagpatuloy sa pagsuporta sa La Solidaridad sa Espanya) at ang Katipunan.
- July 07. Itinatag ni Bonifacio, Diwa at Plata ang Katipunan sa isang bahay sa Calle Azcarraga, Tondo, Manila. Ito ang naging militanteng sangay ng rebolusyon.

1896
- March. Ang Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan, ay isinapubliko. Ang editor nito ay angsi Emilio Jacinto na siyang kinilalang utak ng Katipunan.
- August 23. Cry of Balintawak. Ito ay naganap sa Pugad Lawin kung saan nagtipon tipon ang mga katipunero makaraang madiskubre ng mga Espanyol ang sikretong samahan. Dito pinunit ng mga katipunero, sa pangunguna ni Bonifacio, ang kanilang cedula na pagpapakita na handa na silang makipaglaban para sa kalayaang ng bayan gamit ang armas.
- September 11. Trece Martires De Cavite. Isa pang grupo ng mga tsinugi noon. Mas marami nga lang sila sa GomBurZa, labintatlo ang mga martir na ito na binitay dahil sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa Katipunan.
- December 30. Rizal's Martyrdom. Si Rizal ay binitay sa Luneta sa pamamagitan ng firing squad.
1897
- January 04. Execution of the 12 Bicol Martyrs
- January 11. Execution of the Bagumbayan Martyrs
- March 22. Ginanap ang Tejeros Convention sa Barrio Tejeros, San Francisco de Malabon, Cavite (ngayon ay Tejeros, Gen. Trias, Cavite na).

- May 03-04. The Capiz Revolt
- November 02. Nagpulong pulong ang mga representante ng Republika ng Pilipinas sa layuning pag-igihin ang kasalukuyang konstitusyon ng mga panahon na iyon na ginawa sa bayan ng Naik, Cavite. Dito isinilang ang bagong konstitusyon ng republika, ang Biak-na-Bato Constitution.
- December 14, 1897. The Pact of Biak na Bato was signed
- December 25, 1897. Umalis ang grupo ni Aguinaldo patungong Hong Kong.
1898
- February. Nagpatuloy ang rebolusyon at kumalat sa buong kapuluan ng Pilipinas.
- April 03. Rebolusyon sa Cebu
- May 19. Ang pagbabalik ni Aguinaldo sa Manila.
- May 24. Nagtatag ng pansamantalang gobyernong diktatoryal si Aguinaldo.
- June 12. Pagdedeklara ng Kalayaan. Gen Emilio Aguinaldo proclaimed Philippine Independence in his residence in Kawit, Cavite
- June 23. Aguinaldo changed Dictatorial Government to a Revolutionary Government.
- August 13. The Mock Battle of Manila. Spanish authorities at Fort Santiago surrendered after less than two hours of fighting. The terms of capitulation and occupation were signed the next days at the San Agustin Church
- September. The Malolos Congress was convened at the Barasoain Church in Malolos, Bulacan.
 1899
- January 17. Kauna-unahang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa Mindanao.
- January 21. Pormal na inanunsiyo sa publiko ni Aguinaldo ang Malolos Constitution.
- January 23. The Philippine Republic was inaugurated in Malolos, Bulacan.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.19.2008 @ 10:33 am | Lasted edited: Jul.02.2008 @ 3:03 am |
Tsubibo Patrol
Sa ulo ng ating mga nagbabagang balita... Pinaka-bagong Klase Ng Bomba Sumabog! Aksidenteng sumabog ang pinaka-bagong uri ng bomba na sikretong pinag-aaksayahan ng panahon ng mga isputok pipol sa isang isla sa Timog Silangang Asya. Ayon sa mga karagdagang tsismis ang isla raw kung saan naka-imbak ang sangkatutak na kari ay sakop ng bansang Indonesia. Sa rami na raw kasi ng lahing bumbay sa nakakabagot na isla ay nagkaisa ang mga ito na gumawa ng bomba para kanilang pagka-abalahan. Mas mabuti raw na maging busy sila maghapon, magdamag kesa maligo. 
Litrato ng pagsabog na naganap sa Tangguh. Labinlimang kilometro mula sa ground zero.
Ang pangunahing sangkap daw ng bomba na ito ay ang paboritong kendi ng mga bumbay na KARI! Ayon sa mga nakasaksi, ang sangkap ay nagmumula sa mess hall kung saan itinatakas palabas ng mga indiyano papunta sa kanilang kuta sa kalagitnaan ng garbage disposal area. Halos patapos at perpekto na raw ang bomba ng di sinasadyang nag-trigger ang firing mechanism nito habang isinasagawa ang isang pagsusulit sa sirkito. Bago pa man makalayo ang mga bumbay sa sikretong kampo nila, nakung tawagin nila ay Area 69 mula sa kama sutra, ay sumabog na ang bomba at lahat ng mga itik ay naabo. Dahil sa pangyayari ay pinagbawalan na ang pagpapasok ng kari sa loob ng isla ng Tangguh sa dahilang maaari nga raw pala itong pagmulan ng pagsabog. Hindi na rin magha-hire ng mga bumbay dito hindi dahil sa amoy nila (nakakatiis pa naman daw ang mga tao) kundi dahil sa delikado pala ang mga hinayupak pag nagkasama-sama sa isang lonely island...gumagawa ng kababalaghan! At iyan po ang kaisa isang balitang aming nakalap sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Magbabalik ang Tsubibo Patrol kapag kami ay nakapulot muli ng tsismis para sa inyo.
Paalala sa mga tagapagbasa, tagapanood at tagapakinig... 'Aanhin pa ang damo kung patay na ang kutsero.' Mabuhay! |
|
| 6 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.19.2008 @ 8:27 am |
Happy birthday ulit Dr. Jose Rizal! Sayang at dedo ka na. Sana ay masaya (?) mong ipinagdiriwang ang iyong ika-147 na kaarawan. Siguro kung nabubuhay ka pa ngayon Ka Pepe at nakita mo ang kabulukan sa mga nagdaang panahon, malamang na gumawa ka ng 'remix' ng iyong pamosong tula na Mi Ultimo Adios Espiritu Santo Magpasawalang hanggan Amen. Narito ang posibleng kalabasan ng remix ayon sa aking bubuwit.
Adiós, Gloria adorada, bwakanang inaka mukha kang querida, Perla del mar de oriente, napakamahal ng quryente! A darte voy alegre, buhay nagkaleche leche, Y vinenta na ang brillante, pati ang lupa sa Leyte, También por ti la diera, nagtindera na lang sa paleng que.
En campos de batalla, mga terorista walang quenta, Otros te dan sus miyo! Pati reporter kinikidnap ninyo; El sitio nada importa, ano bang gusto ninyo pera o puerta, Cadalso o campo abierto, parang walang paki ang govierno, Lo mismo es si lo vahala cayo sa vuhay ninyo.
Yo muero cuando veo pagkain kakaunti na ang nasa plato Y al fin anuncia el tikol napakamahal kasi ng presyo; si grana necesitas para teñir ng futanginang bigas, Vierte la sangre mía, fifila ka pa para pera magkasya Y dórela un reflejo makabili lamang ng ilang kilo.
Mis sueños cuando apenas muchacho isa pa itong Meralco, Mis sueños cuando joven parang gumagawa na yata ng patagong crimen, Fueron el verte un día, joya del mar de oriente, binabayaran namin di lang yata quryente Secos los negros ojos, kaya quartang naimpok unti unting naubos, Sin ceño, sin arrugas, wala kayong quncencia mga paragas hestas!
Ensueño de mi vida, mga politico unahang makibida, ¡Salud te grita el alma que pronto va a partir! na parang mga sirang martir ¡Salud! Ah, que es hermoso nagpapapogi sa pag candidato, Morir por darte vida, masyado naman yatang maaga, Y en tu encantada mag trabajo kayo quesa mambola, mga wala kayong quenta.
Si sobre mi sepulcro mga kabataan parang trumpo Entre la espesa yerba sencilla, paikot ikot naghahanap/namamahagi ng semilya, Acércala a tus labios y besa maawa naman sa inyong padre de familia, Y sienta yo en mi frente na sa hirap ng buhay at trabajo utak na-torete, De tu ternura el soplo, sa pighati sa abroad ulo ni tatay nakalbo.
Deja a la luna verme ke bata batang babae con todo pacasta pirme at suave, Deja que el alba, di na inisip si nanay na naglalabada vida loca, Deja gemir al viento para pandagdag kay tatay na katiting na sweldo, Y si desciende y posa sobre disi siete pa lang gusto ng gumarahe, Deja que el ave di na naawa sa magulang na sinalvaje
Deja que el sol, ardiendo, mga kababayan ko Y al cielo tornen puras, huwag kayong pabukas bukas; Deja que un ser amigo simulan ngayon ang pagbabago Y en las serenas tardes cuando at ng makalaya sa dalita ang bayan ko, ¡Ora también, oh Patria Gloria, napupuno ka ng grasya bukod kang pinagpala sa babaeng lahat por mi descanso a Diόs!
Ora por todos cuantos buksan na ang quattro kantos, Por cuantos padecieron tayo ng magsi-inom, Por nuestras pobres madres ilabas na ang pulutan na talitis; Por huérfanos y viudas, tayo nang magselebra ng bagong bukas Y ora por ti que veas tu redención, ating simulan ang bagong henerasyon.
Naubusan ako ng ideya para sa huling limang bahagi. Maaring kayo na lang ang magdagdag para sa mga sumusunod. I-remix lang ika-nga ni Snoop Doggy Dogg. Good Luck! Y cuando en noche oscura se envuelva el cementerio Y solos sólo muertos queden velando allí, No turbes su reposo, no turbes el misterio, Tal vez acordes oigas de cítara o salterio, Soy yo, querida Patria, yo que te canto a ti.
Y cuando ya mi tumba de todos olvidada No tenga cruz ni piedra que marquen su lugar, Deja que la are el hombre, la esparza con la azada, Y mis cenizas, antes que vuelvan a la nada, El polvo de tu alfombra que vayan a formar.
Entonces nada importa me pongas en olvido. Tu atmósfera, tu espacio, tus valles cruzaré. Vibrante y limpia nota seré para tu oído, Aroma, luz, colores, rumor, canto, gemido, Constante repitiendo la esencia de mi fe.
Mi patria idolatrada, dolor de mis dolores, Querida Filipinas, oye el postrer adiós. Ahí te dejo todo, mis padres, mis amores. Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores, Donde la fe no mata, donde el que reina es Diόs.
Adiós, padres y hermanos, trozos del alma mía, Amigos de la infancia en el perdido hogar, Dad gracias que descanso del fatigoso día; Adiós, dulce extranjera, mi amiga, mi alegría, Adiós, queridos seres, morir es descansar.
|
|
| 3 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.17.2008 @ 9:40 am | Lasted edited: Jun.16.2008 @ 7:41 pm |
Game 5 of the 2008 NBA Finals. Lakers 103, Celtics 98
Yesterday was another meltdown for the Los Angeles Lakers as they once again squandered an early 19-point lead and a late 14-point cushion. Though this time they did just enough to survive the Celtics rally and win the game, the victory was awfully ugly. Most times the Lakers offense went wayward. The triangle offense 'became the bermuda triangle', as what coach Phil Jackson said during the earlier playoff round in the western conference, referring to his team's tendency to freelance and improvise one-on-one basketball deviating from the scheme which took them all the way to the championship round. Game 5 was almost a mirror image of Game 4 as the Lakers went out of the gates smoking hitting their shots with great precision and running their offense to near perfection with players moving and the ball being crisply passed around before it finds its way to the best available option. The Lakers then drew back from what's giving them the edge, only this time they did it earlier in the game (2nd Quarter). The offense became stagnant and the players became tentative. The 19-point lead was whittled down to three by the end of the first half of play. The fans, including our buddies here in the office, went worried and uneasy with another possible collapse looming and the Lakers championship hopes further reduced from what was earlier ascertained as 99.98% going Boston's favor. Actually historical statistics show us that 100% of the way, a 1-3 disadvantage in a best of seven NBA championship series is a sure win for the commanding team. We just gave 0.01% for Phil Jackson's greatness and another 0.01% for Kobe's desire, skills and clutch play capabilities. Back to the game, after the third quarter the Lakers came out on top for the first time this series scoring 24 points to 18 points for the Celtics thus going with a 9 point cushion to start the final frame. The Lakers even went ahead as high as 14 in the fourth before once again (whew!) letting the pesky and hardworking Celtics catch 'em up. If not for Garnett's inability to play during clutch situation, the Larry O'Brien trophy might have been awarded yesterday to the greens. Aside from the boneheaded plays of the Lakers after the excellent first quarter, there are some moments where they showed flashes of brilliance.
- The Lakers finally beat the screen roll play of Paul Pierce and Kevin Garnett. Thanks to Kobe's 'lucky' poke off of Pierce's decisive attack that the ball somewhat found its way to Lamar Odoms hands resulting into an assist pass to the streaking Kobe for a two-handed slam dunk that padded the home team's lead to four with less than a minute remaining in the elimination game.
- That play almost overshadowed the effective inside plays of Lamar Odom and Pau Gasol throughout the whole game finally showing their toughness. L.O. and P.G. showed their ability to mix it up inside the paint scoring a combined 39 points (14-20 FG) and providing muscle on the board with 24 rebounds between them. Their defense was also enough to produce six blocked shots and several missed layups for the visitors. These two dynamos should be the ones to start toughening up the whole 'soft-Laker team'.
- Phil Jackson recovered quickly from the failed experiment of sending role players to try to find somebody who can contribute something positive on the floor. With his calm approach to coaching he wielded his young team to an improbable recovery after a heartbreaking loss in Game 4 and another confidence-busting Celtic run in the second and fourth quarter.
- A new jewel willing to play hard was found on one dude named Jordan Farmar. The young point guard provided 11 points and plenty of energy off the bench offsetting the lack of production from the rest of the Lakers bench mob.
For the gold and purple team to have even a chance to send the series into a full seven games the bench has to step up. The front line play of Odom and Gasol is erratic and the coaching staff should find a quick fix on this. Kobe Bryant should play like an MVP and start quickly to give confidence to his young teammates especially that now they are playing on the road with a very hostile Boston crowd. Radmanovic should be relegated to the bench and start somebody more alert. Perhaps Walton should be starting ahead of Vlade. Game 6 should provide plenty of drama. LA should be pressure-less as everybody is counting them out with the history writing them off as a sure team on the losing end of an insurmountable finals deficit. Boston will be very anxious from the start to have their first NBA championship banner, trophy and rings after more than twenty years of drought. Better be ready to watch another elimination game tomorrow. If and only if the Lakers should force a Game 7, I would like to believe they'll have a better chance to win it all on a triple overtime game as what Mr. Rosen envisioned in his earlier finals matchup preview.
|
|
| 3 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.12.2008 @ 10:45 am |
Maligayang Araw ng Kalayaan sa lahat ng kayumanggi sa pinaka-magandang bansa sa ibabaw ng lupalop na kung minsan ay napakalupit. Para sa mga kalahi ko naman na katulad kong dumarayo pa sa ibang bansa para lang may maipakain sa pamilya at maipambayad sa pagke-mahal mahal na tuition fee sa eskwela tama na ang simpleng magandang araw po. Hindi tayo malayang mga OFWs. MALAYO tayo! Malayo sa pamilya, sa ating bansa, kay GMA, sa mga tsismisan sa kanto Tinio, sa trapik sa Pinas na karamihan sa mga kalsada ay pang-kalesa pa rin hanggang ngayon. Malayo tayo sa mga welga na araw-araw na lang ginagawa sa Maynila na kung masusi mong pag-aaralan ay isa ng hanap-buhay para sa mga raliyista.
Eksakto tatlong taon na simula noong unang araw ng paglayas ko sa Pilipinas at marami na rin akong na-miss na mga mahahalagang pagdiriwang sa Pilipinas. Simula noong ako ay umalis sa Pilipinas maraming beses na rin akong nakabalik para magbakasyon (pitong ulit na yata) pero palaging bitin at parang ayaw ko na umalis ulit. Kung hindi nga lang sa naghihintay na responsibilidad sa trabaho at siyempre sa pamilya ko eh di na ako nakabalik pa dito sa Indonesia. Dalawang New Year's eve, isang Pasko, countless na birthdays at anniversaries sa pamilya namin, family outings at reunions. Yan ang mga nakalipas na masasaya sanang mga pagsasama-sama na absent ako. Kung ikukumpara sa ibang OFW sa tingin ko eh wala pa sa 10% ang mga nabanggit ko kumpara sa kanila. Lalo na doon sa mga nasa middle east, europa at amerika na kalimitan ay taunan ang uwi at siyempre sa mga beterano na sa abroad. Kaya nga parang nalulungkot ako tuwing maiisip ko kung ilang taon pa kaya ako magpapa-alipin sa mga katutubong lahi ng ibang lupain bago ako maging 'can afford' na tumigil sa pag-aabroad. Sigurado ako na karamihan sa mga OFWs ay iyan din ang sumasagi sa kanilang isipan tuwing mag-isa lang sila sa loob ng kubeta habang umeebak. Minsan tuloy parang naiisip ko na di kaya nasayang lang ang mga ipinaglaban ng mga bayani natin noong panahon pa ni kopong-kopong para sa ating kalayaan? Di pa rin kasi ganap na malaya ang Pinoy IMHO. Di pa rin malaya sa kahirapan. Di pa rin malaya sa pangamba kung ang hinaharap ng kanyang pamilya sa bansang minamahal ang pag-uusapan. Di pa rin malaya sa corruption na namana natin sa mga Kastilang alagad daw ng Diyos na sumakop sa ating bansa at pagkatao sa loob ng tatlondaang taon. Di pa rin tayo malaya sa pag-idolo sa mga Kano na siya daw nag liberate sa atin noong ikalawang digmaang pandaigdig (mas marami pa nga silang nasira kesa sa naprotektahan). Di pa rin tayo malaya sa lilim ng ibang lahi at malimit na isinasaisip na tayo ay isang inferior nation, inferior na lahi. Kailan kaya darating ang panahon na si Juan De La Cruz ay tuluyan ng makakalaya? Makakalaya sa sarili niya. Makakalaya sa mga limitasyon na mismong sarili niya ang gumawa. Kailan kaya tayo makaka-ahon sa bangin ng kahirapan at corruption? Sana pagdating ng panahon na makalaya tayong ganap as a country ay tumitigas pa rin etit ko buhay pa ako para kahit paano maramdaman ko ang fulfillment ng pagiging isang tunay na malayang Filipino!
|
|
|
|