|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.09.2008 @ 10:38 am |
Tiyagang tiyaga ako sa ESPN radio at Gamecast dito sa office para lang ma-update ako sa Game 2 ng NBA finals. Gustong gusto ko sana mag-absent para lang makapanood ng live telecast sa cable kaso araw ng Lunes ngayon at maraming trabahong naghihintay. Nakakainis dahil mananalo ang Lakers, ayon kay Madam Auring, pero di ko mapapanood.
Nakakatatlong timba na yata ako ng kape para lang malabanan ang antok. Paano naman kasi alas kuwatro na ng madaling araw ako natulog. One hundred fifty minutes of sleep lang ako magdamag. Lintik na schedule kasi ng French Open at Canadian F1 Grand Prix kasi masyadong late na. Ang nakakainis pa eh binunggo ni Lewis Hamilton ang Ferrari ni Raikkonen! Very amateurish move ang ginawa ni Hamilton nung dire-diretso siyang nag-drive kahit na naka-red light sa exit ng pit lane. Susmiyo I hate you Hamilton. Grabe ang schedule ng sporting events simula ngayong buwang ng Hunyo. NBA Finals, French Open, Wimbledon, Canadian and French Grand Prix at siyempre ang laban ni Manny Pacquiao. Ang masaklap halos lahat ng schedule ng mga laro ay sablay sa schedule ng trabaho ko. Lintik kasi na seven days a week na trabaho 'to :-( Hayy... Sana mag dilang-anghel si Madam sa kanyang hula at manalo nga ang Lakers! |
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.07.2008 @ 7:40 am |
'Wala siyang utang na loob!' Iyan ang iritadong sinabi ni Kuya Germs (wow shobis wakekeke) sa mga badaf na dragon at mga babaeng baklita na entertainment press ukol sa napabalitang si Billy Crawford na ang pinakabagong talent ng ABS-CBN bilang host ng Pinoy Dream Academy (PDA). Galit si kuya Germs kasi siya daw ang discoverer kay Billy noong isang uhugin at supot pa si Billy. Sa katunayan ay siya pa daw ang nagpatuli kay Billy sa isang ducktor (quack doctor) sa probinsiya ng Batangas noong onse anyos pa lamang si Billy. Ngayon nga ay pakiramdam niya ay tinalikuran na siya ng binate binata at nag-join na sa rival network ng GMA. Matatandaan na si Kuya Germs ay sa GMA na tinubuan ng sungay tahid at makapal na balbonic body hair kaya naman maituturing na sa lahat ng kapuso ay siya ang isa sa pinaka-loyal at pinaka-gracious pamhin evah!
Totoo kayang yan lang ang dahilan ng pagka-irita ni Master Showman German Moreno kay Billy Crawford ? Maari. Maari ding meron pang mas malalim na dahilan. According to our conspiracy theorists here in Tangguh na sina Rommel at Mario eh isang malaking pagtatakip lamang ang 'kawalang ng utang na loob' ek-ek na ipinalabas ni Ate Ghermz (in his private life mas gusto ni Kuya Germs na ito ang itawag sa kanya ng mga amiga niya) sa press. Ayon sa dalawa ang katotohanan ay nagkasundo ang dalawa simula pa pagkatuli ni Billy Crawford (BC) na siya ay kay Kuya Germs lamang. Ayon pa sa kanila, noong bumalik mula sa isteyts ang binata ay naka-linya na siya ay mapabilang sa programa ni Kuya Germs (KG) na Walang Tulugan. Sa haba ng pagtigil ni BC sa Tate at matapos ang kissing with tongue action experience nila ni KC ay nagbago na ang kanyang sexual preference at mas gusto niya na ang tunay na babae kesa sa pusong babae lamang. Hindi na umano masikmura ni BC ang isipin na makukulong siya sa piling ni KG, instead na sa piling ni KC, at araw araw siyang di patutulugin ni KG dahil wala nga raw tulugan! Dahil diyan ay imbiyerna to death ang byuti ni KG. What a story! Ayon pa sa kanila dalawang bagay lang daw ang puwedeng panggalingan ng katotohanan sa kuwentong ito: ayaw pa-BJ (blush job, yung pagpapa-mek-ap ng blush on) ni BC kay KG or di na kuntento si BC sa wetpaks rear opening (yung opening number sa show na ginaganap sa rear part ng studio, wag kayong bastos mag-isip!) ni KG at di niya kayang pagtiyagaan ito na pasukin ng walang tulugan on a nightly basis. Hanestly, as in hanest tu gudnes, ay gusto kong maniwala dito sa istoryang ito kesa dun sa kumakalat ngayon sa mga pahayagan at internet. Pwe! Nawalan na naman ako ng gana sa pagkain pagnakaka-basa o nakakarinig ako ng pag-iibigan at pag-aaway ng dalawang taong may buntot sa harapan. Wala na bang mas ismarte at makabuluhang maibalita ngayon ang mga mamamahayag? ...Tsismis... pati daw talent fee ni Juday sa patalastas para sa Meralco tungkol sa systems loss (???, di ko pa napapanood) at iba pang sangkatutak na sinisingil ng mga bwakananginangyan sa tao ay kasama sa computation ng ating mga bayarin sa kuryente! Holy Cowabunga! Anak ng Pooh--! Ang sarap sumakal ng indiano kapag ganyan ang mababalita mo. Mas maniniwala pa sana ako kung si Jupotpa este si Jolina Walangdangal ang nagpaliwanag kung ano talaga ang mga sinisingil sa tao ng mga hudasbarabashestas.
Peace to the whole round world. Alien!
|
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.06.2008 @ 4:02 pm | Lasted edited: Jun.06.2008 @ 2:21 am |
Bato-bato sa langit ang tamaan ay pangit wag magagalit.







...and you question God -- 'Why me?'... ...always look at the bigger picture... A day without the Lord is a day wasted!
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.05.2008 @ 8:15 am |
Dear Mr. Bill Gates,
This letter is from Kumar Singh from Punjab. We have bought a computer for our home and we found problems, which I want to bring to your notice.
1. After connecting to internet we planned to open e-mail account and whenever we fill the form in Hotmail in the password column, only ****** appears, but in the rest of the fields whatever we typed appears, but we face this problem only in password field. We checked with hardware vendor Santa Singh and he said that there is no problem in keyboard. Because of this we open the e-mail account with password *****. I request you to check this as we ourselves do not know what the password is.
2. We are unable to enter anything after we click the 'shut down' button.
3. There is a button 'start' but there is no "stop" button. We request you to check this.
4. We find there is 'Run' in the menu. One of my friend clicked 'run' has ran up to Amritsar! So, we request you to change that to "sit", so that we can click that by sitting.
5. One doubt is that any 're-scooter' available in system? As I find only 're-cycle', but I own a scooter at my home.
6. There is 'Find' button but it is not working properly. My wife lost the door key and we tried a lot for tracing the key with this ' find', but unable to trace. Is it a bug??
7. Every night I am not sleeping as I have to protect my 'mouse' from CAT, So I suggest u to provide one DOG to kill that cat.
8. Please confirm when u are going to give me money for winning 'HEARTS' (playing cards in games) and when are u coming to my home to collect ur money.
9. My child learnt 'Microsoft word' now he wants to learn 'Microsoft sentence', so when u will provide that?
10. Can you include kama sutra pictures in screen saver choices?
I hope you will write back soon as I have to be very busy using the computer to create inventory list of my umbrellas, mosquito nets and rexona (which b.t.w. is not selling that much here in Punjab).
Thank you very much.
Lovingly Yours, Kumar |
|
| 8 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.04.2008 @ 10:41 am | Lasted edited: Jun.03.2008 @ 9:41 pm |
Tuwing humaharap ako sa salamin ay napapansin ko na araw-araw yata akong tumatanda (natural!). May mga maliliit at cute na cute na wrinkles na ako na kung pagmamasdan ng malapitan ay halatang hindi lang ito work ng isang prosthetic artist kundi talagang work of nature. Natural process. Dala ito ng gabi gabing pagpupuyat (sa ayaw ko at sa hindi), ten years of being overweight, sandamukal na problemang nagdaan at twenty six years na pagiging exposed sa elements sa mundong ibabaw. Ngayon, ang tanong ko: Paano kaya marereverse ang aging or kahit na ma slow down lang?
Nag-aalala kasi ako na baka pagdating ko ng edad trenta y cinco eh kamukha ko na si Gollum. Hindi maaari! Kaya heto at ginagawa ang lahat para mag ehersisyo at nagsasaliksik din ako ng mga sources ng anti-oxidants bukod sa Vitamin E capsules na karaniwang mabibili sa inyong paboritong botika. Malunggay! My gulay! Ito daw ay isang 'miracle vegetable' sabi ng isang henyo at marami pang iskolar at doktor kwak kwak ang nagpapahayag ng mga mabubuting dulot ng pagkain ng malunggay. Sayang at nakabalik na si Joseph sana eh nakapagpadala ng tatlong bayong na malunggay dito. Wala kasi ditong gulay na yan. Ang ginugulay lang dito sa Tangguh ay sitaw (kibal na kasi malaki), spinach, carrot-repolyo (pakain sa rabbit shet) at dahon ng papaya! Lintik na gulay yan, dito lang ako nakakita ng mga taong kumakain ng dahon ng papaya. Pag didighay nga sila matapos kumain ay may lumalabas na bula sa bibig nila. Out of topic... anyway... Narito ang ilang copy-paste na something-something about MALUNGGAY. Malunggay is a miracle vegetable. By Dr. Lydia M. Marero Food and Nutrition Research Institute
Malunggay, known scientifically as Moringa oleifera Lamk, is one of the world's most useful plants. It is used as food, effective flocculant or water treatment, antibiotic, source of oil, and coagulant for turbid waters.
It is also called mother's best friend, and miracle vegetable by many who know malunggay's beneficial uses. It is cultivated in all countries of the tropics. It is easy to plant and is available year-round.
Malunggay's image was even used as the official logo of the Food and Nutrition Research Institute, an agency of the Department of Science and Technology.
One hundred grams or 1 cup of cooked malunggay leaves contain 3.1 g. protein, 0.6 g. fiber, 96 mg calcium, 29 mg phosphorus, 1.7 mg iron, 2,820 mg ß-carotene, 0.07 mg thiamin, 0.14 mg riboflavin, 1.1 mg niacin, and 53 mg ascorbic acid or vitamin C. The antioxidant activity of malunggay is about 71%, with µ-tocopherol (vitamin E) equivalent of 45.
Malunggay leaves are an excellent source of vitamin A and B, and minerals such as calcium and iron. It is even an excellent source of protein, being higher than the amino acid pattern of Food and Agriculture Organization-reference protein, yet contains very low fat and carbohydrates. The leaves are incomparable as a source of the sulfur-containing amino acids methionine and cystine, often the natural minerals humans lack.
Due to its high vitamins A, C, and E, which are very potent antioxidants, malunggay is a very good quencher of unstable free radicals that can react with and damage molecules that cause aging. Antioxidants reduce the appearance of wrinkles and fine lines. They also prevent the onset of various chronic diseases like arthritis, cancer, and heart and kidney diseases.
Malunggay contains the phytochemical niaziminin, which is found to have molecular components that can prevent the development of cancer cells (Faizi et al., 1992) and correlated with inhibitory ability against superoxide generation. The first naturally-occuring thiocarbamates, novel hypotensive agents niazinin A, niazinin B, niazimicin and niaziminin A and B were isolated from malunggay.
Malunggay is called miracle vegetable because it is not just a food, it is also a medicine. It may therefore be a functional food. Malunggay promotes good eyesight, digestion, facilitates bowel movement, and is a cure for stomach ache.
It is also used to cleanse wounds and ulcers. It helps alleviate scurvy, asthma, earache, and headaches. For its high calcium content, lactating mothers are advised to eat malunggay leaves to produce more milk.
Malunggay is usually cooked with chicken as tinola, or with fish and other vegetables, mongo soup dishes, and blanched as salads.
Botany
- As high as 9 m; has a soft, white wood and corky, gummy bark. Root
has the taste of horseradish. Each compound leaf contains 3-9 very thin
leaflets dispersed on a compound (3 times pinnate) stalk. Flowers white
and fragrant, producing long, pendulous, 9-ribbed pods. 3-angled winged
seeds.
- Introduced from Malaya or some other part of tropical Asia in prehistoric
times. Grown throughout the Philippines in settled areas as a backyard
vegetable and as a border plant. Drought resistant and grows in practically
all kinds of well-drained soils. Conserves water by shedding leaves
during dry season.
- Propagation by seeds and stem cuttings.
Properties
Galactagogue, rubefacient,
antiscorbutic, diuretic, stimulant, purgative, antibiotic, antifungal.
Antiinflammatory, antitumor activities on mice studies.
Antioxidant, anti-aging, anti-ulcer.
Purported to be beneficial for decreasing blood pressure, relieving
headaches and migraines, reducing inflammatory and arthritic pains,
anti-ulcer, anti-tumor. Purported
to be beneficial for decreasing blood pressure, relieving headaches
and migraines, reducing inflammatory and arthritic pains.
Distribution
Grown throughout the Philippines
as a vegetable or border plant.
Parts utilized
Flowers, leaves, young
pods
Constituents
Ben oil, 36% - palmitic,
stearic, myristic, oleic, and behenic acids, phytosterin; two alkaloids
the mixture of which has the same action as epinephrine.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.04.2008 @ 9:47 am |
Halos patapos na rin ang stint ko dito sa Tangguh. Isang rotation na lang yata ang natitira sa serbisyo ko sa project na ito. Kung noong umpisa (hanggang peak stage) ay itinuturing kong isang adventure ang pagta-trabaho dito na punong puno ng unknowns eh ngayon naman napaka-boring na as in B-O-A-R-I-N-G...Parang araw-araw na lang akong binabayaran dito para tumitig sa monitor for ten hours. Yes! May OT pa yun na dalawang oras! Saan ka pa? Yung mga weekly routine reports na lang ang ginagawa ko dito. Nothing new.
Parang gusto ko nga magpa-early demob. Sabi naman ng mga beteranong Pinoy dito (yung mga tinubuan na ng tahid sa pag-a-abroad) eh talagang dumarating ang point sa isang project na talagang halos wala ka ng magawa kundi maghintay ng araw ng sweldo. Kaya magtiyaga na lang daw hanggang matapos ang project lalo na at unang sabak ko ito. Maganda kung makatapos ako. Nauubos na nga ang mga topics na napagkukuwentuhan naming mga Pinoy dito. Pag nagsawa sa kwentuhan ay maglalaro na lang ng counter-strike o NBA Live. Minsan naman eh kung ano na lang ang maisipan i-research sa Wikipedia o itanong kay Mr. Google. Pag talagang halos mabato na magkakanaw na lang ng pagki-tapang-tapang na kape at ilalagay sa freezer. Mas masarap inumin at mas malakas ang tama nang kapeng napakalumamig. Nakakapangatal ng muscles at fingers kaya parang napaka busy ko after uminom ng kape dahil tunog ng tunog keyboard ko na parang ang dami kong itina-type. Yung isang Intsik nga dito eh di na yata nakayanan ang pagkabagot at ganito ang ginawa sa sarili niya: 
Ayoko naman subukan ang ganitong paraan ng pag-papalipas ng oras baka isipin na lang ng mga tao dito eh nasisiraan ako ng bait. Ilang buwan pa kaya akong ganito? Parang nasasayang lang ang oras ko without anything to do productively. Sana kasama ko na lang ngayon si mylab at si ian habang nanonood ng sine o kahit na magkakatabi lang kami sa malambot at kumportableng kama habang nag-uusap lang hanggang sa antukin. Zzzzz...Ngorkz...
|
|
| 40 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.03.2008 @ 10:46 am | Lasted edited: Jun.02.2008 @ 8:46 pm |
Sa Lumang Simbahan (Constancio De Guzman)
Sa lumang simbahan, aking napagmasdan
Dalaga't binata ay nagsusumpaan
Sila'y nakaluhod sa harap ng altar
Sa tig-isang kamay, may hawak na punyal
Kung ako'y patay na, ang hiling ko lamang
Dalawin mo, giliw, ang ulilang libing
At kung maririnig mo ang taghoy at daing
Yao'y panghimakas ng sumpaan natin
CHORUS
At kung maririnig mo ang tugtog ng kampana
Sa lumang simbahan, dumalaw ka lamang
Lumuhod ka, giliw, sa harap ng altar
At iyong idalangin ang naglahong giliw
[Repeat 2nd stanza]
[Repeat CHORUS twice]
CODA
Lumuhod ka, giliw, sa harap ng altar
At iyong idalangin ang naglahong giliw

Lumang Simbahan somewhere in Cavite. My guess is either sa Imus or sa Bacoor ito. Masdan mabuti ang Pinoy fashion noon.

Malolos Congressional Hall 1898. Nasaan ang pusa?

Old Church and smoking ruins of Aguinaldo's Head Quarters in Malolos after Americans soldiers attack.

Lumang Simbahan ng Paete, Laguna. May garden pa sa taas ng simbahan oh di va!
 
Lumang Simbahan sa Paranaque na kinanyon!

Lumang Simbahan sa Libog, Albay. Ano kaya tawag sa mga tao sa lugar na ito? Libogenyo? Libogers? Or just plain Libogs?
 
Ruins of Daraga Church and distant Mayon Volcano sa Albay.

Lumang Simabahan sa Jaro, Panay

Lumang Simbahan sa Miagao, Iloilo

Lumang Simabahan sa Oton, Iloilo. Isa sa pinakamagandang disenyo ng simbahan! Anong sinabi ng INC dito! Wekwekwek.

Lumang Simbahan sa Leyte

Lumang Simbahan sa Pardo, Cebu

Lumang Simbahan ng San Nicholas, Cebu 
San Nicholas Church Cebu ulit.

Lumang Simbahan ng Recollectos, Cebu

Sa labas ng lumang simbahan ng Antipolo noong hindi pa naitatatag ang negosyo ni bradermayk, dating daan, JIL at iglesia ni barok.

Ruins of old church at Guadalupe - Burned during Filipino retreat. Tsk tsk tsk.

La Loma Church. Dito bininyagan si Aling Mila, yung may ari ng Mila's Lechon bwakekeke.

Lumang simbahan ng San Sebastian. Ang ganda niya di ba?

San Sebastian Church front view.

San Sebastian Church sa Hidalgo St. Quiapo, Manila
  
More San Sebastian Church pictures.

Sa pintuan ng lumang simabahan ng San Agustin, Manila. Napaka te-arts ng pinto di ba?

Lumang Simbahan ng San Agustin, 1900. Basahin na lang ang caption sa kaliwang bahagi ng larawan.

Courtyard of Sto Tomas Church, Manila. Si Crispin at Basilio ba yung dalawang kabataang lalaki sa larawan?

Sta. Cruz Church at the foot of Dasmariñas Bridge

Manila Cathedral Entrance. Patok na patok pa noon sa mga Manilenyo ang derby hat kung mapapansin nyo. Sa probinsya naman ay buli.

The Manila Cathedral before 1863. The bell tower was damaged in 1863 and finally collapsed in 1880. 
Manila Cathedral view sa labas. Wala na ang kampanaryo dito! :-(

Si Manong ayaw pa ngumiti. Panahon kasi ng pananakop ng mga dayuhan ng panahon na ito.

Manila Cathedral view sa loob. Parang palasyo! Sa ngayon ay airconditioned church na raw ito...totoo kaya?

Manila Cathedral during the war! Nasira ang kampanaryo.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.02.2008 @ 8:43 am |
Nakakainis talaga kapag... 
- Umutot yung katabi mo sa elevator sabay tanong sa 'yo kung mabaho ba.
- Male-late ka na sa trabaho tapos si mamang tsuper ay pumila pa sa Petron para magpa-gasolina...full tank pa shet!
- Coffee break sa office at naubusan ng kape sa pantry.
- May kumanta ng pambansang awit at nagkamali o nalimutan ang lyrics...pati na yung pilit na binabago ang saliw nito.
- Pagbukas mo ng TV mukha ng politiko na nakangisi pa ang una mong makikita.
- Ang headline sa pahayagan ay tungkol sa pagbubuntis ng anak ni Osang o ang pinaka-latest liposuction ni Kris o ang bagong lalaki sa buhay ni La Gretta.
- Tulo pa rin ng tulo ang sipon mo kahit isang tabo na ang naisinga mo (Eeewww, Euuucch sabi nga ni ate Pipin).
- Araw ng botohan kasi feeling ko ang mga botante ay pumipili lang ng tao na gagastos ng pera ng Pilipinas.
- Nakakakita ako ng pulis na mas malaki pa ang tiyan sa akin.
- Napagkakamalan akong pulis! At least di na ako pinagbayad sa jeepney nung isang beses na akala ng mamang tsuper ay pulis ako.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: May.30.2008 @ 11:51 am |
PINOY CONTRACTOR ABROAD
Three contractors are bidding to fix the White House fence.
One from the Philippines, another from Mexico and an American.
They go with a White House official to examine the fence.
The American contractor takes out a tape measure and does some measuring, then works some figures with a pencil. Well,' he says. 'I figure the job will run about $900: $400 for materials, $400 for my crew and $100 profit for me.'
The Mexican contractor also does some measuring and figuring, then says,'I can do $700: $300 for materials, $300 for my crew and $100 profit for me.'
The Filipino contractor doesn't measure or figure, but leans over to the White House official and whispers: '$2,700.'
The official, incredulous, says, 'What? You didn't even measure like the other guys! How did you come up with such a high figure? How do you expect me to consider your service with that bid??
'Easy,' the Pinoy explains, '$1,000 for you, $1,000 for me and we hire the guy from Mexico '.
The next day, the Pinoy and the Mexican are working on the Fence. |
|
| 3 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: May.23.2008 @ 9:50 am |
Isang umaga sa luma at maliit na bahay sa gitna ng isang maliit na siyudad... Pagkagising ni J.D. Crozz sa umaga, sa halip na magpasalamat sa Panginoon dahil sa buhay at normal (pag mabango ang morning breath mo abnormal ka) pa siya ay cellphone agad ang kinaharap at nagpasalamat din naman dahil sa nag-text ang crush niyang si Mandy Moore (Imelda Caramihan). Sisigaw pa yan ng 'YES!' pag may mwah ang text message ni Mandy. Bulahaw? Balewala na yang ingay na lumabas sa bunganga ni J.D. dahil gising na ang lahat ng kasambahay pati ang tsismosang kapitbahay...alas diyes na kasi ng umaga at mataas na ang araw. Maaaring dala ng katamaran ang patanghaling gising o kaya naman ay inumaga sa pagtambay kasama ang mga sunog bagang hip-hoppers na barkada sa kanilang HQ sa Kanto Tinio (Corner of Tinio Street para mas clear). Pagkabangon ay diretso sa kubeta para juminggel habang nakatingala at pinapalano ang susunod na gimik mamaya matapos ang klase sa eskwelahan. Makatapos makapag-almusal ng Marlboro ay maliligo na siya (Opo! Hanggang ngayon naman ay malinis pa rin tayong mga Pinoy sa ating katawan) pandalas ng sabon ng Likas Papaya whitening soap sa mukha at buong katawan sa pag-asang puputi siya katulad ng pinakabagong idolo niya na napanood noong makalawa sa MTV na si Eminem. Magpa-practice pa yan ng rap habang umiindak indak ala hip-hop homie sa loob ng banyo. Pagkabihis ng ating bida ng XXXL niyang damit na abot hanggang tuhod ang haba, baggy pantaloon na pagkebaba-baba ng waist level, nakakasilaw na bling bling pendant na nakasabit sa pagkekapal-kapal na silver necklace (unisilver sa SM) na nabili sa isang ukay ukay sa Greenhills, weed printed-scarf na itinali around his big empty head sabay papatungan ng NY Yankees baseball cap at white adidas kicks na pinag-ipunan ng dalawang semesters. Isusuot na ang unisilvertime watch (ito lang ang nakayanan ni kuya na iregalo nung 16th birthday ni J.D.) na kasing laki ng coke in can ang bilog. Isusuksok na ang kanyang pitaka (na punong puno ng kupit na bente pesos mula sa pitaka ni nanay sa ibabaw ng ref) sa bulsa ng pantalon at isasabit na rin ang silver chain na tumitimbang ng limang kilo. Kumpleto na ang porma...haharap sa salamin at mapapansin na di pa pala niya naisuot ang white gold earing na naitrade nya sa isang ka-crew nya kapalit ng dvd player na naireport ni erpat sa barangay chairman na ninakaw sa kanilang bahay. Kumpleto na talaga! Po-pose pa yan sa harap ng salamin at ilalabas ang dila na may hikaw sabay buo ng devil's sign sa kanang kamay at Fawk You sign sa kaliwa. 
Pagkahingi ng baon kay ermat ay lalarga na papuntang eskwela para magpakita lang sa titser. Wala na siyang oras para pakinggan pa ang mga words of wisdom ni erpat dahil palagi siyang tinatanghali. Pagdating sa classroom ay makikinig saglit sa guro. Matapos ang limang minuto ay buryong na buryong na siya at naglalakbay sa labas ang isipan. Magpapaalam sa titser para magpunta sa toilet sabay takas para mag cutting classes. Diretso sya sa mall para makipag kita sa mga crew mates nya. Meron kasi silang grupo na tinatawag niyang J.D. Crew, tamang tama dahil ang pangalan nya dito bilang lider ay J.D. Crozz, pina-sosyal na bansag mula sa totoong pangalan na Juan De La Cruz. Tatambay muna sila sa video games section ng ilang oras para magpalamig. Kapag nagsawa ay didiretso na sa kanilang HQ para mag practice ng mga bagong moves at rap lines na isinulat pa ni J.D. sa kanyang english notebook. 'Yo, yes yes yo!' Sigawan ang buong grupo ng ating bida habang nagsosolo siya sa pagra-rap. Mauubos ang tatlo hanggang apat na oras kakaimbento ng rhyming rap lines at kakapractice dito. Oras na ng hapunan at time out muna ang grupo. Uwian muna para kumain at magpakita sa mga magulang sabay daing na nakakapagod ang activities sa eskwelahan. 'Naku ganun ba? Sige Juan at kumain ka ng marami anak at magpahinga ka na sa kwarto mo mamaya. Mag-aral kang mabuti tulungan mo ang iyong sarili.', sabi pa ni ermat. Si J.D. naman ay tatango lang sabay pandalas ng lamon. 'Shet malelate ako!', sa isip ni J.D. Di na niya pinakinggan pa ang ibang payo ng magulang. Makatapos kumain, mag-update ng friendster gamit ang computer ni kuya sa bahay at kumupit (na naman) sa pitaka ni ermat sa ibabaw ng ref ay biglang maglalahong parang bula ang ating bida sa bahay para sa panggabing gimik. Sakay sa jeep at diretso na sa rendezvous ng barkada. Nagkita kita ang barkada sa isang computer shop sa tapat ng basketball court para makipag pustahan sa computer games. Dahil sa halos gabi-gabing gawain ito ng grupo ay lamang na sila sa katunggali in terms of familiarity at strategy. Mananalo ang mga mokong at syempre may pera na para pang inom ng gin-pomelo. Mag iinuman na parang wala ng bukas. Kwentuhan ng mga balakin sa buhay. Kung paano nila babayaran ang utang ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang musika. Kung paano mapapasagot si Mandy at ang iba pa nilang pinagpapantasyahan. Kung paano sila mag-a-audition sa Dongalo Wreckords. Nagpapalitan ng kwentong kutsero at jokes. Palitan ng kuro kuro hinggil sa pinakabagong fashion sa para sa mga hip-hoppers na katulad nila. Palitan ng facts at tsismis about their hip-hop god Snoop Dogg. Sharing din sa yosi. Kung minsan sharing din ng marijuana. Tsk. Tsk.
Aabutin ng madaling araw ang walang katapusang bisyo at kwentuhan. Ang
pag-aaral kinalimutan na. Ang tanging bilin ng mahal na ina. Sa bahay naman ay masayang masaya ang mga magulang ni J.D. sa pag-aakalang nasa kwarto ang mahal na anak at nag-babasa ng kanyang aralin. Sa isip ni ermat ay sulit na sulit ang beinte cinco mil na tuition fee sa eskwelahan. Perang naipon mula sa paglalabada ni ermat, pag-extra ni erpat sa jeep ng kapitbahay, konting balato sa sabong mula kay kumpare at kontribusyon ng panganay na anak na isang factory worker sa Taiwan. Sinisipag tuloy ang lahat na mag ipon ulit para naman sa second semester ni bunsong si J.D. |
|
|
|