|
| <<
< |
1
2
3
4
5
| >
>>
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.25.2008 @ 7:20 am
|
After three months and twelve days, babalik ako sa Bayang Magiliw para magbakasyon sa loob ng tatlong linggo. Mas maaga ang ginawa kong pagbabakasyon dahil sa talaga namang homesex na homesex na ako...ooops wrong spelling pa ako homesick pala. Makikita ko na ulit at makakasama ang buntis kong misis at ang poging pogi at ismarte kong anak.
Ito ang masarap sa pagiging isang OFW, ang araw na pauwi ka na sa iyong pamilya. Sabik na sabik. Sangkatutak na kuwento ang baon. Maraming mga katanungan at tsismis na gustong malinawan. Maraming bagong lugar na gustong pasyalan. At maraming San Miguel beer. Makakatikim na naman ako ng bangus, BABOY!, totoong gulay, pagmamahal, bananaque, potpot, pan de sal, trapik, kaning lamig na pagke-mahal mahal, jollibee chicken joy, gin-pomelo, ques-o, zest-o, ginataang kahit na ano, laing, teledrama, bubble gang, amoy ng basura, amoy ng boracay sa Kawit, walang kamatayang SM Bacoor at MOA, walang katapusang kumustahan, isang milyong tricycle sa Naic, ulan mula sa langit, tuyo, tinapa, daing, champorado, alaska, boy bawang, sugo, chikito, peanut kisses, pansit malabon, pansit ng masungit, pansit bihon, lomi, tapsilog, hotsilog, tocilog, pakaplog (pan de sal, kape at itlog), Pampanga's best, buko juice sa palengke, tsismisan sa kanto, basketball sa bilaran ng palay na punong puno ng gilik at marami pang iba. Sarap talaga umuwi sa Pilipinas!
|
|
|
| 4 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.21.2008 @ 10:00 am
|
Kagabi natikman ko na naman ang luto ni Ankol Sam. Inimbitahan niya kaming tatlo nina Mario at Rommel para sampolan ang niluto niyang ginataang yellow fin tuna at cassava cake. Ang lufet! Dami ko nalamon at nawala na sa isip ang disiplina ng pagdidiyeta. Halos pumutok ang tiyan ko pagkatapos kumain.
Da best ang pagkakaluto at timpla sa ginataang yellow fin tuna. Tamang tama ang anghang, alat at flavor ng gata. Lalong nagpasarap dun ay ang dahon ng sili na nakabalot sa laman ng isda at ang ginamit ni Ankol Sam na Knorr cube something something.
Yung cassava cake naman perfecto ang pagkakabake sa improvised oven. Di sunog, di hilaw. Tamang tama lang ang tamis at lasa ng butter na nagtutong sa ilalim ng pan. Kung pwede nga lang sumigaw ng isa pa, isa pa isa pang chikenjoy eh sisigaw sana ako kaya lang dighay ako ng dighay matapos uminom ng pagki-lamig lamig na sprite. Isang pan lang kasi ang natirang cassava cake pero solve na rin kami. Nagkahiyaan pa nga sa huling kagat LOL.
Yan lang ang isa sa aming libangan dito sa jungle ng Tangguh. Kumain ng kumain. Mabuti na lang at mahusay at masipag si Ankol Sam na magluto at mag share ng kanyang mga specialties. Mabuhay ka Chef Sam!Narito ang ilang larawan ni Ankol Sam.

Dinner with (clockwise) Rommel, Ako, Oscar and Ankol Sam. 14-Aug-2005

Ankol Sam in Action.

Ihaw ihaw.
|
|
|
| 4 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.05.2008 @ 9:06 am
|
| May ipinadalang litrato ng Kasuari si Ankol Sam. Isa ang Kasuari sa mga kakaibang hayop na dito lamang sa Papua makikita. Pagmasdan mabuti ang leeg ng animal! (LOL) 
Front View Nakakatuwa naman yung nasa leeg ng hayop na 'to. Reminds me of something. Parang ***tooot*** ng babae :D Sarap mag-uwi ng isang pares ng Kasuari sa Muzon. Sigurado patok sa mga tropang tambay ito. Gagawin kong pet at paparamihin. Maibenta sa mga naghahanap ng exotic animals para alagaan o kaya naman dun sa mga lasenggero sa kanto na mahilig sa kakaibang pulutan. Baka magalit ang mga miyembro ng PETA.

Side View May palong pa ang animal! Parang cross breed ng higanteng manok, pabo, peacock (minus the colorful tail feathers) at aso. Yung balahibo niya ay parang nakuha nya kay Bantay at hindi mukhang feather.

Ang legs ng Kasuari ay mataba at mukhang malakas. Kung ilalaban ko ito sa ruweda ng sabong malamang na walang tsansang manalo ang manok na makakalaban. Kasing taba yata ng dalawang Stabilo Boss markers ang binti nito. Paano nga kaya ako makakapag uwi ng Kasuari? Parang di kakasya sa maleta ko. Tsk mukhang mahihirapan ako mag-takas ng isang pares ng animal na ito! Ankol Sam pwede ka ba maka-kuntsaba? Hati tayo sa pagkakakitaan kung sakali bwahahaha.
|
|
|
| 3 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.12.2008 @ 10:45 am
|
Maligayang Araw ng Kalayaan sa lahat ng kayumanggi sa pinaka-magandang bansa sa ibabaw ng lupalop na kung minsan ay napakalupit. Para sa mga kalahi ko naman na katulad kong dumarayo pa sa ibang bansa para lang may maipakain sa pamilya at maipambayad sa pagke-mahal mahal na tuition fee sa eskwela tama na ang simpleng magandang araw po. Hindi tayo malayang mga OFWs. MALAYO tayo! Malayo sa pamilya, sa ating bansa, kay GMA, sa mga tsismisan sa kanto Tinio, sa trapik sa Pinas na karamihan sa mga kalsada ay pang-kalesa pa rin hanggang ngayon. Malayo tayo sa mga welga na araw-araw na lang ginagawa sa Maynila na kung masusi mong pag-aaralan ay isa ng hanap-buhay para sa mga raliyista.
Eksakto tatlong taon na simula noong unang araw ng paglayas ko sa Pilipinas at marami na rin akong na-miss na mga mahahalagang pagdiriwang sa Pilipinas. Simula noong ako ay umalis sa Pilipinas maraming beses na rin akong nakabalik para magbakasyon (pitong ulit na yata) pero palaging bitin at parang ayaw ko na umalis ulit. Kung hindi nga lang sa naghihintay na responsibilidad sa trabaho at siyempre sa pamilya ko eh di na ako nakabalik pa dito sa Indonesia. Dalawang New Year's eve, isang Pasko, countless na birthdays at anniversaries sa pamilya namin, family outings at reunions. Yan ang mga nakalipas na masasaya sanang mga pagsasama-sama na absent ako. Kung ikukumpara sa ibang OFW sa tingin ko eh wala pa sa 10% ang mga nabanggit ko kumpara sa kanila. Lalo na doon sa mga nasa middle east, europa at amerika na kalimitan ay taunan ang uwi at siyempre sa mga beterano na sa abroad. Kaya nga parang nalulungkot ako tuwing maiisip ko kung ilang taon pa kaya ako magpapa-alipin sa mga katutubong lahi ng ibang lupain bago ako maging 'can afford' na tumigil sa pag-aabroad. Sigurado ako na karamihan sa mga OFWs ay iyan din ang sumasagi sa kanilang isipan tuwing mag-isa lang sila sa loob ng kubeta habang umeebak. Minsan tuloy parang naiisip ko na di kaya nasayang lang ang mga ipinaglaban ng mga bayani natin noong panahon pa ni kopong-kopong para sa ating kalayaan? Di pa rin kasi ganap na malaya ang Pinoy IMHO. Di pa rin malaya sa kahirapan. Di pa rin malaya sa pangamba kung ang hinaharap ng kanyang pamilya sa bansang minamahal ang pag-uusapan. Di pa rin malaya sa corruption na namana natin sa mga Kastilang alagad daw ng Diyos na sumakop sa ating bansa at pagkatao sa loob ng tatlondaang taon. Di pa rin tayo malaya sa pag-idolo sa mga Kano na siya daw nag liberate sa atin noong ikalawang digmaang pandaigdig (mas marami pa nga silang nasira kesa sa naprotektahan). Di pa rin tayo malaya sa lilim ng ibang lahi at malimit na isinasaisip na tayo ay isang inferior nation, inferior na lahi. Kailan kaya darating ang panahon na si Juan De La Cruz ay tuluyan ng makakalaya? Makakalaya sa sarili niya. Makakalaya sa mga limitasyon na mismong sarili niya ang gumawa. Kailan kaya tayo makaka-ahon sa bangin ng kahirapan at corruption? Sana pagdating ng panahon na makalaya tayong ganap as a country ay tumitigas pa rin etit ko buhay pa ako para kahit paano maramdaman ko ang fulfillment ng pagiging isang tunay na malayang Filipino!
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.04.2008 @ 9:47 am
|
Halos patapos na rin ang stint ko dito sa Tangguh. Isang rotation na lang yata ang natitira sa serbisyo ko sa project na ito. Kung noong umpisa (hanggang peak stage) ay itinuturing kong isang adventure ang pagta-trabaho dito na punong puno ng unknowns eh ngayon naman napaka-boring na as in B-O-A-R-I-N-G...Parang araw-araw na lang akong binabayaran dito para tumitig sa monitor for ten hours. Yes! May OT pa yun na dalawang oras! Saan ka pa? Yung mga weekly routine reports na lang ang ginagawa ko dito. Nothing new.
Parang gusto ko nga magpa-early demob. Sabi naman ng mga beteranong Pinoy dito (yung mga tinubuan na ng tahid sa pag-a-abroad) eh talagang dumarating ang point sa isang project na talagang halos wala ka ng magawa kundi maghintay ng araw ng sweldo. Kaya magtiyaga na lang daw hanggang matapos ang project lalo na at unang sabak ko ito. Maganda kung makatapos ako. Nauubos na nga ang mga topics na napagkukuwentuhan naming mga Pinoy dito. Pag nagsawa sa kwentuhan ay maglalaro na lang ng counter-strike o NBA Live. Minsan naman eh kung ano na lang ang maisipan i-research sa Wikipedia o itanong kay Mr. Google. Pag talagang halos mabato na magkakanaw na lang ng pagki-tapang-tapang na kape at ilalagay sa freezer. Mas masarap inumin at mas malakas ang tama nang kapeng napakalumamig. Nakakapangatal ng muscles at fingers kaya parang napaka busy ko after uminom ng kape dahil tunog ng tunog keyboard ko na parang ang dami kong itina-type. Yung isang Intsik nga dito eh di na yata nakayanan ang pagkabagot at ganito ang ginawa sa sarili niya: 
Ayoko naman subukan ang ganitong paraan ng pag-papalipas ng oras baka isipin na lang ng mga tao dito eh nasisiraan ako ng bait. Ilang buwan pa kaya akong ganito? Parang nasasayang lang ang oras ko without anything to do productively. Sana kasama ko na lang ngayon si mylab at si ian habang nanonood ng sine o kahit na magkakatabi lang kami sa malambot at kumportableng kama habang nag-uusap lang hanggang sa antukin. Zzzzz...Ngorkz...
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: May.21.2008 @ 7:06 am
|
Nitong Lunes (19th of May) ay umapoy na ang flare dito sa Tangguh. Sa wakas aya napatunayan na nga na may Natural Gas sa sinasabing reservoir na pinagmiminahan ngayon kumpara sa kumakalat na tsismis na isang field lang ito ng ebak ng mga Papuans. Nakahinga ng maluwag ang mga sakang at ang aming kliyenteng Bitoy sa wakas.
Nung hapon na ay nagkodakan muna kami sa ibabaw ng hill para sa souvenir shot. Pinoy na Pinoy talaga hehehe. Narito ang isang litrato ng aming grupo. Maliit na grupo ng tatlong libog gwapong Pinoy. 
Mga LI-BOGs sa ilalim ng BI-LOG na buwan. Bwahehehehe! More pictures of Tangguh here...
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Apr.17.2008 @ 7:28 am
|
Mabigat sa kalooban ko ang muling pag-alis sa Pilipinas upang bumalik sa aking hanap-buhay dito sa Indonesia. Wala naman magagawa dahil sa kailangan kumayod at gampanan ang responsibilidad. Kahit na mahaba ang biyahe ay parang saglit lang at nakarating na naman ako sa Babo, Indonesia. Napakalumanay ng biyahe kaya naman sa limang eroplanong sinakyan ko ay nakatulog ako ng maayos. Ito ang unang pagkakataon na nangyari ang ganito. Kaya naman pagdating sa 90-minute speed boat trip to Tangguh eh relax na relax ako gayun din ang mga kasabay kong magbabalik trabaho. 4:17 ng hapon ng kami ay pumalaot na.
Sixty minutes ang nakaraan at halos kita na ang mga ilaw na nagmumula sa parte ng isla kung saan matatagpuan ang Tangguh. Excited na ang lahat dahil sa wakas ay makakapag-pahinga na rin matapos ang mahigit isang araw na biyahe. Dito na nagsimula ang delubyo. Isang malaking alon ang humampas sa kanang gilid ng speed boat na may sapat na lakas na nagpataob ng mga bagahe naming mga pasahero sa loob. Sinundan pa iyon ng isang mas malaking alon na sumalpok sa unahan ng speed boat dahilan para umangat ang unahan at lumipad sa ere. Mabuti na lang at may kasunod na malaking alon at parang nasalo kami sa pagbagsak. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari at kung minsan ay malalapad ang pagitan ng bawat alon kaya naman humahampas pabagsak ang speed boat. Ang aming kapitan na pinipilit maging kalmado ay halatang natatakot na rin at nanginginig na ang paa. Tumawag na siya sa coast patrol para i-report ang mga pangyayari at maihanda ang posibleng rescue mission kung sakaling hindi kami palarin. Binigyan kami ng tig-iisang life jacket at dali dali kong isinuot dahil sa alam kong ito lang ang magsasalba sa akin kung sakali. Nagpadala na ako ng text messages sa Pilipinas at mga kaibigan sa Tangguh tungkol sa nangyayari. Nanalangin ako at natawag ko na yata lahat ng santo't santa para tulungan ako at ang mga kasama ko sa speed boat. Wala pa rin katapusan ang pagsampal ng malalaking alon at mahigit dalawampung ulit yata lumipad at napahampas pabagsak sa tubig ang aming sinasakyan. "Ito na yata ang katapusan!", yan ang sabi ng isipan ko habang pilit kong kinakalma ang aking sarili. Ang karamihan kasi sa mga pasahero ay halos nagpapanic na. I died ten times inside that speed boat. Mabuti na lang at narerevive ako ng aking fainting faith na makakaligtas pa rin kami. After more than forty minutes of hell ay narating na namin ang LNG Jetty kung saan na-shield kami ng konti sa mga malalakas at malalaking alon. Ilang kilometro na lang at Combo Dock na kung saan kami dadaong. Walang tigil sa pagdarasal ang lahat. May kasama kaming muslim, buddhist, protestant at katoliko. Lahat ay abala sa paghingi ng tulong sa kani-kanilang diyos. Sampung minuto pa ang nakaraan at nakadaong din kami at lahat ay nakahinga ng maluwag at naka-tawa kahit na pawis na pawis sa takot at hilong hilo pa sa biyaheng parang tsubibo. Ang mga sumalubong sa amin ay nakahinga rin ng maayos dahil sa di na nila kakailanganin na magsagawa ng rescue mission dahil sa nakarating kami ng maayos at nalampasan ang pagsubok ng dagat. Laking pasasalamat ko sa Panginoon at ako (na hindi marunong maglangoy) ay muling nakatuntong sa lupa. |
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Mar.21.2008 @ 11:52 am
|
Bukas ay bibiyahe na naman ako pauwi sa Pilipinas.
Anong sarap at makakasama ko na naman ang aking mga mahal. Ito ang the best part ng pagiging isang OFW, ang pagbalik mo sa piling ng mga nagmamahal sa yo. Enough said! |
|
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Mar.08.2008 @ 3:14 pm
|
Anak ng pekwa naman! Inaatake na naman ako ng sakit ng OFW. Homesex na homesex na naman ako. Ito na yata ang pinaka-malalang atake ng sakit na ito sa akin. Hindi makatulog, hindi mapakali, paikot-ikot, makulit, mainit ang ulo, bad trip sa indiano, bad trip sa may anghit, bad trip sa trabaho, masakit ang katawan, masakit ang mata, gutom na gutom pero walang gana kumain, giniginaw pero pinagpapawisan ng malamig at palaging nae-ebs.
Ibang level na yata ito ng pagka-homesick. Delikado ito. Kinakabahan nga ako at baka mabuwang na ako bukas. Nakakapraning talaga. Ngayon nga parang may sirang plaka na tumutugtog sa isip ko... shot to the heart and you're to blame...oh giliw ko miss na miss kita sana'y lagi kitang kasama... you give love a bad name... remix version ng You Give Love a Bad Name ni Blake Lewis at Miss na Miss Kita ng Father And Sons. Brain damage na yata ito kakajakol. Hay buhay galibaw may gulay. Patawarin po ako. Hindi ako nagko-complain. Nagmamaktol la-ang. Amen. |
|
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Feb.13.2008 @ 11:12 am
| Last edited: Feb.12.2008 @ 8:32 pm |
Pagsikat ng araw, agad kang natanaw Ikaw at ang malikot mong galaw ... Sayang, sayang, sayang, kaibigan ko Sayang, kaibigang butiki sa kisame Kagabi habang nakahiga at nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko eh bigla akong nalungkot. Ang hirap kasi talaga ng magtrabaho ka sa abroad na hindi mo kasama ang pamilya. Ang lamig pa naman ng kwarto...walang makayakap. At heto pa ang ulan...parang naninikis na pumatak bigla. Ang galing talaga ng timing. Malamig na gabi na umuulan pa! Perfect moment to do something special. Something special by myself? I doubt. Mahirap ang malayo sa pakner.
Kaya nangyari alas-dos na ng madaling araw mulat pa ang mga mata ko. Puyat na naman. Isang kilo na naman ang eyebags ko pag gising kaninang umaga. Bestfriend ko na nga si Kaibigang Butiki. Sya na lang ang kasama ko sa gabi for the past three months na ako ay nag-iisa.
Hindi ko na yata mahintay pa ang March 22...
Uuwi na ako! |
|
|
|
|