BrownMan Blog
Profile Subscribe Syndicate Search  
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In

Entries in "Brownman's ABC"
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 | > >>
Sino Ba Si Ginoong Kopong?
7 Comments / Subscribe To Comments
Published: Nov.19.2008 @ 5:17 pm

Kinakantyawan na ako ng kapamilya ko. Palitan ko na daw ang aking cellphone dahil panahon pa ng Kopong Kopong (or is it Copong Copong?). Sino ba si Kopong Kopong? Tao ba siya? Or panahon na matagal ng nakaraan? Ilang taon na kaya ang Kopong Kopong na ito? Minsan narinig ko rin sa interview sa isang sikat na artista minsang tinanong ito tungkol sa tsismis sa kanya at isang politiko. Ang sagot ba naman ay:

Naku tigilan na yan panahon pa ni Mahoma ang isyu na yan plis lang!

At sino naman itong si Mahoma? Hapones ba yan? Lekat na! Meron akong asaynment na isaliksik wahehehe.

Asayment namber wan: Anong pinakamaganda (at pinaka-murang) cellular phone ang available sa Pilipinas?

Asaynment namber tu: Ano ba o kelan ba o sino ba si Kopong Kopong? Sya ba ang nag imbento ng Kopong Bond?

Asaynment namber tri: At sino naman si Ginoong Mahoma at bakit paborito sya ni ROFA Gutierrez?

Holiday Ngayon
4 Comments / Subscribe To Comments
Published: Oct.26.2008 @ 8:31 am

Happy Birthday to me! Happy Birthday to me! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to me!

Malapit na ko lumampas sa kalendaryo pero isa pa rin akong dukha!

Kaya heto kahit Sunday at araw ng kapanganakan ko nagtatrabaho ng OT dito sa opisina. Wala na munang celebration, pag uwi ko na lang siguro sa Bayang Magiliw sa Disyembre.

Sarap ng OFW (sa kabaliktaran), halos lahat ng mga importanteng okasyon ay hindi mai-share sa mga kapamilya at kapuso. Homesick na nga ako.

Ah letse, emote na naman ako. Tama na muna ito baka mag alburoto pa ako.
 

Magtipid
2 Comments / Subscribe To Comments
Published: Oct.16.2008 @ 10:18 am

Recently ay sinubukan naming magtipid sa gastusin sa bahay, primarily sa kuryente. Cut down the time na gamit ang aircon, magtyaga muna sa electric fan. Ang pagsa-surf sa internet ay i-limit din para mabawasan ang time na naka power on ang PC. Sa kwarto na lang manood ng tv kasi mas energy efficient yung LCD kesa sa conventional na TV sa living room. Bumili pa nga kami ng energy saving device (Energy Saver yata ang name) sa SM. Ang galing kasi mambola ng salesman nila. Sana totoong makakababa sa bill ng kuryente ang imbensyon na ito. Sa communications din nag-adjust kami. More on YM na lang kesa sa tawag. Kung nasa labas naman ng bahay chikka text na lang. Sa gas na pangluto lang talaga ang mahirap tipirin kasi di naman pwedeng di magluluto or kakain ng hilaw pa.

Sabi nga ni misis bihira na rin sila kumain sa labas at nagluluto na lang sa bahay para makatipid. Iwas sa fast food din. Maganda na rin ito kasi mababawasan din ang pag consume ng free radicals na kadalasang matatagpuan sa mga yummy yet unhealthy fast food menu. Di na rin kami bumibili ng mga junk foods that we used to eat habang nanonood ng tv sa gabi.

Sa transportation medyo nagtitipid din. Kung lalabas ng bahay sabay sabay na lang. Wala ka kasing pagpipilian. Kung gagmamit ka sariling sasakyan mahal ng gasolina. Kung magko-commute ka mahal ng pamasahe.

Bakit nagtitipid? Sariling desisyon lang namin pamilya. We want to spend less and earn more. Kinakabahan pa rin kasi kami sa mga pangyayaring financial crisis sa America kahit na palaging sinasabi ng mga government at financial officials sa atin na hindi apektado ang Pilipinas sa nangyayari dun sa bansa ni Ankol Sam. Minsan iniisip kong withdraw ko na lang ang kakaunti kong kwarta sa aking bank accounts at itago sa bahay (bwahahaha). Napaparanoid ako at feeling ko mas safe pa na magtago ng cash sa bahay. Mabuti na lang at ang kumpanyang pinagtatrabahuhan namin ay nasa oil and gas industry. Medyo di malaki ang epekto ng mga pangyayari kahit na nga bumaba ang presyo ng langis. Sana nga totoo ang sinasabi ng mga bossing namin dito na safe kami at matatag. Ang sakit naman kasi kung bigla ka na lang mawalan ng trabaho!
 

Walang OT
2 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.06.2008 @ 5:25 pm

Walang OT bukas, sa susunod na Linggo at sa mga susunod pang Linggo. Kainis! Dapat siguro ay i-demob na ako dito at ng mailipat naman sa ibang bansa kung saan kailangan ang serbisyo ko. Nangangailangan pa naman ang opisina namin sa Singapore ng developers. Hindi naman ako mai-release dito sa Tangguh. Sayang naman kasi ang Sunday kung hindi naman ako magtatrabaho. Kailangan mai-maximize ko ang oras na tinitigil ko dito na malayo sa pamilya. Kailangan kumayod. Ang problema parang nagko-cost cutting ang project kaya ngayon na patapos na ang trabaho dito ay inalis na ang OT tuwing Linggo.

Ano naman kay ang gagawin ko bukas para magpalipas ng oras? Matulog? Siguro 3-4 apat na oras ng pagtulog ay sapat na. Ano pa? Manood ng paulit ulit na pelikula sa HBO? Magpapawis sa gym... isang oras lang kasi ako naggi-gym. Ano pa ba? Wala na ako maisip. Siguradong titingala na naman ako sa kisame nito hanggang ma stiff neck. O dili kaya naman (wow parang sa AM radyo wakekeke) ay manood ng Russian Institute series (ito yung porno video na galing sa aking kaibigan na si Mr. Arman).

Anak ng tokwa! Ayun! Magsusudoku na lang ako! LOL. Walang kwenta!

 

Usapang Droga
20 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.21.2008 @ 8:47 am

Save the user, jail the pusher. Isa ito sa islogan na ginamit ng gobyerno dati (bata pa ako noon di ko na matandaaan kahit exact year lang) para sa kanilang kampanya na labanan ang droga lalo na sa mga kabataan na nalululong dito. Wala lang akong impormasyon para masabing may significant effect ito sa pagbaba (o pagtaas?) ng bilang ng mga adik. Parang wala ring readily available na datos ang pamahalaan natin tungkol dito. Kung oobserbahan mo eh parang hindi naman seryoso ang kasalukuyang gobyerno na ipagpatuloy itong programa laban sa droga. Ang mga adik nagkalat pa rin sa kalye at nananatiling kanser ng lipunan. Ang mga pusher patuloy pa ring nag ooperate sa kanilang pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Balita ko nga bumaba pa raw ang presyo ng shabu dahil sa nakikisimpatiya ang mga pusher sa kahirapan ng buhay sa ngayon. Shet na malagket! Talaga namang buhay na buhay pa rin ang ningas kugon na katangian sa ating bansa.

Ano nga ba kasi meron ang droga na pilit binabalik-balikan ng mga adik dito? Okay lang maging curious at magsaliksik ngunit huwag n'yo na sanang subukan for a first hand experience. Bukod sa masama sa inyong kalusugan ang ipinagbabwal na droga, sayang lang ang inyong perang pinaghirapan sa trabaho (o sa panggagantso!). Ibili mo na lang ng tatlong kilong bigas ang kwarta mo kesa ipambili ng pisong shabu.

 

Eraserheads Reunion Concert
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.20.2008 @ 4:35 pm

Finally! Magsasama-sama ulit para sa isang konsiyerto ang pinaka-popular na banda sa Pilipinas. The greatest band sa history ng Philippine music industry, Eraserheads.

Nakakainis nga lang kasi binago ko na naman ang schedule ng bakasyon ko. Pinaaga ko ng 2 weeks waaaaaaaa! Tuloy di ko mapapanood live ang pinaka-aabangan kong reunion concert ng aking paboritong banda. Tsk. 

Naalala ko pa: Nine years na ang nakaraan nung huli ko silang napanood, sa Tagaytay pa yun ginanap. Isa sila sa mga banda na nag perform sa Philippine Tourism Authority sponsored concert noong 1999. Nagtiyaga akong maghintay at makinig sa musika ng mga artists na pampalabok mula alas-tres ng hapon hanggang halos alas-dose na bago pa lumabas siyempre ang Eraserheads na siyang pinaka tampok na banda. Pero anak ng tokwa sulit lang ang paghihintay kahit na halos tubuan na ng kalyo ang binti at paa ko. Hindi na ko mag-expound masyado dahil kung tunay kang Pinoy na pinanganak bago ang  year 2000, alam mo naman kung gano kagaling ang grupo ni Ely Buendia.

Kung puwede lang i-extend pa ng 2 weeks ang bakasyon ko para lang makapanood sa CCP sa August 30 eh gagawin ko. Ang kaso may trabahong naghihintay. Kainis talaga! Sana magpalabas na lang ang mga organizers ng DVD ng concert. Ito na lang pag-asa kong mapanood ang The Greatest Pinoy Band.

 

Patay Gutom
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.03.2008 @ 10:06 am | Last edited: Jul.03.2008 @ 12:05 am

Gutom ka na ba? Nag almusal ka na? Tikman mo itong mga niluto ko para sa agahan mo:

Champorado, Longganisa, Lugaw, Mami, Palabok, Pansit, Pansit Molo, Sopas, Sotanghon, Tapa, Tocino


Heto pa para sa yo:

Bananaque, Bibingka, Biko, Bitsu-bitsu, Butsi, Camoteque, Cuchinta, Empanada, Espasol Ginataan, Kalamay, Kropek, Maha Blanca, Maruya, Nilupak, Palitaw, Puto, Puto Bumbong, Suman, Turon.

Pang-merienda yan. Paningit sabi nga ng mga kurimaw. In between almusal at tanghalian o kaya in between tanghalian at hapunan.


Bitin ka pa? Heto pa panghimagas:

Banana Chips, Barquillos, Buko Salad, Buko Pie, Leche Flan, Macapuno, Pastilyas, Polvoron, Tiramisu, Ube Halaya, Yema.


Eto panulak para di ka mabulunan:

Buko Juice, Gulaman, Ice Tubig, Pop Cola, Sago, Sarsi.

 

Horoscope Muna
5 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.01.2008 @ 9:05 am

Zodiac Ni Juan De La Cruz

Aries (Mar. 21 - April 20) May mangyayaring masama sa 'yo kapag hindi mo tinigilan ang pambabae. Ang susunod na mapipick-up mo sa kanto ay nagtataglay ng pambihirang ganda, hubog ng katawan, kinis ng kutis at nakahahawang sakit. Mas mabuti pang makipag pustahan ka na lang sa billiards laban sa mga tambay kina Ate Cely baka manalo ka pa.  Tumaya sa jueteng, malaki ang tsansa ng numero ng kaarawan mo. Lucky numbers 1, 11, 21, 31, 41, 41-1/2, Lucky color- yellow.

Taurus (Apr. 21 - May 21) Ang pagdalo sa mga ‘parties’ o ‘networking in general’ ang mga perpektong aktibidad para sa ’yo ngayon. Siguraduhin lang na mag roll ng rexona sa kilikiling may anghit. Maligo at least twice a day baka sakaling gumaling ang hircismus mo. Panoorin ang mga pelikulang Filipino... sa sinehan hindi sa pirated DVD. Lucky numbers 8, 16, 24, 32, 40, 48. Lucky color-light green (kulay ng tibak yuck!).

Gemini (May 22 - June 21) Pagharap mo sa salamin ay mapapansin mo na may luslos ka, balls kung lalaki at bumper kung babae. Ang kanang miyembro ang siyang lumaylay at patuloy na mas hinihila ng gravity. Bumili ng Carter supporter briefs / sports bra sa palengke sa Linggo para maka diskuwento ka. Kindatan ang tindera baka gawin pang buy one take one. Iwasan ang mga pangit, baka mahawa ka sa kanila. Lucky numbers 1/2, 1/4, 1/8, 10, 91, 99. lucky color-brown.

Cancer (June 22 - July 22) Mananalo ka sa lotto. Tayaan ang mga lucky numbers mo. Siguraduhin nga lamang na araw araw mo itong tatayaan for the rest of your pathetic life kasi di ko makita sa bolang kristal ko kung kelan mananalo ang kumbinasyon na iyan. Basta mananalo rin yan tiyaga lang. Kung may tiyaga may nilagang isda. Lucky numbers 2, 16, 27, 29, 42. Lucky color-black.

Leo (July 23 - Aug. 22) Makikilala mo this week ang soulmate na matagal mo ng hinihintay. Huwag mag-alala dahil single and available pa siya. Siguraduhing maglinis ng tenga at kuko dahil iyan ang dalawang requirements niya bukod sa mga sumusunod: matangos na ilong, makinis na kutis, high cheek bone, hairless back, killer smile, matalino, at least 5'10 ang height, may kotse, may sariling negosyo, maputi at walang balakubak. Good luck! Lucky numbers 3.1416, 7, 69, 70, 79, 80. Lucky color-white.

Virgo (Aug. 23 - Sept. 23) Ang kahirapan sa buhay ang siyang magbibigay inspirasyon sa 'yo na pasukin ang industriya ng meat sales. Fresh meat talaga ang ibebenta mo. 350 PHP per kilo with free 20-minute massage and condom. Masuwerte ka sa pang-lima mong customer kasi bibigyan ka niya ng malaking tip kung kaya mo siyang dalhin sa langit ng pitong ulit na sunod-sunod sa loob ng isang gabi ng ligaya. Mag ehersisyo ka tuwing umaga upang ang katawan ay sumigla. Malapit ka ng yumaman! Lucky numbers 5, 5.5, 55, 555, 55555. Lucky color-transparent.

Libra (Sept. 24 - Oct. 23) Iwasan ang mga kalye na ang pangalan ay nagsisimula sa letrang E. Mas mabuting humanap ng alternate route para iwas sa malas. Ipa-wax mo ang buhok mo sa iyong langit langitan. Hindi mo lang alam na nagrereklamo na ang partner mo dahil palagi siyang natitinga. Mag-padala ng raffle entries sa mga game shows sa telebisyon malaki ang tsansa mo na mabunot.. Lucky numbers 0, 10, 11, 101, 501, 505. Lucky color-pink.

Scorpio (Oct. 24 - Nov. 22) Gampanan mo ang iyong tungkulin sa iyong ka-relasyon at ipamalas ang tunay na pagmamahal. Bumili ng bulaklak at ibigay sa iyong mahal at ipagluto siya ng pinakamasarap na timpla ng paborito niyang ulam. Tigilan ang paglamon dahil overweight ka na at tatlo na ang baba mo. Hayaang ang mahal mo na lang ang kumain. Umiwas sa anumang tukso sa paligid tulad ng lechon, cake, chocolates at braso ni mercedes. Lucky numbers 7, 12, 25, 28, 37, 41. Lucky color-green.

Sagittarius (Nov. 23 - Dec. 21) Pag-isipan mong mabuti ang desisyon na gagawin sa mga susunod na araw. Ang pagpili sa maling daan ay maghahatid sa 'yo ng kamalasan. Bumili ng eskinol sa pinakamalapit na mercury drug store dahil sa nanlalagkit ang mukha mong kutis malaysiano. Kung may extra na pera eh dumiretso na agad sa klinika ni Belo o ni Calaycay. Huwag kumain ng tahong, may red tide. Huwag kumain ng fishballs, may lumubog na barko. Lucky numbers 21, 23, 25, 27, 29, 48. Lucky color-abracadabra orange.

Capricorn (Dec. 22 - Jan. 20) Makakapulot ka ng isang maleta na punong puno ng pera sa weekend. Huwag ipahalata sa kapitbahay ang biglang pagyaman. Makabubuting ilagay sa bangko ang pera habang nag-iisip ka kung anong gagawin mo dito. Mag-donate ka para sa mga nasalanta ng bagyong Frank, huwag kang ganid! Magkakatuluyan na kayo ng pinapantasya mong maging dyowa. Bumili ng bagong undies at iretiro na ang butas at paboritong karsunsilyo. Lucky numbers 12, 14, 16, 24, 28, 32. Lucky color-blue.

Aquarius (Jan. 21 - Feb. 19) Mami-meet mo ang paborito mong artista sa isang shopping mall this week. Hindi ka makapaniwala na mas maganda at flawless pala sya sa personal. Maaamoy mo rin ang kanyang hininga na simbango ng imburnal! Pumunta ka sa Manila Ocean Park kasama ng mga kaibigan. May magandang mangyayari sa 'yo doon. Huwag palampasin ang pagkakataon. Lucky numbers 4, 9, 12, 19, 27, 28. Lucky color-rainbow.

Pisces (Feb. 20 - Mar. 20) Malungkot na linggo para sa 'yo. Malalaman mo na isa kang putok sa buho. Ikaw ay inampon lang. Iniwan ka ng iyong walang pusong magulang sa harap ng bahay ng kinikilala mong parents ngayon. Kaya pala walang anumang bakas ng pagkakaparehas ng hitsura kayo ng kapatid mo. Kamukha siya ni Marianne Rivera at ikaw naman ay kamukha ni Mariang Palad. Huwag masyadong damdamin dahil mahal ka nila. Maswerte ka pa rin at sa hitsura mong yan may nagtiyaga sa yo. Lucky numbers 9, 12, 23, 28, 36, 40. Lucky color-red.

 

Buy Filipino, Buy Local
4 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.03.2008 @ 9:24 am

Kahapon ay ipinag-utos ni Presidente Arroyo ang muling pagbuhay sa panawagan na "Buy Filipino, Buy Local" na matagal nang  isinusulong  ng mga nagdaang lider ng bansa. Maraming beses na ring hindi ito pinansin ng mga Filipino. May mga dahilan akong narinig na kesyo hindi raw din kasi nangunguna ang pamahalaan kundi panay lang ang panawagan. Ang sabi ko naman ay hindi na natin kailangan pang  maghintayan kung sino ang mangunguna. Magsimula tayo sa ating sarili. Sa panahon ngayon ay hindi na applicable ang kasabihang -government for the people-. I straggle hehe.

Nais ko lang sabihin na suportahan natin ang mga produktong sariling atin. Kung dati rati ay sa McDonalds ka kumakain ng agahan five days a week eh subukan mo naman ang Jollibee M-W-F. Kung mahilig ka sa Levis at Giordano aba minsan naman ay pumasok ka Bench para makita mo na may mas magagandang damit, pantalon at iba pang produkto na mabibili doon. Kalimutan muna si Kenny Rogers at si KFC, mas malinamnam ang manok sa Max's. Di rin hamak na mas kumportable at mas napapanahon ang pagsusuot ng mga locally made havaianas kesa sa Adidas sandals na sobrang mahal.

Napakaraming globally competitive na Filipino products na pwede nating gamitin sa ating araw-araw na pamumuhay at maging sa ating paghahanap-buhay. Hindi lamang po yung mga gawang isteyts ang mahusay at maganda. Sa totoo nga ay karamihan sa mga produktong banyaga ay dito sa Pilipinas ginagawa o dito sa Asya. Binuo o mina-nufacture ng mga Pinoy.

Oh ano pa ang hinihintay nyo? Bili na ng produktong Pinoy!

Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw...
2 Comments / Subscribe To Comments
Published: Apr.30.2008 @ 9:44 am

...sa panaginip na lang pala kita maisasayaw...

Dumating na naman ang oras kung kailan hindi ako masyadong abala sa mga gawain sa aming opisina kaya heto ang aking isip at kung saan-saan lumilipad. Napabalik tuloy ako sa tanong na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masagot. Ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko? Ano ba ang gusto kong "maging" (sa paglaki ko? -- lintik na nga sa laki ng tiyan eh)? Nag mini self-evaluation ako kahapon at hindi maganda ang resulta. Ang mga sumusunod ang naisulat ko na medyo hindi kaaya aya.

  • patuloy ang pagbaba ng kakayahan ko sa ibang programming language maliban sa VBA at SQL-PL/SQL
  • sampung taon na akong overweight
  • tatlong taon na ako sa abroad hindi ko pa rin maabot ang one year buffer level ko sa bank account ko
  • hanggang ngayon wala pa rin akong konkretong five-year plan
  • wala pa rin akong disiplina sa maraming bagay na sa tingin ko naman ay kayang kaya ko na itanim sa aking sarili
  • eraserheads pa rin ang paborito kong banda... napag iiwanan na ako
  • patuloy pa rin ang aking pagpupuyat
  • hindi ko pa rin kilala ng lubusan ang sarili ko (shit na malagkit!)

Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon eh parang wala akong interes sa pagkilala at pag alaga sa sarili ko. susmaryang garapon! Na-realize ko na ginagawa ko ang ginagawa ko dahil sa iyon ang tama at ang nararapat. Hindi naman lahat ng tama at nararapat ay nakakapagpasaya sa isang tao. Hindi kaya dapat kong ikonsidera din kung ano ang makakapagpasaya sa akin? Paano ba yun kuya cezar? Gusto ko sana itanong yan kay mang ernie kaso abala na sya ngayon sa langit.

Siguro puyat lang ito. Tulog ko na lang... mahahanap ko rin ang sagot sa aking mga katanungan sa hinaharap (as always).
 


Current Page 2
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org