|
| <<
< |
1
2
3
4
5
6
7
| >
>>
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Dec.11.2007 @ 8:19 am
|
Nitong nakaraang Sabado ng gabi ay Filipino Food ang inihain ng PBU para sa mga tao dito sa Tangguh Concentration Camp. Ito ang pangalawang beses na ginawa nila ang gimik na ito at narito ang aking mga napuna...
- Merong improvement sa lasa (at kulay) ng chicken adobo. Mula sa chicken tsamba nung unang episode ay nagkaroon na ng kaunting pagkakaparehas sa totoong chicken adobo na lutong Pinoy. Masyadong lutang pa nga lang din ang asim ng red wine vinegar na ginamit nila.
- Walang improvement ang lasa, viscosity ng sauce, kulay at overall hitsura ng beef caldereta. Mas masagwa pa nga yata kaysa nung unang episode kasi this time meron pa olives. Wala akong malasahan na peanut butter at liver spread. Wala ring anghang! Sagana pa sya sa mantika na pag tinitigan mo parang feeling mo lumalaki ang ulo mo (sa taas).
- Lasang panis ang pancit bihon (guisado). Kung noong episode 1 ay matabang ngayon naman ay may lasa kahit paano (lasang sira nga lang). Walang pagbabago ang kulay ng pancit. Sabi pa nga ni katotong Mario ay nahulog daw ang bihon kaya namumutla. Kulang din sa gulay na sahog.
- Chopseuy na sinigang. Dito lamang ako nakakita ng masabaw na chopseuy. Malabnaw na sabaw! Walang atay-balunan! Walang sitsaro at broccoli. Walang squid balls at manok. Walang bell pepper! In short ginisang cabbage at carrots lang with konting string beans na nakalubog sa malabnaw na sabaw.
- Ang rice na inihain ay punong puno ng carrots, peas at corn kernel at mayroon ding mangilan ngilan na hipon at tahong. Malinamnam at maganda ang kalidad ng kanin. Ito ang isa sa mga brightspots ng gimik nila. Bumawi ang PBU dito sa pogi points. :-)
- Masyado makapal ang breading ng isda kaya kahit luto na ay parang lasang frozen pa rin sya pag kinain.
- Nag-improve pa ang bulalo dahil sa nadagdagan na ang laman at gatil na masasandok mo. Dati kasi ay talagang buto lang lahat na para bagang kinain na ng aso. Mas lasang bone marrow ang sabaw. Medyo napatagal siguro ang pagpapakulo sa buto at kaunting tagal pa siguro ay magiging lasang dinuguan na (over naman! Joke lang).
- Ang overall atmosphere sa mess hall ay talaga naman mas Pinoy kaysa nung episode 1. Pagpasok mo pa lang maririnig mo na si Basil Valdez na parang naghaharana yan ay matapos ang konsiyerto ni Ka Freddie Aguilar. Mas marami rin ang bandila ng Pilipinas na naka-display at siyempre mas maraming Pinoy sa loob. Nagtataka nga lang ako kung bakit hindi naka-costume ng Saya ang mga mga babaeng servidora at hindi naka-Barong tagalog ang mga servidoro (???). Sayang naman magandang photo-op sana yun.
|
|
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Oct.15.2007 @ 12:07 pm
|
Past Time ni Juan Dela Cruz
- Tsismisan / Kwentuhan. Likas na sa mga Pinoy ang pagkahilig sa tsismis, kwentong barbero/kutsero, debate at balitaktakan. Ang magbabarkada tatambay yan hindi lang para makita at makasama ang mga kaibigan kundi para na rin hindi mahuli sa pinakabagong bulung bulungan.
- Manood ng Telenovela / Drama / Telepantasya. Sa mga oras na 2 PM - 4 PM at 8 PM - 10 PM naku mahirap awatin ang mga ate, nanay, tiya at lola sa panonod ng paborito nilang novela sa telebisyon. Parang naka-martial law sa bahay pag ganitong oras. Hindi pwedeng ilipat ang channel ng tv kung ayaw mo masigawan.
- Manood ng Sine. Siyempre hindi puwedeng maka-lusot ang bagong sine lalo na kung ang bida ay ang paboritong love team. Mahilig din mga Pinoy sa pelikulang banyaga kaya mga taga Hollywood tuwang tuwa.
- Magpalamig sa Mall. Minsan parang hindi mo sasabihin o iisiping naghihirap ang Pilipinas. Bakit? Ang daming mall! At palaging puno ang mga shopping malls na ito. Bakit ulit? Kasi libre naman pumasok dito at malamig pa. Kaysa magdusa sa mainit na kwarto eh tambay na lang sa mall...Pwede pa mag spot ng chicks sabi nga ng mga bagets d'yan.
- Karaoke / Musika. Basta Pinoy music lover! Naku magtataka ka pa ba kung halos bawat karinderya ay may mga karaoke machines? Kahit nga sa lamay ngkakaraoke na rin. 'Nuff said.
- Basketball / Billiards. Isa pang common na makikita sa bawat kanto at sulok ay ang mga basketball courts at bilyaran. Ang dalawang paboritong isports ni Juan Dela Cruz. Kahit nga gawa pa sa lata ang ring at ang bola ay maliit katalo na at pwede na magpustahan. At sa bilyaran, syempre idolo ng mga tambay si Bata Reyes at Bustamante.
- Mag-Sugal. Ito naman ang gawain ng mga sugarol na Juan. Kahit hindi na makatabi sa asawa sa gabi makabawi lang sa tong its. Kahit hindi na maihatid si bunso sa iskul makapag-mahjong lang...Haysus!
- Internet / Texting. Eto naman ang isa sa pinakabagong pampalipas oras ni Juan at Juana. Ang magbabad sa internet para magkalap ng mgaraming kaibigan sa friendster, myspace, multiply atbp. Nahihilig din makipag chat sa YM at mag search ng litrato ng mga singkit na koreano/koreana. Texting naman is not that big of a hit na pero 5 yrs back talaga namang ito ang nangunguna sa listahan.
- Magpaganda / Hygiene. Kaya naman nabansagan tayong 'sweetest smelling people in the world!' Eh pano ba naman kung hindi nag-papaparlor, andun naman sa kwarto at nililinis ang kuko. Mag obserba ka sa telebisyon at 50% ng advertisement ay mga produktong pampakinis ng kutis, pampaputi, pampapayat, pabango, instant hot oil, pang alis ng tigidig, panlinis ng mukha, panlinis ng
puday pagkababae, pampaputi kilikili, pang-alis ng anghet, iba't ibang klase
ng kolorete at marami pang iba. Hindi pa kuntento sa isang ligo
maghapon yan. Kaya naman mapanglibak ang Pinoy sa mga lahi na talaga
namang masahol pa sa kambing ang amoy.
- Tabloid / Krosword / Poketbooks. Ang pagbabasa ng tabloids, pagsagot ng mga krosword puzzle ay malimit na gawain ni Juan habang ang pagbabasa ng pocketbook ay gawain naman ni Juana. Sa nahay nga ng sister ko ang dami koleksyon ng mga pocketbooks at ibinili na ng sariling lalagyan para hindi nagkalat sa bahay.
|
|
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Sep.10.2007 @ 8:32 am
|
Ang pampublikong transportasyon (panlupa) sa Pilipinas ay maituturing na isa sa pinaka-natatanging simbulo ng bansa. Mapa pedicab, tricycle, jeepney, bus o tren pa 'yan, siguradong bago ka makauwi ng bahay ay may bagong kwento o joke kang mapupulot. Kumbaga, punung-puno ng katatawanan, katotohanan, drama, aksyon at sakit sa ulo ang dulot sa mga commuters. Kaya naman tuwing makaka-uwi ako sa Pilipinas ay sabik akong sumakay ng jeep, bus at LRT/MRT. Gusto ko kasing ma-experience ulit ang pagpawisan ka sa init sa loob ng jeep, yung ma-trapik ka habang nakasakay ng bus pero okay lang kasi yung pilyong kundoktor nag play ng ST movie sa kanilang "TV onboard" at siyempre ang makipag-unahan sa pagpasok sa tren.
- Pedicab/Padyak. Limitado lang ito sa loob ng mga small subdivisions at maliliit na eskinita sa mga 2nd, 3rd at 4th class municipalities. High tech ang brake nito na gawa sa pinutol na lumang istepin (tsinelas). Kahit na anong liit eh may salamin din naman para ang mga pasahero pwedeng makita kung nagulo na ang buhok. May trapal pa pangontra pagkabasa sa ulan at tilamsik ng putik sa gilid. Mainam din ito sasakyan sa pagsingit sa mga ma-trapik na eskinita dahil sa dami ng tambay na ginawang basketball court ang daan. Naalala ko minsang sumakay ako sa pedicab kasabay ko pa si mylab galing kami deyt eh parang kinakapos ang mamang driver. Hirap na hirap magpadyak dahil siguro sa bigat naming nakasakay. Puhunan talaga ang lakas ng katawan ng mga kababayan nating pedicab driver.
- Tricycle. Mas malaki ng konti at mas mabilis sa padyak. Sa probinsiya patok sa mga pasahero ang may malakas na stereo na traysikol. Punong puno din ng dekorasyon. May ilan na meron pa nga icon ng mga santo at santa at meron din mini electric fan. Karaniwang sakit ng ulo ng ibang motorista ang mga walang pakundangang tricycle drivers na singit dito, singit doon sa trapiko. Minsan nakakatakot din sumakay sa tricycle na ang driver ay dating nagmamaneho yata ng Ferrari sa F1 racing...kaskasero na parang hinahabol ng sandamukal na bading. Sa aming bayan ng Naic, Cavite ay tricycle ang major means of transport to go around sa bayan at sa mga barangay.
- Jeepney. Ang hari ng kalsada! Sarap sumakay ng jeepney na biyaheng Maragondon to EPZA. Express baga. Sa umaga at wala pang trapik eh almost 30 minutes lang kinukuha ang biyahe. Pabonggahan pa nga sa ngayon ng light display at wall design ang mga jeep sa Cavite. May malakas na stereo na palaging naka tune sa Love Radio o Star FM. Kung sa mga mata-trapik na lugar naman ng Metro Manila eh hindi ka rin mababagot dahil sa ang paborito mong mamang tsuper kung hindi story teller eh pilosopong komedyante naman. Nariyang sasabihin ng tsuper sa nagrereklamong pasahero dahil masikip na 'Luluwag din ho iyan! Araw-araw ginagamit eh!'. Minsan meron pang ganitong hirit: 'Yung mga hindi pa ho nag babayad diyan mag abot na at malapit na tayo sa Kanto Tinio!", Sa loob at labas ng jeep ay may mga stickers at mini sign boards kang makikita na may nakasulat na...'Basta driver sweet lover', 'Full string to stop', 'god knows hudas not pay', 'katas ng saudi!', 'katas ng japan', at syempre pangalan ng mga anak na usually ay pare-parehas ang simulang letter, pangalan ng santo at santa, etc.
- Bus. Ito ang paborito ng mga vandals sa lahat ng pampasaherong sasakyan. Makikita mo sa likod ng upuan ang mga cellphone numbers ng mga desperado sa textmate, ang mga pangalang ng fraternities ng mga tambay, ang mga dedication ng mga torpe't pangit para sa kanilang iniirog at marami pang iba. Paborito rin ito panglimusan ng mga 'volunteers' daw ng bahay na walang bubungan..este..hagdanan. Mayroon din na bigla na lang sasakay at mananalangin sa gitna ng corridor, 'gad blisyu bradir! ipikit ang mga mata, ilabas ang pera, ipamahagi ang grasya nang hindi madisgrasya! emen!'. Yung gimik naman ng iba yung naaayon sa panahon. Pag may piket o rally ang panghihingi nila ng kwarta para sa mga nag-i-strike. Pag malapit na ang Pasko, nangangaroling naman sa loob ng bus. Hindi ka rin magugutom sa bus kahit gano kalayo ang biyahe mo. Bawat major kanto at kalye may sasakay na vendor na may bitbit na isang bilaong kwek-kwek, bananakyu, itlog ng pugo, mais, krakers, mani, kasoy, shing-a-ling, tsitsaron, mineral water, softdrinks, C2 green tea, buko pie, empaynada, at marami pang iba. Sa mga mahilig sa balitang politika, shobis, isports at awayan...aba hindi pahuhuli ang ating mga kabapatid na tabloid vendor! Kung gusto mo naman libre ang entertainment...manood na lang ng palabas sa onboard tv...o kaya sumilip ka sa bintana ng bus at makita mo ang MMDA at ang mga muslim sa Baclaran nagbabarilan, naghahabulan at nagmumurahan! Ang hindi ko lang gusto sa mga bus na bumibiyahe in and out of Metro Manila patungo sa mga probinsiya ay ang hindi pagpapatupad ng limitasyon sa pasaherong pwedeng isakay. Hanggat kakasya pa ay papasakayin pa ang mga pasaherong willing magbayad ng buo kahit nakatayo sa mahigit kalahati ng duration ng biyahe.
- LRT/MRT. Wow express trip ito! Walang trapik, hindi inaabala ng pulis na gutom at hindi nagpapa-gasolina. Siguradong makakarating ka sa susunod na terminal within the expected time. Nga lamang...kulang na kulang pa rin ang mga tren para sa dami ng pasahero. Kaya nga malimit pag sumakay ka sa LRT/MRT expect mo nang dumikit ang mukamo either sa kilikili ng bumbay o sa salamin ng tren at magmukha kang napitsit na majimbu. Sardinas sa sikip!
- Taxi. Huli na lang itong taxi dahil mahal ang singil. Kaya nga pumatok ang 'FX taxi' kasi mas kumbinyete sa jeep at hindi kasing mahal ng taxi. Hindi maganda ang experience ko tuwing sasakay ako ng taxi around Metro Manila. Malimit palpak ang seatbelt ng mga kotse at pumapasok ang amoy ng exhaust sa loob na parang nasa jeepney ka na rin. Yung mga lumang taxi dapat hindi na ni-rerenew ang prangkisa!
Iba pa: Trolley - Gamit sa mga riles ng tren. Delikado at illegal! Kalesa - Mayroon pa rin makikitang pangilan-ngilan nito sa Manila. Motorsiklo - Malimit sa mga liblib at unpaved na lugar sa mga probinsiya na hindi kayang pasukin ng 3 o 4 wheeled vehicle.
|
|
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Sep.02.2007 @ 8:49 am
|
|
|
|
Aries (Mar.
21 - April 20) Salubungin ang bawat araw ng may saya't sigla. Makakahanap ka na rin ng Papa/Mama wag lang kakalimutang mag-tinga. Iwasan ang pagkain ng talaba-flavored donut, mas praktikal at masarap ang choconut. Tangkilikin ang sariling atin, wag ang made in China baka mabitin. Lucky numbers 1, 2, 6, 9, 21, 69. Lucky color Pink.
|
|
Taurus (Apr.
21 - May 21) Maging tapat sa mga kaibigan para makaiwas mabigwasan. Ipunin ang lakas dahil midweek kakailanganin mo ito sa isang matinding sabong na siguradong pipikiin ka sa paglalakad. Maging
mapagmatyag, may mga naiinggit sa iyong suwerte. Lucky numbers 10, 26, 30, 37, 52, 99-1/2. Lucky color Green.
|
|
Gemini (May
22 - June 21) Wag kalimutan maligo. Nabubuwisit na ang mga kasamahan mo sa trabaho sa amoy mong maasim pa sa Datu Puti. Kung patuloy kang uunlad iwasan ang mag-mariang palad. Huwag ituloy ang planong out of town ngayong linggo, magbantay sa bahay ikaw ay may mabibisto. Lucky numbers 0, 4, 13, 21, 22, 100, Lucky color Yellow.
|
|
Cancer (June
22 - July 22) Sa darating na Lunes ay mahuhuli ka ng MMDA na lumabag sa odd-even scheme. Sa sobrang hang over mo kasi akala mo Sabado na. Itutok ang pansin sa pagnenegosyo. Tigilan ang masamang bisyo. Matulog ng maaga, masyado na malaki ang eyebags. Lucky numbers 0.33, 3, 33, 333, 3333, 3 x 103. Lucky
color Red.
|
|
Leo (July
23 - Aug. 22) Subukang mag-absent sa M-W-F session ng mah jong. Malalaman mo na mas masayang makipaglaro kay bunso. Mas mabuti pang tulungan siyang gumawa ng assignment. Miss ka na ng pamilya mo, tigilan ang pagsusugal. Masusundan pa si bunso. Lucky numbers 17, 19, 21, 25, 34, 35. Lucky
color Black.
|
|
Virgo (Aug.
23 - Sept. 23) Maganda ang pasok ng linggo mo ngayon kasi tatama ka sa jueteng. Huwag ng gayahin ang napanood sa komerysal ng Ginebra na nagsasabing "Magpapainom ako!". Mas mabuting bayaran ang humahabang listahan ng utang sa tindahan ni Mang Apeng.
Lucky numbers 14, 37. Lucky color Violet.
|
|
Libra (Sept.
24 - Oct. 23) Huwag lumabas ng bahay pagkatapos ng mahabang ulan. Siguradong baha sa kalye at may naghihintay sa iyong open man hole. Ugaliing mag-sipilyo matapos kumain upang mapabagal ang patuloy na pagkasira ng iyong mga ngipin. Mahal magpa-pustiso. Lucky numbers 8, 18, 26, 91, 172, 305. Lucky color White.
|
|
Scorpio (Oct.
24 - Nov. 22) Huwag maniwala sa feng shui maliban na lang kung nagmula ka sa imperyong intsik. Iwasan ang pagsasabong sa araw ng Sabado, araw ito ng dehado. Mag-ehersisyo ka, lumalaki na ang love handles mo. Lucky numbers -1, ¼, 3, 28, 42, 69. Lucky color Blue.
|
|
Sagittarius (Nov.
23 - Dec. 21) Magsimula ng bumili ng pan-regalo sa mga inaanak para sa Pasko. Kumain ng masustansyang pagkain at magpahinga ng sapat. Kailangan mo yan sa pag-oovertime para may pang-aguinaldo ka sa isang dosenang inaanak mo. Lucky numbers 25,000.
Lucky color...wala lahat malas.
|
|
Capricorn (Dec.
22 - Jan. 20) Kung OFW ka at pauwi na lakasan ang loob. Huwag kang magpasundo at gawing surpresa ang pag-uwi. Kumatok sa main door ng bahay at sabihing 'dito na ko darling!' sabay punta sa pinto sa kusina sigurado doon magdaraan si kumpare na kalaguyo ni misis. Lucky numbers 90210. Lucky color Gray.
|
|
Aquarius (Jan.
21 - Feb. 19) Kikita ka sa bago mong raket. Umiwas lang sa pulis at kay Edu at baka ikaw ay matiklo. Sundan ang yapak ni Bill Gates at manipolyohin ang market ng pirated DVD. Kalusugan: Masigla at healthy always. Tandaan, ang masasamang damo matagal ang buhay. Lucky numbers 36-24-36. Lucky color Rainbow.
|
|
Pisces (Feb.
20 - Mar. 20) Uminom ng gatas sa umaga at bago matulog. Kumain ng star rice 3 times a week. Matulog sa tanghali upang tumangkad ng sapat. Malaki ang potential mo para maging susunod na Alvin Patrimonio. Iwasan si Kris Aquino. Lucky numbers 6'5...huwag baligtarin, baka mapagkamalan kang bumbay! Lucky
color Orange.
|
| Images sourced from: http://www.journal.com.ph |
|
|
|
| 18 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.30.2007 @ 8:11 am
| Last edited: Aug.29.2007 @ 7:13 pm |
Today in Philippine history ulit...
| 30 August
|
1896
— Battle of Pinaglabanan . Bonifacio and his best friend, Emilio Jacinto, fought
the first battle of the Philippine Revolution. Leading an army of eight
hundred men, they attacked a gunpowder storehouse in San Juan del Monte
(now San Juan, Metro Manila). Today the place is called Pinaglabanan, meaning
battlefield. The storehouse was an important military post for the Spanish
army, but it was defended by only a hundred men. Outnumbered, the Spaniards
retreated to El Deposito, the place where the Spaniards stored the water
supply for the city of Intramuros. Continue reading...

1896
— The first official change in the Katipunan banner is made. The
Magdalo leaders of Cavite replace three white K's with a white sun with
rays and inside the sun is the K in ancient Tagalog script. The K
stands for "Katipunan" and the eight rays represent the first eight
provinces to rise in arms against Spain, namely, Manila, Bulacan,
Cavite, Laguna, Batangas, Pampanga, Nueva Ecija, and Tarlac. See the evolution of the Philippine flag here...
1896
— Gen. Ramon Blanco proclaims a state of war in Manila, Bulacan,
Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Cavite, and Batangas.
1898
— Pres. Emilio Aguinaldo sends an expedition to Capiz under Gen.
Ananias Diokno, with authority to establish military and civil
organizations.
1907 — A franchise is granted to the Lepanto Mining Company to construct the highway from Lepanto-Bontoc to the China Sea.
1944
— Japanese authorities execute Juan M. Elizalde, Cirilo B. Perez,
Nestor Reynoso, Rafael Roces, Jose Ozamis, Enrico Pirovano, and others
for their guerrilla activities.
1951
— The Mutual Defense Pact is signed by the representatives of the
Philippines and United States in Washington. The Treaty is one of the
instruments of American imperialism and intervention.
1962
— Pres. Diosdado Macapagal signs an executive order creating the
National Food Production Campaign Committee. The Committee is part of
the administration's program on food security.
|
|
|
|
| 3 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.28.2007 @ 9:22 am
|
Sa Sabado ay September na!!! "Ano naman?", singit ng isang bopol. Wapaks! BER month na hindi mo ba alam! Ibig sabihin malapit na Pasko... Malapit na birthday ko! Malapit na rin bakasyon ko! Palapit na rin ng palapit ang katapusan ng 2007. Bonus na!
Pero kahit malapit na tayo sa last quarter ng 2007 eh marami pa ring mga holidays at kasiyahan na dapat abangan. Eto ang ilan:
August 29: Birthday ni nanay. Happy birthday Nanay! Mahal na mahal kita!!! Miss na kita!!! August 31: National Heroes' Day. Eto yata yung inilipat sa Monday (Aug 27)?
Sep 11 Barangay Day. Masaya na naman ang mga barangay tagay at barangay tañod! Sikat na naman sila. Sep 16 100 Days before Christmas. Sa Pilipinas lahat ng radio station, tv station, pati dyaryo ay nagbibilang ng 100 days bago mag Pasko. Simula na rin patugtugin sa AM radio ang mga kantang pamasko. Buhay na buhay na naman ang kanta ni Jose Mari Chan, Gary V at Joey De Leon (marami pang iba) tungkol sa Pasko. Unti-unti na rin lalamig ang panahon at talaga namang maamoy mo na ang selebrasyon ng kapanganakan ni Kristo! Hindi ito national holiday isinigit ko lang.
Sep 21 National Thanksgiving Day. Hindi ko matandaan kung sine-celabrate talaga ito sa Pilipinas. Oct 26 Birthday ko. Hindi naman ito National Holiday sa Pilipinas... Personal holiday ko. Tatanda na naman ako ng isang taon... This will be my 6th 21st birthday!
November 1: All Saints' Day. Dami na naman tao sa sementeryo. Oh wag na magdala ng Tanguay at Ginebra sa sementeryo ha pinagbabawal na yan... Wag na rin mag-tong its sa ibabaw ng nitso! Ipanalangin na lamang ang mga kamag-anak at kaibigang pumanaw at hilingin sa kanila na sana mapatawad ka na sa iyong mga atraso sa kanila at wag sanang hilahin ang inyong paa habang natutulog.
November 2: All Soul's Day. Hindi kasing dami ng tao sa sementeryo kung Nov. 1. Kasi siguro ang mga tao pilit nilang ginagawang santo ang mga patay nila.
November 30: Bonifacio Day. A-tapang a-tao hindi a-takbo. A-putol a-utin, a-takbo a-tulin. Mabuhay si Ka Andres!
December 24 (evening) and 25:
Christmas. Ang paborito kong holiday! Nakakatuwa pag nakabihis na ang mga bata at nagmamano sa mga tatay, nanay, lolo, lola, ninong, ninang, tiyong, tiyang at sa lahat ng makitang may edad na mukhang may pera pang-aguinaldo. Ito ang Fiesta ng mga bata! Ang mga inaasahang mamimigay naman ng regalo at kwarta sa mga inaanak ay kalimitang nagkukubli kung talagang gipit.
December 30: Rizal Day. Pambansang Bayani day. Somewhat overshadowed ng katatapos na Pasko at ng New Year's eve celebration. Wag sanang kalimutan ng kabataan ang mga nagawa ni Pepe para sa ating bayan.
December 31: New Year's eve. My second favorite holiday! Dito nailalabas ko ang aking galit sa mundo sa pamamagitan ng pagpapaputok bwahahaha. Joke lang po. Sa mga mahilig magpasalba ng kwitis, 5-star, watusi, bawang, super lolo, pla-pla, dilis, daing, sinturon ni hudas at iba pang mga pampabasag eardrum, mag ingat po sana. Hindi naman maganda na salubungin ang susunod na taon na kulang ng isang daliri. Mahihirapan na kayo mangulangot!
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.22.2007 @ 9:10 am
|
Hindi pa ako nakapaglamay sa ibang lugar sa Pilipinas. Iniisip ko, ano kayang makikita at ma-eexperience ko sa isang pulaw sa ibang parte ng Pilipinas? Minsan kasi nagkwento ang dati kong kasamahan sa trabaho na na-shock daw sya minsang nakipaglamay sya sa isang bayan ng Cavite. Parang masaya pa daw ang mga tao... Siguro dahil sa mga sumusunod...
Sakla. Hindi kumpleto ang pulaw kung walang sakla o ripa. Dito tumataya ang mga sugarol sa kumbinasyon ng dalawang baraha. Parang ganito yata ang mga ngalan ng mga baraha: Oros, Kopas, Bastos, Pogi, Espada, etc Tong-its, mah jong, pusoy, pusoy dos, black jack, 41, abp. Sugal pa rin ito. Ang lakas ng hatak ng sugal sa isang pulaw. Walang pinipiling oras ito. Kumikita ang patay sa pamamagitan ng tong. Langit, lupa, impiyerno, isda-gulay-hayop, shagidi-shapopo, pitik bulag, atbp. Eto ang pangkaraniwang nilalaro ng mga kabataang walang perang pansugal. Kadalasan ang grupo ng naglalaro nito ang pinaka-maingay sa pulaw. Ligawan. May mga magsiyota na ginagamit ang excuse ng pagpunta sa lamay para makipagligawan sa kanikanilang irog. Sila ang kalimitang makikita mo sa mga pinaka-madidilim na sulok. Kung meron nagkukuringgian sa sulok siyempre marami rin bosero.
Karaoke/Videoke. Hulog ka lang ng limam-piso at makakanta mo na ang paborito mong Basil Valdez song. Dito lubos na nashock ang aking dating kasamahan sa trabaho. Bakit daw parang may pakontes pa ng pag-awit? Libreng biskwit, butong pakwan, butong kalabasa, sandwich, noodles, pansit, kape, tsaa at juice. Isa pang dahilan bakit palaging patok ang mga pulaw ay dahil sa libreng pagkain at inumin na ma-eenjoy mo dito. Kung malimit ka makipag-lamay makikilala mo na ang mga tamad na patay gutom sa inyong barangay. Mga bantay salakay. Buong pamilya nasa pulaw tuwing oras ng pagkain. Banda kumbatsero. Sa last night ng lamay ay kalimitang may mga kombatsero band na inuupahan ang may pa-pulaw para gisingin ang mga inaantok sa puyat na mga bisita. Parang mini-concert ang nangyayari.
|
|
|
| 3 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.22.2007 @ 8:10 am
| Last edited: Aug.21.2007 @ 8:03 pm |
Noon at Ngayon
Sharing ng ulam sa tanghalian. Ang mga magkakapitbahay ay magkakaibigan din. Kung may nailuto kang sinigang, magsi-share ka sa kapitbahay mo ng kahit konting sabaw. Ganun din naman sila kapag nagluto ng ginisang bagoong sigurado may kaparte ka. Ngayon? Magtyaga ka na lang sa amoy ng niluluto nila...
Sabay sabay na panood ng TV. Nung late 80s hanggang early 90s eh patok na patok ang Ginebra team (naging Añejo at Tondeña pa nga sila). Kapag may laban ang team ni Jawo eh blockbuster sa bahay namin kahit black and white lang ang aming tv. Masaya ang buong pamilya na nanonood ng TV. Kadalasan kasama pa ang kapitbahay kasi hindi lahat ng bahay noon ay may telebisyon. Sikat din ang Ula, Ang Batang Gubat (Judy Ann Santos' first tv show), Agila, Ipaglalaban Ko, atbp. Ang Eat Bulaga wala pa sa Siyete. Teka ibang topic na ito. Ngayon? Pabonggahan na ng tv ang magkakapitbahay. Kapag bumili si kapitbahay 1 ng 21" na JVC, dapat mas malaki at mas bagong model yung kay kapitbahay 2.
Paglabas mo ng bahay nyo makikita mo ang crush mo hinihingutuhan ng nanay nya. Isa sa mga pampalipas oras (at hygiene?) ang pag-aalis ng kuto sa buhok ng mga babae noon. Hindi pa kasi widely available ang Anti-dandruff shampoo sa Pilipinas noon. Wala pa rin ang 3-in-1 sachet mo na may shampoo, conditioner at sabong panlaba. Kumpleto di ba! Ngayon yung may mga pera pa-spa spa na lang. Yung walang pera sachet na lang... affordable naman.
Ang Sangguniang Kabataan (SK) ang nangunguna sa paglilinis ng mga kanal sa baranggay. Responsable ang mga SK (dating KB) members noon. Hindi lang kalinisan ng barangay ang ginagawa nila. Nagpapa-party yan kapag piyestahan. Nagpapaliga ng basketball, softball, volleyball, fishball, football, at iaba pang sports kapag summer. Ngayon may bagong meaning na ang SK.. Sangguniang Kalokohan (sabi nga ni Mar). Ang projects nila ay mag post ng mga slogan sa bawat kanto na hindi mo malaman kung pagpapatawa ba or pag-papaalala.
Kumpleto ang barkada noon. Dati rati talagang solido ang samahang barkada. Naglalaro sa kalye. Kumakain ng bahaw sa gabi. Sama-samang nanonood ng porno sa Beta max. Isang grupo na nagmimiryenda sa ihaw-ihaw. Isang team sa basketball. Nagtutulungan sa panliligaw. Simple lang ang mga activities ng barkada at hindi magastos ngunit talagang mahigpit ang bonding. Ngayon...disconnected na dahil sa technology. Text-text na lang. Chat na lang sa YM. Kung magkakasama man kanya kanya pa rin ng kalikot sa cellphone at kanya kanya ring pakinig sa iPod.
Noon sumusulat ka sa yellow paper kay Tatay na nasa abroad para mangumusta. Dino-drawingan mo pa nga ng barko o eroplano para matuwa naman si tatay at natuto ka na rin gumuhit. Sasabihin mo na miss mo na sya. Mag ingat sya at palaging kumain ng sapat. Ngayon... nag-eemail ka kay Tatay o kaya naman ay nagchichikka text. Makabago na...ayos lang sana..kaso ang mensahe nagbago na. Papa bili mo ko iPOD. Papa kailangan ko ng laptop. Papa yung XBox ko asan na. Papa yung playstation natin hindi na uso kailangan ko ng Playstation 3. Papa bili mo ko ng Lebron James shoes.
Noon ang elementary students eh nakaka-isang pumasok sa iskul. Safe naman at malapit lang. Ngayon kailangan ihahatid pa ng magulang kasi palaging may kidnapping. May rape at pabata ng pabata ang mga biktima. Palayo na rin ng palayo ang iskwela sa tahanan kasi ang mga tao nakatira na sa subdivision na dating sakahan na malayo sa iskul.
Ang katorse anyos noon nasa bahay at nag-aaral o nanonood ng tv sa gabi. Ngayon, nakatambay sa labas ng bahay. Kausap ang boyfriend na hindi pa nga natutuli at ang tanging alam ay ang mag counter strike at mga trivia sa paboritong Naruto.
Noon maraming rebelde sa gobyerno. Ngayon naubos na ang rebelde... Naging terorista na silang lahat!
Noon nagkakasakit sa bato ang tao dahil sa sobrang patis o asin. Ngayon nasobrahan naman sa pagkain ng Lucky me pancit canton at ibat ibang instant noodles. Yun na lang kasi ang nakakayanan ng ilan sa mga Pinoy. Or tinatamad na magluto? Pa-instant instant na lang.
Noon uso ang salitang binabaliktad. Tagalog in reverse. Nosi ba lasi? Lasma ang bekata..sa wakali? At least tagalog pa rin...Ngayon? Wow mga tao kahit parehong Pinoy pa-ingles ingles pa. At kung pakikinggan mali-mali naman. Wag na lang.. Kanta yata iyon? |
|
|
| 26 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.12.2007 @ 2:34 pm
|
Kita lang sa isang site... Heto ang world's famous Philippine Jeepney!!!
  
Originally made from US military jeeps left over from World War II and
eminent for their gaudy beautification, Jeepneys have become an icon of
Philippine culture. Now, up for auction at eBay
is a Manila-style Jeepney, which is a rare original 1942 Willys based
jeepney fabricated by renowned Jeepney builder Sarao. It was bought by
Tombstone Pizza in 1985 who installed a ‘82 Buick V6, 12 volt ignition
system, and automatic transmission to the roadster. 
You will find the original Tombstone Pizza logo on the back door of the
jeepney. The street legal jeepney is said to be in good running
condition. Starting bid is US $15,000 and will end in about 17 hours. So, hurry up, if you want to own a true one of a kind vehicle.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.08.2007 @ 10:56 am
|
"Thank God men cannot fly, and lay waste the sky as well as the earth." ~Henry David Thoreau
May bago daw pino-promote na programa ang mga environmental groups sa Pilipinas. Ito ay ang tinatawag nilang Balik-Bayong Campaign! Magandang balita. Mababawasan na rin ang plastic kahit sa Lupang Hinirang man lamang. Isa kasi ang plastic sa pinaka-malupit na kalaban ng kalikasan. Hindi ito basta basta natutunaw even over a long period of time. Sa Tanza, Cavite nga kapag napapadaan ako diyan going to Manila kitang kita ang mga plastic na hindi na dispose ng maayos. Nakakalat sa tabing kalsada. Yung iba natabunan na at ang sagwa ng hitsura. Ito rin ang primary cause ng pag-clog ng mga estero sa ating mga siyudad (aside from the fact na hindi pa talaga maayos ang sewer system sa Pinas...sa ngayon). Sa mga ilog natin hindi mawawala ang mga plastic na lulutang lutang. Part na rin ng problemang plastic ang kakulangan ng disiplina at kaalaman ng publiko. Mabuti ngayon at narito ang mga environmental activists para i-promote ang Balik-Bayong kasama na rin ng mga naunang kampanya na pagtitipid sa enerhiya. Sa ngayon ay unti-unti ng namumulat si Juan De La Cruz sa mga negatibong epekto ng patuloy na pagkasira ng kalikasan. Sana ay patuloy lang ang pamamahagi ng kaalaman ng mga grupong maka-kalikasan at sana ay suportahan ito ng ating gobyerno. Spread the word! Disperse the knowledge! Improve national information dissemination about Do's and Don'ts in environmental protection!
|
|
|
|
|