BrownMan Blog
Profile Subscribe Syndicate Search  
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In

Entries in "Brownman's ABC"
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 | > >>
Good News Pilipinas
3 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.01.2007 @ 9:04 am | Last edited: Jul.31.2007 @ 7:50 pm


Kung pagod ka na sa kakabasa ng mga bad news about our country eh dapat mo ng bisitahin ang goodnewspilipinas.com. Dito nothing but good news ang makikita mo that will certainly make your day brighter.

Dito ako nagbabasa kapag bloated na ko sa mga balitang katulad ng mga sumusunod:

  1. OFWs Pinupuwersa ng Kano sa Iraq
  2. Sarah, may ibubuga sa pagkembot
  3. Asia, gustong maka-threesome sina Richard at Anne
  4. Saksi: Extrajudicial killings in RP worries US
  5. Chinese candies nakakamatay!
  6. Ruffa, kinuryente ni Yilmaz
  7. Beheading suspects elude cops

Good news naman tayo!

  1. Cherry Pie is India Filmfest Best Actress
  2. 7 Major Tourism Projects Soon to Rise
  3. U-S firm commits more RP investments
  4. Filipina to drive for top U-S racing team
  5. Pinoy kids dominate Math Olympiad
  6. RP choir tops Global Choral Fest

Ilan lang yan sa mga good news na mababasa sa goodnewspilipinas.com. Kaya bumisita na dito at ng magkaroon ng kahit kaunting positive aura sa iyong araw!

 

Tag-tuyot sa Tag-Ulan
6 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.01.2007 @ 7:22 am

Wrong timing naman itong dry spell na nararanasan sa Pilipinas. Kung kailan unti unting nakakaahon ang ating bansa sa kahirapan (totoo yan! mabagal nga lang) eh andito na naman ang mga forces of nature para tayo ay hadlangan sa pag-abante. Idagdag pa ang pagputok ng Mount Bulusan...pero ibang istorya na ito. With the drought that we are experiencing now in the Philippines (Luzon primarily), the President allotted P664 million for the predicted effect to agriculture and livestock sectors. Another big sum of money will be allotted for irrigation rehabilitation program for the affected places to counter future occurances of this drought. Department of Agriculture and the National Irrigation Administration will not be short of budget as calamity funds can also be utilized if necessary.

Some of the steps to be done to fight the drought are the following:

  1. Cloud seeding
  2. Pamamahagi ng hybrid corns at microbial fertilizer
  3. Pagbili ng assorted vegetable seeds na mabubuhay sa limited water supply
  4. Pagpapagawa ng mga shallow tube wells

Ayan panibagong pagkakagastusan na naman ng gobyerno. Tsk. Imbes na sa mga mas mahahalagang bagay ilaan ang pondo napupunta dito sa epekto ng tag tuyot. Marami pang mararanasan na ganitong krisis kung patuloy na hindi magbabago ang tao sa pagsira ng kalikasan.

Mga Pambansang Simbolo ng Pilipinas
49 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.30.2007 @ 3:41 pm

Ang mga sumusunod ang mga Pambansang Simbolo ng Mahal nating Inang bayan.

  1. Pambansang Bayani: Dr. Jose Rizal
  2. Pambansang Himno: Lupang Hinirang - Hindi Bayang Magiliw ha tandaan!
  3. Pambansang Damit: (Lalaki) Barong Tagalog; (Babae) Baro't Saya
  4. Pambansang Hayop: Kalabaw (Carabao or Water Buffalo)
  5. Pambansang Palaro: Sipa - Luma na at dapat ng palitan. Boksing kaya (see number 15)?
  6. Pambansang Sayaw: Cariñosa
  7. Pambansang Bahay: Bahay Kubo (Nipa Hut) - Simbolo lang siguro ito dahil hindi ito ugma at praktikal sa dami ng bagyo na dumadaan sa Pilipinas taon taon.
  8. Pambansang Puno: Narra (Pterocarpus Indicus)
  9. Pambansang Ulam: Lechon - sa hirap ng buhay ngayon dapat tinapa o tuyo o daing o kaya pwede rin dilis. Asin pwede kaya?
  10. Pambansang Ibon: Philippine Eagle - a.k.a. money-eating politician Monkey-eating eagle
  11. Pambansang Prutas: Mangga (Mango)
  12. Pambansang Bulaklak: Sampaguita (Jasminum Sambac)- hindi yung sumikat na rockistang babae noon ha.
  13. Pambansang Dahon: Anahaw - pati dahon may opisyal na pambansa pa rin tayo...
  14. Pambansang Isda: Bangus (Milkfish) - sarap nito gagawing daing tapos sawsaw suka...sarap din pa-grill... no oil, no salt.
  15. Pambansang Kamao: Manny Pacquiao - Marami ng binugbog at pinatulog sa ibabaw ng ring ng boksing pero TKO sya kay Darlene.
  16. Pambansang Ilong: Allan K. - Nalaos si Janno Gibbs kay Allan K sa labanan na ito.
  17. Pambansang Bayani na nasa ibang bansa: OFW
  18. Pambansang Rap: Bebot - Mabuhay si Apl De Ap.
  19. Pambansang Sex Symbol: Asia Agcaoili - Hindi siya tatawaging sex guru for nothing
  20. Pambansang Blogger: Batjay - Pasensya na sa iba. Siya ang paborito ko eh.
  21. Pambansang Manok: Sarimanok - Andok's sana ang pipiliin ko kaso delikado baka may bird flu!
  22. Pambansang Alak: SMB; Ginebra (pag walang budget); Tuba (pag talagang walang wala).
  23. Pambansang Problema: Kahirapan - Marami pa pero ito ang nangunguna sa listahan.
 


 

Lawn Mower
2 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.30.2007 @ 9:54 am

 

 

Magpaka-totoo ka brother!

Siguro kung ako ay darating sa point na unti unti ng nagrerecede ang hair line ko eh magpapakatotoo na ako at mag skin head or baldie look na ako. It's all or nothing kumbaga. Tipid sa shampoo at conditioner... Hindi ko pakikintabin kasi malaki ang ulo ko at baka magmukha akong isang bombilya bwahaha. Sana lang eh wag dumating yung point na yun na ako ay below 50 pa lang... Kung hindi eh baka gumamit ako ng shampoo na pangkabayo. Ayoko ng peluka baka maging kamukha ko si Eddie Gil!

 

Favorite Pinoy Expressions
7 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.19.2007 @ 11:09 am | Last edited: Jul.18.2007 @ 10:16 pm

Noon at ngayon mahilig ang mga Pinoy sa mga expressions. Hindi na siguro mabilang kung ano ano ang mga nausong kataga ng pagpapahayag ng damdamin nating mga Pinoy. Heto lang ang ilan sa aking natatandaan:

  1. kaloka, windang ang beauty - malimit ginagamit ng mga bading at mga babaeng bading
  2. kiber - narinig ko lang minsan sa aking niece
  3. okay sa olrayt - expression na pang masa
  4. super duper mega over, grabeh! - pag mas mataas sa expectation or mas mataas sa social norm ang isang bagay or pangyayari maririnig mo ito.
  5. kadiri to death - ito ang isa sa mga paboritong sabihin ng mga konyo at social climber nung panahon pa ni Ex Pres. Cory
  6. chuva, chuk chak chenes, charot, charing at marami pang invented words na nagsisimula sa ch
  7. chicken! - meaning madali lang or easy. Pinauso ng Tropang Trumpo barkada.
  8. kilig to the bones - namasa. Pag nasarapan? Pag nakita ang hinahangaan? Or pag nakuryente?
  9. iwwwww - local expression for ewww
  10. lupeeettt, astig, limaw - kalimitang ginagamit na pang compliment sa mga henyo
  11. susmaryosep! - matagal ng gamit ng Pinoy tongue subalit napunta sya sa mataas na level nung ginamit sya ni Commissioner Noli Eala sa isang PBA game nung analyst/announcer pa lang sya. Pwede rin Ay Sus!
  12. susmaryosep ayaw sumablay! - See number 11
  13. patay kang bata ka - exaggerated naman ito para sabihin na lagot ka
  14. patay tayo diyan - exaggerated naman ito para sabihin na lagot tayo
  15. anak ka ng ama/tatay mo - sinasabi ng mga ina pag suklam na suklam na sa anak (at sa tatay)
  16. anak ka ng ina/nanay mo - sinasabi ng mga ama pag galit na galit na sa anak (at sa nanay)
  17. nakalusot - sinasabi Michael Ricketts, este Michael V. pala pag ini-spoof nya si Mike Enriquez sa Imbentilador
  18. una sa jab! - a contracted form of the very famous Buboy Fernandez line to Manny Pacquiao: "Yan ang sinasabi ko! Una sa jab, una sa jab! Hinga sa lalom." Sikat ito sa mga OFW dito sa Indonesia at sa mga mahihilig sa Boxing Forum sa web.
  19. alien! - pinauso ni Isko Salvador o Brod Pete nung nasa Bubble Gang pa siya kasama ni Brod Jocel at Brod Willy at ini-spoof ang Dating Daan.
  20. marami ka pang kakaining bigas - isa sa mga signature lines ni FPJ sa isa marami nyang pelikula.

Paano ka ba umihi?
3 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.16.2007 @ 4:50 pm

True Friendship is like peeing in your pants. You can't see it but you can feel the warmth.


Peeing - an absolutely natural desire of every human being. Pero paano ka ba umihi? Piliin sa ibaba kung saan ka nabibilang...

  1. Relihiyoso - tumitingala habang umiihi, nananalangin: Lord please lengthen my  member, amen!
  2. Farter - Umuutot muna bago umihi.
  3. Playful - Iginagalaw ang patotoy up, down, left, right, round and round habang umiihi.
  4. Lasing - Ibinaba ang zipper, inilabas ang patotoy, umihi...umihi sa sariling sapatos.
  5. Lasing na Lasing - Ibinaba ang zipper, hinawakan ang kaliwang hintuturo, iihi. Resulta basa.
  6. Curious - Sumisilip sa katabi habang umiihi just to compare.
  7. Bakla - SUmisilip sa katabi habang umiihi kinikilig pa.
  8. Baklang Bakla - Umuupo sa John pag umiihi feeling Eva ang beauty! May baon pang PH Care.
  9. May sakit sa puso - Umihi, kinilig, inatake, patay!
  10. Call center agent - "Hi! How may I help you?" Kanang kamay nasa mouse, kaliwang kamay hawak ang bote ng mineral water habang umiihi. Ssshhhhh...
  11. Indiano - Solo kung umihi. Lahat ng tao sa toilet lumabas hindi nakayanan ang amoy.
  12. Pulis - Hindi makita ang patotoy sa laki ng tyan kaya malimit basa ang kamay. Tutungo para makita, mauuntog sa pader.
  13. Call Boy - "Arrraykupoooo!!!" Yan ang sigaw habang umiihi.
  14. Call Boy na lasing - Umiihi habang naka-condom pa.
  15. Pandak - Nakatiad habang umiihi.
  16. Tomboy - Ibinaba ang zipper, inilabas ang talong, umihi.
  17. Snooky Serna - Umiihi na sa diaper.
  18. Pinaglihi sa aso - Ibinaba ang zipper, tinaas ang kanang paa, umihi.
  19. Baog - Eto ang dialogue habang umiihi: "Pusanggala ka namang etit ka! Inutil!" sabay pitik.
 

Biyernes Trese
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.13.2007 @ 8:56 am

Biyernes Trese o Friday d' 13th ngayon at sigurado ako marami na naman ang sobra ang ingat at sobra ang kaba kung ano kaya ang malas na dala sa kanila ng araw na ito...


Paraskevidekatriaphobics (a.k.a. triskaidekaphobe)- Ito ang tawag sa mga tao na takot/kabado tuwing Biyernes Trese.

Hindi pa naman ako napapabilang sa mga taong triskaidekaphobe. Ewan ko ba bakit maraming hindi pumapasok sa trabaho, hindi nagda-drive, hindi pumapasok sa eskwela at hindi naliligo pag ganitong araw. Turo siguro ng kanilang lola or nakamulatan na sa kinalakihang lugar. Mas takot pa nga ako sa nangyayari sa kaliwang mata ko recently na nanlalabo na pero ibang topic na ito. Maraming urban legends at superstition na may kinalaman sa Friday d' 13th. Meron pa nga pelikula na ginawa na ganyan ang title. Kung matatandaan nyo pa na ang release ng pelikulang A Series of Unfortunate Events ni Lemony Snicket ay itinapat talaga nung October 13, 2006. Hayan tuloy ang mga nakapanood na publiko naniniwala na sa "malas na araw daw" na ito.

Maganda sana kung ginawang holiday na lang ang Friday the 13th kasi 2 long weekends na naman sana. Makakatulog pa sana ako ng mahab-haba. Natapat kasi ang 13th day of the month sa Friday nung April at ngayon nga July. Mas happy sa year 2009, 2012 at 2015 kasi 3 times magtatapat ang Friday at ang 13.

Para sa mga hiphop diyan: Namatay si Tupac Shakur (2Pac) nung September 13, 1996... 6 days after he was shot.

 

Esem
5 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.10.2007 @ 1:47 pm | Last edited: Jul.09.2007 @ 11:53 pm

 Patingin-tingin, di naman makabili
Patingin-tingin, di makapanood ng sine
Walang ibang pera, kundi pamasahe
Nakayanan ko lang, pambili ng dalalwang yosi kendi


Eksakto yata ang lyrics na ito kung pano ide-describe ang kalagayan ko nung panahon na ako ay nasa high school, college at nagtatrabaho sa EPZA. Patingin-tingin na lang sa mga magagandang damit, sapatos, bags. Hindi makabili ng books nung college nagtyaga sa photocopy pag merong nakatabi sa lecture hall na mabait na may libro. Hindi man lang din makapanood ng sine unless required sa isa sa mga klase (Jose Rizal, requirement sa History I). P450.00 pagkasyahin ko from Monday to Saturday. Pamasahe, pangkain at pambili ng mga kailangan sa eskwela. Uwian sa Cavite weekly. Hindi na nga maka-sunod sa uso. Nakiki-uso na lang. Nakiki-saya sa iilang "barkada". Mabuti na lang at wala akong bisyo.

Pamoy-amoy, di naman makakain
Busog na sa tubig
Gutom ay lilipas din
Patuloy ang laboy
Walang iisipin
Kailangang magsaya, kailangang magpahangin


Ayan, paglabas pa lang ng campus McDonalds, Dairy Queen, Goldilocks na agad ang makikita mo. Eh gutom na, lalo pang nagutom. Pero mahaba haba pa ang lalakarin ko kasi suki ako ng Ankers. Mas mura na medyo mas marami pa ang kanin at may libreng sabaw. Solve na rin naman. Hindi naman ako namayat. Sa EPZA pag labas ng main gate papunta sa paradahan ng Jeepney kaharap na agad ang mga fastfood chains, Mall at 7-Eleven. Dahil gutom na at wala naman extra pera hindi na lang lilingon. Ang tingin sa nagdaraang sasakyan. Nag concentrate sa pakikipag-patintero sa mga mini bus, jeepney, kotse at mga EPZA workers na parehas ko ring gutom, pagod at nagmamadaling umuwi. Hindi man lang makabili ng pasalubong para sa aking mahal.

Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay


Minsan pag may na-ipit na pera galing sa sweldo pagkatapos bawasin ang budget para sa pamilya magkakayayaan naman ang tropang MIS sa Hidden Tapsi. Syempre sasama naman, minsan lang at ayaw makantyawan. Pagkatapos ng kain ng crispy pata ayun wala na ulit extra pera balik sa katotohanan na maghihintay na naman ako ng sweldo sa katapusan ng buwan para sa susunod na trip either sa Hidden Tapsi (ulit) or kina Raymond's ihaw ihaw.

Gumagabi na
Akoy uuwi na
Tapos na ang saya
Balik sa problema
At bukas ng umaga
Uulitin ko pa ba ang kahibangang ito
Sa tingin ko hindi na

Hindi na nga dahil pamasahe na lang ang natitira. Mabuti na lang at sagot ng company ang tanghalian namin sa HRD. Mag-oovertime naman hanggang 10 PM usually... eto na ang mahirap. Walang panghapunan. Magtatrabaho ng gutom. Pag-uwi sa bahay 11 PM na nalipasan ng gutom, pagod pa. Mabuti andun si misis matiyagang naghihintay kaya syempre smile pa rin ako at masaya. Masarap ang may nagmamahal. Matutulog magkatabi, magkayakap. Gigising sa umaga haharapin na naman ang katotohanan na mahirap ang buhay at sa dami ng nagsusumikap para maka-kuha ng swerte ay maliit ang tsansa ko na maka-ahon sa kasalukuyang kinalalagyan.

Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay

Nakakita ng bagong opportunity sa ibang company sa EPZA. Mas maganda ang benefits at bagong experience. Lumipat agad kahit na regular sa HRD. After 3 months, shet nagkaroon ng layoff sa staffs. Isa ako sa mga hindi pinalad. Baguhan pa raw kasi ako at mas priority ang mga matatagal na sa company. Hindi malaman ang gagawin nung panahon na iyon. Nanlalambot akong umuwi ng bahay. Nahirapan sabihin sa aking mahal ang malungkot na balita. Walang magagawa kundi patuloy na magsumikap at maghanap ng swerte. Gumawa ng swerte.

Nakakabaliw ang ganitong buhay
Di nakakaaliw ang ganitong buhay
Nakakabaliw ang ganitong buhay
Di nakakaaliw ang ganitong buhay

Naglalakad sa Malate, isang mainit na tanghali. Hindi pa ako nagtatanghalian. Bitbit ang brown paper envelope lakip ang aking resume. Naghahananap ng trabaho sa Maynila, biglang nagring ang cellphone. Boses ng isang lalaki na nagtatanong: "Available ka ba for interview bukas?" Biglang nabuhay ang aking dugo at sumagot na "Anytime tomorrow I will make time for an interview!" Natanggap naman ako at pinag medical na rin agad first thing the next morning. After two weeks of being a jobless tatay, finally may kayod na ulit. Eto na ngayon ako almost three years na sa TCCI. Pinalad (swerte kaya talaga?) na ma-aassign sa Indonesia. Tiyaga lang at sipag. Heto na yata talaga ang swerte ko.

Pero...

Nakakabaliw pa rin ang ganitong buhay
Di nakakaaliw ang ganitong buhay
Nakakabaliw pa rin ang ganitong buhay
Di nakakaaliw ang ganitong buhay

Homesick naman ang kalaban ko.
 

Questions that need answers
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.07.2007 @ 7:20 am

Tennis coach to her students:

"The first thing we have to learn in Tennis is how to squeal when you hit the ball with your racket."

  1. Bakit sumisigaw si Sharapova pag naglalaro sya ng tennis?
  2. Bakit parang mga robot na OA at kengkoy ang mga ballboys sa Wimbledon?
  3. Paano mag-away sina Carmina at Rustom nung sila pa? Sabunutan kaya, kurutan or batuhan ng make up?
  4. Nasaan na si King DJ Logan?
  5. Bakit walang root bear flavored ice creams? Mas masarap kaya yun kaysa sa root bear floats?
  6. Mas maunlad kaya ang Pilipinas kung naging presidente si Roco?
  7. Ano ang Kjeldahl method?
  8. Bakit nag-disband ang Eraserheads?
  9. Sino ang nag-imbento ng larong pitik-bulag? Eh ang Jack en Poy kaya?
  10. Bakit hindi na uso ang brass band sa PBA games?
  11. Bakit may nananalong contestant sa beauty pageants na hindi marunong mag-ingles?
  12. Bakit may mga Pinoy na kuntodo ingles pa kahit kausap ay kapwa Pinoy din naman?
  13. Ano ang koneksyon ng pagtalon sa new year's eve sa pagtangkad? Bakit ko ginagawa yan yearly?
  14. Sino ang mas maraming fans, ang love team ni Madam Auring at Archie or ang unbeatable tandem ni Mahal at Jimboy?
  15. Kung hindi nadisqualify si Eddie Gil nanalo kaya sya sa eleksyon sa pagka-presidente? Mabayaran nya kaya ang utang ng Pilipinas?
 

Tagalog Ideoms
7 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.05.2007 @ 8:38 am

Mga halimbawa ng ideoms sa Tagalog

  1. anak-pawis - taong mahirap / manggagawa
  2. balat-sibuyas - iyakin/maarte
  3. basang sisiw - taong mahirap
  4. ibaon sa hukay - kinalimutan
  5. ilista sa tubig - pag-utang na hindi na babayaran
  6. itaga sa bato - pagkatiyak sa mga sinabi
  7. kalapating mababa ang lipad - isang patutot, babaeng bayaran
  8. kamay na bakal - gamitan ng paghihigpit
  9. namuti ang mata - nainip sa kahihintay
  10. ningas-kugon - magaling lamang sa umpisa ngunit hindi tinatapos ang isang gawain
  11. maghigpit ng sinturon - magtipid
  12. pagputi ng uwak, pag-itim ng tagak - imposibleng mangyari
  13. pusong mamon - maawain
  14. suntok sa buwan - mahirap abutin
  15. taingang kawali - nagbibingi-bingihan
  16. lubad ang kulay- binabae
  17. hambubukad - binabae
  18. magdilang-anghel - magkatotoo sana
  19. magdildil ng asin - hikahos
  20. di mahulugang karayom - maraming tao
  21. sirang plaka - paulit ulit
  22. matulis na dila - masakit mag salita
  23. makating dila - madaldal
  24. agaw buhay - taong mamatay na
  25. may gintong kutsara sa bibig - pinanganak na mayaman
  26. mahangin ang ulo - mayabang
  27. sunugin ang kilay - mag aral ng mabuti
  28. butas ang bulsa - walang pera

Alternative meaning nila

  1. anak-pawis - grupo na mahilig mag rally
  2. balat-sibuyas - birhen pa
  3. basang sisiw - nagwawater-water na
  4. ibaon sa hukay - itarak na
  5. ilista sa tubig - libre dyokard
  6. itaga sa bato - pagtitingi ng droga?
  7. kalapating mababa ang lipad - tabachoy
  8. kamay na bakal - amputee
  9. namuti ang mata - Isaac, hero
  10. ningas-kugon - bolero; barbero; kutsero; tarantado; walang modo; gago
  11. maghigpit ng sinturon - takot mahubuan
  12. pagputi ng uwak, pag-itim ng tagak - in a million years
  13. pusong mamon - dyokla
  14. suntok sa buwan - kalokohan
  15. taingang kawali - barnakol sa tainga
  16. lubad ang kulay- supot
  17. hambubukad - piolo pascual
  18. magdilang-anghel - sinabmarin
  19. magdildil ng asin - magsariling sikap
  20. di mahulugang karayom - MRT, LRT
  21. sirang plaka - makulit, masarap sakalin
  22. matulis na dila - romantikong bisaya
  23. makating dila - natural na bisaya
  24. agaw buhay - pag-asa
  25. may gintong kutsara sa bibig - blowjob
  26. mahangin ang ulo - may topak
  27. sunugin ang kilay - sira ulo
  28. butas ang bulsa - may bulsa sa balat
 


Current Page 5
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org