Gusto ko lang sabihin na ang simbahan o ang mga namumuno dito (katulad ng mga taga-CBCP) ay hindi dapat palaging nangingialam (lolz) sa politika. May malaking responsibilidad na ang simbahan para sa pagpapakalat ng nilalaman ng bible. Hindi pa ba sapat ito to keep them busy considering na subra subra na ang laki ng populasyon ng ating bansa? At wala pa rin silang balak tumulong sa pag-educate sa ating mga kababayan kung paano ang epektibong pag-control ng wala sa planong paglaki ng populasyon... na sa aking opinyon ay siyang ugat ng kahirapan sa Pilipinas... na maaaring mas malala pa sa corruption.
Common sense kasi... kung ang paglaki ng isang pamilya ay mas mabilis sa pagtaas ng sahod ng tatay at nanay, malamang makakaranas ng paghihirap ang pamilya. Hindi lang ang mga magulang na kumakayod kundi pati na rin ang mga anak na hindi mabigyan ng sapat na pangangailangan para maihanda sila sa kanilang hinaharap. Ganun din sa bansa. Kung ang dami ng mamamayan ay mas mabilis sa paglago ng ekonomiya, hindi lang ang mga nasa pwesto sa govierno ang mahihirapan mag manage ng resources para sa buong bayan kundi pati na rin ang mga mamamayan na mas marami ang tamad kesa sa nagsusumikap. Isa pa rin yan sa dahilan ng kahirapan bukod sa malaking populasyon at kawalan ng edukasyon. KATAMARAN! Pero ibang usapan na yan.
Kaya sana naman tigilan na ng mga taong nagtatago sa kapangyarihan ng simabahan ang pangingialam sa Reproductive Health Bill.
Sarap din talaga ng lutong bahay kumpara sa fast food at canned foods. Depende rin naman sa kung paano niluto at kung masarap talaga ang pagkakaluto. Kanina ay nakipananghalian ako sa pamilya ng aking kasambahay na dumating kagabi dito sa Singapore. Malinamnam ang sabaw at ang isda ay pres na pres. Binili daw ni Kuya Nat sa Pres Pis Stall sa Yew Tee kaninang bukang liwayway.
Kumpleto ang pamilya ni Kuya Nat kaya masayang masaya sya. Sabi nga nya may tagaluto na bwahahaha. Sarap din naman talaga ng sinigang ng pula-pula. Di ko alam kung anong isda yun. Pati naman sila kaya nag-imbento na lang ng pangalan. Natinik nga lang ako sa pagmamadali dahil sa nasa kalagitnaan ako ng DOTA game. Certified adiK with a capital K na ako.
Ayan nami-miss ko tuloy ang sarili kong pamilya sa Pilipinas. Gusto ko na naman umuwi. Hindi na makapag hintay sa susunod na iskedyul ng paglipad. Less than a month na lang. Makakatikim na rin ako ng lutong bahay sa Muzon. Yummy!
Mabilis natapos ang dalawang linggong pahinga ko sa lupang hinirang at heto na na man ako at muling babalik sa Singapura para kumayod.
Limpak limpak na butil ng pawis ang lumabas sa aking katawan dahil sa init ng panahon at sa init ng ulo dahil sa sobrang alikabok at lalo na dahil sa kahit saan ako lumingon ay mukha ng mga pulitiko ang aking nakikita. Mga ungas sila! Dagdag kalat at basura lang ang karamihan sa mga campaign materials na sobrang kukulay at sobrang makabayan ang tema na talaga namang may background pa ng bandila ng Pilipinas habang nakasuot ng La Coste at nakasalamin ng Palin Midnight.
Isa pang nagpainit sa bayang magiliw ay ang usapan sa politika dahil nga sa malapit na ang pambansang eleksyon. Usapan sa kalye, usapan sa mall, usapan sa plaza, usapan sa palengke, usapan sa paradahan ng tricycle, usapan sa radyo, pahayagan, internet at sa telebisyon. Mga islogan ang gamit at kanta na iniba ang titik. Puros pambobola. Mas maganda siguro kung ang plataporma nila ang ipahayag gayun mas malalaman ng publiko ang kanilang balak ipatupad at gawin kung maupo sa pwesto. At malaman din ng tao ang dapat nilang bantayan at asahan sa kandidatong mananalo.
Pati dito sa NAIA ang init. Hindi kaya ng aircon ang alinsangan. At pati dito sa departure card mukha ng politiko ang nakikita ko. Bwiset!
Matapos ang sampung araw ng burol ay naihatid na rin si tatay sa kanyang huling hantungan. Malungkot pa rin ang lahat sa pamilya. Medyo mabigat pa rin sa damdamin na tanggapin na wala na si tatay.
Kami ng kuya ko ay nakabalik na rin sa aming trabaho matapos mag emergency leave. Naiwan tuloy si nanay sa bahay na malumbay subalit buo ang loob na ipagpatuloy ang buhay sa tulong na rin ni ate, ni maylab at lahat ng nagmamahal sa aming pamilya.
Kaninang hapon ay pumanaw na ang aking tatay. Ang aking senior. Masakit isipin na hindi ko man lang siya nakausap bago ang kanyang pagpanaw. Kahit na noong ako ay nasa bakasyon, mahigit isang buwan kaming hindi nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. Hindi ko alam na ang huling pagkikita at pag-uusap namin ay noong ako ay paalis. Madaling araw hinawakan ko ang kamay niya at sinabing magpalakas at magpagaling siya dahil magbibirthday pa si Tricia kailangan nakakapaglakad na ulit siya.
Hindi ko man lang nasabi sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Pasasalamat at pag hingi ng sorry sa mga kalokohan ko noon.
Kailangan lang talaga palakasin ang loob, magpakatatag at tanggapin ang pangyayari.
Sana naman ay napawi na ang kanyang paghihirap sa karamdaman niya at siya ay nasa langit na.
Napaka hirap naman ng nararamdaman ko ngayon. Pagkagising ko unang balita ay nasa critical condition si tatay sa hospital. Ang nanay di ko na makausap, ayaw makipag usap sa phone iyak ng iyak nanginginig. Ang layo ko pa sa kanila. Magkasunod kami ni kuya na umalis ng bansa last month. Ang bigat naman ng sabi ng doctor na wag na umasa maka survive pa si tatay sa condition nya ngayon.
Di ko malaman ang gagawin dito para akong nanghihina at nahihilo. Parang nasusuka ako.
Miss ko na si tatay. Hindi man lang kami nakapag usap ng matagal nung nasa Pilipinas ako. Hindi ko nga sya kilala ng lubusan. Nung bata ako siya ang nag aabroad nung tumigil sya mag abroad ako naman ang umalis ng bansa.
Kung ano ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Ang lungkot ng weekend na to. Sana naman maka survive si tatay at gumaling sya.
Nakatapos na ako ng job assignment sa Tangguh at heto sa bahay pakuya kuyakoy muna habang kalaro ko si 3cia. Sarap din ng feeling ng maka-kumpleto ng isang mahabang proyekto lalo pa nga at ito ang una kong pagsabak sa abroad. Minsan parang nakakalungkot ding isipin na makaraan ang mahigit apat na taon ay di na ako babalik sa gubat.
Pero siyempre mas masarap naman ang pakiramdam ng pag-uwi sa pamilya. Pa-easy easy muna dito sa bahay bago na ulit paganahin ang utak sa trabaho after 3 weeks. Tsaka na rin ang blog. :-)
Nagback fire ang pag-a-apply ko ng pag-uwi kahapon. Sabi ko kasi kay bossing baka pwedeng pauwiin na ako ng mas maaga sa Pilipinas dahil wala na naman ako masyadong ginagawa sa opisina at pakiramdam ko ay mababa na ang productivity ko. Blangka! Hindi daw maaari dahil marami pang nakapilang trabaho.
At heto nga tambak ang gawain. Wala pang limang minuto kahapon ay tinawag ako ni bossing at niratratan ng mga papagawang programs, reports, charts, S-curves at ang madugong statistical computations at iba't ibang formats at groupings...isama pa ang standard deviation na i-a-apply sa mga figures depende sa historical data ng company. Waaaaaaaaaaaaaaa!!! Napakatagal ko pa naman sinisisi ang eskwela ko noong high school sa pagtuturo ng masyadong advanced statistics dahil wala naman mapag-gamitan. Ngayon dumating ang oras na kailangan ko na ilabas ang konting natatandaan ko sa stat.
Eto nga at ihi lang ang pahinga. One-man team sa paggawa ng close out reports, pag consolidate ng construction, commissioning at site prep database pati na ang pagso-sort at rename ng limpak limpak na litrato sa nakaraang anim na taon. Kung bakit kasi nauso pa ang digital camera ayan tuloy halos walang limit sa pagkuha ng litrato kada linggo heto tuloy sa huli ako ang mahihirapan. Wadapak! 50 GB ng litrato to sort and rename.
1. Magsuot ng Barong Tagalog sa mga formal appearances niya sa publiko. Di hamak na mas magiging disente at elegante ang porma niya kaysa magpumilit ibagay ang damit banyagang gawa ni Giorgio Armani. Maipo-promote nya pa ang pagtangkilik sa damit na gawang Filipino.
2. Makinig sa mga payo ni Chavit tungkol sa tamang pagpapalago at pag-iingat ng kanyang kayamanan. Sa hitsura ni Gov mukhang sigurista siya at hindi maiisahan, inaderwords o sabi nga ni Lumen wais.
3. Huwag makinig sa mga payo ni Chavit at ex-Mayor Bulaklak tungkol sa politika.
4. Huwag masyadong maging gahaman.
5. Paligiran ang sarili ng mga mahuhusay na tao at gantimpalaan sila ng magandang pasahod kesa naman paligiran nya ang sarili nya ng mga artista at politikong may kani-kanyang agenda o sariling interes.
6. Maging panatag at makuntento sa pagiging kapuso. Okay lang din kung maging kapamilya. Huwag na huwag maging kapera.
7. Gamitin ng mahusay ang kanyang kasikatan upang ipakita at ipaalam sa mundo ang mga natatanging kultura ng Pilipinas.
8. Tigilan ang pag-gamit ng 'Sir', 'you know' at 'madam prisident' sa mga sagot na kanyang ibinibigay tuwing siya ay papanayamin sa salitang ingles.
9. Tigelan mona ang pagbabalak na maging isang sikat na mang-aawit. Sala sa tuno at sablay ang pagbegkas ng mga salita.
10. I-knock out si Hatton sa kanilang laban sa May 2.
Malapit na naman ang pag uwi ko sa lupang hinirang at ako ay humaharap na naman sa dilemma ng pag-iisip kung anong aking maipapasalubong sa aking mga mahal sa buhay. Sino ba naman kasi ang nagpauso ng pasa-pasalubong na yan? Sa tuwing ako ay uuwi ito ang nagbibigay sa kin ng sakit sa ulo. Where I am coming from kasi ay wala naman mahahanapan o mabibilihan ng interesanteng pasalubong para sa aking mga kapamilya at kapuso. Wala naman ampaw, suman latik, manggang hilaw na ubod ng asim, tikoy na dumidikit sa pustiso kapag hindi mo alam ang teknik ng pagkain nito, antala na walang lasa, peanut kisses, chicken sinalsal inasal, yakult! na peborit ni ian, halo halo, siopao, siomai, litson piglet, buko pie at adobong mani. Marami ngang mabibilihan ng sapatos dito kaya lang ay labing isa sa bawat sampung pares ng sapin sa paa dito ay peke! Damit? Nakupo! Umuurong matapos labhan. Alahas naman ay parang yung mga free na bakal na makukuha mo for free sa mga pambatang pagkain at kendi sa Pilipinas. Electronics marami kaso talo naman sa warranty kung iuwi sa bayang magiliw.
Samakatuwid bradersensisters (paboritong salita ng mga preachers!) tsokolate na naman ang tangi kong maiuuwi at maipamumudmod (bwahahaha!) sa aking mga karancho. Sabon nga pala dapat di ko makalimutan. Sandamukal na sabon na issue ng company sa amin na hindi ko naman ginagamit. Sosyal kasi ako Dove beauty bar, biolink papaya soap at adidas bath lotion lang ang aking ginagamit sa paglilinis ng aking katawan.
Makapag-uwi na lang kaya ng terorista mula Indonesia? Maiba naman. Maibigay o mairegalo dun sa mga politico na walang sawa sa pagkurakot. Alien!
-Phone in question: Di pa dapat yung sasalubong sa akin sa eroport ang magbibigay sa kin ng regalo? Pasalubong di ba? O talagang baliktad na lang ang aking pag-iisip dahil sa sobrang homesex homesick?