BrownMan Blog
Profile Subscribe Syndicate Search  
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In

Entries in "Limericks"
1
Tagay Pa!
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.06.2008 @ 8:55 am

Tula Ng Lasenggero

Ako ay nahihilo, umiikot na ang aking ulo
Nasusuka na ako sa dami ng beer na tinungga ko
Di ko na namalayan itong haba ng aming tagayan
Lahat ay nakalimutan, dahil sa aking kalanguan

Problema ko'y nalunasan, kahit na nga panandalian
Lungkot na sa puso'y namahay agad din namang lumisan
Anong sayang nadarama, Hik! tuwing tayo'y magkasama
Sa piling mo ako'y lumigaya oh mahal kong serbesa

Babaeng panget gumaganda pag kargado ng Ginebra
Misis na kamukha ni Zorayda, nagmumukhang diyosa
Ito raw ang sikreto ng maligayang pagpapamilya
Kaya sa bahay laging magtabi ng alak na reserba

Kahit tayo man ay walang pulutan, tuloy pa rin ang inuman
Nang di lumipas kalashingan, magishing sha katotohanan
Ako ay akayin sana kung di ko na kaya kaibigan
Ito'y aking utang, paghatid ng ligtas sa aking tahanan

Basa na aking pund'yo, nalunok pa aking sigarilyo
Dapat ko na bang tigilan to? Ewan, ako'y nalilito
Paggising ko sa umaga masakit ang ulo't katawan
Ang tulad ko ay wag sana n'yong sundan at wag pamarisan

Welcome to the Jungle Part 7
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Nov.18.2007 @ 10:08 am

Zaido

Seventh tour of duty daw,
Iyan ang sabi ng mga kurimaw.
Unti-unti ng nagiging malinaw
Mahirap magtrabaho lalo na't magpa-Pasko't giniginaw

Sadyang ganito yata ang aking buhay,
Sa loob ng tatlong taon oh my gulay!
Palaging malayo sa mga mahal sa buhay.
Wala naman magagawa dahil yan ang aking ikinabubuhay.

Palapit na ang Pasko't Bagong Taon
Gusto ko sanang makapiling ang mga mahal ko sa Muzon.
Ngunit mananatiling dito'y nakabaon,
Sa Tangguh na huling-huli sa makabagong panahon.

Kaya heto ako't naghihimutok
Naghihintay ng Santa Claus na sa pinto ko ay kakatok
Sa mga manok na sa umaga'y magsisi-tilaok
Gigisingin ako't bibigyan ng lakas na kailangan
Salubungin ang pagsilang at ang putukan!


Kung bakit Zaido ang pamagat ay hindi ko maipaliwanag. Iyan lang ang unang pumasok sa isip ko.
Time Space warp ngayon din! Poof!

Sino ako...
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.07.2007 @ 5:07 pm

 Eto ay cut and paste ko lang sa aking Friendster account.
  • About Me:

    unrelenting, strange and full of contrasts, often egotistic, aggressive, noble, broad horizon, unexpected reactions, spontaneous,
    unlimited ambition, flexible, difficult and uncommon partner, not always liked but often admired, ingenious strategist,
    very jealous and passionate, no compromise.

    tagalog naman:
    antukin, mahilig magpuyat, mainit ang ulo at madaling magalit, mabilis mag-cool down after magalit, malabo mata, mahilig magpigil sa pagkain para makabawas ng timbang, mas mahilig kumain, inaamoy ang sarili after makipag meeting sa indiano, friendly sa mga babae lalo na pag seksi, kumukulo ang dugo pag naka-amoy ng anghet, kumukulo ang dugo pag nakakita ng indiano, nagpapakabait na rin kahit paano, kupal ako sa mga kasamahan sa trabaho na indiano, mapula ang labi kasi hindi nagyoyosi, malaki ang paa kaya malaki rin ang aking.... sapatos... at.......tsinelas.

 

If you play me close, you're on a red beam
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.02.2007 @ 8:58 am | Last edited: Jul.01.2007 @ 7:23 pm
...Must I remind you I'm only here to twist you
Pistol whip you, dip you then flip you...

Tula ng Tulala

 Ako ay tumulong
Merong bumulong
Bisayang hukluban
Kasamahan ni Mr. Uban

Pakialamero kang matanda ka
Mind your own business wag kang boboka-boka
Hindi tayo tropa
Dahil kurimao ka

Makapag-tagalog ka lang nakangisi ka na lolo
Hindi mo siguro alam ang pinagsasabi mo
Humanap ka ng kausap mo
Wag mo akong abalahin dito

Tabla ka na sa kin
Wala ka ng Chikka
Hindi mo alam ang tinalo mo
Ubos ang computer files mo
just somethong out of boredom...

Tula ng Isang Inaantok
5 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.05.2007 @ 1:44 pm

Ako ay inaantok
Nangangati ang batok
Gusto kong matulog
Lalo na't kumukulog

Ngunit kailangan kumayod
Habang di pa pagod
Malakas pa ang tuhod
At di uugud-ugod

Tulala
5 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.07.2007 @ 2:41 pm | Last edited: May.07.2007 @ 1:01 am

Ang Tula ng Tulala

Ako'y tulala na
Sipon ko'y tulo pa
Miss na miss ka na
Ako'y uuwi na


Apat na buwan ang lumipas
Humaba na ang balbas
Umitim pa ang karakas
Ito yata ay hindi na patas


Ngunit ako ay masaya na rin
Makakasama ko na si mama
Parang dinuduyan sa hangin
Pag kayakap ko na siya

Bow.



Current Page 1
1

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org