BrownMan Blog
Profile Subscribe Syndicate Search  
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In

Entries in "Kapuso"
1 2 | > >>
Paalam Nanay Talia
6 Comments / Subscribe To Comments
Published: Feb.10.2009 @ 8:18 am

Dear Nanay Talia,

Hindi mo man mabasa itong aking liham sa iyo ay lubos ko pa ring ipinararating sa yo ang aking pagkalungkot sa iyong pagpanaw. Hindi ko man lang nasuklian ng lubos ang lahat ng kabutihan na ipinakita mo sa akin at sa aming buong pamilya lalo na noong kami ay nasa panahon ng paghihirap at lubos na nangangailangan ng suporta at pagmamahal. Isa kang dakilang ina sa iyong mga anak na hanggang sa iyong mga apo sa kanila ay walang sawa kang nag-aruga kahit pa nga sa iyong pagtanda.

Parang kailan lang ay malakas ka, masaya at abala sa pag-asikaso sa iyong mga bisita noong kaarawan mo noong Hulyo. Tandang tanda ko pa kung paano mo ako binati dahil sa ang pagdating ko para magbakasyon sa Pilipinas ay eksaktong araw ng birthday. "Pwede ng simulan ang pagpapakain sa bisita dahil andito na ang hinihintay kong bisita!", sabi mo pa nga. Masaya ang araw na iyon. Magkakasama tayong mga magkakapamilya.

Nitong Disyembre naman ay nagulat ako sa balitang nagkasakit ka at hindi na makalakad. Hindi ko sigurado ang dahilan kung osteoporosis o aksidenteng napadulas ka. Hindi ko na inalam dahil alam kong kahit anupaman ay hindi na maibabalik ang dating masigla, masayahin at mapagmahal na Nanay Talia ko. Sa huling pagdalaw ko iyo ay hindi mo na nga ako nakilala. Panay pa ang daing mo na pagod na pagod ka na. Umuwi rin ako agad dahil sa para akong mapapaiyak. Noong new year na inilabas ka ng bahay sakay ng wheelchair ay hindi na kita nabati. Mabilis kang ibinalik sa iyong bahay dahil na rin sa ayaw din naming lahat na makita ka sa ganoong kalagayan.

Sabi nila palagi mo raw hinihiling na makita ang bago kong baby. Kaya nga nitong nagdaang linggo ay dinala diyan sa bahay mo si baby para makita mo siya at maka-bless sa yo. Paglaki ng mga anak ko ikukuwento ko ang iyong mga ginawang mabubuti para sa amin.

Sa kabilang banda, masaya na rin ako para sa iyo dahil sa alam kong andiyan ka na sa langit at malaya na sa problema at sakit na iyong tiniis ng mahigit dalawang buwan. Sana ay magkaisa ang mga anak mo at tigilan ang napakatagal na panahong palaging bangayan at pag-uugaling bata. Alang-alang man lang sa iyo.

Mahal kita Nanay Talia. Mahal ka naming lahat. Salamat sa lahat ng iyong pagmamahal para sa amin at pagtulong sa lahat ng oras na kami ay nangailangan. Hindi ka namin malilimutan.


Ang paborito mong pamangkin,

Jon2x

 

Happy Birthday Nanay
4 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.29.2008 @ 7:51 am

Mahal kong Nanay,

Nay maligayang kaarawan sa iyo! Ilang taon na rin akong absent tuwing magdiriwang ka ng iyong kaarawan at marami na rin akong utang sa 'yo. Sana masaya ka sa araw na ito at sa mga susunod pang araw. Pangalagaan n'yong maigi ang inyong kalusugan Nay. Sa susunod na pag-uwi ko ay sa Disyembre na at magkikita-kita naman tayo ngayong taon sa araw ng Pasko at Bagong Taon. Kailangan malakas na malakas kayo para maipapasyal kita kahit sa medyo may kalayuan na lugar. Di ba yan naman ang pangako ko noong ako ay bata pa na hanggang ngayon ay di ko pa natutupad dahil na rin sa kakulangan ng oras at pagkakataon. Pero this time sa susunod na pag uwi ko sisiguraduhin ko na matutupad ko mga pangako ko sa inyo.

Nay magiging lola na naman kayo. Sa Disyembre rin isisilang ang pangalawa naming anak ni mylab at babae ang aming bagong baby. Yan ay nalaman lamang namin kahapon matapos ang appointment ni mylab sa doktora niya. Naku nalilito na nga kami sa ipapangalan namin dahil sa dami ng pagpipilian. Baka gusto nyong mag dadag ng inyong suhestiyon sa posibleng ipangalan kay baby?

Naalala ko na noong sanggol pa lang sina April, Aby, Anjelou at Bianca ay gumagamit pa ng lampin at kayo ang taga tahi ng lampin. Nilalagyan n'yo pa ng burda ng ngalan nila. Nakakatuwang balikan at isipin ang mga panahon na iyon. Sana sa susunod naming baby ay maka experience din siya ng ganito kahit saglit lang.

Si Tatay nga pala kumusta? Tuwid na ba ulit ang lakad niya? Sana hindi kayo masyado nahihirapan sa pag-asikaso sa kanya at sana ay patuloy ang paglakas niya at pag recover mula sa stroke niya. Sabi ni mylab na nung bago bago pa lang nakalabas ng pagamutan si Tatay ay palagi kayong puyat. Sana naman sa ngayon ay nagbago na at nakakatulog kayo ng sapat at mahimbing sa gabi. Uminom kayo ng vitamins at supplements para hindi kayo mabilis mapagod at manlambot.

Sige Nay tirahan nyo na lang ako ng handa ninyo diyan hehe. Isipin ko na lang na isa ako sa nagluluto ng paborito ninyong pagkain mamaya. Kita-kits na lang sa Pasko sa pag-uwi ko. Ingat palagi.

God Bless!


Nagmamahal na anak,

Latebloomer

Happy Fiesta Muzonian Gatsmabi
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.15.2008 @ 11:12 am

First time ko na wala sa bahay during the annual Fiesta celebration sa Muzon. Grabeng home sick tuloy ang dulot nito sa akin. Kanina eh 1 AM na di pa ako nakakatulog. Masaya pa naman lalo ngayon ang fiesta dahil sa maraming pakulo ang kasalukuyang Brgy Administration. Parang feel ko tuloy ay napag-iiwanan ako.  Iba rin kasi ang pakiramdam ng kaparte ka ng neighborhood na tinitirahan mo. Ngayon ay malayo ako at pakiramdam ko ay talagang disconnected na ako sa Muzon Magabe!

Hayy sana naman next year ay sa Pinas ako sa Mayo.

Happy Fiesta po mga kapusong Muzonian Gatsmabi!

 

Mother's Day
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.11.2008 @ 8:06 am

Second Sunday of May! That means Mother's day na. Bakit kaya iginaya sa Mother's Day celebration ng US ang sa atin? Hindi ba mas maganda kung itatapat natin ito nine months after Father's Night (wahehehehe).

Seriously, dapat natin batiin ang ating mga mudra at kahit isang araw man lang ay let's make her feel very, very special. Kasi karamihan sa mga anak ay malimit na parang balewala lang sa kanila ang effort at love na binibigay ng kanilang mga Ina. Siguro dahil sa ito ay isang constant, everyday thing kaya nakasanayan na at kung minsan di na nabibigyan ng importansya. Naku hindi dapat ganun. Yung ibibili mo ng yosi at ipantataya sa jueteng ay ibili mo na lang ng isang bungkos ng bulaklak at ibigay kay nanay. Yung ipangpapanood mo ng sine ay ibili mo na lang ng isang mother's day pie.Yung ipangde-date mo sa girlfriend mo ay gamitin mo na lang para sa pagbili o pagluto sa paboritong ulam ni nanay matutuwa pa si GF pag nalaman niya ito. Yung oras na gugugulin mo sa sugalan o sa barkada ay gamitin mo na lang sa tabi ni nanay, konting kwentuhan naman para ipadama na mas mahalaga pa rin siya kesa sa mga emo mo na kaibigan at may oras ka pa rin para mapakinggan ang mga tsismis na nasagap niya sa tindahan ni Aling Pekla. Kalimutan muna ang barkada today at bigyang prayoridad si nanay. Dalhin mo kaya sya sa isang spa at sabay kayong magpa-masahe, magpa-foot spa, magpa-tuli, magpa-facial, magpa-body scrub, etc. Marami ka pang magagawa para kay Inay kahit sa ngayong araw lang na ito...pero di ba mas maganda kung di ka ningas kugon at araw araw mong gantihan ang pagmamahal na ibinibigay ng iyong mama bear?

Oh ano pang hinihintay mo? Tigilan na ang pag-i-internet at puntahan na si Nanay! Sabihin mo sa kanya na: "Nanay, ikaw ang pinaka-malufet na Ina sa buong lupalop ng mundong ibabaw. Mahal na mahal kita kahit na magkamukha tayo. Mahal na mahal kita dahil sa TLC na binibigay mo sa akin araw araw." Bigyan mo si nanay ng isang mahigpit na yakap at isang halik***. Kumpleto na ang Mother's Day ni Nanay.

***Bago gawin ang pagyakap at halik ay manalangin muna na sana ay di ka tamaan ng kidlat.

Happy Mother's Day Mylab!!! Happy Mother's Day Nanay!!! Happy Mother's Day Ate!!! Happy Mother's Day Hipag!!!

 

Sarap sa Pinas
4 Comments / Subscribe To Comments
Published: Nov.09.2007 @ 2:26 pm

Dear Kapuso,

Two weeks na ako dito sa Pilipinas at talaga namang enjoy na enjoy ako sa bawat saglit ko dito. Siyempre iba na ang nasa sariling bansa at sa comfort ng sariling bahay. Matagal ko rin na-miss ang malakas na hangin dito sa bukirin sa Muzon. Ang tunog ng makinang pangsaka ng mga farmers dito. Ang mga ibon na palaging nakasunod sa nag-aararo na para bang ang mama ay ang kanilang amo. Siyempre na-miss ko rin ang magandang view ng malawak na bukirin mula sa veranda ng aking kwarto! Sarap tumambay dito sa umaga at magkape at sa hapon pag malakas ang simoy ng malamig na hangin.

Ibang-iba rin ang sarap ng pagkain dito sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa. Dito hindi nakaka-umay at palagi kang mapapa-hirit ng "isang subo pa nga" kahit na bundat ka na sa luto ni misis o ni inay. Kaya nga at heto sayang lang ang nabawas ko na timbang sa paggy-gym ko at mukhang nag-ge-gain na naman ako hehehehe. Babawiin ko na lang ulit sa pagbalik ko sa Indonesia. Wala akong magawa, nawawala ang disiplina ko sa diyeta kasi naman lintik sa sarap ang pagkain na palaging nakahain sa mesa.

Kaya lang siyempre kailangan ko na rin bumalik next week sa trabaho. Apat na buwan na naman ako mawawalay sa aking mahal na pamilya at sa aking mahal na bayan! Senti na naman. Sana lang mabilis ang pagtakbo ng mga oras na maho-homesick ako. Absent ako sa Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon! Shet malagket!

Sige regards sa mga Kapuso ko diyan...at kapamilya na rin.

Sa muling pagkikita natin sa mata,

LateBloomer

Filipino Nurses
4 Comments / Subscribe To Comments
Published: Oct.05.2007 @ 10:38 am

This is a copy of the electonic-mail I just sent for a student in the Philippines seeking help regarding a small speech about Filipino Nurses.



Miss Cherry,

Good morning.

Please find what I prepared for you. I hope this one helps you. Pardon me if you find any grammatical and spelling errors.
Good luck in your studies! Study hard. Aim High.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Whenever I see nurses, I can't help but admire them. Imagine a profession which let them treat and care those who are in need of medical attention. Hands on services provided without complains even to strangers. They who have always been there to aid for their patients when needed. Always there not only to supply the medicines but more importantly the much needed morale boost just by their mere presence letting the patient know he's in good and able hands. Some nurses even have great humor to put a smile on the patient's face easing out the depression and stress brought about by an illness.

Just recently our Filipino nurses were, both directly and indirectly, affected by the scandal brought about by the "exam leakage" in the Nursing Licensure Examination. This unfortunate event seemed to put a black stain in the clean, pure white nurse uniform. Questions of whether the same leakage happened before and will it continue in the future were asked. Sadly, the scam reached world wide popularity that it became a subject of ridicule and mocks. Well, my faith in this noble profession was not even shaken. I still believe that our nurses are second to none when it comes to their line of work. Very dedicated that they give more than one hundred percent of their capabilities irregardless of the below industry standard salary they earn. They continue to strive and tend to their patients with utmost concern even in the midst of controversy. Yes! Even when their clean, pure-white uniforms were stained. Many of us talk about volunteer Doctors, teachers and social workers but no one seems to notice how our nurses contribute to our fellow countrymen. There are more volunteer nurses than teachers, doctors and social workers combined. These less heralded nurses are everywhere. Nurses are in town and barangay health centers, in cities roaming around those shanties, in remote villages, in those disaster-stricken places, even with our military in Mindanao. They are everywhere! They are there to provide basic health services to everybody and even donate their time and skills for free to our less unfortunate countrymen. Even the world is coming to get the aid of our nurses.


Our Filipino Nurses are not just health workers. Our Filipino Nurses are heroes and no one will ever dispute that! They have the skills, the knowledge, the wit and humor, the compassion and the will to serve those who are in need. Their services can be availed first hand by Filipinos and we are very lucky to have the best in the world!


+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Regards,

Romeo
 

Throat is croaking...ehem
12 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.19.2007 @ 7:41 am

Mama ko...

Oh gawd! My galibaw! First thang I did when I got to d' office was to blow mucus off from my clogged nose. Tsk, it's difficult to breathe when the nose is congested. Sabayan pa ng ubo ubo ubo ubo... at sore throat. Hayan ang epekto ng stress at sobrang lamig na tubig. How I wish magkasama tayo ngayon para ma feel ko na naman na binubunso mo ako. Sarap pa naman kasi paulan ulan ang panahon. Sarap ng ...alam mo na.... matulog. At kumain ng champorado while watching DVD.

Naku pasensya ka na at agang aga negative agad ang news ko sa yo at yung tipong lalong nakakapagpa-miss. Alam mo naman ikaw ay miss na miss ko lang. Mamaya start na ng sportsfest nina Ian... pati pala kayo ay lalaro din. Galingan nyo dalawa. Mag ingat din syempre. Magba-volleyball ka rin ba? Tagal mo na walang practice nyan! I'm sure hindi pa naman nawawala ang skills mo.

Wag ka masyado magpapagod ha. Nga pala sa room ka na ni Ian matulog kasi amoy pintura ang room natin. Baka masinghot mo pa yung pintura at magaya ka sa akin. Yun nga lang iba kulay ng sipon mo (gross ba?)... sa akin kulay off white lang... baka sa yo maging kulay talaba hehehe. Nagbibiro lang po. Sige ingat always. Misyu...Labyu...


Papa mo.
 

Dear Anak
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.08.2007 @ 9:32 am | Last edited: Aug.07.2007 @ 7:56 pm

Dear Ian,

Kumusta ka na? Nae-enjoy mo ba ang eskwela? Sabi ni Mama naka-97 ka daw sa lahat ng subjects except sa Reading. Natutuwa ako at pinagpapatuloy mo ang tradisyon ng pamilya natin sa pag-excel sa eskwela (naks!). Pagsikapan mo pa maigi sa subject mo na Reading. Ang grado na 89 ay hindi na masama pero meron pa room for improvement okay. Dun sa ibang subjects mo continue lang and strive for more.

Huwag ka mag-alala hindi ko pa nakakalimutan ang pangako ko sa yo na eroplanong di-remote control. Pag uwi ko sa October yun ang una nating bibilihin. Sa field trip nyo nga pala eh sasama ako. Sinabi ko na kay Mama. Birthday ko yang araw ng field trip nyo so dapat magkakasama tayong tatlo.

Ang mga classmates mo ba friends mo na rin? Nice ba sila? Sabi ni Mama kasi inglesero ka na daw kaya hinahaluan ko na ng ingles ang letter ko sa yo. Tama yan anak. Bata pa lang ay simulan mo ng sanayin ang dila mo sa pag-iingles. Huwag mo nga lang kakalimutan ang sarili nating wika.

Naboboring ka na ba sa mga computer games diyan sa PC mo? Pag uwi ko installan natin yan ng mga bagong laro. Hinay hinay lang sa pagcocomputer ha at nang hindi mapagod masyado ang mga mata. Si Papa heto at malabo na ang mata kakatitig sa monitor. Pag ingatan mo ang mga mata mo.

Nga pala sabi rin ni Mama na may dance number daw kayo bukas kasi Foundation ng ICS... Sayang at wala ako diyan para mapanood ka habang sumasayaw. Daig mo ako kasi mahiyain ako at parehong kaliwa ang paa. May partner ka ba? Sigurado ako kung may partner ka ang pinili mo yung pinaka-cute na classmate mo na babae hehehe.

Pinag-uusapan din namin ni Mama ang magiging theme ng room mo kasi papipinturahan natin yan. Ang suggestion ko ay Spiderman! Di ba si Spiderman ang paborito mong superhero? Sabihin mo rin kay Mama kung okay sa yo yang suggestion ko. Siyempre room mo yan ikaw pa rin ang masusunod sa gusto mo.

Oh sige hindi na kita aabalahin pa masyado. Ikumusta mo ako kay Mr. Bean ha at dun sa host ng Art Attack hehehe. Sabihin mo kay Daddy bawasan na ang pagyoyosi. Kiss mo ko kay Nanay at Daddy. Reserve mo yung sweetest kiss para kay Mama ha.

Tropa kayo ni Justin at ni Ate Bianca. Iwasan ang awayan.

See you in October anak. I love you!


Nagmamahal,

Papa

 

Happy Birthday Kuya Noel!!!
6 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.17.2007 @ 1:56 pm

Dear Kuya,

17th of June. Birthday mo na naman. Sayang hindi ako makakatikim ng handa mong tinola at pininyahang manok! Ilang taon ka na ba? 35 years young. Isang responsableng kapamilya at kapuso. Walang sawa at walang pagod na nagmamahal sa buong pamilya natin. Sana ay patuloy kang ganyan. Maging healthy always. Swertehin ka na sana either sa pag-hahanap ng bagong trabaho abroad or sa pag nenegosyo!

Saka na lang ang nakabalot kong regalo para sa yo. More birthdays to come kuya! Mahal ka namin.

-Bunso

 

Father's Day
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.15.2007 @ 1:22 pm | Last edited: Jun.15.2007 @ 12:20 am



 

Malapit na naman ang 3rd Sunday of June and that means malapit na ang Father's day!!!

This will be the fifth Year that I will not just get to greet my Tatay a happy Father's day but also be greeted back. Looking back 10 year ago, I was still in my 3rd year high school trying to know myself and picturing out where I would be when I reach the age of 25.

What I will be doing at that age?
Ans b4: Running my own business.
Ans now:
Battling homesickness and killing time in a remote Indonesian province.

Will I have a job?
Ans b4: Yes.
Ans now:Yes.

Will I even finish a college degree?
Ans b4: Yes.
Ans now:No. Though was able to graduate on a two-year IT course.

Will I still be single?
Ans b4: No.
Ans now:No.

Will I be able to drive my own car?
Ans b4: Yes.
Ans now:No.

Will I have my own house?
Ans b4: Yes.
Ans now:Yes, but not yet fully complete.

Will I have a son?
Ans b4: Yes.
Ans now:Yes.

Lots of other questions. Now that I am here in the future of my past 10 years ago, it's good to know that even if my answers to those questions are not what I would have wanted back in that day, I still am very much happy by how things got into place. I would have never thought that I'll be a Father to a very smart and cute son (naks!) this time of my life. I guess this is how my life's been designed, sabi nga nila guhit ng betlog and no regrets from the past. Ngayon iba na ang outlook ko, yun bang "pang-matanda", as what I once called it, na tingin sa pamumuhay. Everyday thinkin about how to be a good parent, husband, friend and teacher primarily to my family. Drawing our future with security as the first focus. Siguro nga ganito pag Tatay/Dad/Papa ka na. Ibang - iba talaga ang responsibility. Ibang - iba rin naman ang tuwang dala ng pagiging happy Father sa Father's Day.

Happy Father's Day to my Tatay, Kuya at Bayaw! 

Happy Father's Day na rin sa lahat ng mga Tatay arawnd da Pilipins.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Question: When is Mother's day?
Answer: 9 months after Father's night :)

 


Current Page 1
1 2 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org