Bakit maraming tumatakbo sa eleksyon?
Simple lang. Para maging parte sila ng pinakamalaking samahan ng kolektor sa bansa. Ang GOBYERNO. When a businessman profits from doing business, the government shares with him. But when this businessman incurs losses he finds himself alone footing the bill! Di ba ang sarap naman ng ganun? Kokolekta ka lang. Sigurado ang kita. Walang pagkalugi. If you think you need more then just collect more. Para maprotektahan ang pangongolekta mo ay gagawa ka lang ng mga kautusan at batas. Panalo! Nalilito tuloy ako kung ano ang mas magandang kabuhayan: Leader ng isang religious order na nangongolekta rin ng donasyon ngunit hindi nagbabayad ng buwis o Kabo ng Gobyerno na animo'y siya ang hari ng kalawakan na nakaupo sa ibabaw ng black hole habang patuloy na humihigop ng salapi sa lahat ng nasa ilalim niya.
|